CHAPTER 76: Varsity Player Vs. Heartthrob
Blaine's POINT OF VIEW
Kinuha ko yung panlaro kong varsity na damit, inayos ko na din yung tubig ko at pagkain. Mukhang mapapalaban ako ngayon ah! Nagsuot na ko ng sapatos at nagpa alam na kila mama.
Mag aalasingko na ng makarating ako sa school. Wala pa sila Basty kaya dumiretso na ko ng gym, pero nagulat ako ng napaka rami na ng tao. Anong meron? Akala ko ba magkikita kami ni Basty dito? Dumiretso na ko para malaman ko kung anong nangyayari dun. Halos lahat puro babae.
'Sya ba yung bago?'
'Ang gwapo pala nya.'
Kinikilig pang sabi nung isa.
'Sya ba yung makakalaban ni Basty?'
'Siguro.'
So nandito pala sila para manuod ng laro. Di naman ako ininform ni Basty na kumuha sya ng mga taga panood. Gusto ba nyang ipakita sa mga to na talunan sya tsk! Hindi sa pagmamayabang pero alam naman natin kung sino ang magaling sa larangan ng pagba basketball. Umupo na lang muna ko sa bench habang iniintay ko ang pagdating nya.
Basty's POINT OF VIEW
Tinext ko si Madie dahil 4 am na.
"Madie sasama ka ba?"
Agad naman syang nag reply.
"Oo naman."
Kaya inantay ko sya sa labas ng bahay nila. Maya maya lang lumabas na sya sa kanila.
"Tara na?" Tanong nya. Tumango na lang ako. Habang nasa biyahe kami bigla syang nagtanong.
"Ahm.. bakit bigla mong inaya si Blaine na maglaro?" Tanong nya.
"Wala lang.. itetest ko sya kung pasado sya sa team namin sa basketball."
"Naku! Sinasabi ko na sayo Basty. Ang lupit mag shoot nun, alam mo ba mvp samin yun at ball captain pa. 3 point shooter din yun, san ka pa?!" Kuwento ni Madie. Habang nagkukuwento sya feeling ko. Close na close silang dalawa nakaka asar, kasi kahit na ako yung kasama nya ngumingiti sya ng dahil sa lalaki na yun. Ganoon ba talaga kalakas maglaro yun?
"Sus! Wala sakin yang bestfriend mo pag ako ang nakalaban nya, mahihina lang kasi mga kalaban nya sa inyo. Kaya lagi syang mvp, pero dito ako ang sikat, ako ang mvp." Pagmamayabang ko. Totoo naman eh.
"Goodluck na lang sayo." Sabi nya sakin.
**
Pagpasok na pagpasok namin sa gym. Lumapit agad sya kay Blaine.
"Hello boss.. galingan mo ah!" Sabi nya, hello!! Nandito kaya ako. Nakaka selos lang ah!
"Oo naman para sayo." Sabi niya sabay kindat pa. Naku! Pag ako di nakapag timpi matatamaan sakin to eh!
"Tama na yan! Simulan na natin ang laro. Goodluck kung manalo ka sakin, hayaan mo eeasyhan ko lang para sayo." Pang aasar ko pa sa kanya. One on one lang kami, kaya nasa amin lang ang mata ng mga tao.
"Go Basty! Go Basty!" Sigaw nila Kim.ang gusto kong mag cheer sakin si Madie hindi sila tsk! Umupo na sa may harapan si Madie. Nag silbing referee naman si Axel. Pag pito nya nag agawan na kami ng bola. Sya ang nakatapik ng bola, mabilis ang bawat galaw nya. Malakas din syang dumipensa kaya nahirapan akong bantayan sya. Tama nga si Madie malakas sya. Pero hindi ko ipapahalata sa kanya na nahihirapan ako. Pagka cross over nya sakin nag lay-up sya at na shoot ito. Naghiyawan naman ang mga babae. Easy 2 point lang naman tsk!
"Huwag mo masyadong easyhan baka matalo ka nyan." Pang aasar nya pa.
"Tsk! Baka ikaw ang matalo huwag kang masyadong pakampante, hindi pa tapos ang laban nagsisimula pa lang." Sabi ko.
"Alam ko, kaya nga ipaglalaban ko hanggat kaya ko." Sabi nya. Alam ko sa tono ng boses nya na si Madie ang tinutukoy nya.
"Hindi ako papatalo sayo." Sabi ko at mabilis akong pumukol ng tres at pumasok!
"Beng!" Sabi ko.
Nagtilian naman agad sila.
"Go Basty! Go Basty!" Naririnig kong sabi nila. Tinignan ko si Madie at tahimik lang syang nanunuod samin. Si Blaine na ang may hawak ng bola, masyado na syang agresibo pero di pa rin ako papatalo lamang ako sa kanya ng isang puntos. Di ko namalayan na nawala na pala sya sa paningin ko sa sobrang bilis ng pangyayari. Walang ka pwersa pwersa nakapag shoot sya ng tres at na shoot ito. Mukhang mahihirapan ako.
"Ano ayos ba?" Pang aasar nya pa.
"Swerte ka lang, sa susunod hindi ko na hahayaang maka shoot ka." Sabi nya.
