CHAPTER 77: Part of The Team
Blaine's POINT OF VIEW
"Siya yung nanalo, di ba?"
"Oo sya ngayon!"
Habang naglalakad ako yan ang aking mga naririnig. Nang makita ko si Madie ay agad akong lumapit.
"Boss!" Sabi ko.
"Oh! Nagulat naman ako sayo! Sikat kana ah!" Sabi nya.
"Ako pa ba?" Pagmamayabang ko.
"Edi ikaw na!" Natatawa nyang sabi. Habang tumatagal feeling ko mas lalo akong nahuhulog sa kanya.
Basty's POINT OF VIEW
"Pre tignan mo oh! Di ba si Madie mo yun?" Sabi ni Brice.
Pagtingin ko sa may harapan nandoon nga sya. Kasama yung bwisit na lalaki na yun.
"Bestfriend lang ba talaga sila? Tignan mo naman parang mag jowa!" Sabi ni Axel.
Pinipisil nya yung pisngi ni Madie kakasura. Sa sobrang inis ko lumapit ako sa kanila.
"Hello baby." Sabay akbay ko sa kanya. Halatang nagulat naman sya sa inasal ko.
"Baby ka jan!"sabi nya.
"Eto naman joke lang." Sabi ko habang natatawa.
"Blaine welcome to the group." Sabi ni Axel kay Blaine. Tsk! Oo nga pala part na sya ng 3'in'1 ay 4'in'1 na kami ngayon. Tsk! Bakit ba kasi pumayag ako, kaso baka sabihin naman ni Madie hindi ako tumutupad sa usapan. Baka mabasted pa ko, kaya hayaan ko na nga lang. Basta ako pa din ang guwapo! Hahaha...!!
"Tara na nga." Sabi ni Brice.
Madie's POINT OF VIEW
Habang naglalakad ako kasama ng mga heartthrob kuno hahaha! Syempre center of attraction ako. Bakit nga naman ba ako isasama ng mga to di ba. Eh simple lang naman ako hindi naman ako chicks di tulad ng mga nagiging girlfriend nila. So nasa gitna ako ni Blaine at Basty.
'Feeling ba niya sya na si Shan Cai. Tsk!
'Oo nga nag mamaganda.
'True sinabi mo pa and napaka chaka naman.
Yan yung mga naririnig ko from them. Bakit ba napaka judgemental ng mga pinoy. Ngayon ko lang napansin na 4 pala sila, hayst! Ano ba problema nila? Tsaka napaka chaka ko daw? Baka sila! Oo alam ko simple lang ako kasi hindi ako pukpukan gumalaw, hindi tulad nila napaka desperada tsk! Sila pa humahabol sa lalaki. Bigla akong nagulat nung takpan ni Blaine yung tainga ko. Parang nag slow mo, ganon. Shit ano to?
"Huwag kang makikinig sa sinasabi ng iba. Kahit hindi ka mag-ayos katulad ng ginagawa nila, para sa akin ikaw ang pinaka maganda." Sabi ni Blaine, speechless ako. Feeling ko umiinit na yung mukha ko sa sinabi nya. Ngayon lang sya naging ganoon sakin. Oo sinasabihan nya ko ng maganda pero iba eh! Iba talaga, hindi katulad nung dati. Kung hindi ko nga lang bestfriend to baka akalain ko na may gusto sya sakin.
"Yiieehh!!" Pang aasar nila Brice at Axel.
"Tsk!" Sabi ni Basty at nauna ng maglakad.
"Anong nangyari dun?" Sabi ko.
"Baka nagselos?" Sabi ni Brice at Axel.
"Naku kayong dalawa talaga.. huwag kayong issue, baka mamaya marinig ni Kim. Gerahin pa ko nun!" Sabi ko.
"Subukan lang niya ako makakaharap niya." Sabi ni Blaine.
"Oo, hindi makakalapit sayo yun Madie kami bahala sayo." Sabi ni Axel.
"Salamat." Sabi ko. Sabay sabay na kaming pumasok sa room. Si Basty naman nakaupo habang nakasimangot. Parang bata hahaha!
Basty's POINT OF VIEW
Nakaka inis talaga, kaya iniwan ko sila eh! Chineer pa ng mga ugok kong kaibigan si Blaine. Kanino ba talaga sila kampi tsk! Umupo na lang ako nakaka inis.
"Bakit parang badtrip ka babe?" Tanong sakin ni Kim at sumandal pa sakin. Tsk! Mas lalo akong naiinis pag nakikita ko tong babae na to eh!
"Di ba sinabi ko sayong break na tayo! At hindi kita minahal! Lumayo layo ka lang at baka makapanakit ako ng babae ngayon!" Sabi ko. Natakot naman sya kaya agad syang lumayo sa akin. Kasi baka mag dilim ang paningin ko at masaktan ko sya. Mas lalo tuloy akong na badtrip, ng dahil sa kanya.
Bigla namang pag dating nila Madie. Tsk! Mga nagtatawanan pa kaya kumunot ang noo ko.
"Huwag ka nga sumisimangot diyan! Sige ka baka pumangit ka!" Sabi sakin ni Madie at inayos ang kilay ko tapos nginitian nya ko. Ano ba! Nawawala galit ko kapag nakikita ko sya eh. Wala na hindi na ko badtrip.
"Nginitian ka lang, masaya kana ulit. Si lover boy talaga oh!" Asar sakin ni Axel.
"Huwag ka nga maingay baka marinig ka ni Madie eh!" Sabi ko sa kanya.
"Oo na!" Sabi ni Axel.
"Madie may magic powers ka ba?" Tanong ni Brice sa kanya.
"Ha?" Tanong ni Madie.
"Brice!" Saway ko.
"Bakit? May sinabi ba ko? Wala naman." Natatawa nitong sabi. Talaga naman tong dalawa na to eh! Kapag talaga nagsama hay naku!
"Wala Madie!" Sabi nya. Tapos umupo na sa upuan nila.
"Blaine may practice tayo mamaya." Sabi ko. Tumango na lang sya.
"Madie hindi ako makakasabay sayo may practice kami." Sabi ko.
"Okay lang."
"Text ka sakin pag naka uwi kana, tsaka pasabi na rin kay mama na may practice pa ko."
"Okay, copy that!" Sabi nya. Ang cute talaga.
"Text mo din ako boss ah!" Sabi ni Blaine at may pag kindat pa! Para san yun?? Pa pogi lang ganon! Di hamak naman na mas pogi ako sa kanya! Tsk!
"Opo." Natatawang sabi ni Madie, nababadtrip na naman ako! Masusuntok ko na tong si Blaine eh! Kung hindi nga lang magagalit sakin si Madie. Baka matagal ko na itong nasapak!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top