CHAPTER 68: MisUnderstanding

Madie's POINT OF VIEW

   "Nak paki samapay nga itong mga nilabhan ko sa labas." Utos sa akin ni mama. Kinuha ko naman ito agad at pumunta na doon. Habang nagsasampay ako narinig ko yung pinag uusapan nila Basty malapit lang kasi ako sa kanila.

"Tita yan po yung girlfriend ni Basty." Arghh! Nakakahiya.. Lupa lamunin mo na lang ako. Gusto ko ng matapos magsampay. Feeling ko namumula na ko.

"Yan ba. Eh di ba yan yung kapitbahay natin."

"Oo tita."

"Naku! Sasaktan lang yan ni Basty." Sabi ng mama nya. Grabe naman napaka negative naman nya. Sasaktan agad, parang di nya anak. Tapos tumawa sila, buti na lang wala na kong isasampay. Tumakbo na ko papunta samin.

Basty's POINT OF VIEW

   "Ma naman.. Parang di mo ko anak, syempre di ko sasaktan si Madie mahal ko kaya yun." Sabi ko.

"Oh sige kung yan ang sabi mo." Sabi ni mama. Hay naku! Si mama ko talaga. Porket guwapo anak nya kung ano ano ng negative sinasabi sakin. Hahaha!!

Madie's POINT OF VIEW

   Nagtitiklop ako ng damit ng may nag text sakin.

"Linoloko ka lang ni Basty, ginagawa ka lang nyang panakip butas kay Stephanie. Si Steph pa rin mahal nya."

"Hindi ako naniniwala." Reply ko.

"Eh di itanong mo sa kanya." Sino ba to nakakaasar na ah! Pero baka totoo nga. Hayst Bahala na nga.

**

"Nak paki silong ng mga kumot natin." Sabi ni mama kaya lumabas na ko. Habang nilalagay ko sa lastay yung mga sinampay may narinig ako.

"Tita di ba mahal pa rin ni Basty si Steph." Kaya napatingin naman ako sa kanila, iniintay ko yung isasagot ni tita, pero sana hindi ko na lang narinig. Tumingin muna sya sakin bago sya sumagot.

"Oo." Parang binagsakan ako ng mabigat na bagay sa dibdib gusto kong umiyak. Bakit? Arghh!! Naiinis ako kasi naniwala ko sa kanya na mahal nya ko, pero nagkamali ako. Binilisan ko na dun at nagmamadaling umalis ng may mabunggo ako.

"Aray!" Pag tingin ko sya, para akong iiyak.

"Ayos ka lang ba?" Hindi ako ayos, tanga ka ba! Gustong gusto kong sabihin sa kanya yan.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Pagtataray ko sa kanya at pumasok na sa loob namin. Nagulat siguro sya sa inasal ko. Hayst!! Bahala sya, sya naman may kasalanan kung bakit nagkaka ganito ako.

Basty's POINT OF VIEW

  Nagulat ako nung sigawan ako ni Madie hindi sya ganoon eh! May ginawa ba kong masama? Di naman kami nag-away ah! Okay pa naman kami kanina ang sweet namin. Ano kayabg problema. Hayst!! Yung babae na yun pinag-aalala pa ko.

**

Gabi na pero hindi pa rin sya tumatawag o nag tetext ano na kayang nangyayari doon.

"Basty mukhang malalim yang iniisip mo ah!" Sabi sakin ni Carlo.

"Magkagalit kayo ni Madie nuh!" Sabi ni Mackie.

"Hindi ko nga alam eh! Sinungitan nya ko kanina nung mabunggo ko sya, hindi naman sya ganoon sa akin eh!" Paliwanag ko.

"Naku! Edi tawagan mo na kaya! Para maayos nyo yung dapat nyong ayusin." Sabi sakin ni Red, tama nga sya. Dapat kanina ko pa to ginawa eh!

Dialling Baby ko...

Ring... Ring.... Ring....

Madie's POINT OF VIEW

  Aba! Yung lalaki na yun pinabayaan na lang ako. Gabi na pero wala pa rin syang text ni miss call talagang pinanindigan nya sinabi ng mama nya ah!! Arghh!! Kasura kala nya ako unang magtetext at tatawag sa kanya, ugatin man sya doon sa kanila hindi ako magtetext at tatawag. Ako yung nasasaktan dito nuh!! Nagulat ako ng may nag appear sa phone ko.

Calling Baby Ko...

