CHAPTER 61: Friend's Over

Madie's POINT OF VIEW

     Papasok na ko ngayon ng room. Nakita ko naman agad si Kim. Pero bakit ganon?? Parang di nya ko binabati?? May ginawa ba kong mali?? Siguro mamaya papansinin na nya ko. Pinabayaan ko lang sya hanggang sa dumating yung teacher namin hindi pa rin nya ko pinapansin. Ano ba kasi nangyari?? Pag nagkakatinginan kami umiiwas sya. Hayaan ko na nga lang. Hanggang sa recess di pa rin nya ko pinapansin.

"Tara Bernz." Sabi nya at umalis na sila. Ano ba kasi nangyayari?? May problema ba kami? Bakit ayaw nyang sabihin. Hindi naman ako manghuhula eh. Naiwan akong mag isa sa upuan namin. Naaasar na talaga ko ah! Natapos yung recess at bumalik na sila. Prank ba to?? Hindi na ko natutuwa ah! Dumating na yung next subject namin.
"Okay class mag groupings kayo by two's dahil may activity tayo today. So humanap na kayong ng mga partner's nyo!" Sabi ni Sir Pareño. Iniintay ko kung kukunin ako ni Kim na ka partner. Pero hindi..
"Bernz partner tayo." Sabi nya.
"Sige." Sabi nito. So ganon? Okay! Tumingin tingin ako kasi ako na lang talaga yung walang partner.
"Madie!" Tawag sakin ni Miley. Hindi ko sya close pero nag uusap naman kami.
"Bakit?" Tanong ko.
"May partner ka na?" Tanong nito. Buti pa sya naaalala ako. Eh yung isa dito hindi.
"Wala pa eh!" Sabi ko.
"Dito ka na lang." Sabi nya kaya lumapit ako. Binigyan naman ako ni Rafael ng upuan.
"Oh dito kana umupo prinsesa." Sabi nya.
"Salamat." Sabi ko.
"Tayo partner." Sabi ni Joy.
"Sige." At nginitian ko sya. Inusod nila yung upuan para hindi masyadong nakahalang yung upuan ko. Nag umpisa na yung activity at mababait naman sila. At masayang kasama.
"Bakit hinfi kayo nagpapansinan ni Kim?" Tanong sakin ni Trina.
"Ewan ko nga eh! Bigla na lang nya kong hindi pinansin. Hayaan nyo sya." Sabi ko. At nagsagot na lang din sila.
"Gusto mo sama ka na lang samin." Sabi ni Anne.
"Sige ba." Sabi ko. Buti na lang mababait sila at hindi pa maarte.
"Kasali kana sa Tropang Makhuletz." Sabi ni Geminie.
"Wohhoo!!" Sigaw nila. Wahh!! Di ko expected yun ah!
Tumunog na yung bell kaya lunch na namin. Salamat naman. Hindi parin sila lumalabas. Nag aayos na ko ng gamit ng magtilian sa labas. Alam ko na kung sino yung parating.
"Boss ano? Tara na?" Sabi nya tumango na lang ako. At lumabas na kami. Oo kasama ko sila Joy.
"Bagong friends?" Tanong sakin ni Boss.
"Oo." Matipid kong sagot.
"May problema ka ba boss?" Tanong nya at halata mo sa kanyang nag aalala sya.
"Wala. Para kang baliw!" Sabi ko at ibinigay ko sa kanya yung bag ko. Mabuti ng wag na lang nyang malaman. Kaya ko pa namang sarilihin eh! Tsaka may mga friends na ko agad.
"Bestfriend mo pala talaga si Blaine." Sabi sakin ni Joy.
"Oo." Sabi ko. Nakarating na kami sa canteen as usual si Blaine ang umorder ng pagkain ko. Pero sa aking pera ah! Sabi ko kasi sa kanya tuwing friday na lang nya ko ililibre. At pumayag naman sya. Pagkatapos naming kumain bumalik na kami sa room.

**

Nakapila kami ngayon sa corridor at last subject na namin ito. Nakita ko naman si Kim na mag isa kaya nag lakas loob akong lapitan sya.

"Kim may problema ba tayo? Kung meron pwede naman nating pag usapan to eh!" Sabi ko. Umiwas sya ng tingin at imbis na sagutin yunh tanong ko..
"Bernz ano yun?" Sabi nya. Kahit hindi naman sya kinakausap ni Bernz. Okay so ngayon alam ko na. Hindi na ko lalapit at makikipag usap kahit kelan sa kanya. Tandaan nya yan.
"Okay kung yan gusto mo?!" Sabi ko at umalis na dun. Tandaan nya hindi sya kawalan at hindi ako ang sumira sa friendship namin kung hindi sya.
"Wala na talaga." Sabi ko sa kanila.
"Okay lang yan nandito naman kami." Sabi ni Geminie. Napangiti naman ako sa sinabi nya. Tama sya nanjan sila para sakin.
"Okay uwian na daw sabi ni Ma'am." Sabi ni Miley.
"Bakit daw?" Sabay sabay naming tanong.
"Sabay sabay pa talaga kayo ah!" Sabi ni Miley at tumawa naman kami.
"Eh kasi daw aalis sya. Kaya uwian na." Sabi ni Miley.
Naglakad na nga kami papunta sa gate. Ang aga tuloy ng uwian namin hahaha!!
"Sa susunod punta tayo kila Madie." Sabi ni  Joy.
"Sige!" Sabay sabay nilang sabi.
"Sige pati si Blaine aayain ko." Sabi ko.
"Ayiieehh!!" Kantsaw nila sakin.
"May boyfriend kaya ako." Sabi ko. Kaya natigilan sila.
"Sino??" Sabay sabay na naman nilang tanong.
"Malalaman nyo kapag napunta na kayo samin." Sabi ko. At tumago naman sila.

**

Hinding hindi ko talaga makakalimutan yung ginawa sakin ni Kim. Matapos ko syang ipagtanggol yun lang igaganti nya sakin. Grabe sya di man lang nahiya sakin.
Bigla namang nag beep yung phone ko kaya tinignan ko.

Convo with Vince..
Sya: Madie alam mo na ba?
Me: Ang alin?
Sya: Wala na kami ni Kim, alam mo ba kung sino yung bago nya ngayon.
Me: Huh! Sino?
Sya: Edi yung ex mo.

Pagkabasa ko nun. Hindi ako makapaniwala na papatulan ni Kim yung ex ko. Hahaha!! Plastic nga naman mahilig sa basura. Perfect combination bagay nga sila. Ewan ko na lang kung anong kakalabasan ng love team nila. Goodluck!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top