KABANATA 5: ENCOUNTER
<MACOY POV>
"She's my Girlfriend" nagulat ako sa sinabi ni Yesha.
"Kailan ka pa naging tomboy?" tanong ko.
"HAHAHAHAHA!!" tumawa lang ito.
Nilingon ko ulit yung babaeng may hawak sa akin.
"Bitawan mo na ako, nasasaktan ako" bulong ko, pinagtitinginan na kasi kami.
Hindi niya ako pinansin, tinignan ko naman si Yesha, hindi pa rin ito tumitigil sa pagtawa.
"Ehm!" sabi ko.
Nilingon naman ako ni Yesha, pinandilatan ko ito ng mata kaya tumigil na siya sa pagtawa.
"Bitawan mo na, Eya. Kilala ko siya" sabi nito kaya binitawan na ako nung babae.
"Sino ba yan?" tanong ko kay Yesha ng tumabi sa kanya yung babae.
"Eya meet Macoy, kabandmate ko, Macoy meet Eya, girlfriend ko"
"Girlfriend?" tanong ko ulit
"Babaeng kaibigan! Hindi mo gets?! Tsk" sabi ni Yesha.
"Akala ko--aray!" sinipa niya ako.
"Pasensya na. Akala ko kasi--" hindi nito natapos ang sasabihin.
"Akala niya kidnaper ka, tignan mo kasi yung itsura mo. Nakaheadcap ka na, nakahood ka pa, tapos nakafacemask na mata lang ang kita. All black pa, nagluluksa ka ba?" pagsingit ni Yesha.
"Mas komportable akong ganito, ayokong may makakita sa akin. Pagkaguluhan pa ako" bulong ko lang, habang nagmamasid sa paligid.
"Si Yesha at Macoy iyan, hindi ba?" dinig nilang sabi nung babae.
Kasasabi ko lang..sabi ko sa isip lang.
"Oo nga noh! Sila yung member ng Bluemoon" sabi naman nung isa.
Agad silang lumapit sa amin.
"Pa-autograph naman" sabay nilang sabi.
Wala na kaming nagawa kundi pumirma, nang mapansin naming may mga paparating pa ay agad ko ng hinila si Yesha para tumakbo.
Kinuha ko yung cellphone ko at saka tinawagan yung driver namin.
"Hintayin mo na kami sa entrance" sabi ko at saka ko ito binaba.
Nakita na namin yung sasakyan kaya kinawayan ko ito, agad itong lumapit sa amin. Binuksan ko na ang pinto at sumakay, pero si Yesha ay nakatayo lang.
"Si Eya. Naiwan natin si Eya" sabi nito habang lumilinga sa paligid.
"Sakay na! Tawagan na lang natin" hinila ko na siya para sumakay kaya wala na siyang nagawa.
Umandar na yung kotse kaya nakahinga na ako ng maluwag.
"ARAY!" bigla akong hinampas ni Yesha sa braso.
"Nakakainis ka. Bakit mo ako hinila, naiwan tuloy natin si Eya" sabi nito.
"Tawagan mo na lang"
"Wala pa siyang cellphone, bibili pa lang sana kami kaya lang dumating ka tapos ganito pa nangyari" napalingon ako sa kanya.
"Paano na natin hahanapin yung kaibigan ko? Paano kung maligaw iyon? Hala! Malalagot ako kay June. Kainis ka kasi" dugtong nito at halatang nag-aalala siya.
"Ano namang kinalaman ni June?" tanong ko.
"Binilin niya sa akin si Eya, si Eya lang naman ang nagligtas kay June. Yun lang naman" mas lalo yata siyang nainis.
Bakit ba hindi kita matiis?..sabi ko sa isip lang.
"Kuya. Balik po tayo sa mall" sabi ko sa driver kaya nakita kong humarap sa akin si Yesha at ngumiti.
Tumingin lang ako sa labas ng kotse at saka lihim na napangiti.
~⚖️~
<JUNE POV>
Napasin kong may kaguluhan sa tapat ng department store kaya nag-iba ako ng daan, naglakad ako papunta sa exit ng mall na wala masyadong nadaan at saka dumiretso sa parking lot.
Malapit na ako sa kotse ko ng mapansin ko ang isang babae, palinga-linga ito na parang may hinahanap.
Pamilyar siya sa akin!..tanong ko sa isip lang.
Siya nga! Siya yung sumalo nung palo na para sa akin, pero bakit nandito siya? ..sabi ko sa isip pa rin.
