CHAPTER 85: Happily With Him
Basty's POINT OF VIEW
Pinapatahan ko si Madie habang yakap ko siya.
"Ang daya mo Basty balak mo pang hindi magpaalam sakin. Buti na lang sinabi ni Blaine." Sabi niya.
"Baka kasi hindi na ko umalis kapag nakita kita." Sabi ko ng natatawa.
"Napaka mo!" Sabay hampas niya sakin.
"Huwag ka na umiyak prinsesa ko. Tatawag pa din naman ako sayo. Promise babalik ako kapag sinaktan ka ni Blaine." Sabi ko at pinunasan yung pisngi niya.
"Babalik ka ah!" Sabi niya.
"Opo promise." Sabi ko.
"Mamimiss kita." Sabi niya.
"Ako din." Sabi ko.
"May ibibigay nga pala ko sayo." Sabi ko at kinuha yung isang garapon ng stick-o at yung pinaka favorite kong panyo.
"Oh ayan bago ako umalis remembrance mo sakin." Sabi ko at ngumiti sa kaniya.
"Thank you." Sabi niya at ngumiti na sa akin.
"Oh sige aalis na kami." Sabi ko patalikod na sana ako ng hatakin ni Madie yung damit ko. Kaya napatingin ako sa kaniya.
"Picture muna tayong tatlo para remembrance." Sabi niya kaya nagpose kami.
"Blaine pwede picturan mo kaming dalawa ni Madie." Sabi ko. Kinuha naman agad niya ang phone ko tapos kinuhanan kami.
"Isa pa." Sabi ko at hinalikan ko sa pisngi si Madie. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Lalo na si Blaine.
"Oy ano yun? Hindi kasama yun ah!" Sabi niya.
"Hahaha! Huwag ka mag-alala last na yun, huwag mo lang sasaktan prinsesa ko." Sabi ko at sumakay na.
"Bye prinsesa ko mamimiss kita." Sabi ko.
"Bye Basty mamimiss din kita." Sabi niya kaya napangiti ako.
*****
Madie's POINT OF VIEW
Isang linggo na rin nung umalis si Basty. Nakakamiss pala yun hahaha! Wala ng tumatawag sakin ng prinsesa ko. Wala na kong kasabay tuwing umaga, kapag uwian kasi hinahatid ako ni Blaine. Sana okay lang siya doon.
"Oh si Basty na naman iniisip mo? Nagseselos na ko. Dapat ba ako na lang umalis?" Sabi sakin ni Blaine.
"Baliw hahaha! Syempre may pinagsamahan din kami nung tao kaya nakakamiss." Sabi ko na natatawa.
"Ang daya ni Basty di man lang nagpa alam samin." Sabi ni Brice.
"Baka tinext na kayo nun." Sabi ko.
"Hindi wala parang di kami kaibigan eh!" Pagtatampo naman ni Axel. Ang cute ng dalawa na to.
"Babalik daw siya sabi niya." Sambit ko.
"Tara laro na lang tayo." Aya sa kanila ni Blaine. Naglaro na nga sila dahil nagpa practice sila para sa finals.
"Oh tubig boss." Sabay abot ko kay Blaine ng bote ng tubig.
"Sana all may nag-aalaga." Sabay na sabi ni Brice at Axel.
"Hahaha!! Kayong dalawa talaga. Oh eto sa inyo." Sabi ko sabay abot ng dalawa pang bote.
"Swerte naman natin kay Madie, kaya siguro na-inlove sayo si Basty eh!" Sabi ni Brice.
"Oy akin na si Madie!" Angal naman ni Blaine. Hahaha!
"Oy Blaine liniligawan mo pa lang si Madie hindi pa kayo, kaya maaagaw ko pa siya sayo bleh!!" Asar naman ni Axel sa kanya.
"Aba talaga naman. Kapag nahuli kita patay ka sakin!" Tapos naghabulan sila. Hahaha! Ang cute nilang dalawa hahaha!
"Madie." Sabi sakin ni Brice.
"Hmmm?" Sabi ko.
"Sabihin mo lang sakin kapag sinaktan ka ni Blaine. Pinababantayan ka sakin ng Prinsipe mo. Ako ngayon ang knight mo." Sabi ni Brice at ngumiti.
"Oo." Tapos ngumiti ako sa kanya. Napaka suwerte ko dahil nagkaroon ako ng mga ganitong kaibigan na hinding hindi ako pababayaan.
*****
Oo nga pala boto na si mama at papa kay Blaine dahil kilala naman na nila ito at close na ni papa siya. Nagkabalikan na ang papa at mama ko sa wakas ng dahil kay Blaine.
Flashback...
"Tito tulungan ko kayong magka balikan ni tita."
"Naku mukhang malabong mangyari yun." Sabi ni papa.
"Walang imposible kapag ginusto."
End of flashback...
Sa sinabi ni Blaine nabuhayan ng loob ang papa ko and pinakasalan niya ulit si mama. Nakakakilig at the same time sobrang saya ko dahil nagkabalikan na ang mama at papa ko. Doon sa kasal ni papa at mama napagpasiyahan kong sagutin na si Blaine.
Flashback..
"Thank you sa lahat lahat boss ng dahil sayo nagkabalikan ang mama at papa ko, hindi mo alam kung gaano mo ko napasaya." Sabi ko.
"Walang anuman binibini gagawin ko ang lahat para sa ikaliligaya mo." Sabi niya at kiniss ang kamay ko.
"Yes Blaine." Sabi ko ng nakangiti alam kong naguluhan siya.
"Ha? Wala naman akong tinatanong bakit nag yes ka?" Sabi niya na habang kinakamot ang kaniyang ulo.
"Yes! Sinasagot na kita!" Sabi ko.
"Talaga? Wala ng bawian yan?" Tanong niya.
"Oo nga, ayaw mo ba?" Sabi ko.
"Gustong gusto. I Love You Binibini." Sabi niya sakin at yinakap ako. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako kila mama.
"Tita, tito.. finally sinagot na po ako ng anak ninyo. Pangako ko po sa inyo na hinding hindi ko pa siya paluluhain at sasaktan bagkus pasisiyahin ko po siyang lalo. Irerespeto ko po siya at mamahalin ng buong puso." Sabi niya napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Deserve mo naman kasi anak." Sabi ni mama sq kanya. Wow lang "ANAK".
"Hindi ka na bago samin kaya mama at papa na kang itawag mo sa amin." Nakangiting sabi ni papa. Napatulala na lang ako, ganoon ba sila katiwala kay Blaine.
"Opo papa." Sabi ni Blaine ng nakangiti.
Kinuha niya ang phone nya at nagpicture kami. Pagkatapos winallpaper niya. Tapos kinuha niya din ang akin at ganoon din ang ginawa niya.
"Pikit ka." Sabi niya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Basta." Sabi niya kaya ginawa ko na lang. Naramdamn ko na lang na may linagay siya sa leeg ko.
"Dilat ka na." Sabi niya at pagdilat ko nakasuot na sa akin ang kwintas na may heart na pendant na may padlock.
"Ako lang makakapag bukas niyan." At pinakita niya sa akin yung kaniya. Heart na pendant na may susi. Wow lang na surprise ako and at the same time kinilig ako.
"Thank you boss you never failed to surprise me." Sabi ko ng nakangiti.
"Ikaw pa malakas ka sakin eh." At niyakap ako.
"I love you Sierra."
"I love you too Kyle."
End of flashback..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top