KABANATA 7: THE VOTE
<JULY POV>
Nakasakay kami sa isang van, papunta kami sa venue para sa photoshoot namin.
Being with her is so annoying for me, lalo na't feeling close siya kay Yesha at June. Kung ako lang talaga ang masusunod ay papalayasin ko talaga ang babaeng iyan sa condo, nakaka badtrip kasi itong kapatid ko.
FLASHBACK
Kasalukuyan kaming nasa sala.
"Mas magiging fair kung pagbobotohan natin ang pagtira dito ni Eya" sabi ni Yesha kaya nagkatinginan kaming apat.
Kasalukuyang nasa kwarto naman yung babae kasi pinaki-usapan ito ni Yesha na doon muna.
"Itaas ang kamay kung sino ang hindi pumapayag na tumira dito yung babaeng iyon?" tanong ko at saka ako nagtaas ng kamay, agad din namang nagtaas si Nigel ng kanyang kamay.
Nakita ko rin ang pagtaas ni Macoy ng kamay pero agad din nitong binaba, nilingon ko si Yesha pero nginitian niya lang ako.
"Itaas ang kamay kung sino ang gustong tumira dito si Eya?" tanong naman
ni Yesha, agad siyang nagtaas habang si Macoy naman ay parang napilitan pero itinaas pa rin nito ang kamay.
Ang laki talaga ng takot nito kay Yesha, Bakit kaya?..
Napalingon kami kay June, wala kasi itong sinang-ayunan.
"Ikaw ba June? Anong tingin mo?" tanong ko, humawak naman ito sa baba niya na parang nag-iisip.
"Kung iisipin ko kasi yung mga nangyayari, iniligtas ako ni Eya doon sa lalaking lasing na hahampas sana sa akin" panimula nito.
"Tama! Kung hindi dahil kay Eya ay nasa ospital sana si June" singit ni Yesha, kaya napasandal na lang ako.
"Pero iniligtas ko lang din siya nung araw na iyon" dugtong pa ni June kaya nabuhayan ako.
"Kaya nga! Hindi mo kasalanan kung nasaktan siya" muli akong napa-ayos ng upo, nilingon ko naman si Yesha na ngayon ay nakasimangot na kaya napangiti
ako.
"Kaya--" nakaabang kami sa isasagot ni June.
2 vs. 2 ang laban, kaya kung anong sagot ni June ay siyang magwawagi.
"Pumapayag akong tumira siya dito" sagot nito, kaya napanganga ako.
"Yes!" tuwang-tuwa si Yesha, agad itong tumakbo sa kwarto niya kung nasaan
yung babae.
Napatingin ako kay Macoy at Nigel, nagkibit-balikat lang ang mga ito.
"Bakit pumayag ka?" muli kong tanong sa kapatid ko, tumayo na ito kaya tumayo na din ako.
Lumapit siya sa akin at saka umakbay.
"Baka nakakalimutan mong iniligtas ka niya." hindi na ako nakasagot, dahil alam kong wala na akong laban.
END OF FLASHBACK
Ipinikit ko muna ang mata ko, medyo mahaba pa naman ang biyahe namin papunta sa venue.
"July. Uy! July." dinig kong tawag sa akin kaya dahan-dahan kong idinilat ang aking
mata, isang pares ng magandang mata ang aking nakita kaya agad akong napangiti,
pero bigla rin akong natauhan ng makita ang kabuuan ng mukha niya.
"Ano ba?" tanong ko dito habang nakatakip ang kamay ko sa mukha ko.
"Tawag ka na nila, dumating na raw yung pho-photo-basta! dumating na raw" sabi nito.
"Photographer, iyon lang ay hindi mo pa masabi" inis kong sabi sa kanya, agad na rin akong bumaba ng van at nagtungo kung nasaan ang banda.
Alam kong nakasunod ito sa akin, kaya mas binilisan ko ang lakad, muli ko itong
nilingon pero wala na ito sa likod ko.
"Nasaan na iyon?" bulong ko, habang palinga-linga sa lugar na pinanggalingan ko.
"Ako ba ang hinahanap mo?" nagulat ako ng magsalita siya kaya napaharap ako bigla, dahil sa lapit niya ay napaatras ako at nawalan ng balanse.
Mabuti na lang ay nahawakan niya ako sa baywang, kaya muli niya akong naitayo
pero nanlaki ang mata namin pareho dahil sa pagkakalapat ng aming mga labi.
