CHAPTER 80: Dengue

Madie's POINT OF VIEW

      Nagising ako sa tunog ng cellphone ko.

From: Boss

   Boss ano oras na ah bakit wala ka pa? di ka nama nale late ah? Anong nangyari sayo? Text ka agad sa akin pag nabasa mo to. Nag-aalala na ko sayo.

Pagkabasa ko nun, napabalikwas ako ng bangon. Potek male late na ko. Kaso imbis na maligo na ko, pinakiramdaman ko yung sarili ko feeling ko lalagnatin ako kasi masakit yung ulo ko. Medyo nahihilo pa ko, baka naman matanggal din to mamaya pagka ligo ko. Kaya lumabas na ko ng kuwarto ko. Nagulat ako ng makita ko siya, bakit kaya siya nandito? Ano oras na ah?

"Goodmorning Prinsesa, nahimbing ata ang iyong tulog." sabi sakin ni Basty.

"Baliw masakit kasi ulo ko." sabi ko, nagulat ako kasi bigla ba naman siyang lumapit sakin. Sobrang lapit na anytime maaari na nya kong mahalikan. Shit! nag-iinit yung pisngi ko. Bigla niyang hinawakan yung noo ko.

"A-aa-anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Chinecheck ko lang kung may lagnat ka, huwag kang magalaw." sumunod na lang ako.

"May sinat ka nga, huwag kana pumasok." sabi nya. Malapit pa din siya sakin.

"Teka nga! Paano ka pala nakapasok dito?" tanong ko at tinulak siya ng ka unti

"Kanina pa kasi ako kumakatok dito, tapis biglang dumating si tita. Ayun pinapasok na nya ko, may kinuha lang siya eh! Tapos umalis din agad." Paliwanag niya. So pinapasok siya ni mama. Wow! Eh pano kung may ginawa sakin to?  Si mama talaga basta ai Basty, tiwalang tiwala siya.
Sabagay mabait naman si Basty and alam ko naman na kahit dalawa lang kami dito, walang gagawing masama sakin to.

"Ahh.. pumasok kana male late ka na nyan." Sabi ko.

"Ayoko, aalagaan kita eh!" Sabi nya.

"Baliw kaya ko naman." Sabi ko.

"Sige na alis na, babye!" sabi ko sa kanya at tinulak na siya palabas.

"Sige na eto na, lalabas na nga. Basta text mo ko kapag di mo na kaya or kung ano man nangyayari sayo uuwi agad ako, okay?" Sabi nya.

"Opo. Sige na ingat." Sabi ko sa kanya. Habang tinitignan ko sya paalis.

Nakalimutan ko nga pala replayan si boss. Kinuha ko yung phone ko.

To: Boss

    Boss sorry late reply, ahm.. di ako makakapasok may sinat ako eh! Pero huwag ka mag-alala kaya ko naman. Thank you for caring me.

Kumain na lang ako ng lugaw, pagkatapos uminom ako ng medicine ko.

**

Kinuha muna ako ni papa, kasi walang mag-aalaga sa akin doon busy kasi si mommy. So umuwi muna ako sa Pantalan habang di pa ko gumagaling 4 days na tong sakit ko simula pa nung friday. Sayang nga di ako naka attend ng Nutrition Month, but I'm happy sa kinalabasan ng contest kami ang champion. Pero itong sakit ko di na ko natutuwa, nawawalan na ko ng gana kumain. Hindi ako makahawak ng phone because hinang hina na ako. Puro noodles at tubig lang lagi ang laman ng tiyan ko. Kasi kapag kumakain ako ng kanin nasusuka ako. Now ko lang ulit naramdaman yung ganitong klase ng lagnat, kasi nung bata ako ganito ako lagnatin. Pero ngayon lang ulit na ulit and I hate this nahihirapan ako. Then kapag evening na doon tumataas yung fever ko, parang nawawala tapos babalik na naman ulit.

"Papa, magpapa doctor na ko bukas." Sabi ko.

"Sige itetext ko mama mo ng masamahan ka.

**

So I waited yesterday kaso wala daw check-up kahapon si Dra. Barbara, kaya now kami pupunta. It's  wednesday in the morning, 9:00 am.. sumakay na ko ng sasakyan nag pajama lang ako. Kasi lamig na lamig ako pinipigilan ko na lang din yung sarili ko na masuka, because hilong hilo na ko sa biyahe. At last nakarating na kami sa hospital.

Nag-antay pa kami ni mama ng 2 hours kasi tinest din nila yung urine ko. Hinang hina na talaga ako and hindi pa ko kumakain. Bakit kasi sobrang tagal.

"Ma matagal pa po ba?" Tanong ko kay mama.

"Intay na lang tayo nak." sabi nya.

"Smith, Sierra Madison." pagka tawag ng pangalan ko inalalayan na ko ni mama papunta sa room.

Hindi pa kami nakaka-upo..

"Naku! mommy ano po nangyari?" Tanong nung Dra. kay mama.

"Eh! Apat na araw na pong linalagnat eh! kaya dinala ko na sa hospital." Sabi ni Mama.

"May u.t.i din siya base sa urine test nya, iaadmit po natin sya mommy kasi hindi okay yung itsura nya eh tsaka babantayan natin yung platelets nya. Namumutla na. Pahigain nyo na po sya sa loob."

Habang nakahiga ako dito, kinakausap ni mama yung doctor. Nalaman ko na may dengue pala ako, pero paano? Hindi kaya yung sinundan ko si Kim doon ako nakagat ng dengue?

Dumating si mama na may dalang gamot.

"Inumin mo yan nak!"

"Lahat to ma?" Kasi ang dami kong iinumin mga lima siguro tapos ang lalaki pa nung tablet.

"Aba syempre, Madie naman!" sabi nya. Kahit ayoko uminom kailangan eh! So kahit masuka suka na ko kailangan kong inumin ito lahat para agad akong gumaling. Ayoko sa hospital.

Linagyan na ako ng dextrose kasi ilalagay na ko sa room ko 219, eto yung pinaka malaking room dito. Ito na lang kasi yung available. Gusto ni mama yung private room para daw hindi ako nakahalubilo sa mga tao. May aircon, tv, refrigerator, sofa, cabinets, and bathroom. Ayos pala eh! parang bahay lang. Tinulungan na ako mahiga ni Kuya.

Makatulog nga muna para hindi ko maramdaman yung lagnat ko.

Basty's POINT OF VIEW

   "Okay po tita, dalawin na lang namin siya bukas."

At in-end na yung call, kawawa naman ang prinsesa ko na confine sana maging maayos na siya. Tinext ko si Blaine, ayoko naman maging kontrabida nuh! kahit kaagaw ko yun kay Madie gusto ko pa din na malaman nya. Hindi naman kasi ako masama.

To: Ungas

    Na confine si Madie, sabay na lang tayo magpunta bukas pagkatapo ng klase natin.

Blaine's POINT OF VIEW

      Aba may kabaitan naman palang tinatago tong ungas na to, akala ko puro kayabangan lang eh!

But sana okay lang si Madie, dengue pa yung tumama sa kanyang sakit.  I can't wait to see her, gusto ko na siyang mayakap and madamayan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top