Speaking of the handsome devil hahaha!! Nataranta ko kaya napatay ko bigla. Bahala sya!! Hmmp!! Bigla naman syang nagtext.

"Please Baby answer my call we need to talk, we need to fix kung ano man yung nangyayari satin ngayon."

Pagkabasa ko nyan bigla ulit syang tumawag kaya sinagot ko na.

(Hello baby ko!!)

Sabi nya sa kabilang linya.

(Galit ka ba?)

Ay hindi!! Tuwang tuwa ako sayo!!

(Baby ko please talk to me, paano natin maaayos to kung hindi mo sasabihin sakin yung kinagagalit mo.)

Sabi nya may point naman sya dun.

'Ikaw kasi eh mahal mo pa din yung ex mo hanggang ngayon. I know sya yung nauna sakin kaya naiintindihan ko kung ma---'

Di na nya ko pinatapos, bastos! Di joke hahaha!!

(Baby saan mo naman narinig yan?)

Tanong nya.

'Sa mama mo tsaka sa mga kaibigan mo kaninang nandoon sa inyo, nag-uusap sila tapos ayun narinig ko!'

(Baby listen to me, nung panahon na nakipag break sakin si Steph kinalimutan ko na sya nun dahil ikaw na yung mahal ko. Kaya please huwag na huwag ka ng makikinig sa kanila sakin ka lang maniniwala. Did you trust me?)

Naliwanagan na ko sa mga sinabi nya, I feel na mahal na mahal nya ko at hindi nya ko magagawang saktan.

'Yes. Sorry kung di muna ko nagtanong sayo bago ako nag react napangunahan kasi agad ako ng selos ko. To think na mahal mo parin yung ex mo kumukulo yung dugo ko, hindi ko matatanggap yun eh! Baby may favor ako sayo.'

(Ano yun?)

'Pwede kung ayaw mo na sakin or may iba ka ng gusto o sawa kana, pwede bang sabihin mo sakin. Kesa naman tayo nga pero di kana masaya sakin, mas maganda kung sasabihin mo agad kung ayaw mo na para hindi ako masaktan. Tsaka sasabihin mo sakin kung sino yung nagugustuhan mo ah!'

(I promise!)

Buti naman, mas okay na yung totoo kesa sa patago kang linoloko mas masakit yun.

(Baby labas ka nga.)

'Bakit?'

(Bakit bawal ko bang makita yung selosa kong girlfriend?)

Natatawa nyang sabi kaya in-end ko na yung call at lumabas na. Nakita ko sya na nakaupo sa bike. Lumapit ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Marunong ka mag bike?" Tanong nya.

"Hindi." Sagot ko.

"Halika angkas ka sa likod ko." Sabi nya, tinignan ko naman yung likuran nya. Wala akong nakitang upuan.

"Wala namang upuan eh." Sabi ko. Natawa naman sya.

"Ikaw yung maupo ako tatayo." Sabi nya.

"Ayoko. Baka mag semplang pa tayo." Sabi ko.

"Akala ko ba may tiwala ka sakin." Sabi nya.

"Aish!! Oo na, sige na. Pero huwag mo bibilisan ah!" Sabi ko.

"Opo." Sabi nya kaya umangkas na ko, parang mahuhulog ako.

"Ayoko na, mataas pala.. Ibaba mo na ko." Sabi ko.

"Kumapit ka sakin ah!" Sabi nya sabay naman ng pag pidal nya. Wahhh!! Nag papanic na ko parang tutuwad to. Bakit kasi walang upuan sa likod eh.

"Ayoko na!! Ibaba mo na ko!!" Sigaw ko. Puro sigaw ko lang yung maririnig.

"Ahhhhh!! Di na ulit ako aangkas!" Sigaw ko ulit hanggang sa makabalik kami puro ako sigaw.

"Ohh wag kang malikot malapit na tayo " sabi nya. At sawakas nakababa na rin ako. Tapos sya tawa ng tawa. Kasura!!

"Bakit ka tumatawa jan? Muntik mo na kong patayin!" Sabi ko.

"Hahaha!! Ang cute mo kasi!" Sabi nya sabay pisil sa pisngi ko.

"Uwi na ko. Bye!" Sabi ko.

"Next time ulit." Sabi nya habang pinioigilang tumawa.

"Wala ng next time! Buwisit!!" Sabi ko, talagang wala na. Buti na lang nakababa ako ng maayos at walang galos sa katawan.  Alam ko na ngayon ang feeling habang nagba-bike at hinding hindi na ko uulit pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top