Naglakad kaagad ako palapit sa kanya, nakita kong bigla itong pumikit at biglang---
"Nasaan tayo"
Gubat yata ito?!?.. sabi ko habang tinitignan ang paligid.
"A-anong? Bakit nandito ka?" tanong niya sa akin.
"Nasaan na tayo? Kanina nasa parking lot--teka lang" nagulat ako, dahil bigla niya akong sinuntok, pero nakailag ako.
"Teka lang naman!" sabi nito habang nakaharang ang mga kamay sa mukha.
"Sino ka? Bakit nandito ka?" tanong niya habang patuloy pa rin sa pagsuntok sa akin.
"Miss! Relax ka lang, mag-usap tayo. Hindi ako pumapatol sa babae, pero kung pipi--" natigilan ako dahil bigla siyang nawala sa harap ko.
Agad ko siyang hinanap pero hindi ko siya makita.
Parang nangyari na ito?
Nagulat ako ng may biglang sumakal sa akin mula sa likod, pinilipit din niya ang kaliwang kamay ko para hindi ako makagalaw.
"Sino ka? Paano ka nakarating dito?" kilala ko yung boses na iyon, siya iyon pero paanong?
"Sa-sandali! A-ako ito, hi-hindi mo ba ako na-nakikilala?" hirap na akong huminga kaya binaba ko na rin yung facemask ko.
"Ga-galezia?" tanong niya, bigla niya akong iniharap sa kanya at isinandal sa isang puno.
Tinanggal niya ang una at pangalawang butones ng polo ko.
"Te-teka! Hi-hindi pa ako ha-handa sa ganito" alam kong namumula na ang mukha ko.
"Ikaw nga!" sabi niya habang hawak ang suot kong kwintas.
"A-ako nga!? Anong ako nga?"
Tumingin siya sa akin, biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko.
Ang ganda ng mata niya.. sabi ko sa isip lang, pero bigla akong natauhan.
"Aray! Bakit mo ginawa iyon?" inuntog kasi niya yung ulo niya sa ulo ko.
"Wala lang. Paano ka nga pala nakapunta dito?"
"Hindi ko rin alam, nakita kasi kita doon sa parking kaya nilapitan kita tapos, ito na. Nandito na ako" paliwanag ko sa kanya, napakamot lang siya sa ulo.
"Paano mo nagawang makapunta dito mula sa parking? Sino ka ba at bakit mo tinatawag na galezia itong kwintas ko?" tanong ko sa kanya.
"Saka ko na ipapaliwanag sa iyo, kilala mo si Yesha. Hindi ba?" tumango lang ako.
"Napahiwalay kasi ako sa kanya kanina, hindi ko na alam kung paano bumalik sa tinutuluyan niya, baka nag-aalala na iyon"
Nag-isip muna ako.
"Naiwan ko kasi yung cellphone ko sa kotse, kung ayos lang sa iyo? Kailangan natin bumalik doon sa parking lot" sabi ko sa kanya, saglit siyang natahimik at saka huminga ng malalim.
"Gusto kong isipin mo kung saan yung lugar na sinasabi mo, kaya mo ba?"
"Yung parking lot?" tanong ko.
"Kung saan mo naiwan yung kotse mo"
"Sige! Tapos anong gagawin natin?" hinawakan niya ang kamay ko na kinagulat ko.
"Pumikit ka" sabi niya kaya ginawa ko naman.
"Isipin mo yung lugar na sinasabi mo" bulong niya pero dinig ko naman.
Inisip ko yung parking lot na pinanggalingan namin.
"Pwede ka ng dumilat" dinig kong sabi niya kaya ginawa ko.
"Wow! Paanong--" nasa parking lot na kami ulit.
"Kailangan mo nang tawagan si Yesha at sabihing ayos lang ako" seryosong sabi niya.
"Sige. Sumama ka na lang rin sa akin, doon din naman ang punta ko kay Yesha" naglakad na ako papunta sa kotse, nilingon ko at napangiti ako dahil sumunod naman siya sa akin.
MissA Info
>Nakilala na ni Alleya ang dalawa pang member ng bandang BLU3MOON. Si Macoy at June.
>Paano naman kaya makikilala ni Alleya si Nigel?
>Ano naman kayang mangyayari sa muling pagkikita ni Alleya at July.?
>Abangan sa susunod na kabanata😉
>Photo not mine😁
Thanks for the support.
Don't forget to vote and feel free to comment..
-Librakhen27
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top