CHAPTER 83: Movie Marathon

Madie's POINT OF VIEW

Nagising ako na hawak ni Basty yung kamay ko.  Pinagmasdan ko lang siya habang tulog. Ang guwapo niya pa din tangos ng ilong, ganda ng mata at ang lambot ng labi niya. Parang yung dati lang. Shit! Nag-iinit yung mukha ko.

"Gising kana pala prinsesa ko." wika nya.

"Oo." Tapos tinanggal ko yung kamay ko at umiwas ng tingin baka makita niya pang namumula ako.

"Mamaya pang 7:00 yung breakfast dito sa hospital eh! Gusto mo ba kumain ng tinapay?" Alok niya sakin.

"Sige, tsaka gatas na din." Sabi ko. Kinuha naman niya agad ako ng makakain.

"Thank you." Sabi ko sa kanya.

"Ubusin mo na yung Tawa Tawa mo ah!" Sabi niya.

"Opo." Sabi ko.

Tok.. Tok..

"Pagkain ng pasyente." Sabi ni Ate na isa sa mga staff dito.

"Paki lagay na lang po dito." Sabi ni Basty.

Pagkalabas ni Ate, inilapit sakin ni Basty yung pagkain ko.

"Kumain kana." Sabi nya sakin at binuksan yung takip.

"Eh ikaw? Kumain kana din." Sabi ko.

"Sige pagtapos mo na." Sabi nya kaya kumain na ko.

"Ngayon na lang ulit ako nakakain ng pandesal. Ang sarap Basty tikman mo." Sabi ko.

"Masarap? Ano palaman?" Tanong nya.

"Dairy Cream, ang sarap." Sabi ko at sinubo ko sa kanya.

"Ang sarap nga." Sabi niya.

Basty's POINT OF VIEW

Sana lagi na lang tayong ganito Madie.

"May dumi ka dito oh!" Sabi ko at tinuro yung labi niya.

"Saan?" Tanong nya. Habang hinahanap yung dumi.

"Ako na nga." Inilapit ko sa akin yung mukha niya para matanggal ko.

"Yan okay na." Sabi ko.

Biglang bumukas yung pinto kaya napalayo kami sa isa't isa, si Blaine lang pala. Panira talaga to, ayun na yun eh!

"Boss!" Masayang bati sa kanya ni Madie.

"Ang sarap naman ng agahan niyo." Sabi niya at sabay kagat doon sa tinapay ni Madie.

"Eto pa Boss oh!" Alok ni Madie sa kanya.

Madie's POINT OF VIEW

Ang sarap din ng gatas dito sa ospital. Ang tamis, ang sarap talaga ngayon ng agahan may itlog na nilaga, mayroon pang luncheon meat.Hmmm.. nabusog ako grabe, at alam ko na pati tong dalawa na busog din.

"Uminom ka na ng Tawa Tawa." Sabi sakin ni Basty at inabot sa akin ang isang basong puno ng Tawa Tawa.

Ito na naman po tayo, iinom na naman ako nitong gamot na ito.

"Uy! Malapit ng dumating si Mama, Basty itapon mo na lang yan please.. ayoko na uminom." Sabi ko.

"Oh sige basta ubusin mo yang isang baso na yan." Sabi niya.

"Oo promise." Sabi ko at ininom na ito.

Lumabas si Basty kasi itatapon nya yung Tawa Tawa.

"Blaine, pwede kalahatiin mo?" Sabi ko.

"Hindi pwede dapat maubos mo yan. Sige na kaya mo naman yan eh! Ikaw pa ba?" Sabi niya.

"Sige na nga." Sabi ko.

Kaya ininom ko na lang ito habang nanonood kami.

**

"Ayon sa mga pinakita mo, ayos ka na kaya pwede ka ng umuwi. Naunahan mo pa yung mga mas nauna sayong dumating dito ah!" Sabi ni Dra.

"Inaalagaan po kasi nila. Eh ako hindi." Sabi ko ng natatawa.