**
6: am ng mag time out kami napaka laki ng lamang ko sa kanya 30 puntos. Hindi nya na mahahabol pa yun last 1 min na lang hahaha... ako na ang mananalo. Bigla syang linapitan ni Madie at...
"Oh ito uminom ka muna." Sabi nya.
"Salamat." Sabi naman ni Blaine nakaka inis sya. Dumaan naman ako sa gitna nila at kinuha ko yung tubig na binigay sa kanya ni Madie.
"Sakin binigay yan!" Sabi ni Blaine.
"Painom lang." Sabi ko at lumagok ng tubig. Tapos ibinigay ko na sa kanya.
Madie's POINT OF VIEW
Parang bata si Basty hahaha!! Maya maya lang bumalik na ulit sila sa gitna para ipag patuloy ang laro, ang laki na ng lamang ni Basty pano kaya to. Mahahabol pa kaya yan ni Blaine.
Basty's POINT OF VIEW
Hindi nya na ko mahahabol ang laki na ng lamang ko sa kanya.
"Simulan na natin ang totoong laro." Sabi ni Blaine. Anong ibig sabihin nya dun? Bigla syang nag side step sakin at umikot at nag dunk.
"Wohooo!!" Sigaw nila.
"Go Blaine!" Sabi ni Madie, Arggh!!
"Naka tsamba ka lang." Sabi ko habang nasa akin ang bola.
"Ah!! Eh eto tsamba pa rin ba sayo?" Tanong nya at biglang nawala sa kamay ko ang bola at nag shoot sya ng tres, kita sa mga mata nya na ipapanalo nya ang laro. Paano na to 25 points na lang ang lamang ko. 30 second na lang puro foul ang natatawag sakin. Nakaka inis, ang galing nyang humingi ng foul. 25 seconds at 2 puntos na lang ang lamang ko. Sobrang bilis nya. Nag di driball ako ng bola at nag co countdown na sila kaya mas intense. Mag si side step ako ng maagaw sakin ni Baline ang bola, tumakbo lang sya ng kaunti at shinoot na ang bola. Sobrang layo, paniguradong hindi masho shoot yun! 5....4...3...2...1...0....
At na biglang na shoot yung bola. Buzzer bitter pa sya ngayon! Naghiyawan na ang mga estudyante. Biglang yumakap si Madie sa kanya.
"Ang galing talaga mag basketball ng bestfriend ko." Sabi nya.
"Naka tsamba ka lang ngayon!" Sabi ko.
"Bitter! Pero teka edi kasali na si Blaine sa team nyo sa basketball?" Tanong sakin ni Madie, wala na kong magagawa.
"Ano pa nga ba!" Kahit ayaw ko syang maging parte ng team namin hindi pwede dahil nakapag bitiw na ko ng salita.
"Ayos lang yan babe!" Sabi sakin ni Kim at pumulupot pa.
"Ano ba ayoko nga sayo! At pwede ba wag mo kong tinatawag na babe hindi kita girlfriend!" Sabi ko at tinulak sya palayo. Umalis na ko dun bago pa ko sundan ng Kim na yon!
Blaine's POINT OF VIEW
Alam kong hindi matanggap ni Basty yung pagkatalo nya hahaha!!
"Galing mo talaga boss." Sabi sakin ni Madie.
"Naman para sayo yun eh!" Sabi ko.
"Ay sus! Libre mo na lang ako, panalo ka eh! Tsaka chineer kita kanina" Sabi nya.
"Oo naman, ikaw pa. Eh malakas ka sakin." Sabi ko at inakbayan sya papuntang canteen. Habang papunta kaming canteen pinag titinginan kami.
Madie's POINT OF VIEW
Nag order ng makakain namin si Blaine, habang ako hinihintay sya dito sa upuan namin. Bigla namang may lumapit sakin na girl.
"Hi! Girlfriend ka ba ni Blaine?" Tanong nya.
"Ha? Hindi ah! Bestfriend lang kami." Sabi nya.
"Ayun! So pwede kami maki upo ng mga friends ko, we want na makilala pa namin si Blaine eh! Wala namang problema dun di ba?" Sabi niya hindi naman ako makatanggi baka kasi sabihin nila assuming ako, na nagmamaganda ako. Ayoko ng ganon kaya tumango na lang ako. Bigla namang umupo na sila at sakto naman yung upuan muntik pang mawalan si Blaine. Pagbalik nya binigyan nya ko ng "sino yang mga yan" ngumiti na lang ako sa kanya.
"Hello sino kayo?" Sabi ni Blaine.
"Ahm... gusto ka kasi naming makilala Blaine tsaka pinaupo kami ng bestfriend mo dito eh!" Sabi nya.
"Sorry pero, if you don't mind pwede kami muna ng bestfriend ko, tsaka di ako sanay na marami akong kasabay kumain lalo na at di ko naman kayo kilala." Sabi ni Blaine.
"Sorry. Let's go girls." Sabin nung leader nila at uamlis na.
"Salamat naman, nakahinga na ko ng maluwag." Sabi ko.
"Hahaha!! Pwede naman kasing tumanggi ikaw talaga." Sabay pisil ng pisngi ko.
"Kain na nga tayo, nagugutom na ko eh!" Sabi nya at kumain na nga din ako, dahil gutom na ko. Si Basty kasi eh! Napaka aga akong ginising kanina. Hindi tuloy ako nakakain ng breakfast.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top