CHAPTER 67: Game is Over
Blaine's POINT OF VIEW
Ang saya ko suot suot ko yung damit niya. Hindi ko na huhubarin to, joke lang hahaha!!
**
Naglalakad na ko pauwi ng makita ko sila Pau at Drew sa may court malapit samin. Tinignan ko na lang sila at naglakad na palayo.
"Blaine!" Tawag sakin ni Drew.
"Oh bakit pre?" Tanong ko.
"Laro tayo?" Aya nya. Ayoko na sana kaso mapilit sya.
"Sige na nga basta isang laro lang, anong oras na kasi eh!" Sabi ko at tumango naman sya. Ako ang unang may hawak ng bola, pinaglalaruan ko lang yung mga nagbabantay sakin. Hahaha!! Apat pa sila nyan ah! Pero agad akong naka shoot.
"Easy!" Maangas kong sabi.
"Naka tsamba ka lang pre." Sabi sakin ni Drew. Si Drew naman ang may dala ng bola binabantayan ko sya hanggang sa ma i-still ko sa kanya yun at nag 3 points ako at pumasok naman ito.
"Wohhhooo!!" Sigaw ni Pau. Tsk!! Nandito yung boyfriend nya ako yung chinicheer nya. Napatingin na lang sa kanya si Drew. Napatagal ang laro namin 50-37 ang score ako lamang. Hanggang sa sumuko na sila.
"Wala ka pa ring pagbabago, anlakas mo pa din." Sabi ni Drew sakin.
"Ako pa ba?" Sabi ko at nagtawanan kami.
"Blaine oh.." Sabi ni Pau at inabot sakin ang isang tuwalya. Tinignan ko lang yun.
"Sige na pre tanggapin mo na." Sabi sakin ni Drew kaya tinanggap ko na kahit ayoko.
"Uy! Blaine sino si Madie?" Tanong sakin ni Carlo, teka pano nya nakilala si Madie?
"Ha?" Sabi ko.
"Maang-maangan pa huling huli naman na!" Sabi naman ni Jayson at tumawa sila. Tinuro naman sakin ni Drew yung nasa likod ko at naalala kong suot ko nga pala yung damit ni Madie.
"Ahh.. Boss ko bakit?" Sabi ko.
"Sus! Baka girlfriend?!" Asara sakin ni Jayson at nag up here sila ni Drew.
Pauline's POINT OF VIEW
Nakakaasar bakit suot suot nya yung damit ni Madie? Dapat ako yung inaasar sa kanya hindi yung babae na yun! Ako dapat yun eh! Mukhang gustong gusto nya pang sinasabihan sya na girlfriend nya si Madie kainis!!
"Mauna na ko." Paalam ni Blaine. Gusto ko syang habulin, gusto ko syang kausapin, gusto ko syang pigilang umalis, gusto ko syang halikan, gusto kong mag selos pero alam ko wala na kong karapatan sa kanya. Nakakahiya kanina kay Drew, kasi parang mas suportado pa ko kay Blaie kanina.. Kahiya, kasi naman dapat bulong ko lang yun di ko kasi napigilan mapangiti dahil ang galing nya pa ding mag basketball.
"Pau ayos ka lang ba?" Tanong nya.
"Ah oo.." Sabi ko.
"Gusto mo kain muna tayo?" Tanong nya.
"Ayoko, Drew may gusto akong sabihin sayo." Sabi ko.
"Ano yun?" Sabi nya.
"Magbreak na tayo." Mahinahon kong sabi, hindi ko alam kung bakit iyan ang lumabas sa bibig ko. Baka siguro ayoko na sa kanya at na realized ko na mahal ko pa rin si Blaine. Oo siguro iniisip nyo ngayon na napaka tanga ko kasi pakakawalan ko pa si Drew pero pano nyo naman ako masisisi mas unang dumating si Blaine, sya din yung minahal ko pero ang tanga ko kung balit pinakawalan ko pa sya noon. Ngayong naka move-on na sya ako naman tong parang tangang naghahabol.
"Sigurado kana ba jan?" Sabi ni Drew.
"Oo." Sabi ko.
"Sige kung yan ang gusto mo." Sabi nya ng nakangiti. Yun lang yun? Yun lang sasabihin nya sakin? Di nya ko pipigilan? Di sya magmamakaawa? Arghhh! Kaasar!
"Drew!" Tawag ko sa kanya pero di nya ko linilingon.
"Shawn Andrew Adler!! Bumalik ka dito!" Utos ko sa kanya pero hindi nya talaga ko liningon. Ganon na lang yun ibabasura na lang nya yung pinagsamahan namin? Bakit? Bakit di nya ko kayang ipaglaban?