Inayos na nung dalawa yung gamit ko, at ako pumunta ng c.r para makapag palit.

"Kaya mo ba maglakad?" Tanong sakin ni Blaine.

"Oo." Sabi ko.

"Tara na." Sabi ni Basty kaya naglakad na kami.

"Oh ang bilis naman uuwi kana agad." Sabi sa akin nung nurse.

"Opo, salamat po." Sabi ko at ngumiti ako sa kanila.

"Ingat." Sabi nila sa akin.

"Sige po." Sabi ko.

"Kilala ka na dito ah!" Sabi ni Basty.

"Oo naman suki na kami dito eh!" Sabi ko.

**

"Samahan niyo munang dalawa dito si Madie ha! Hindi ko pwedeng iwan ang tindahan eh! Ipinagkakatiwala ko ang anak ko sa inyong dalawa." Sabi ni mameh.

"Opo Tita." Sabi nilang dalawa at umalis na sila mama.

"Uwi lang ako Madie ah papaalam lang ako kila Mama baka hanapin nila ako eh." Sabi ni Basty.

"Oh sige. Kamusta mo na din ako kila tita, sabihin mo nakalabas na ko." At ngumiti sa kanya.

"Makakarating prinsesa ko." Sabi niya at nag bow pa na parang prinsipe, natawa na lang ako.

"Ano gusto mo? Magluluto ako." Sambit ni Blaine.

"Kahit ano boss." Tqpos ngumiti ako sa kanya.

Pumunta naman na siya sa kusina at nagluto na. Sabay namang pagpasok ni Basty.

"Madie oh pinabibigay nila mama." Sabi niya sabay abot ng mga prutas.

"Ang dami naman nito." Sabi ko.

"Naku kaunti nga lang daw iyan, at sabi pa nga di ka na daw iba sa kanila kasi parang anak ka na daw nila." Sabay ngiti sa akin.

"Ay sus." Sabi ko sa kanya at hinampas siya.

"Aray! Kakalabas mo lang ng hospital pero bakit ang lakas mong mamalo." Sabi niya ng natatawa.

"Kain na." Sambit ni Blaine sa kusina.

Pareho naman kaming tumayo ni Basty sa kinauupuan namin at lumapit sa lamesa. Pag lapag niya ng hinanda niya...

"Wow spaghetti!" Sambit ko.

"Enjoy boss." Sabi niya ng naka ngiti sa akin at binigay sa akin ang isang tinidor. Kinuha ko naman iyon, tapos nanalangin muna ako bago ako kumain. Habang kumakain ako pinagmamasdan lang nila akong dalawa kaya napaangat ang ulo ko.

"Bakit? Kumain na nga kayo huwag niyo ko titigang dalawa baka matunaw ako." Sambit ko.

Kaya sabay silang napa-iwas ng tingin sakin. Ang cute hahahaha!!

"Favorite mo pala yan?" Tanong sakin ni Basty.

"Oo sobra." Sabi ko.

Natapos na kaming kumain kaya naman nag aya akong manuod kami ng horror movies.

"Sure ka??" Sabay pa nilang tanong sakin.

"Oo naman kailan ba ko nagbiro." Sabi ko.

"Baka matakot ka ah?" Sabay ulit nilang sabi.

"Hahahaha!! Baka kayo ang natatakot?" Pang-aasar ko sa kanila.

"Hindi ah! Baka si Blaine?" Sabi ni Basty at tumuro kay Blaine.

"Oy hindi ah! Baka ikaw?" Sabi naman ni Baline. Hahaha!! Ang cute nila.

Isinaksak ko na yung flash drive.

"Kumuha na kayo ng softdrink tsaka popcorn." Sabi ko at sumunod naman agad sila.

Pagkabalik nila sa sala. Pinatay ko na agad ang ilaw.

"Kailangan bang nakapatay ang ilaw?" Sabi ni Blaine.

"Oo naman para may thrill." Sabi ko ng nakangiti.

