CHAPTER 82: Tayo Na Lang Ulit
Blaine's POINT OF VIEW
"Pre gising na 5 na ah!" Nagising ako dahil kay Basty. Nandito na pala siya. Bumangon ako at nakahawak pa din pala ang kamay ko sa kamay ni Madie. Napangiti ako.
"Oy, tama na! Nandito ako nuh!" Sabi ni Basty kaya natawa ako.
"Ikaw na bahala sa kanya pre." kiniss ko muna si Madie sa noo at umalis na dun.
Nagpa-alam kasi si Basty na hindi siya papasok ngayon. Wala naman kasing ginagawa, pero ako hindi pwedeng umabsent dahil ako nagte training sa mga varsity player samin. Oo, ako na ang ginawa ni Basty na Captain Ball dahil mas magaling naman daw ako sa kanya. Buti naman nagparaya na siya, sana kay Madie din.
Basty's POINT OF VIEW
"Blaine!" Tawag ni Madie.
"Goodmorning prinsesa ko. Wala na si Blaine pumasok siya." Sabi ko. Ang sakit lang na si Blaine agad yung hinanap nya. Sabagay kagabi pa nya kasama yun eh!
"Ahh.. naiihi ako eh!" Sabi nya.
Inalalayan ko naman siya sa pagbaba.
"Sandal mo na lang diyan yung dextrose tawagin na lang kita." Sabi nya kaya nag antay na lang ako.
"Basty tapos na ako." Sabi nya kaya lumapit na ko.
"Wait maghihilamos lang ako." Sabi nya. Bakit ganon? Kahit kagigising lang niya ang ganda niya pa din.
"Basty?" Tawag sakin ni Madie kaya natauhan ako.
"Tara, alalayan na kita." Pina upo ko na siya sa kama niya.
**
Dumating na sila tita.
"Basty, nasan yung isang kaibigan niyo?" Tanong sakin ni Tita.
"Pumasok po." At nag bless ako.
"Ah ganon ba, kain ka muna ng palabok." Sabi ni Tita kaya kumain muna ako.
"Uminom ba ng gamit yang alaga mo Basty?" Tanong ni Tita.
"Opo." Sabi ko.
Madie's POINT OF VIEW
"Ano okay kana ba?" Tanong sakin ni Mama.
"Opo." Sabi ko.
"Ito ang iinumin mo, Tawa Tawa ang tawag diyan. Para tumaas na yung platelets mo." Sabi sakin ni Mama.
"Ano lasa nito?" Tanong ko, inamoy ko at amoy dahon siya tsaka parang di masarap.
"Edi inumin mo." Sabi nya. Kaya ininom ko na lang. Ang gara di ko ma explaine yung lasa. Gusto ko na talaga umuwi.
"Oh iwan ko na kayong dalawa ha! Basty painumin mo yan ng Tawa Tawa. Ipaubos mo sa kanya yung isang bote na yan." Sabi ni Mama.
"Oh narinig mo yun ah! Iinumin mo yan para gumaling kana, para makalabas kana dito." Sabi niya.
"Pwede kunti kunti lang?" Tanong ko.
"Basta uubusin mo." Sabi niya. Tumango na lang ako. Habang nanonood kami ng tv. Inom lang ako ng inom nito kahit ayoko.
"Pahingi tubig." Sabi ko dahil para na kong masusuka dito.
Binigyan naman ako agad ni Basty ng tubig.
"Oh kunti na lang pala eh! ubusin mo na." Sabi niya.
"Oo gusto ko na din umuwi eh!" Sabi ko.
**
"Doc." Bati ko kay Dra. Barbara.
"Oh Madie ayos ka na ba?" Tanong nya.
"Opo." Sagot ko.
"Halata nga eh! Maayos na yung itsura mo kesa nung nagpunta ka dito." Naka ngiti nyang sabi, oo nabawi ko na yung lakas ko. Pero medyo lang.
"Kapag tumaas na yung platelets mo puwede ka ng umuwi bukas." Sabi sakin.
"Okay po." So kailangan ko na talagang inumin yung Tawa Tawa ng maka-uwi na ko.
"Ano ito?" Tanong ni Doc.
"Tawa Tawa po." Sabi ko.
"Ahh.. makakatulong sayo yan kaya inumin mo ng inumin yan para maka-uwi kana bukas." Sabi niya.
"At sino naman itong gwapong binata na ito? Boyfriend mo?" Tanong nya.
"Naku! Hindi po, bestfriend ko po." Sabi ko naman.
"Ahh.. ehh sino yung kagabing nandito? Pinag-uusapan kasi nung mga nurse kanina sa baba. Gwapo daw eh, yun ba yung boyfriend mo?" Tanong ni Doc.
