KABANATA 2: PRESENT TIME

KINGDOM OF ARCHIADES


Kinakabahang umuwi si Alleya dahil hinahanap siya ng ama na si Lexar.

"Ama! Hinahanap mo daw ako" tanong ni Alleya, kumapit din ito sa braso ng ama.

"Saan ka galing? Huwag mong sabihing--"

"Hindi po ama, nagtungo po ako sa Warrior Tierra"

Tinignan ni Lexar ang anak, alam niya kasi pilya ito at matigas ang ulo.

"Totoo po iyon, pinuno" si Luca, kaibigan ni Alleya.

"Magkasama po kami sa Warrior Tierra" dugtong pa nito.

"Ganun ba. Sige, pwede na kayong umalis" sabi ni Lexar at nagtungo na ito sa kanyang silid.

Hinila ni Alleya si Luca sa hardin.

"Salamat sa tulong" sabi ni Alleya

"Ikaw pa ba. Magkaibigan tayo, hindi ba?" nakangiting sabi ni Luca

"Paano kung tanungin ni Ama ang iyong Ama, malalagot tayo" pag-aalala nito.

"Oo nga pala, bilisan natin. Magtungo na tayo kay Ama"

Hinawakan ni Alleya si Luca at saka nito ginamit ang kakayahan, naglaho ito at mabilis na nagtungo sa Warrior Tierra.

WARRIOR TIERRA

"Sige na po, pinuno. Pagtakpan n'yo na po ako" nagpapaawa na sabi ni Alleya.

"Sige na, Ama. Pumayag na po kayo, mapapagalitan din po ako ng pinunong Lexar dahil nagsinungaling ako"

"Nag-aalala lang ang iyong ama, Alleya. Pwede ka kasing mapahamak sa mundong iyon"

Huminga ng malalim si Alleya, tinapik naman ni Luca ang balikat nito.

"Huli na ito" napatingin ang dalawa kay Rexon.

"Sa susunod ay hindi ko na kayo pagtatakpan, huli na ito. Ikaw naman Luca, hindi kita tinuruang magsinungaling. Nalulungkot ako, anak"

"Patawad, ama. Hindi ko na po uulitin"

"Sige na. Bumalik ka na sa palasyo, Alleya, baka hinahanap ka ulit ng iyong ama"

Yumuko si Alleya bilang paggalang, ganun din si Luca at sabay na silang lumabas.

KINABUKASAN

Dahan-dahang lumabas si Alleya mula sa Piera, galing kasi siya sa mundo ng mortal.

"Kaya pala hindi kita makita sa palasyo" si Luca.

"Huwag kang maingay, baka may makarinig sa iyo" nagmasid ito sa paligid.

"Ano ba iyang kasuotan mo? Kapag may nakakita sa iyo, iisipin nilang espiya ka"

"Tinatawag nila itong T-shirt at pantalon, ganito ang karaniwang suot ng mga mortal" paliwanag ni Alleya.

"Magpalit ka na nga, baka may makakita pa sa iyo" tumalikod na si Luca para makapagbihis si Alleya.

"Ayos na--" hindi natapos ni Alleya ang sasabihin ng bigla siyang hilahin ni Luca at magtago sa isang malaking bato.

"Bakit?"

"Huwag kang maingay, may paparating" bulong ni Luca.

"MAHAL KO! Hintayin mo naman ako"

"Ang bagal mo naman kasi"

Dahan-dahang sinilip ni Alleya kung sino yung dumating, nagulat siya ng makita si Weizy, pinuno ng Aqua Tierra at Xygen, pinuno ng Stone Tierra.

"Anong ginagawa ng mga pinuno dito?" bulong ni Alleya.

"Huwag ka ngang maingay, kapag tayo nahuli ay malalagot tayo sa ating mga Ama" bulong ni Luca.

Mahigpit kasing pinagbabawal ang magtungo ang mga Hiades sa Piera.

"Ano ba kasing kailangan mo?" tanong ni Weizy.

"Wala naman, gusto lang kitang makita" sagot naman ni Xygen.

