CHAPTER 66: Monthly Period

Madie's POINT OF VIEW

Pagkalabas ko ng pinto nagulat ako ng may humalik sa pisngi ko at nakita ko siyang tumakbo papunta sa kanila. Abnormal para talagang kabute yun pasulpot sulpot. Pero aaminin ko kinilig ako. Lalabas na sana ako ng gate ng tawagin nya ko.

"Madie hatid na kita." Kaya naman inantay ko na lang sya dito.

"Sabi ko naman sayo eh gaganti ako." Sabi nya. Kaya namula naman ako bigla.

"Why are you blushing? Gusto mo ulitin ko pa?" Sabi nya at inilapit nya sakin yung mukha nya kaya napa atras ako..

"I was kidding." Then he chuckle and he kiss me on my forehead. How sweet.

"Tara na." Aya nya sakin kaya sinuot ko na yung helmet at umangkas na sa motor nya. I love this boy so much. Nang makarating kami sa school nag paalam na ko sa kanya. Papasok na sana ako nang mapansin kong wala akong suot na i.d patay. Pag lingon ko sa likod ko wala na doon si Basty. Ang malas ko naman. Hinalungkat ko sa bag yung i.d ko pero bigo akong makita yun. Paano na ko ngayon?

Blaine's POINT OF VIEW

Napaka suwerte ko naman ngayon, nakita ko agad yung mahalagang tao sakin. Kaso parang may problema sya ano kaya yun?

"Boss, goodmorning. Bakit di ka pa pumapasok?" Tanong ko.

"Wala akong i.d" mahinang sabi nya. Kaya naman pala.

"Ako bahala. Ohh!" Sabi ko at inabot sa kanya yung i.d ko.

"Kapag naka lagpas kana sa guard, tsaka mo ibato sakin yung i.d ko kunwari nasa bag mo." Sabi ko.

Madie's POINT OF VIEW

"Ready kana ba?" Tanong sakin ni Blaine, sasagot pa lang sana ako kaso tinulak na nya ko kaya pumasok na ko kahit na kabang kaba ako na baka mahuli ako nung guard. Hayst!! Patay talaga sakin tong si Blaine eh! Pero ang ganda ng plabo nya hindi ako sinita nung guard kaya pagka lagpas na pagka lagpas ko nakita ko syang hinarang ng guard kaya tinawag ko sya.

"Blaine!!" Sigaw ko at binato sa kanya yung i.d nya.

"Oh ano yan?" Tanong nung guard.

"I.d ko po to kuya." Saad ni Blaine.

"Patingin." Sabi nung guard kaya pinatingin nya naman agad ito.

"Di ba sabi sayo kuya eh!" Sabi nya at naglakad na papunta sa akin.

"Ayos ba?" Tanong nya.

"Oo. Galing mo!" Sabi ko at inakbayan na nya ko.

**

Naglilinis kami ng room ng may maramdaman ako. Huwag naman ngayon, tanghali pa lang. Hindi ako ready. Kaso lumalakas talaga at bumubulwak.

"Madie ayos ka lang?" Tanong sakin ni Gennie.

"Hindi, feeling ko meron ako ngayon." Sabi ko.

"Check mo dun sa c.r samahan kita." Sabi nya kaya pumunta na kami dun.

Nang ibaba ko yung short ko ang dami ng dugo. Ngayon ko lang na experience na magkaroon ng menstruation in public, nakakahiya.

"Hala! Pano to meron nga ko at ang lakas. Baka tumagos na to sa palda ko." Sabi ko.

"Umuwi kana lang kaya, tanghali naman na eh ihahatid kana lang namin." Sabi ni Anne.

"Oh sige. Patawag muna kay mama." Sabi ko at pinahiram naman sakin ni Miley yung phone nya.

**

"Ano sabi?" Tanong sakin ni Trina.

"Mamasahe na lang daw ako." Sabi ko. Hayst!

"Naku Madie hindi ka na namin masasamahan sa gate inutusan kami ni Sir Puhi." Sabi ni Joy.

"Ayos lang naiintindihan ko." Sabi ko at ngumiti sa kanila.

"Sige ingat ka ah!" Sabi nila sakin kaya umalis na ko. Habang naglalakad ako sobrang lagkit na. Gustong gusto ko ng maligo. Baka mamaya dito pa ko tagusan sa hallway nakakahiya. Kailangan maglakad ako ng mabilis.

Blaine's POINT OF VIEW

Papunta sana akong faculty ng makita ko na naglalakad sa hallway si Madie, san kaya sya pupunta pero teka! Ano yung nasa palda nya? Ketchup? Teka parang hindi, kaya nagmadali akong tanggalin yung polo ko at patakbong lumapit sa kanya. Yinakap ko sya mula sa likod para hindi makita ng mga estudyante na may tagos sya. Alam kong nabigla sya sa ginawa ko.

"Blaine??" Sabi nya. Namumula sya sa ginawa ko ang cute.

"May tagos ka, itali mo yung polo ko sa waist mo para hindi makita." Pabulong kong sabi sa kanya. Nakita ko naman na mas lalo syang namula sa sinabi ko, kaya sinunod na lang nya yung pinagawa ko sa kanya. Humarap sya sakin.

"Salamat." Sabi nya.

