CHAPTER 9: Daddy and Baby Bonding💓
Dedicated to: xoAlyl_
Madie's POV
Pagka gising ko may nagtext sakin.
From: Beshie Pau
Madie paki sabi naman kay Ma'am di ako makakapasok. Linalagnat ako eh. Salamat.
To: Beshie Pau
Okay no problem. Pahinga ka para makapasok ka na bukas.
From: Beshie Pau
Sige. Sige, ingat sa pag pasok.
To: Beshie Pau
Sige salamat.
Yun tumayo na nga ko para maligo. Pagkatapos ko maligo nagbihis na ko at bumaba na. Pagkababa ko nakaluto na si Papa.
"Morning Pa." Bati ko sa papa ko.
"Oh anak! Nakagayak kana pala. Sige na kumain kana baka malate ka pa." Sabi sakin ni papa. Kaya kumuha na ko ng plato ko para magsandok na ng kakainin ko. Itlog almusal namin ngayon gustong gusto ko hinahalo sa kanin ko yung pula ng itlog, sarap kasi eh! Kayo ba na try nyo na yun? Ahm.. Yun napasarap ako ng kain hahaha! Pero di pa naman ako late nuh! Maaga pa. Kaya nag cr muna ko. Baka dun pa ko ma-- alam nyo na yun hahaha! Habang nasa cr ako kumatok si papa.
"Anak di kita maihahatid ngayon ah! Kasi lalakad na kami ng tito Rael mo." Sabi sakin ni papa.
"Oh sige po papa. Ingat ka po." Sabi ko.
"Sige anak alis na ko." Sabi sakin ni papa at narinig ko na syang umalis. Pagkatapos ko dun umalis na ko. Binigyan ako ng pamasahe ni papa pero di ako namasahe naglakad lang ako hehehe! Pang kain ko na lang yun nuh! Dagdag sa baon ko. Mabilis lang ako nakarating sa school. Pagkapasok na pagka pasok ko sa school sa gate pa lang nakita ko na ang tatlong tukmol edi sino pa ba edi sina DADDY BLAINE.
"Oh bakit kayo nanditong tatlo?" Tanong ko sa kanila.
"Iniintay kayong dumating." Sabi ni Blaine. Huh! Maniwala ko s kanya alam na alam naman kung sino talaga hinihintay nya nuh! Hahaha! Ako pa lokohin nya. WAG AKO!
"Wala si Pau. Di papasok may sakit daw sya." Sabi ko sa kanila.
"Ha? May sakit si Pau. Ano daw? Malala daw ba?" Sabi ni Blaine. Ang o.a nya ah! Daig pa boyfriend ni Pau hahaha!
"O.a mo okay lang sya di naman daw malala eh!" Sabi ko.
"Ahm... Sige, sabi mo eh! Tara punta na tayo sa classroom." Sabi ni Blaine. Sumunod na lang ako sa kanilang tatlo magkasabay kami maglakad ni Blaine. Edi pinagtitinginan na naman ako dahil kasama ko tong tatlo na to. Aba di ko naman kasi akalain na andun sila sa gate nuh! Inggit lang sila kasi di nila close si Blaine.
So yun nandito na kami sa first subject namin at katabi ko si Blaine.
"Oh bakit dito ka umupo wala naman si Pau." Bulong ko kay Blaine kasi baka marinig ako ni Ma'am.
"Wala lang masama bang tabihan ang BABY KO." Sabi sakin ni Blaine.
"Hindi naman DADDY KO." Sabi ko sa kanya.
At yun habang nagdidiscuss si Ma'am kinukulit ako nitong katabi ko.
"Wag ka magulo jan. Baka mahuli tayo ni Ma'am." Saway ko sa kanya.
"Ehh di yan." sabi ni Blaine. Pasaway talaga.
"Ayy bahala ka." sabi ko sa kanya. Di talaga tumigil tong mokong na to pasaway. Habang nagsusulat ako ng lecture..
"Bakit ka nakatingin sa notebook ko ayan yung black board oh! Anlaki laki!" Turo ko sa kanya ng blackboard.
