CHAPTER 65: KUTOB
Madie's POINT OF VIEW
"Anong gusto mong kainin baby?" Tanong ni Drew kay Pau. What the?? Anong nangyayari sa kanya? May sapi ba sya?
"I want this one." Arteng sabi naman ni Pau.
"Bakit sobrang sweet naman ata nila ngayon?" Tanong sakin nila Miley.
"Ako rin wala idea." Sabi ko. Hindi kaya?? Hindi naman siguro pinaglalaruan ni Drew si Pau?? Pero pano yung narinig ko? Pano kung tama nga yung kutob ko na, lahat ng pinakikita ni Drew ngayon kay Pau ay hindi totoo. Bakit ko nga ba sila iniisip? Wala na kong pake kung masktan man sya.
"Guys I have to tell you something.." Sabi ko.
"You sound like there is something we should know." Sabi bigla ni Blaine. Bigla bigla naman tong sumusulpot parang kabute.
"Okay. But promise me di nyo to pagsasabi kahit kanino? Kasi I didn't know if it's true." Paliwanag ko.
"Oo." Sagot naman nilang lahat.
**
"Pano magagawa yun ni Drew?" Tanong sakin ni Blaine.
"Ibang iba na si Drew sa dating sya, hindi ko na sya kilala." Sabi ko kay Blaine.
"You're right, because hindi nya kaya manakit ng babae." Sabi ni Blaine.
"Ewan ko nga ba.. Baka influence yun ng mga tropa nya ngayon. He became playboy now." Sabi ko.
"Agree ako jan.. Sayang gwapo pa naman sya." Nanghihinayang na sabi ni Trina.
"Trina??!!" Saway sa kanya ni Miley.
"What?? Did I say something wrong?" Tanong nya.
"Oo." At sabay sabay pa nga sila. Kaya natawa na lang ako.
"Hay naku! Huwag mo na nga silang isipin. Halika! Ililibre na lang kita." Sabi ni Blaine at hinatak naman niya ako papuntang canteen. Narinig ko naman sila Miley.
"Andaya bakit si Madie lang?" Napangiti na lang ako.
"Ano gusto mo boss?" Tanong nya.
"Kahit ano na lang." Sabi ko.
"Sige antayin mo lang ako dito ah!" Sabi nya at pumunta na nga doon sa may counter. Siguro kung di ko lang to bestfriend na inlove na ko sa kanya ng tuluyan.
"Hi!" Sabi naman ng nasa harap ko. Hindi ko na lang sya pinansin.
"Uy! Bakit di ka namamansin?" Tanong nya. Ano bang problema ng lalaki na to at ako yung ginugulo?
"Huwag ako yung guluhin mo yung girlfriend mo!" Pagsusungit ko sa kanya.
"Uy selos sya." Baka!! Kapal ng face nya.
"Pre may problema ba?" Tanong ni Blaine sa kanya.
"Wala naman pre. Gusto ko lang maka usap si Madie." Sabi nya.
"Tungkol saan?" Tanong naman ni Blaine kaya sumingit na ko.
"Alam mo Drew kung wala kang magawa pwede lumayo ka na lang! Ayun! Yung girlfriend mo oh! Yun yung guluhin mo huwag kami." Sabi ko at hinila ko na palabas si Blaine.
**
"Madie.." Sabi sakin ni Blaine.
"Hmmm.." Sagot ko habang kinakain ko yung chicken sandwich na bigay nya sakin.
"Ahm.. Pano kung meron kang kaibigan na may gusto sayo?" Tanong nya. Nabulunan naman ako sa tanong nya.
"Ayos ka lang ba?" Tanong naman nya sakin at binigyan nya ko ng tubig.
"Bakit mo naman natanong?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa kanya. Nakatingin lang sya sa damuhan. Ano bang iniisip nya?
"Ahm.. Wala naman, wag mo na lang isipin yun. Oh eto pa! Kainin mo lahat yan ah!" Sabi nya at binigay sakin yung sandwich nya.
"Thank you." Sabi ko sa kanya, at kinain ko na nga yung bigay nya sakin.