"Wala yun." Sabi ko.

"Pero pano ka wala kang polo, paano kung di ka papasukin ng teacher mo?" Tanong nya.

"Sasama ako sa bahay nyo eh! Pakakainin mo pa ko. Tara na." Sabi ko at kumindat pa sa kanya, hindi na sya umangal pa dahil siguro nahihiya sya sakin. Hahaha! Ang cute nya. Pinayagan kaming lumabas nung guard at nag para na nga ako ng tricycle.

**

Habang nasa biyahe kami di ko mapigilang mapangiti dahil sobrang cute nya nung namumula sya kanina. Di ko namalayan na nandito na pala kami sa kanila.

"Tara pasok ka." Sabi nya kaya pumasok na ko.

"Ma nandito na ko. Kasama ko pala si Blaine" Sabi nya.

"Hello po, Tita." At nag blessed ako sa mama nya.

"Teka lang ah! Maliligo lang ako saglit." Sabi nya.

"Manood ka muna jan Blaine." Sabi ng mama nya kaya binuksan ko yung t.v

"Mauna ka ng kumain kay Madie mamaya pa matatapos yung bata na yun." Sabi sakin ni Tita.

"Okay lang po tita, iintayin ko na lang sya." Sabi ko.

"Oh sige at matutulog na kami." Sabi nito at pumasok na sa kuwarto nila.

Madie's POINT OF VIEW

Magpapanty na sana ako ng makita kong wala pala akong napkin na dala dito sa c.r. Minamalas talaga ko ngayon. Hindi ako puwedeng lumabas ng naka tuwalya lang nakakahiya kay Blaine. Argghh!! Nakakainis talaga. Nag tuwalya muna ako at binuksan ng bahagya yung pinto ng c.r, tatawagin ko na lang si mama.

"Ma!!" Tawag ko, pero walang sumasagot kaya tinawag ko ulit, pero si Blaine yung sumagot.

"Bakit boss? Anong problema?" Tanong nya. Wala na talaga akong choice kakapalan ko na mukha ko kahit na nakakahiya sa kanya.

"Blaine bili mo nga ako ng napkin yung night pad, whisper tatak ah! Mamaya ko babayaran." Sabi ko.

Blaine's POINT OF VIEW

Nagulat ako sa sinabi nya pero kailangan ko talaga syang ibili.

"Sige antayin mo ko dito." Sabi ko sa kanya at umalis na doon.

"Pag bilhan po?!" Tawag ko.

"Ano yun?" Tanong nung tindera. Wala ng hiya hiya para kay boss naman to eh.

"Napkin na night pad po, yung tatak whisper." Sabi ko.

"Ijo ngayon lang ata kita nakita dito?" Tanong sakin nung tindera.

"Ahh.. Kaibigan po ko ni Madie." Sabi ko.

"Naku! Ay bagay pala kayo ni Madie. Akala ko girlfriend mo sya eh!" Sabi nya kaya natawa na lang ako. Sana nga po girlfriend ko sya. Kinuha ko na yung binili ko at pumasok na kila Madie. Inabot ko sa kanya yung napkin at after 7mins natapos na rin syang magbihis.

"Sorry kung natagalan." Sabi nya. Grabe ang hot nya pinagpapawisan ako.

"Tara kain na tayo." Sabi nya tumango na lang ako. Tinulungan ko syang maghain. Habang kumakain kami.

"Ahm.. Boss pano yan linabhan ko yung polo mo kasi natagusan, hindi tayo makakapaso." Sabi nya.

"Okay lang.. Atleast kasama kita." Sabi ko pero pabulong na yung huli.

"Ha??" Tanong nya.

"Wala sabi ko ang ganda mo kaso bingi ka." Sabi ko at ngumiti ako sa kanya.

"Baliw!" Sabi nya.

"Sayo.." Pabulong ko ulit na sabi.

"Ano?!" Sabi nya.

"Wala, kumain na nga tayo." Sabi ko at hindi naman na sya nangulit pa. Pagkatapos naming kumain ako na yung nagprisintang mag-urong. Pagkatapos nun nanood kami ng horror movie. Ang hilig kasi ng babae na to sa horror. So ayun naka dalawa kaming movie, kaso di man lang natakot.. Iba talaga sya sa mga nakilala ko. Kaya habang tumatagal parang mas na iinlove pa ko sa kanya.

"Thank you sa pagligtas sakin today, bukas ko na lang isasauli yung polo mo di pa kasi tuyo." Sabi nya.

"Okay lang. Arbor ko na tong t-shirt mo ah!" Sabi ko sa kanya. Pinahiram nya kasi ako ng t-shirt kesa sando daw suotin ko pauwi. Ang suwerte ko kasi suot suot ko yung damit nya Madie 0 2 yung nakalagay sa likod.

"Oo na sige na, ingat!" Sabi nya, kaya ginulo ko na yung buhok nya at naglakad na paalis ang bango ng damit nya. Itatago ko to remembrance ko ngayong araw. In everyday na magkasama kami ni Madie mas lalong nahuhulog yung loob ko sa kanya. Ito ba talaga yung epekto ng love sakin. Sana balang araw magkaroon na ko ng lakas ng loob para umamin sa nararamdaman ko bago pa mahuli ang lahat at pagsisihan ko sa huli.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top