Basty's POINT OF VIEW

   Minsan naiisip ko bakit nga ba ko nagka gusto sa babae na ito. Hindi pangkaraniwan yung mga trip eh! Pero dahil sa mga trip niya na yun doon ko siya nagustuhan. Plinay na niya yung movie. Insidous 3 at The last key yung papanuorin namin.
Biglang bumaba si Madie, kasi nasa gitna namin siya ni Blaine.

"Bakit?" Sabay naming sabi ni Blaine.

"Mas gusto kong nanunuod ng malapit sa t.v eh para mas may thrill. Gusto niyo baba na lang kayo dito?" Sabi pa niya.

Di ba grabe yung mga trip niya.

"Hindi okay na kami dito. Di ba Basty?" Tanong sakin ni Blaine.

"Oo okay na kami dito." Sabi ko. Oo matatakutin ako ayoko ng horror hahaha!! Di ba kalalaki kong tao duwag ako hahaha!!

Madie's POINT OF VIEW

Palapit na yung naka oxygen doon sa pilay na babae.

"Aaaaaahhhhhhhhhh!!!!!" Sabay nilang sabi kaya natawa ako hahaha!!

Pagtingin ko sa likod magkayakap na sila hahaha!! Ang cute. Pinicturan ko nga.

Hanggang sa matapos yung isang movie puro lang ako tawa dahil sa itsura nilang dalawa hahaha!! Takot na takot, tapos magka yakap pa sila buong movie hahaha!!

"Oy tapos na. Ang sweet niyo namang dalawa." Sabi ko at pinakita sa kanila yung mga picture nila.

"Oy burahin mo yan Madie!" Sabay pa nilang sabi.

"Ayoko nga ang cute kaya. Di pala takot ah hahahaha!!" Sabi ko na natatawa grabe di ko mapigilan laughtrip sila.

"Matulog na nga tayo." Sabi ni Basty at binuksan ang ilaw.

"Paano yan natutulog ako na patay ang ilaw?" Sabi ko na nang-aasar. Bigla naman niya itong pinatay.

"Hahaha!! Parang takot na takot kayong dalawa? Ah naiisip niyo siguro na nandiyan yung naka mask sa paligid." Bigla namang lumapit sila sa akin. Sila takot na takot ako tawa ng tawa.

"Okay ayoko na. Mag truth or dare na lang tayo." Sabi ko at kumuha ng bote.

Ikaw magpaikot Blaine sabi ko. Kaya binigay ko sa kanya yung bote. Tumapat naman ito kay Basty.

"Truth or Dare?" Sabi niya.

"Truth." Sabi ni Basty.

"May gusto ka pa rin ba kay Madie?" Tanong ni Blaine.

"Hindi ko siya gusto." Pagkasabi noon ni Basty natahimik kami. Ang awkward kaya nagsalita ako.

"Basty ikaw na magpapa-ikot." Sabi ko at ibibigay na sana sa kaniya yung bote ng hawakan niya yung kamay ko. Tapos nagkatitigan kami.

"Hindi kita gusto dahil mahal na mahal pa rin kita Madie, ikaw pa rin laman nito hanggang ngayon. Ang tanga ko kasi pinakawalan kita." Sabi niya at ngumiti sa akin at pina-ikot na ulit ang bote. Wala na tulala na ko nakaka-asar dapat pala hindi na lang ako nag-aya ng truth or dare.

"Truth or dare?" Tanong ni Basty kay Blaine.

"Truth." Sabi niya.

"Ikaw may gusto ka ba sa bestfriend mo?" Bakit parang para sa akin lahat ng tanong naha hot seat na ko potek. Tumingin sakin si Blaine.

"Oo dati pa." Sabi niya at ngumiti. Hindi ko in-expect yung sinabi niya. Hindi ako makahinga.

"Matutulog na ko." Sabi ko at dumiretso na sa kuwarto ko. Shit namumula ko.  Bakit ganoon?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top