Drew's POINT OF VIEW
Napaka dali naman nun! Di man lang nag tagal yung laro. Tsk! Tinatawag nya ko pero di ko sya liningon. Anong akala nya luluhod ako sa harap nya? Hindi mangyayari yun at hindi sa kanya. Naglakad ako palayo hanggang sa maka uwi ako. Sa wakas hindi ko na kailangan magpanggap pa na mahal ko sya, concern ako sa kanya kasi nakaka suka. Nakakalungkot nga lang sya yung nakipag break dapat ako yun eh kainis naunahan ako!
**
Naglalakad ako sa hallway ng may mabunggo ako.
"Ano ba yan?! Paharang harang kasi sa dinadaanan ko." Sambit ko ng makita ko sya.
"Sorry." Tangi nyang sabi. Palakad na sana ako ng higitin nya ang kamay ko kaya napatingin ako roon.
"Drew, nabigla lang ako kagabi saba di ka galit. Ayoko--" di ko na sya pinatapos pa. Ayokong humaba ang walang kuwentang pag-uusap na to.
"Alam mo Pau ayos lang sakin yun. Maliit na bagay. You're just a toy to me." Sabi ko ng nakangisi. Sinampal naman nya ako.
"Ang kapal mo, pinaglaruan mo lang pala ko. Alam mo ba na inisip ko buong gabi yung nangyari kahapon, kasi nagsisisi ako na nakipag break ako sayo, na mali pa na si Blaine yung piliin ko sayo. But ngayon mukhang I make a good decision and I won't regret it." Sabi nya habang umiiyak.
"So yun na yon, Can I go now?" Sarcastic kong sabi.
"I hate you! Kaya ba ganyan ka kasi linandi ka din ni Madie?" Sabi nya pagkarinig ko nun nag panting ang dalawang tainga ko.
"Ano yung sinabi mo?!" Galit kong sabi sa kanya.
"Na malandi si Madie! Di ba totoo naman kaya lahat ng ex ko linalandi nya!" Mapang asar na sabi nya. Aba! Sumosobra na tong babae na to ah! Huwag na huwag nyang idadamay dito si Madie. Sasampalin ko na sana sya ng may humawak ng kamay ko. Pag tingin ko si Madie pala.
"Huwag mong aksayahin yung oras mo sa mga taong walang kuwenta!" Pagkasabi nya nun ay ibinaba ko na yung kamay ko. Hinila nya ko paalis dun at nang makaratin kami sa mayhallway binitawan na nya yung kamay ko.
"Sa susunod kasi mag seryoso kana sa babae. Huwag puro kalokohan iniisip mo. Matalino ka naman, hindi ko malaman sayo kung bakit kailangan mong pumatol sa mga ganoong klaseng babae." Natatawa nyang sabi. Sabagay tama sya.
"Kung papayagan mo nga kong manligaw sayo, baka mag seryoso na ko." Asar ko sa kanya.
"Naku! Andrew tigil tigilan mo ko, hindi mo agad ako mauuto sa mga pa fall mong salita." Sabi nya.
"Kaya nga ikaw yung gusto ko eh kasi iba ka!" Bulong ko.
"Ano?" Tanong nya.
"Wala. Tara pasok na tayo.
Blaine's POINT OF VIEW
Lunch na kaya pumunta na ko sa classroom nila boss, dala dala ko yung pinahiram sakin ni Pau na towel kahapon.
"Pau!" Tawag ko sa kanya.
"Bakit?" Sabi nya binigay ko naman yung towel nya.
"Salamat." Sabi ko at umalis na sa harap nya, pinuntahan ko si boss.
"Boss!" At umakbay ako sa kanya.
"Ano yun?" Tanong nya.
"Ang alin?" Sabi ko.
"Yung binigay mo kay Pau?" Tanong nya, nagseselos ba sya dahil kinausap ko si Pau. Kaya napangisi ako.
"Oh bakit ka nakangisi? Mali yang iniisip mo ah! Hindi ako nagseselos!" Sabi nya. Defensive masyado, wala pa nga kong sinasabi hahaha!!
"Hahaha!! Wala pa nga kong sinasabi eh!" Sabi ko.
"Eh para kasing yun yung ipinahihiwatig mo." Sabi nya.
"Hahaha! Tuwalya lang yun pinahiram nya sakin kahapon. Dahil nandoon sya nung naglaro kami, yun lang yon okay?" Sabi ko at kumindat sa kanya.
"Di naman kita ipagpapalit doon!" Sabi ko at ginulo ko yung buhok nya. Hay naku! Bakit ang cute cute mo boss.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top