KABANATA 3: TO PROTECT ARCHIADES
Nagpatawag ng pulong ang hari sa lahat ng pinuno ng Tierra.
"Pasensya na kung biglaan ang pulong na ito, alam kong abala kayo sa inyong nasasakupan na Tierra. Hindi ko nais na mag-alala kayo sa akin, pero kailangan natin paghandaan ang hindi inaasahan" paliwanag ng hari.
"Hindi lingid sa ating kaalaman ang nangyari 20 taon na ang nakalipas, hindi ko sinasabing muli itong mauulit pero kailangan nating maghanda" dugtong pa ng hari, isinenyas nito ang kamay sa manggagamot.
Yumuko muna ito sa hari at sa mga pinuno.
"Hindi na maganda ang lagay ng kalusugan ng hari, sa ngayon ay nadadaan pa namin ito sa halamang gamot na may Chi mula sa Aqua Tierra. Hindi ko ito nais sabihin pero dahil na rin sa pahintulot na ibinigay sa akin, baka hindi na siya tumagal hanggang ika-apat na pagbilog ng buwan" paliwanag nito.
"Maari ka ng lumabas" sabi ng hari, muling yumuko ang manggagamot bago tuluyang lumabas ng silid pulungan.
"Ano ang nais ninyong gawin namin, kamahalan?" tanong ni Lexar
"Gusto kong ihanda na ninyo si Imari" sagot nito
"Pero hindi maari! Alam natin kung ano ang pinagmulan ng batang iyon" pagtutol ni Rexon
"Hindi ko gusto ang lumabas sa iyong bibig, Rexon. Baka nakakalimutan mo na ako ang nagpalaki sa batang tinutukoy mo" may inis na sabi ni Weizy.
"Alam ko naman iyon, wala akong intensyon na maliitin ang pagpapalaki mo kay Imari, pero paano na lang kung biglang bumalik ang kanyang ama?. Hindi naman natin pwedeng bawiin ang trono ng basta-basta." paliwanag ni Rexon
Natahimik ang lahat.
"May isa pang solusyon" napatingin ang lahat kay Lexar.
"Ang inyong anak, mahal na hari" dugtong nito.
"Matagal na panahon na ang lumipas, hindi rin natin alam kung nasaan na sila. Kung nasaan na ang mahal kong si Athena at ang aming anak" malungkot na saad ng hari.
"Huwag po kayong mag-alala, lihim akong magpapadala ng kawal sa mundo ng mortal para hanapin ang inyong mag-ina" sabi ni Rexon.
"Pwede rin namang tayo ang pumunta" sabi ni Xygen, tinignan siya ng ibang pinuno.
"Kung pwede lang naman" bulong nito, napatingin siya kay Weizy pero umiling lang ito.
"Kung iyan ang inyong nais" sagot lang ng hari, tumayo na ito at nagtungo sa kanyang silid.
Lumabas na rin ang lahat sa silid pulungan.
"Rexon" tawag ni Lexar sa kaibigan, huminto naman ito.
"Anong kailangan mo?" tanong ni Rexon.
"Nais ko sanang manghingi sa iyo ng karagdagang kawal na magbabantay sa palasyo, hindi maganda ang aking pakiramdam" paliwanag nito, naiintindihan naman ni Rexon ang tinutukoy ng kaibigan.
Matagal na panahon na din ang lumipas nung huli nilang makita si Regon, alam nilang naghihintay lang ito ng pagkakataon
upang bumalik sa Archiades kaya kailangan nilang mag-ingat.
Sinunod ni Rexon ang kaibigan, nagdagdag siya ng mga kawal sa paligid ng palasyo pati na rin sa mga karatig na mga lugar.
~⚖️~
Ilang araw ang lumipas, nakatanggap ng ulat si Rexon na may nahuling espiya ang kawal na nagbabantay sa Piera.
"Nasaan ang iyong tinutukoy?" tanong ni Rexon, tinuro ng kawal ang silid kung saan nila kinulong ang espiya.
Agad naman itong pinasok ni Rexon, isang babaeng may kakaibang kasuotan ang nakita niya. Nilapitan niya ito at tinignan.
Iniangat ni Rexon ang mukha ng espiya at nagulat siya ng makita ang mukha ng babae.
