KABANATA 4: GIRLFRIEND
Nagising si Alleya sa ingay ng paligid, dahan-dahan itong umupo upang alamin kung nasaan siya.
"Kamusta?" tinignan ni Alleya ang nagsalita, isa itong magandang babae.
"Nasaan ako? Sino ka?" tanong niya.
"Hi! I'm Yesha, nandito ka ngayon sa ospital"
"O-ospital?"
"Ospital, in english. Hospital" sagot ni Yesha, pero hindi pa rin maalis ang pagkakunot ng noo ni Alleya.
"Anong ginagawa ko dito? Yung lalaki! Nasaan yung lalaking may suot ng Galezia?" inilibot nito ang tingin.
Naisip ni Yesha na baka si June ang tinutukoy nito.
"Pinapasundo ka nga niya sa akin" sabi ni Yesha kaya bigla siyang nilingon ni Alleya. Mababakas sa mukha nito ang pag-aalangan.
"Don't worry. Hindi ako masamang tao" nakangiti nitong sabi kaya ngumiti na lang din si Alleya ng pilit.
Sumakay na sila ng kotse at bumaba sa tapat ng isang condominium.
"Wow!" bulong ni Alleya.
"Tara na?!" tanong ni Yesha, kaya tumango ito.
Pumasok na sila ng condominium at sumakay sa elevator. Nagulat si Alleya ng biglang sumara ang pinto.
"Nakulong tayo. Anong gagawin natin?" sabi nito kay Yesha.
"Hahahaha! No hurt-feelings, pero ngayon ka lang ba nakasakay ng elevator?" tanong ni Yesha na sinagot lang ng tango ni Alleya.
"Maghintay ka lang" sabi ni Yesha at saka hinawakan ang kamay ni Alleya.
Bumukas na ang pinto ng elevator, nakita nitong napanganga si Alleya. Hinila na niya ito palabas.
Pagkatapat sa isang pinto ay pinindot ni Yesha ang digital lock at automatic itong bumukas.
"Tuloy ka" sabi nito.
Sumunod naman si Alleya kay Yesha, namangha siya sa ganda ng lugar. Maganda din naman ang silid niya sa Sky Tierra pero iba ang ganda ng lugar na iyon.
Inilibot ni Alleya ang tingin sa buong paligid, napansin niyang halos kulay bughaw ang lahat ng gamit.
"Dito kami nakatira kasama ko yung mga ka bandmate ko, pero mag-isa lang ako ngayon, kasi may mga lakad yung kasama ko, bale lima kami dito" kwento ni Yesha habang naglalabas ng pagkain sa refrigerator.
"Marunong ka bang magluto?" tanong ni Yesha habang naghihiwa ng karne.
"Meron kaming tagasilbi" matipid na sagot ni Alleya.
Tagasilbi? Katulong? Mayaman. Pero hindi pa nakasakay ng elevator? Saan ba galing ang babaeng ito? Sa Mars?.. pagtataka ni Yesha pero hinayaan na lang niya.
Nanonood lang si Alleya habang nagluluto si Yesha at talaga namang namamangha siya.
Agad hinanda ni Yesha ang pagkain at sabay na silang kumain ni Alleya.
"Ano nga palang pangalan mo?"
"A--Eya! Tawagin mo na lang akong Eya" sagot nito, dahil sa sarap ng pagkain ay napadami ang kain nito.
"Ibang klase!?! Ang takaw mo pero sexy ka pa rin, anong secret mo?"
"Secret? Sikreto? Wa-wala akong sikreto, wala akong--uhm-uhm-uhm" nasamid si Eya.
"Relax ka lang, hindi naman kita pipilitin na sabihin sa akin kung ayaw mo." nakasimangot na sabi ni Yesha.
"Pasensya na, wala kasi talaga! Wala akong secret" sagot ni Eya, naalala niya ang bilin ng Ama, na dapat siyang mag-ingat. Wala dapat ibang makaalam na hindi siya mortal.
"Saan ka nga pala nakatira?" tanong ni Yesha.
