CHAPTER 73: New School
Madie's POINT OF VIEW
"Ma, sa Phillips na lang ako mag-aaral." Sabi ko.
"Ha? Bakit naman biglaan anak?" Tanong nya.
"Ayoko na po sa Mater Dei, ilipat mo na ko please. Ayoko na pumasok dun." Pagmamakaawa ko.
"Malayo kasi yun." Sabi nya.
"Nandoon naman po si Basty eh! Sya bahala sakin ma." Sabi ko.
"Oh sige kung yan gusto mo." Buti na lang pumayag na si mama. Dalawang linggo na kong di pumapasok di ko natatapusin yung grading ayoko na talaga. Di ko na sila kayang pakisamahan pa ng isang grading. Ipapasa naman ako ng mga teacher's ko dun eh. Hayst! Mamimiss ko si Blaine, wala na kong balak pang magpaalam sa kanya. Baka hindi ako matuloy umalis kapag nagpaalam pa sa kanya. Hindi ko kasi kayang tanggihan yung lalaki na yun eh! Matagal din yung pinagsamahan naming dalawa. Sana hindi siya magalit sa gagawin ko, sana friend's pa din kami. Sorry blaine kung sumuko ako agad di ko na talaga kaya eh! Alam ko naman na hindi mo ko iiwan pero mahirap pa din na mapalibutan ng mga plastik sa paligid mo. Mamimiss kita boss.
**
3 months later...
Blaine's POINT OF VIEW
Excited na ko pumasok tagal ko kasing di na kita si Madie eh! Hmm.. musta na kaya yung babae na yun. Agad akong pumunta sa room nila.
"Anne!" Tawag ko dun sa dati nyang kaibigan.
"Bakit?" Sabi nya.
"Nasaan si Madie?" Tanong ko. Hindi ko kasi sya makita.
"Ha? Di ko alam di naman sya pumasok." Sabi nya.
"Di ko rin sya nakitang nagpa-enroll." Sabi ni Kim.
"Ha?" Tanong ko. Pero bakit? Di kaya.. wag naman sana.
"Sige salamat na lang." Sabi ko at nagmadali akong pumunta sa office.
Tok! Tok! Tok!
Atsaka ako pumasok sa loob.
"Goodmorning sir." Bati ko kay Sir Valdez.
"Goodmorning, what can I do for you?" Tanong nya.
"Sir, lumipat po ba si Sierra Madison Smith." Sabi ko.
"Ito yung list ng mga nag transfer, you can check if you want." Sabi ni sir sabay abot ng isang envelop sakin. Hinanap ko yung name nya at confirm. Lumipat nga sya. Bakit hindi sya nagpaalam.
"Thank you sir." Sabi ko at lumabas na roon. Hindi ako mapakali kaya tinawagan ko sya.
The number you had dialed is incorrect..
Puro ganyan lang yung nagsasalita kainis. Nagpalit na ba sya ng sim.
Bangag ako buong araw, sya lang iniisip ko. Paano kung hindi ko na sya makita pa? Argghh! Nakakainis!
Madie's POINT OF VIEW
Iniintay ko si Basty dahil sabay kami papasok ngayon. Musta na kaya si Boss, hinanap nya kaya ko. Pero I'm sure oo.. at alam ko nag-aalala na yun sakin. Mamaya tatawagan ko na alang sya. Nagpalit na kasi ako ng number, sana hindi sya galit.
"Sorry antagal ko." Sabi nya at ngumiti pa sakin.
"Oo para kang babae!" Asar ko at nauna na sa kanya.
"Uy intay." Sabi nya. Hinarap ko sya bigla.
Basty's POINT OF VIEW
Bigla syang humarap sakin kaya nagulat ako. Ang cute nya natulala tuloy ako. Ang bilis ng kabog ng puso ko para akong aatakihin.
"Hoy!" Sabi nya kaya natauhan ako.
"Ay.. ano yun?" Tanong ko.