"Pwede ka naman pumunta sa Aqua Tierra, bakit kailangan mo pa akong papuntahin dito"

"Para gawin ito" niyakap ni Xygen si Weizy, napangiti naman ito.

Nagulat sila Alleya at Luca sa nakita, mahigpit na pinagbabawal kasi sa Kingdom of Archiades ang magkagustuhan ang mga pinuno o tagapangalaga ng elemento ng Tierra.

Umalis din agad sila Weizy at Xygen, kaya agad lumabas sila Alleya at Luca.

"Nakakakilig naman sila, ang sweet nilang mag jowa" sabi ni Alleya

"Ano? Mag jowa, ano iyon?" tanong ni Luca.

"Salita iyon sa mundo ng mga mortal, ibig sabihin ay magkasintahan" nakangiting sabi ni Alleya.

"Marami ka ng nalalaman sa mundong iyon, pero kapag natuklasan ito ng iyong Ama ay malalagot ka"

"Alam ko naman na hindi mo ako isusumbong" sabi ni Alleya at saka kumapit sa braso ni Luca, biglang bumilis ang tibok ng dibdib nito.

"Pag-iisipan ko" sagot ni Luca, agad niyang tinanggal ang kamay ni Alleya at mabilis na tumakbo.

"HINTAYIN MO AKO!" sigaw ni Alleya.

"PAUNAHAN SA SKY TIERRA, WALANG GAMITAN NG CHI!" sigaw ni Luca.

"SIGE! " nakangiting sagot ni Alleya, alam niyang hindi siya ipapahamak ng kaibigan.

KINABUKASAN

Masayang nagsasanay sa paggamit ng espada sila Alleya at Luca sa Central.

"Nakikipaglaro ka lang pala dito" nilingon ng dalawa yung nagsalita, si Imari.

"Gusto mo lang sumali, kunwari ka pa" pang-aasar ni Alleya

"Hindi ako nakikipaglaro sa paslit na tulad mo" sagot ni Imari.

"Sinong paslit? Ako? Baka gusto mong itarak ko sa iyo itong espada na hawak ko" pananakot ni Alleya, naiinis talaga siya kapag nakikita niya si Imari.

"Tumigil na kayong dalawa, pareho kayong paslit"

"LUCA!" sabay na sabi ni Alleya at Imari.

"Kamusta ang pagsasanay?" napatingin ang tatlo sa nagsalita, si Xygen kasunod naman nito si Weizy.

Nagkatinginan sila Alleya at Luca, naalala kasi nila yung nangyari sa Piera.

"Titignan n'yo na lang ba kami!?" tanong ni Weizy.

"Magandang araw mga pinuno" sabay na bati ng tatlo at saka yumuko.

Bigla namang yumakap si Alleya kay Xygen.
"Tiyo, kamusta na?" tanong ni Alleya, kapatid kasi ni Xygen ang ina nito.

"Malungkot, masyadong tahimik ang Stone Tierra dahil bihira ka na magpunta" nakasimangot na sagot ni Xygen.

"Pasensya na, Tiyo. Hayaan mo't magpapaalam ako kay Ama para manatili ng kahit isang linggo lang sa Stone Tierra" nakangiting sabi Alleya.

"Sasama din ako" sabi ni Luca

"Ako din, sasama din ako" sabi ni Imari

"Imari" saway ni Weizy

"Payagan n'yo na ako, Tiya" nilapitan nito si Weizy. Kapatid kasi ni Weizy ang ina nito

"May mga pagsasanay ka pa na dapat gawin" sabi ni Weizy.

"Bakit si Alleya? Mas magaling pa nga ako d'yan gumamit ng Chi" nakasimangot na sabi ni Imari.

"Imari! Hindi tama ang ganyang pag-uugali, mali ang ikumpara mo ang iyong sarili sa iba. May mga kanya-kanya kayong kakayahan"

"Patawad, Tiya"

"Pwede ka naman pumunta sa Stone Tierra kahit kailan mo naisin" sabi ni Xygen.

"Talaga po, pinuno!?" nakangiting tanong ni Imari.