Blaine's POINT OF VIEW
Ang ganda nyang pagmasdan habang kumakain. Saan kaya kong sabihin sa kanya na "I like her so much" kaso hindi ko alam kung bakit sa tuwing aamin na ko umaatras yung dila ko. Siguro hindi pa ito yung tamang oras para samin. Darating din yung panahon maaamin ko din sa kanya yung gustong gusto kong sabihin matagal na. Oo torpe na kung torpe ayoko kasing itake advantage porket mag bestfriend kami. Gusto ko kasing maka sigurado na sya na talaga yung naka tadhana para sakin. Pagkatapos nyang kumain inihatid ko na sya sa classroom nya.
"See you mamaya sa uwian." Sabi ko sa kanya at ngumiti naman sya. Naglalakad ako ng may buglang humatak sakin sa madilim na part ng school. Sino to? Pero feeling ko babae sya. Siniil nya ko ng halik pero naitulak ko agad sya palayo at hinatak sa liwanag. Nagulat ako nang makita ko sya.
"Ikaw? Bakit?!" Inis na sabi ko sya pa nakakuha ng first kiss ko. Dapat kay Madie lang yun eh! Dapat sa babaeng mahal ko lang yun! Pero ng dahil sa kanya wala na at ang malas pa sa babaeng kinaiinisan ko pa.
"Wala kana bang nararamdaman para sakin Blaine?" Tanong nya. Tanga ba sya?
"Pau?? Ano ba?! Pwede bang tigilan mo na ko! May boyfriend kana! At ako....." Di ko na naituloy.
"Dahil ano kasi may Madie kana?? Yun ba Blaine?" Tanong nya habang umiiyak na.
"Pwede Pau huwag ka ng umiyak baka sabihin pa nila pinaiyak kita."
"Ang tanga ko! Kasi hanggang ngayon umaasa pa rin ako na makikipag balikan ka sakin. Pero hindi na siguro mangyayari pa yun dahil may malanding aligid ng aligid sayo. Di ba may boyfriend na sya bakit hindi ka nya tigilan?"
"Pwede ba Pau! Hindi ganong klaseng babae si Madie at huwag na huwag mo syang ikukumpara sayo dahil iba si Madie sa lahat ng nakilala ko at lalong lalo sayo. Mas pipiliin ko pang makipag kaibigan kay JM kaysa sayo!" Sabi ko sa kanya at iniwan na sya doon. Nakaka asar sya pa tuloy nakakuha ng first kiss ko.
**
"Bakit ka badtrip?" Tanong sakin ni Madie. Kapag nakikita ko sya nwawala yung pagka asar ko. Gumagaan yung pakiramdam ko pag kasama ko sya.
"Wala." At ginulo ko na lang yung buhok nya. Inantay ko syang maka uwi bago ako sumakay ng jeep. Sana kapitbahay ko na lang si Madie para lagi ko syang nakikita at magkasabay sana kaming papasok sa school.
Madie's POINT OF VIEW
"Kamusta naman buong araw mo?" Tanong ni Basty.
"Ayos lang. Ikaw?" Tanong ko habang nakatingin sa langit.
"Ayos lang din.. Nakumpleto na nung nakita at nakasama kita ngayon." Sabi nya at hinawakan nya yung kamay ko. Napatingin naman ako doon.
"Marami mang magka gusto sakin sa school.. Hindi naman kita ipagpapalit sa mga yun. Pangako!" Sabi nya. Kinilig ako sa sinabi nya.
"Suwerte mo guwapo boyfriend mo!" At nag pose pa sya ng pogi style. Ang cuteee!! Kaya pinisil ko yung cheeks nya.
"Hmmmmm.. Kaya lab lab kita eh!" Sabi ko at kiniss ko sya sa cheek, tapos bigla akong tumakbo papasok samin. Bigla namang may nag text sa phone ko.
"Ikaw ah gusto mo pala ko ikiss di mo ko ini-inform. Nabigla ko sayo, pero kinilig ako. Bukas gaganti ako! I love you.. Goodnight."
Yan yung text nya kaya napangiti na lang ako.
"I love you too.. Goodnight baby ko."
Reply ko sa kanya at pinikit ko na yung mata ko habang yakap yakap ko yung phone ko.
A/N: Awiiieehh!! Nagbabalik na ulit ako. Thank you sa pag iintay ng update ko kahit sobrang tagal. Thank you, dahil sa suporta niyo sa story ko nakuha ko lahat ng achievements na ito. I love you always guys!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top