"Ayan! Di kasi nakikinig natulog ka ba ha?! By the way, sa school mamaya pwede huwag mo ko didikitan or kakausapin ayoko mapag-usapan. Baka sabihin nila kabago-bago ko eh nakikipaglandian ako sayo. Eh kilala ka dun, ayoko ng issue. Kaya puwede kunwari di tayo magkakilala?" Sabi nya.
"Ayaw mo nun makikilala ka agad! Suwerte mo close mo ko." Sabi ko at kumindat sa kanya.
"Tsk! Yabang mo." Sabi nya at iniwanan ba naman ako, kaya hinabol ko sya at inakbayan.
"Kay liit liit mo ang bilis mo maglakad." Asar ko sa kanya.
"Ikaw nga eh! Tangkad tangkad mo ang bagal mo maglakad parang pagong!" Sabi nya at dinilaan ako. Cute nya talaga.
**
Madie's POINT OF VIEW
"Ako sa may bintana." Sabi ko at umupo na dun. Buong biyahe nagkukulitan lang kami ni Basty. Akala mo hindi kami mag ex eh hahaha!
"Nandito na tayo." Sabi nya tapos bumaba na kami. Noong nasa harap na kami ng gate..
"Tara na." Sabi nya.
"Di ba may usapan tayo." Sabi ko.
"Ay oo nga pala. Pero sure ka ba kaya mo na?" Sabi nya.
"Ano ako bata? Syempre naman kaya ko. Para kang baliw!" Sabi ko.
"Nag-aalala lang kasi ako." Sabi nya.
"Huwag kana mag-alala. Remember ako si Madison." Sabi ko at tumawa na sya.
"Dito kita mamaya iintayin sa uwian ah!" Sabi nya at tumango naman ako. Tapos ginulo nya yung buhok ko at tumakbo na paalis. Pasaway talaga yun. My god nakakakaba naman to. Tinignan ko sa bulletin board kung anong section ako. Buti na lang nahanap ko agad.
Recarte B
Sana makahanap agad ako ng magiging kaibigan ko. Pagpasok ko dun sa room bigla silang natigilan, tapos nag ingay ulit sila. Buti naman, ayokong nasa akin yung attention nyo umupo na lang ako sa vacant seat sa harap. Yumuko ako habang hindi pa nagsisimula ang klase.
**
Nagising ako dahil sa kumakalabit sakin. Pag-angat ko ng ulo ko nakita ko yung tatlong babae. Inayos ko yung sarili koa t hinarap ko sila.
"Hi! I'm Stephanie Riley." Sabi nya sabay abot ng kamay nya sakin. Nakipag shake hands naman ako. Kapangalan sya nung ex ni Basty. Pero teka, hawig nya din eh! Baka sya nga ying ex ni Basty. Ang liit nga naman ng mundo.
"Ako naman si Kim Chan." Sabi nung isa. Ito naman kapangalan nung nakita ko sa gallery ni Basty, ano ba naman yan Madie unang araw ko pa lang dito nakilala ko na agad sila. But I don't care nandito ako para mag-aral.
"At sya naman si Cassidy Reyes." Sabi ni Steph kaya nakipag shake hands ulit ako.
"Ako naman si Sierra Madison Smith." Sabi ko at ngumiti sa kanila.
"You know, bagay ka sa squad namin." Masayang sabi ni Steph, tumango naman yung dalawa.
"Ha? Bakit?" Tanong ko. Di pa nga nila ako kilala bagay na agad ako sa squad nila?
"Kasi maganda ka at nasesense ko na matalino ka, bagay ka sa BB Squad." Masayang sabi ni Cassy.
"What is BB Squad?" Tanong ko.
"BB stands for Brainy and Beautiful." Sabi ni Kim at nag flip pa ng hair.
"Ahh.. pag-isipan ko muna." Sabi ko. Hindi ko pa kasi sila kilala.
"Okay we give you time para makapag decide, sabihin mo lang pag gusto mo na." Sabi ni Steph.
"Let's go girls." Sabi ni Steph at pumunta na sa may likod.