"Oo namam, ikaw pa ba!?" tinignan ni Xygen si Weizy sabay kindat dito kaya napangiti ito.

"Si Tiyo, lumalove life" bulong lang ni Alleya pero napatingin sa kanya ang lahat.

"Sa-sabi ko, lu-lumalalim na ang gabi, kaya mauuna na po kami" palusot ni Alleya, hinila na nito si Luca.

"Mauuna na po kami, mga pinuno" sabi ni Luca at saka muling yumuko sa mga ito.

"Luca" tawag ni Imari.

"Kita na lang tayo sa Warrior Tierra" paalam ni Luca kay Imari.

"Kainis. Palagi na lang niyang inuuna ang Alleya na iyon" bulong ni Imari

"Bumalik ka na sa Warrior Tierra, Imari" sabi ni Weizy.

"Sige po, mauna na po ako" yumuko ito bilang paggalang at saka umalis.

"Mukhang kailangan kong paghandaan ang pagpunta ng mga batang iyon sa Stone Tierra" nakangiting sabi ni Xygen.

"Kailangan mo talagang maghanda, maghanda ng maraming pasensya" nakangiting sabi ni Weizy, napakamot na lang sa ulo sa Xygen.

MissA Info
>PIERA: Lagusan papunta sa mundo ng mortal

>CHI: Tawag sa kakayahan ng mga Hiades.

>CENTRAL: Lugar na pinagsasanayan ng mga Hiades kapag nakapasa na sila sa Warrior Tierra

>Alleya: anak ni Lexar, pinuno ng Sky Tierra at ng isang Hiades mula sa Stone Tierra kaya may kakayahan din itong maglaho.

>Luca: anak ni Rexon at isang Hiades na mula sa Warrior Tierra.

>Imari: Anak ni Regon. Ngunit hindi alam ng karamihan, tanging ang mga pinuno lang ang may alam.


~⚖️~

MORTAL WORLD

"BLU3MOON"

"BLU3MOON"

"BLU3MOON"

"BLU3MOON"

Isang banda ang lumitaw ng buksan ang ilaw sa stage. Sila ang bandang Bluemoon.


"KAMUSTA, BLU3RZ! " sigaw ni July.

"AAAAAHHHHHHH!!!" sigawan ng mga nanonood.

"Thank you sa pagpunta, don't worry dahil hindi kayo magsisisi" sabi ni July.

"I LOVE YOU, JULY" sigaw ng isang audience.

"I love you, all" sagot nito.

"AAAAHHHH!!" muling sigawan.

"Yesha" turo ni July sa drummer, ito rin ang nag-iisang babae ng banda. Hinampas nito ng ilang beses ang drum.

"I love you, pretty Yesha" sigaw ng ibang audience, nag flyingkiss naman ito.

"Macoy" turo naman nito sa base guitarist/second vocalist ng banda.


"Iuwi mo na ako, Macoy" sigaw ng isang audience.

"Oo ba!" sagot nito bago nagstrum ng gitara.

Natawa naman ang ibang miyembro.

"Nigel" turo naman nito sa pianist nila.

"Papa Nigel, pakiss" dinig nito kaya nagpakawala ito ng maraming flyingkiss.

Muli na namang naghiyawan ang mga audience.

"June" turo nito sa isa pang guitarist.

"Be mine, June" dinig nito kaya nagkunwari itong may kukunin sa bulsa at saka nilabas ang kamay na nakafingerheart.

"Tsk" bulong ni July.

"And I'm July, I'm all yours" nagbitaw din ito ng maraming flyingkiss kaya mas lumakas ang hiyawan sa stadium.

"This song is for all of you" dugtong niya.

Nagsimula ng tumugtog ang banda.

🎶When I see your smile
Tears run down my face
I can't replace
And now that I'm strong
I have figured out
How this world turns cold
And it breaks through my soul
and I know
I'll find deep inside me
I can be the one🎶

Nagtaas ng kamay ang mga audience at saka ito winagayway base sa tono ng kanta

🎶I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven
It's okay, It's okay, It's okay.. 🎶

🎶Seasons are changing
and waves are crashing and
Stars are falling all for us
Days grow longer and nights grow shorter
I can show you I'll be the one🎶

🎶I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven
'Cause you're my
You're my, my🎶


Nakisabay na din sa pagkanta ang mga audience.

