CHAPTER 75: Let The Clash Begin
Basty's POINT OF VIEW
Maaga akong umalis sa amin, sorry kung hindi ako tutupad sa pangako ko Madie. Pero ayokong maagaw ka ng basta basta sakin! Hindi kita ibibigay agad. Hindi kita isusuko, ipaglalaban kita.
Pagkarating ko sa school dumiretso na agad ako sa school admin. Tapos pinayagan naman nya akong lumipat ng section. Salamat naman. Inayos ko na agad yung gamit ko at nagpunta na sa room, pati nga pala sila Axel lumipat rin ng section.
"Wahhh!! Classmate na namin kayo?" Tanong samin ni Kim.
"Hindi pa ba obvious sayo? Tsk!" Sabi ko.
"Ang sungit mo sakin babe!" Sabi nya sabay pulupot sa braso ko.
"Pwede ba tigil tigilan mo na ko." Sabi ko.
"Ipagkakalat ko na gusto mo kong halikan." Sabi nya.
"Edi pagkalat mo! Hindi na ko natatakot sayo." Sabi ko haalata naman sa kanya na nagulat sya kaya umalis sa harap ko.
"Grabe ka naman kay Kim, di mo ba talaga sya minahal par?" Tanong sakin ni Brice.
"Hindi! At wala akong balak!" Sabi ko. Pumasok naman yung bestfriend ni Madie. Mas guwapo pa ko tsk!
Bigla namang dumating si Madie halata ko sa kanya na nabigla sya.
Madie's POINT OF VIEW
Grabe naman, sunod sunod na itong nangyayari ha! Bakit nasa room namin sila? Ano bang plano ng lalaki na to. Hayst! Hindi pa nga ko tapos sa pag iisip nung sinabi nya sakin kahapon, ngayon meron na naman syang ginawa. Umupo na lang ako sa upuan ko. Pag dating ni sir nagulat sya, hindi na bago yun. Heartthrob ba naman na nasa section A lumipat sa section namin.
"Oh Basty, ano ginagawa nyo dito?" Tanong ni Sir.
"Dito na po kami sir sa section na to." Sabi nya.
"At bakit naman ata biglaan?" Tanong ni sir.
"Ayoko na kasing mawala pa sya sakin ulit. Di ba Madie?" Sabi ni Basty. Hiyang hiya na ko. Nagbulungan naman sa loob ng classroom. Patay na! Ano ba nman oasi yung mga sinasabi ni Basty. Lagot ako nito eh!
"Okay. Let's start the class." Naramdaman ko namang lumipat ng upuan si Basty. Sa may tabi ni Blaine. Sobrang tense na nung upuan ko. Gusto ko ng lumabas ng room.
"Ikaw ha? Anong meron sa inyo ni Basty? Haba ng hair mo ah! Lumipat sya ng section para sayo?" Sabi ni Raine.
"Mahabang kuwento!" Sabi ko na lang.
**
"Boss bili na kita ng pagkain ah!" Sabi ni Blaine pasagot pa lamang ako nung magsalita si Basty.
"Ako na ang bibili ng pagkain para sa kanya." Sabi ni Basty at tumingin ng masama kay Blaine. Shit! May namumuo ng tensyon sa pagitan nila.
"Ako ang bestfriend nya kaya ako ang bibili ng pagkain nya." Sabi ni Blaine.
"Bestfriend ka lang, ex nya ko! Mas matimbang ako sayo!" Sabi ni Basty at tumayo na ito. Magkaharap na silang dalawa kaya tumato na ko.
"Yun nga eh ex ka na lang nya! Bestfriend nya ko never ko syang sinaktan at iniwan!" Sabi ni Blaine.
"Eh anong gusto mong palabasin!" Akmang susuntukin na ni Basty si Blaine nung humarang ako sa gitna nila.
"Ano ba kayo?! Parang pagkain lang pinag aawayan nyo pa! Ako na bibili ng pagkain ko kaya ko naman!" Sabi ko at iniwan ko na sila dun. Hinila ko palayo si Raine.
"Haba ng hair ah! Ikaw ah ex mo pala si Basty!" Sabi nya.
"Hayst tumigil ka na nga!" Sabi ko. Bigla namang lumapit sila Steph samin.
"Ang galing! Ang galing mo gumawa ng eksena! Bravo!" Sabi ni Kim.
"FYI hindi ako gumagawa ng eksena." Sabi ko.
"Eh ano yun? Feel na feel mo naman na pinag aagawan ka nila." Sabi ni Steph.
"Anong pinuputok nyo jan? Kung gusto mo si Basty edi sayo na! Di ko aagawin sayo!" Sabi ko.
"Ikaw pala yung pinalit sakin ni Basty noon." Sabi ni Steph.
"Eh ano naman. Mas better kasi ako sayo!" Sabi ko sasampalin nya sana ko kaso naharang ko yung kamay nya. At sinampal ko sya.
"Pasampal ka palang naka sampal na ko." Sabi ko at inirapan sya! Aba hindi na ko papaapi nuh! Anong akala nya sakin. Umalus na kami dun ni Raine.
"Ang galing idol na talaga kita." Sabi sakin ni Raine habang pumapalakpak pa. Natawa na lang ako sa pagka childish nya.
**
Basty's POINT OF VIEW
"Tara na Madie uwi na tayo." Sabi sa kanya ni Blaine.
"Bakit alam mo ba bahay nila?" Tanong ko. Kung maka aya kala mo talaga kapitbahay lang nya.
"Ahm.. aalamin ko." Sabi nya.
"Huwag na Boss kasabay ko naman si Basty eh! Huwag kana mag-alala." Sabi ni Madie, tsk! May tawagan pa talaga sila.
"Sure ka ba?" Tanong nya.
"Syempre hindi ko papabayaan si Madie! Hindi mo na kailangan pang sabihin yun. Tara na Madie!" Sabi ko at inakbayan ko sya.
"At nga pala. Magkita tayo sa gym bukas ng umaga 5:00 am. Magsuot ka ng varsity na damit, may the best man win." Sabi ko at umalis na kami.
Madie's POINT OF VIEW
Wala akong clue sa mga pinag gagagawa nung dalawa, lalo na si Blaine hindi sya ganon eh! Ngayon lang, hindi kaya may feeling na sya para sakin. Eh si Basty? Ano bang problema nya ipaglalaban daw nya ko tsk! Nakipag break nga sya eh! Hayst! Ang gulo gulo nilang dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top