Hindi ko sinasadya, pero naitulak ko siya ng malakas kaya napa upo siya sa lupa.
"Ano bang problema mo?" nagulat ako ng bigla akong itulak ni Yesha, lumapit ito
kay Eya at tinulungang makatayo.
"Kung ayaw mo kay Eya ay sabihin mo, hindi yung kailangan mo pa siyang saktan" galit na sabi nito.
"Pero Yesh-" pigil nito kay Yesha pero hindi siya pinansin.
"Anong nangyayari dito?" tanong ni June, dumating na rin yung iba.
"Pagsabihan mo iyang kapatid mo, nakita kong itinulak niya si Eya" sabi ni Yesha.
"Hindi ko naman sinasadya, kahit tanungin mo pa ang babaeng iyan" depensa ko. Tumingin sila lahat kay Eya.
"H-hindi naman sinasadya ni July, m-may nangyari lang kasi, kaya nabigla siya at naitulak ako" nahihiya nitong sabi.
"Pero hindi pa rin tamang itulak ka niya, babae ka at dapat ay nirerespeto." sinamaan pa ako ng tingin ni Yesha.
"Pwede na ba tayong magsimula?" napatingin kaming lahat sa lalaking may dalang camera, marahil siya ang photographer.
"Sige po" sagot ni June, naglakad na ito pabalik sa venue kaya sumunod naman kami.
Galit na galit pa rin ang mukha ni Yesha habang nakatingin sa akin, sanay na ako
sa ugali nito pero, parang mas lumala pa mula nung nakasama niya ang babaeng iyon na nagmula sa kung saan.
FAST FORWARD..
Maaga kaming natapos sa photoshoot kaya naisipan ng banda na mag-ikot, marami kasing magagandang tourist spot sa lugar na ito.
Nagsuot muna kami ng mask at cap para hindi pagkaguluhan, pero yung Eya ay hindi na nagsuot. Sino ba siya? Baka kahit magwala pa iyan ay walang pumansin.
Naglakad kami sa parang parke, nakakita kami ng isang stall kung saan pwede ka mag arkila ng bike.
Lumapit kami doon at nagtanong, sumakto naman sa lima ang available kaya yung Eya ang walang magagamit.
Buti nga!.. sa isip ko, at lihim pa akong napangiti.
"Ayos lang, hindi rin kasi ako marunong gumamit ng bagay na iyan" sabi nito, napakunot naman kami ng noo.
"Wala ba nito sa planeta ninyo?" biro ko, sabay tawa kaya natawa din si Nigel at Macoy.
"Wala nga, hindi kasi namin kailangan iyan" nagulat ako sa sagot niya, may pagdila pa ito sa akin.
"Kainis" bulong ko.
Pinaandar ko na ang bike ko, hinayaan ko na lang sila kung anong plano nila kay Eya.
Masarap mag ikot sa park na iyon dahil wala masyadong tao, dahil siguro weekdays at may pasok ang lahat.
Presko ang hangin at walang bahid ng polusyon dahil na rin sa dami ng puno sa paligid.
Nasobrahan ako sa pagkaaliw kaya hindi ko namalayan na nalaglag na pala ang cap ko, huminto ako sa isang malaking puno at doon nahiga, tinanggal ko muna ang mask ko at lumanghap ng sariwang hangin.
"Oh my gosh! Si June iyon di ba? Yung myembro ng bandang bluemoon" dinig kong usapan kaya nataranta ako, nagmadali akong sumakay sa bike at mabilis itong pinaandar.
Tumitingin ako sa likod ko upang tignan kung may nakasunod sa akin, nakahinga ako ng maluwag dahil wala naman pero sa pagharap ko ay babangga ako sa isang malaking puno.
"JUNE!" dinig kong sigaw nila.
Ipinikit ko na lang ang aking mata, hindi ko na din maigalaw ang katawan ko. Ngunit sa tagal kong nakapikit ay wala akong naramdamang sakit.
"Idilat mo na ang iyong mata" sabi ng isang pamilyar na boses, kaya agad akong dumilat.
"Paanong!?" gulat kong tanong, napansin ko ring nakayakap siya sa akin kaya napaatras ako.
"Sandali la--"
Pinilit niya akong hawakan pero huli na.
To be continue...
Thanks for the support😘
Don't forget to vote and feel free to comment. -Librakhen27
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top