CHAPTER 71: Selos

Madie's POINT OF VIEW

        Wala namang ilangan sa pagitan namin ni Basty, salamat naman. Maitext nga yun.

'Basty pahiram ng phone mo, magpapasa lang ako ng picture mo.'

Nagreply naman sya agad.

'Sige, abot ko sayo bago ako maligo. Oh gusto mo hiramin mo na lang yung memory card ko?'

Gusto ko palit tayo phone hahaha!!

'Huwag na ipapasa ko na lang picture mo.'

Naligo na ko para mamaya magbibihis na lang ako. Wala pang 5mins tapos na ko, ang lamig kasi.

'Pahiram na.'

Text ko sa kanya.

'Wait!'

Reply nya. Nag-antay ako sa kanya sa labas ng pinto. Nagulat ako kasi bigla syang sumulpot sa gilid. Inabot nya sakin yung phone nya.

"Idol yung password." Sabi nya at pumunta na sa kanila. Nagmamadali akong halungkatin yung phone nya. Tumingin muna ako sa gallery, at may hindi kanais-nais akong nakita. "I Love You Kim" yan yung nakalagay. Ouch ang sakit napagpalit nya na agad ako. Pero hindi ko din naman sya masisisi sa guwapo ba naman kasi nya talagang may magkakagusto sa kanya. Gustong gusto ko yun burahin, pero hindi pwede. Buti na lang wala syang picture ng babae sa phone nya. Lagyan ko kaya ng picture ko mwehehehe...(evil laugh) di joke lang baka mag ka war pa sila ng girlfriend nya. Lahat ng picture nya pinasa ko sakin. Pagkatapos ko nun, tumingin ako sa contacts nya at hinanap ko dun kung ano yung pangalan ko. May nakita na naman akong di kanais nais. "Kim Ko" yuck ang pangit mas maganda yan kung ako hahaha!! Hinanap ko na lang yung name ko pero wala akong nakitang Madie, Sierra, Madison or Sierra Madison wala ding Smith. Hmmm... Binura na ba nya number ko? Tumingin naman ako sa messages. Pag tingin ko isang message lang yun nandoon.

"Idol ko?"

Na curious naman ako, kaya binuksan ko. Di naman nya siguro malalaman eh! Pagka bukas ko, akin pa lang number to. Eh di ba yung password nya Idol? Anong ibig sabihin nito? Ako pa rin kaya? Hindi! Pero bakit Idol ko? Naguguluhan na ko. Biglang may kumatok samin kaya na i-back ko agad ito. Pagbukas ko sya.

"Yung phone ko?" Sabi nya.

"Ahh.. Ito, salamat." Sabi ko at ngumiti sa kanya. Pinagmasdan ko lang syang makalabas ng gate at pumasok na ko sa loob para magbihis na, baka malate pa ko.

**

Basty's POINT OF VIEW

   Nakita nya kaya? Nakakahiya, pero baka hindi naman. Hindi naman sya nagtanong eh!

**

"Pre kilala mo di ba yung malapit sa bahay nyo? Yung maliit?" Tanong ni JM.

"Sino si Madie?" Tanong ko.

"Oo yun nga, pre pwede favor?" Tanong nya.

"Ano?" Sabi ko.

"Pwede bang tulungan mo ko dun, ex mo naman na yun eh! Baka naman pwedeng maging girlfriend?" Sabi nya, gusto ko syang sapakin sa mga pinagsasasabi nya ngayon.

"Wala ka naman ng feelings sa kanya di ba? Ikaw naman yung nakipag break eh!" Dagdag pa nya. Malapit ko ng masapak to.

"Oo wala na kong feelings." Pagde deny ko.

"Yun naman pala eh!Pahingi ng number." Sabi nya

"Tanong ko muna sa kanya." Sabi ko kaya tinext ko si Madie.

'Merong humihingi ng number mo, taga dito din kaibigan ko. Ibibigay ko ba?'

'Ahm..sige.'