"Bestfriend ko din po yun." Sabi ko at ngumiti.
"Naku! Swerte mo naman sa bestfriend mo. Oh sya maiwan ko na kayo. Inumin mo yung gamot mo ah!" Sabi ni Doc.
"Thank you Doc." Sabi naming dalawa.
"Sige." Sabi ni Doc at lumabas na.
"Oh bakit kung makangiti ka jan wagas?" Tanong ko kay Basty.
"Pogi daw ako eh! Tsaka napagkamalang tayo." Sabi nya at kumindat sakin.
"Hoy! Mr. Gonzales correction ha! Kayong dalawa, hindi lang ikaw." Sabi ko.
"Okay. Okay. Pero mas pogi ako di ba?" Sabi nya sabay lapit sakin. Sobrang lapit.
"Mr. Gonzales pasyente lang ang puwede sa kama, hindi ikaw!" Sabi ko at tinulak ko sya.
"Nagkasakit ka na nga lahat ang sakit mo pa din manulak." Sabi nya ng natatawa.
"Baliw." Sabi ko.
"Baliw sayo!" Sabi nya, napaka harot buset! Hahaha..!!
"Madie, may pag-asa pa bang maging tayo?" Nagulat ako sa tanong nya.
"Basty---" Di ko natapos yung sasabihin ko kasi nagsalita siya.
"Hahaha..!! Puwede hayaan mo muna akong maging ganito? Pwede huwag mo muna ko busted-in? Alam ko naman na talo na ko, pero gusto ko pa din lumaban. Nagbabakasakali na ako yung piliin mo. Mahal kita Sierra Madison Smith at kahit anong sabihin nila o mangyari hindi magbabago yun." Sabi niya at ngumiti.
Hindi ko akalain na ganoon pala yung pakiramdam ni Basty. Sa ngayon wala akong pinipili sa kanilang dalawa. Masaya ako dahil sa may nag-aalaga sa akin and I appreciate lahat ng tinutulong nila sa akin. Ayokong matapos yung pagkaka-ibigan naming tatlo. Sana magtagal pa ito.
**
Nagising ako dahil nahihilo ako and parang maduduwal ako.
"Basty!" Tawag ko sa kanya.
Agad naman siyang tumayo.
"Bakit? Ano problema?" Tanong nya.
"Nasusuka ako." Sabi ko.
"Sige." Sabi niya at inalalayan agad ako.
Pagka punta pa lang namin nasuka agad ako. Nangagasim kasi yung sikmura ko.
"Sige lang." Sabi nya habang hinahagod yung likod ko.
Naisuka ko na nga lahat.
"Ano yan dugo?" Tanong nya.
"Ewan ko." Sabi ko.
Inilawan niya yung lababo at dugo nga.
"Bakit ka sumuka ng dugo? Ayos ka lang ba? Gusto mo tumawag ako ng nurse?" Nag-aalalang tanong nya.
"Okay lang ako,ano ka ba? Baka sa lalamuna ko lang yan. Dahil kung sa loob yan dapat buo yung dugo, eh hindi naman." Paliwanag ko sa kanya.
"Sige kapag sumuka ka ulit at may dugo tsaka na ako tatawag sa nurse ha!" Sabi nya sakin at tumango na lang ako.
"Sige na tulog kana. Goodnight." Sabi sakin ni Basty at kiniss ang noo ko.
Inilapit nya sakin yung sofa, nagpatugtog siya at doon natulog.
Basty's POINT OF VIEW
Now Playing: Tayo na lang
By: Michael Pangilinan
Ako na lang sana ang minahal
'Pagkat pag-ibig ko'y magtatagal
Pwede na ba sana tayo na lang
Ako na lang, tayo na lang
Ikaw lang talaga ang minahal mula noon
'Di pa rin nagbabago sa'yo hanggang ngayon
Anumang panahon ako'y maghihintay
Hindi babaling sa iba
Anuman ang gawin
'Di kayang pigilin ang aking nadarama
Ako na lang sana ang minahal
'Pagkat pag-ibig ko'y magtatagal
Pwede na ba sana tayo na lang
Ikaw ang tangi kong pangarap makasama
Ako na lang sana ang inibig mo
'Pagkat sa'yo'y 'di magbabago
Kung puwede lang, ako na lang, tayo na lang
Sana tayong dalawa na lang ulit Madie. Dahil ikaw pa rin talaga ang mahal ko at hindi magbabago yun. Ako na lang ulit yung piliin mo. Ako na lang ulit yung mahalin mo.
Nakatulog ako habang hawak hawak ko yung kamay niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top