"Ehh.. Gusto ko yung sulat mo mas naiintindihan ko." Sabi sakin ng seryoso ni Blaine. Seryoso sya?? Ehh! Ang pangit pangit ng sulat ko para talaga tong tanga eh!
"Ehh! Di mo maiintindihan sulat ko." Pagdadamot ko sa kanya.
"Hindi yan. Kaya ko namang intindihin eh!" Sabi nya. Hinayaan ko na lang kesa naman di ako makapag sulat sa kakulitan nitong lalaki na to. Kada lilipat ako ng upuan sumusunod sya sakin kaya inaasar tuloy kami ng mga classmate namin yung iba naman sinasabing inaagaw ko daw kay Pau si Blaine tsk.. di naman nila alam story eh mga chismosa ng taon kainis.
Pero syempre si Blaine nanjan para pagaanin loob ko di ba sweet ng DADDY BLAINE KO, so yun lagi nga kaming magkasama nito. Minsan pa nga hinihiram ko phone nya tapos nagpapasa pa ko ng kanta kasi pareho kami ng favorite band eh CURSE ONE. Love na love ko talaga yung mga song nila ang gaganda eh! So yun nagpapatugtog kami ng mga kanta ganon gamit yung phone nya ayoko malowbat yung akin eh hahaha! mamaya kasi tumawag sakin mommy ko. Ahm.. Hindi si Pau yun ah! Baka kasi akalain nyo si Pau ang mommy ko kasi Daddy ko si Blaine. Totoong mommy ko ang tinutukoy ko para lang po di kayo malito hahaha! Hindi ko po tinatawag na mommy si Pau. Pag magka-usap kaming dalawa ni Blaine tsaka ko pa lang tinatawag na mommy ko si Pau. Secret lang kasi namin yung dalawa eh! Kami lang nakakaalam nun! Lunch na namin.
"Tara na liit." Asar sakin ni Blaine.
"Epal mo." sabi ko sa kanya.
"Joke lang." sabi ni Blaine. At naglakad na kaming lima. Dun kami kakain sa karindirya lagi kasi kaming kumakain dun tsaka may libreng sabaw. Pagkarating namin doon, buti meron pang upuan lagi kasing tong punuan eh! Sa labas nga pala to ng school ah! Pero malayo sa school namin. So yun nag-order na kami ng kanin at ulam. Nabigay naman agad ni ate yung order namin tsaka yung libre naming sabaw. Susubo na sana kami ng magsalita si Angelo.
"Wait! Wag muna kayo kumain. Ate pabili po coke yung malaki po ah!" Sabi ni Angelo.
"Yun nanglibre." Sabay naming sabi ni Joan.
"Nahihiya ako sa inyo eh!" sabi ni Angelo. At nagtawanan kami, naghati hati kami dun ang sarap ng kain namin salamat kay Angelo.
So yun pagka tapos namin. Bumalik agad kami sa school. Lagi kong katabi si Blaine sa lahat ng subject. Parang butot ko sunod ng sunod hahaha! So yun natapos ang kay haba habang araw at uwian na din sa wakas. Walang pina assignment samin buti naman. Mag wawattpad lang ako pag-uwi ko. Babasahin ko pa yung The Nerd's Revenge nag plug pa eh nuh! Hahaha! Pero yan talaga yung binabasa ko ngayon. So palabas na ko ng gate kasama ko pa din sila Blaine.
"Hatid na kita BABY." Sabi ni Blaine pero binulong lang nya yung BABY nuh!
"Kaya kong umuwi baliw ka!" sabi ko sa kanya.
"Sure ka ingat ka ah!" Seryoso nyang sabi. Kahit pala may pagka abno to concern pa rin hahaha!
"Opo TATAY." Sabi ko sa kanya. Iniba ko baka kasi magkaron ng malisya sa kanila. Lam nyo naman isip ng tao di ba! Lakas ng imagination. Umuwi na ko kasi gutom na talaga ko. I'm starving you know, wow english burger burger hahaha! Umandar na naman pagka baliw ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top