Ano?? Di man lang nya sinabing hindi, sige agad. Kahit na hindi nya pa nakikita nakakaasar ah!

"Ayos pumayag." Tuwang tuwa naman tong ungas na to. Inagaw naman nya sakin yung phone ko at kinuha yung number ni Madie. Gustong gusto ko syang sapakin, akin lang si Madie.

Madie's POINT OF VIEW

    7:00 pm na ng gabi ang sabi sakin ni JM magkita daw kami pag wala na kong ginagawa sa may kanto kaya lumabas na ko ng bahay. Nagulat ako kasi nakita ko sa labas si Basty, nakatingin sakin.

"At san ka naman pupunta ng ganitong oras?" Tanong nya.

"Nakikipagkita sakin si Jm eh!" Sabi ko.

"Makikipagkita ka dun sa ungas na yun ng naka short ka lang?" Tanong nya.

"Opo magpapalit na." At pumasok ulit ako sa bahay para magpalit ng jogging pants.

"Yan okay na po?" Tanong ko.

"Okay na yan, antayin mo ko sasamahan kita." Sabi nya at inakbayan ako. Inaalis ko yung kamay nya pero hindi nya tinanggal kaya pinabayaan ko na lang. Hanggang sa makarating kami sa kanto at nakaupo dun si Jm. Umupo na rin si Basty at ako nakatayo pa rin hindi ko alam kung saan ako uupo.

"Dito ka maupo." Sabi sakin ni Jm at tinuturo yung gilid nya.

"Hindi dito ka maupo sa tabi ko." Sabi ni Basty at umusod sa tabi ni Jm. Napag desisyonan ko na lang na umupo sa may gitna nila.

"Bakit nag break kayo ni Basty?" Tanong nya.

"Kasi ayaw nya ng ganitong relasyon." At tumingin ako sa kanya.

**

Nasa tapat na kami ng gate ng apartment namin dito kami nakatambay na tatlo nang bumili si Basty na stick-o. Wahhh!! I want stick-o.

"Gusto mo?" Tanong sakin ni Basty tumango naman ako. Ano ba naglalaway na ko!

"Bumili ka!" Asar nya, buwisit!

"Andaya mo sabi mo sakin lilibre mo ko eh!" Sabi ko.

"Oh!" Sabi nya sabay abot ng stick-o sabay bawi nya agad. Andaya!

"Hmm.." Sabi ko. Kinagat nya muna yung stick-o bago ibigay sakin.

"Oh!" Binigay nya sakim yung may kagat nyang stick-o, abnormal talaga!

"Ang sweet nyo!" Sabi ni Jm.

"Sweet ka jan! May Kim na yan!" Sabi ko at natigilan naman si Basty.

"Eh ikaw may Jm na?" Sabi nya at tumalikod na papasok sa gate. Luh! Anyare dun?

"Bye Jm. Uy Basty antayin mo ko." Sabi ko at hinawakan ko sya sa may damit. Bigla syang humarap sakin at....

Hinalikan nya ko sa labi, hala! Magnanakaw ng halik! Pero ang saya ko, bakit ganoon kahit hindi yun yung first time na mahalikan nya bakit parang kinikilig pa din ako. Wahhhhh!! Then I realized antagal ko na pa lang nakatayo dito sa labas kaya pumasok na ko sa loob. Wahhh!! Bakit ka ba ganyan Basty? Ginugulo mo lalo yung isip ko.

Basty's POINT OF VIEW

         "Daig mo pang tumama sa lotto Basty ah!" Asar sakin ni Kuya Almel.

"Oo nga kuya eh! Napaka suwerte ko." Natatawa kong sabi, nagseselos kasi ako at alam kong nagseselos din sya, kaya hinalikan ko sya para mawala yung iniisip nya tungkol samin ni Kim. Ang lambot talaga ng labi nya nakaka adik! Musta kaya tulog nun, feeling ko hindi makakatulog yun sa ginawa ko hahaha!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top