"Wala pa! Naghahanap pa lang ako"
"Gusto mo dito ka na lang? Para naman may kasama na akong babae, nakakaboring kasi yung mga kasama ko, palibhasa ay puro lalaki. Walang ibang alam gawin kundi ang mang-asar"
"Nakakahiya naman" sabi ni Alleya
"Hindi! Ayos lang, pero sasabihin ko muna sa mga boys. After pala natin kumain, akyat tayo sa room ko para makapagpalit ka na rin" nakangiting sabi ni Yesha.
Napatingin naman si Alleya sa suot niyang damit, marumi na ito. Iisang pares lang kasi ang damit na pang mortal ang meron siya, kailangan pa niyang bumili.
Pagpasok nila sa kwarto ni Yesha ay mas namangha si Alleya, napakalinis at ganda nito. Napansin ni Alleya ang malaking drumset na nasa isang sulok, nilapitan niya ito at paikot na tinignan.
"That's my last gift from my Dad before he passed away. Kaya that's my only treasure"
Napalingon naman si Alleya, kita niya ang lungkot sa mukha ng kasama.
Nilapitan niya ito at saka tinapik ang balikat.
Sa Archiades kasi ang pagtapik sa balikat ay tanda ng pagdamay.
"Ayos na ako ngayon, salamat na din" nakangiting sabi ni Yesha.
Lumapit si Yesha sa walking closet niya at saka ito binuksan.
"Pumili ka na, kahit anong magustuhan mo ay sa'yo na. Pagpasensyahan mo na kasi wala akong seksing damit. Halos limang taon na kasing puro lalaki ang kasama ko, kaya pakiramdam ko ay lalaki na din ako" bigla itong tumawa ng malakas, kahit nagulat ay napangiti na lang si Alleya.
"Ayos lang. Ang gaganda nga ng mga kasuotan mo" sabi ni Alleya, agad na siyang kumuha ng t-shirt at short na hanggang tuhod.
KINABUKASAN
"Eya! Gising, may pupuntahan tayo" masayang sabi ni Yesha.
Masyado kasi itong natuwa dahil may makakasama na siyang babaeng kaibigan.
Pipilitin ko talaga silang pumayag na dito na lang si Eya..sabi nito sa isip at saka ito ngumiti.
Natapos na silang magbihis, sumakay na sila sa kotse at nagpahatid sa isang mall, pero bago pa sila bumaba ng kotse ay sinuotan ni Yesha ng headcap si Alleya.
"Para saan ito?" tanong nito
"Ano ka ba naman!? Nakalimutan mo na ba na sikat kami, kapag may nakakilala sa akin ay pagkakaguluhan tayo"
Hindi maintindihan ni Alleya ang tinutukoy ni Yesha pero hindi na siya tumutol.
Pumasok na sila sa Mall, napakalaki nito kaya hindi matago ni Alleya ang pagkamangha.
Naalala niya ang Sky Tierra, mas malaki ito pero halos kasing ganda lang. Marami rin kasing makikinang na bagay sa loob ng mall na katulad din sa Sky Tierra.
Pumasok si Yesha sa isang stall na tindahan ng damit, nagtingin-tingin ito at saka kukunin kapag nagustuhan. Nakasunod lang sa kanya si Alleya.
Habang naglalakad ay napansin ni Alleya na may sumusunod sa kanila, hindi siya nagpahalata pero pinapakiramdaman niya ito.
Nagkunwari si Alleya na may tinitignan sa isang lamesa ng alahas, patuloy naman sa paglalakad si Yesha ng may biglang humawak sa kamay nito.
"Oh my gosh!" sabi ni Yesha dahil sa gulat.
Bigla namang lumapit si Alleya at hinawakan ang braso ng lalaki, pinihit niya ang kamay nito papunta sa likod.
"Aray! Sino ka ba?" tanong ng lalaki habang pinipilit makawala.
"She's my Girl Friend" sagot ni Yesha.
Napatingin lang si Alleya at yung lalaki sa kanya.
Thanks for the support☺️
Don't forget to vote and feel free to comment...
-Librakhen27
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top