CHAPTER 70: Back To Normal
Madie's POINT OF VIEW
Back sa pagiging single, pero I'm happy naman.
"Boss." Sabay akbay nya sakin.
"Miss mo na naman ako?" Tanong ko.
"Oo eh!" Sabi nya.
"Bakit parang malungkot ka?" Tanong nya.
"Ha? Ako malungkot, di kaya." Sabi ko at pinilit kong ngumiti.
"Tara!" Sabi nya.
"San tayo pupunta?" Tanong ko pero di nya ko sinagot at hinatak nya yung kamay ko nakarating naman kami sa open field na malapit sa gym.
"Ano gagawin natin dito?" Tanong ko.
"Umupo ka." Sabi nya kaya ginawa ko naman yun. Nakatingin lang sya sa mga naglalaro ng soccer sa field.
"Pwede no namang sabihin sakin kung ano yung bumabagabag sa loob mo eh!" Sabi nya kaya napatingin ako sa kanya. Sobrang seryoso ng mukha nya.
"Break na kami." Napatingin sya sakin.
"Kahapon pa, pero huwag kang mag-alala. Hindi nya ko sinaktan ako yung nagkulang." Sabi ko habang nakatingin sa malayo.
Blaine's POINT OF VIEW
Gusto kong matuwa sa sinabi nya pero hindi ko magawa, feeling ko hindi sya okay eh!
"Okay lang yan nandito naman ako eh! Makakalimutan mo din sya." Sabi ko at sinandal ko yung ulo nya sa balikat ko.
"Salamat boss, kasi lagi kang nandito sa tabi ko masaya man ako o malungkot hindi mo ko iniwan. Salamat." Sabi nya.
"Syempre bestfriend kita eh! Kung papayag ka nga ipaghihiganti kita sa gag* na yun!" Sabi ko.
"Ano ka ba? Sabi ng ako yung may kasalanan eh!" Sabi nya at tumawa. Makakalimutan mo din sya boss.
"Tara na nga, baka ma late pa tayo." Sabi nya at hinatak naman nya yung kamay ko, sana hindi nya na ko bitawan pa.
Basty's POINT OF VIEW
Wala kong gana maghapon, nakayuko lang ako sa desk ko.
"Pre wala ka bang balak mag recess?" Tanong sakin ni Migs.
"Ayoko." Sabi ko.
"Heartbroken kasi." Sabi ni Chad pero di ko na lang sila pinansin. Wala naman akong mapapala pag nakipag talo pa ko sa kanila.
"Hi baby my loves so sweet." Maarteng sabi ni Kim at pumulupot pa sa kamay ko.
"Ano ba Kim?!" Inis kong sabi.
"Why? Di ba girlfriend mo ko, bakit ka nagagalit ka sakin?" Parang maiiyak na sabi nito.
"Please huwag kana lang makisabay pa." Sabi ko sa kanya at iniwan na sya doon. Hindi ako makakatulog kaoag nakikita ko yung babae na yun. Napaka pabebe.
"Wait baby my love so sweet, antayin mo ko." Sabi nya at pumulupot na naman sa braso ko.
"Hindi ka ba titigil ha?!" asar kong tanong sa kanya nakaka irita na sya eh!
"You're so annoying alam mo ba yun?" Sabi ko. Bigla naman syang naiyak at umupo sa sahig.
"Oh f*ck huwag kang umiyak jan baka sabihin nila ako pa nagpa-iyak sayo." Sabi ko at binigyan ko sya ng panyo.
"Ayaw mo kasing sagutin ako." Sabi nya habang umiiyak.
"Sh*t!! Hindi ka ba marunong umintindi! Hindi kita gusto!!" Inis kong sabi, hindi ko mapigilan na hindi sumigaw nakakaasar na kasi sya. Bigla syang humagulgol ng malakas.
"Uwaaaaaaaaa!!!" Nakakairita na sya.
"Ano bang gusto mong gawin ko para tumigil kana kakaiyak?" Tanong ko biglang lumapad yung ngiti nya.
"Maging tayo!" Sabi nya.
"NO!!" sagot ko.
"Ehhhhhh!!!" Pag iinarti na naman nya.
"Si Basty hinali---" hindi ko na sya pinatapos at hinila ko sya palayo sa maraming tao.
"Ano ba yun ha?!" Inis kong sabi sa kanya.
"Ipagkakalat ko na hinalikan mo ko!" Sabi nya.
"Nasisiraan kana ba? Sa tingin mo maniniwala sila sayo." Sabi ko na natatawa pa.
"Let see." Sabi nya at akmang aalis na pero pinigilan ko sya.
"Oo na tayo na." Pagkasabi ko nun umalis na ko.
"Baby my love so sweet, wait!" Sabi nya.
"Pero behave ka lang!" Warning ko sa kanya. Tumango naman sya at kunwaring zinip yung bibig nya.
**
"Baby my love so sweet, pahiram ng phone." Sabi nya.
"Ayoko." Sabi ko.
"Ah ayaw mo!" Pang-aasar nya.
"Oh eto na!" Sabi ko sabay abot ng phone ko.
"Woahhh!! Pare kayo na agad ni Kimmy??" Tanong ni Chad. Hindi ko na lang pinansin.
"Eto na baby my love so sweet." Sabi nya at binigay na sakin yung phone ko. Pagkatingin ko sa gallery ko may naka lagay na "I Love You Kim" anak ng!!
"Oh wag mo buburahin yan!" Sabi nya, nasusura na talaga ko sa babae na to malapit na mapapatulan ko na to! Tinignan ko yung contacts at nasamid ako sa nakita ko "Kim Ko" yuck!! Nakakadiri!
"Oh may angal ka?" Tanong nya.
"Wala!" Inis kong sabi.
"Good!" Sabi nya.
**
Buti na lang at naka-uwi na ko hindi ko na makikita yung babae na yun. Bigla ko namang nakita si Madie sa labas nila namiss ko bigla sya, gusto ko syang kausapin. Pero paano? Nagkatinginan kami pero bigla syang umiwas. Nang malapit na ko sa kanya.
"Oy?" Sabi ko at nginitian naman nya ako, kaya di ko mapigilang mapangiti. Siguro hindi na masama yung ganito. I miss that girl so much! At least nagpapansinan pa din kami.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top