"Maari ka ng umalis" sabi ni Rexon sa kawal, yumuko muna ito at saka lumabas ng silid.
"Pinuno" umiiyak na sabi ni Alleya.
"Anong ginagawa mo sa Piera? Bakit ganyan ang iyong suot?" tanong ni Rexon
"Patawad, pinuno. Sana po ay hindi na ito makarating kay Ama" niyakap ni Alleya si Rexon.
"Pero huli na, Alleya.Nandito na ang iyong Ama" sabi ni Rexon at saka tumayo.
Dumating na rin kasi ang tatlong pinuno, isinara naman ni Xygen ang silid kung nasaan sila.
"Ama" umiiyak na sabi ni Alleya.
"Ang tigas talaga ng iyong ulo, Alleya.Ilang beses ko ng sinabi sa iyo, na huwag kang pupunta sa mundo ng mga mortal"
"Patawad po, Ama" sabi na lang nito.
"Hindi mo na ako inisip, paano kung malaman ito ng ibang Hiades? Ano bang gagawin ko sa iyo, bata ka?"
Patuloy pa rin sa pag-iyak si Alleya, alam niyang mali talaga ang ginawa niya. Nilapitan naman ito ni Weizy at Xygen.
"Nag-aalala lang ang iyong Ama" sabi ni Weizy.
"Tumahan ka na, magpapadala ako ng kasuotan mo upang makapagpalit ka na rin" sabi naman ni Xygen.
Nakita ni Alleya ang pag-alis ng kanyang Ama, alam niyang galit ito at naiintindihan niya iyon.
~⚖️~
Lumipas pa ang ilang araw, tuluyan ng lumala ang kalagayan ng hari kaya muling nagpulong ang mga pinuno.
"Kailangan na natin kumilos, hindi pwedeng maghintay lang tayo" sabi ni Rexon.
"Naisip kong tama ang mungkahi ni Xygen, isa dapat sa atin ang magtungo sa mundo ng mortal. Hindi na kaya ng Chi ng Aqua Tierra ang karamdaman ng hari" sabi ni Weizy.
"Sino? Sino ang pupunta doon? Paano natin mahahanap ang prinsipe ng hindi tayo nahahalata ng mga mortal? Pare-pareho tayong walang kaalaman sa mundong iyon" tanong ni Lexar.
"May kilala akong maaari nating ipadala sa mundo ng mga mortal" sabi ni Xygen kaya napatingin sa kanya ang ibang pinuno.
Matagal na nag-isip si Lexar, hindi niya nais na mapahamak ang anak, pero tama ang mga kaibigan nito.
Si Alleya lang ang pwedeng ipadala sa mundo ng mga mortal, dahil sa madalas nitong pagtakas at pagpunta sa mundong
iyon, ay naging pamilyar na ito sa lugar.
~⚖️~
Dumating na nga ang araw nang pag-alis ni Alleya, pinatawag siya ng mga pinuno sa silid pulungan.
"Nakahanda ka na ba? Wala akong anumang maibibigay sa iyo, dahil taglay mo na ang tapang at galing sa pakikipaglaban" sabi ni Rexon, yumuko lang ito bilang sagot.
Lumapit si Xygen.
"Isuot mo ang kwintas na ito, ito ay kapirasong parte ng Galezia.Ito ang magdadala sa iyo malapit sa bagay na hinahanap mo, ngunit walang kasiguraduhan na makikita mo kaagad ang prinsipe" isinuot ni Xygen ang kwintas kay Alleya at saka ito lumayo.
Si Weizy naman ang lumapit at iniabot kay Alleya ang boteng hawak.
"Naglalaman iyan ng Chi ng Aqua Tierra, sa tuwing masusugatan ka ay ipahid mo lang iyan at mabilis na maghihilom ang iyong sugat" yumuko ulit si Alleya bilang paggalang.
Pumasok na si Alleya sa Piera, muli niyang nilingon ang Ama ngunit nakatalikod na ito.
MissA Info
>GALEZIA: kwintas na ibinibigay sa anak ng hari na posibleng magmana ng trono.
>See photo for imaginary reference, photo not mine.
Thanks for the support, don't forget to vote and feel free to comment.
-Librakhen27
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top