"Ang suwerte mo naman inaya ka nila." Sabi sakin ng katabi ko.
"Ha? Bakit naman?" Tanong ko.
"Sikat kasi sila dito at pili lang talaga yung pinapansin nila. Kaya ang suwerte mo sinasali ka nila." Sabi nya.
"Ayoko naman ng attention eh!" Sabi ko.
"Ay oo nga pala ako nga pala si Chelsea Lorraine, but you can call me Raine." Sabi nya at ngumiti sakin.
"Madie." Sabi ko at inabot ang kamay nya. Bigla namang umingay sa labas. Nagtitilian yung mga babae.
"Nanjan na sila." Sabi nya.
"Ha? Sino?" Sabi ko. May artista ba? Hindi ko makita kasi nakaharang yung mga classmate ko pati sila Steph.
"Ang 3 in 1." Sabi nya natawa ako.
"3in1? Di ba kape yun?" Sabi ko habang tumatawa.
"Kaya 3 kasi tatlo sila at kaya naman 1 pare pareho sila mga good looking, mga gwapo yun. Heartthrob yan dito." Sabi nya.
"Ay ganon ba." Sabi ko.
"Pero ang pinaka gwapo talaga ay si Grey Sebastian. Ex yun ni Steph at boyfriend ngayon ni Kim." Sabi nya, di ako makapaniwala sa mga nalaman ko ngayon.
"Pero parang hindi sila ni Kim, kasi hindi sila sweet.. hindi tulad nung sila ni Steph ang sweet nila. Kaso nagtaka kami isang araw bigla na lang silang di nagpansinan na parang hindi sila magkakilala. Ang sabi nila nagka girlfriend daw si Grey pero hindi dito nag-aaral" Sabi nya. Aww! Parang ako ata yun ah! I keep my mouth shut na lang para walang issue, lalo na at kaklase ko pala yung gf nya ngayon. So sya pala yung bago nya, buti na lang di ako sumali sa tinatawag nilang squad nila! Buti na lang nalaman ko agad, so alam ko na kung saan ako iiwas.
**
Tinawagan ko agad si Blaine pagka-uwi ko.
(Hello?)
Sabi sa kabilang linya, namiss ko tuloy sya.
'Boss'
Bati ko sa kanya.
(Madie?)
'Oo ako nga to boss.'
Alam ko na natutuwa sya ngayon.
(Namiss kita, ikaw ha! May kasalanan ka sakin, hindi ka man lang nag paalam na aalis ka!)
Halata ko sa boses nya na nagtatampo sya sa ginawa ko.
'Sorry na, alam ko kasi na hindi ka papayag eh! Kaya hindi na ko nagpaalam pa.'
Paliwanag ko.
(Hmmm..okay lang, musta nga pala first day mo? May kaibigan kana ba?)
'Hmm.. okay lang, oo may kaibigan na ko.'
(Saan ka nga pala lumipat?)
'Sa Phillips boss.'
(Ah.. ganoon ba.)
'Huwag kang mag-alala nandoon naman si Basty eh!'
(Sino yung ex mo?)
'Ahm.. oo boss.'
(Ah okay! Sige matulog kana alam kong napagod ka! Ingat ka palagi. Miss you.)
Sabi nya at in-end na yung call.
Blaine's POINT OF VIEW
Hindi puwedeng kasama nya yung ex nya. Baka magkabalikan pa sila ng ungas na yun, hindi na ko papayag pang saktan nya ulit si Madie. Ipapaglalaban ko na yung nararamdaman ko sa kanya. Papatunayan kong mas karapatdapat ako sa pag-ibig nya kesa sa Basty na yun. Tinawagan ko si Tita.
'Hello tita.'
(Oh Blaine napatawag ka?)
'Tita paki-ayos po yung papeles ko sa school, now na po.'
(Bakit biglaan naman ata? At bakit?)
Sabi nya.
'Bukas ko na lang po sasabihin bye.' Sabi ko at in-end na yung call. Intayin mo ko dyan Madie.
Ipaglalaban na kita!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top