🎶My true love
My whole heart
Please don't throw that away
'Cause I'm here for you
Please don't walk away and
Please tell me you'll stay, yeah
Whoa Stay, whoa, whoa🎶

🎶Use me as you will
Pull my strings just for a thrill
And I know I'll be okay
Though my skies are turning grey (grey)🎶

🎶I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven
I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you send me to heaven🎶


AFTER NG CONCERT

Nasa isang room ang buong banda.

"Nice drinks" sabi ni July, nakaupo ito sa isahang upuan sa sulok ng room.

"Pinaliwanag ko kasi sa organizer na mag ready ng ice tea dahil iyon ang gusto mong iniinom after mong kumanta" paliwanag ni Yesha.

"Thanks" sabay kindat dito.

"Kadiri ka" sabi nito at nagpatuloy na sa pagkain.

"Tigilan mo nga si Yesha, magagalit sa iyo si Macoy" sabi ni Nigel, tinusok pa nito ang tagiliran ni Yesha, magkatabi kasi sila sa sofa.

"Ewan ko sa'yo" sagot na lang ni Yesha, medyo umurong ito palayo kay Nigel.

"Uuwi ka ba bukas, July?" tanong ni June.
Napalingon silang lahat dito, nakasandal naman ito sa pader na malapit sa pinto.

"Susunod ako" sagot lang nito.

"Anong meron? Join kami" tanong ni Macoy na abala sa pag-aayos ng tono ng kanyang gitara.

"Death anniversary ni Mommy, pupunta kami sa memorial" sagot ni June.

"Sorry!" nahiyang sabi ni Macoy, ngumiti lang si June.

Biglang bumukas ang pinto kaya napalingon silang lahat.

"Congrats sa inyo, maganda ang naging resulta ng concert. Malaki na naman ang kinita natin" si Manager K, ang handler ng banda.

Nagkatinginan silang lahat at saka nagkibit-balikat. Sanay na sila dito, medyo mukha talaga itong pera pero maasahan naman nila sa ibang bagay.

"Alam kong pagod na kayo kaya binibigyan ko kayo ng ilang araw na pahinga. Tatawagan ko na lang kayo if may pagbabago sa schedule. Understand!?" sabi nito habang nakatingin sa ledger na hawak.

"Yes. Manager K" sagot nila kaya agad na itong lumabas ng room.

"Mabuti na lang at may pahinga tayo" sabi ni Macoy, tinaas nito ang dalawang kamay para umunat.

Tinapos na lang nila ang pagkain at saka sabay-sabay na silang umuwi.

KINABUKASAN

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni June kay July, sinalubong niya ito sa gate ng bahay nila.

"Nabangga ako, may magnanakaw kasing nakapasok sa kotse ko kaya nagulat ako " sagot nito.

"Ayos ka lang ba? Hindi ka ba niya sinaktan?" pag-aalala nito sa kapatid, tinignan pa nito ang katawan ni July.

"Hindi po, kuya June. Pasalamat siya dahil hindi ko na siya nakita, kundi, yung babaeng iyon ang masasaktan sa akin" inakbayan na nito si June at sabay na pumasok ng bahay.

"Sino palang kausap mo kanina?" tanong ni July kay June, nakita kasi nitong may kausap ito sa cellphone.

"Si Yesha, may pinakisuyo kasi ako"

"Ano naman?"

"May tinulungan kasi akong babae, tapos sinalag niya yung kahoy na ihahampas sana sa akin" paliwanag ni June.

"Ganun ba? Hayaan mo't pagbalik natin ay sasamahan kitang mag thank you" nakingiti nitong sabi.

"Sige po, kuya July" nagtawanan na lang yung dalawa.

To be continue..

MissA Info
>Your Guardian Angel by The Redjumpsuits Apparatus


Thanks for reading, i hope you like it.
Don't forget to vote and feel free to comment. -Librakhen27

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top