CHAPTER 59: Ex Bestfriend, Ex Crush
Madie's POINT OF VIEW
7:00 am na at marami na ring tao. Iniwan na kasi ako dito ni Blaine buti na lang dumating na si Kim.
"Uy! Madie kanina ka pa ba nandito?" Tanong nya sakin.
"Medyo." Sabi ko.
"Lika na pasok na tayo." Sabi nya at hinatak na ko papasok ng room namin. Di ko namalayan bukas na pala sya. Humanap na kami ng upuan dalawa. At nakakita naman agad kami sa may harapan.
"Sino kaya magiging classmate natin?" Tanong ko.
"Ewan ko lang." Sabi nya.
Maya maya lang dumami na yung tao sa room. Pag tingin ko sa likod. OM! Talaga bang magiging classmate ko tong lalaki na to? Wahhh!!
"Oh? Anyari sayo?" Tanong sakin ni Kim.
"Wala lang." At umayos na ko. Pumasok na si Ma'am kaya nagsi upo na kami.
"Okay class.. Alam nyo naman na kapag first day walang pinagagawa mga teacher sa inyo, kaya naisipan kong mag election na tayo." Sabi ni Ma'am kaya nagsihiyawan kami. Nag voting na nga hangang sa muse at escort na lang ang natitira.
"So sino iboboto nyo para sa muse at escort?" Tanong ni Ma'am.
"Ma'am I nominate Pauline May Ramos for muse." Sabi ni Angela.
"Ayoko." Pag iinarteng saad ni Pau.
"Sya na naman?" Tanong ni Joan.
"Oo kapag walang lumaban sya na naman ulit." Sabi ni Bernz. Magkaka lapit lang kasi kami.
"I nominate Aina Roswell for muse." Sabi ni Joan nagulat kami pero okay na rin na si Aina. Matangkad sya at maganda bagay sa kanya ang muse.
"Woaaaww!!" Sigaw ng mga classmate naming lalaki.
"So sino ang boto kay Pauline?" Tanong ni Ma'am. Kunti lang yung mga nag taas hahaha!! Halatang ayaw na nilang maging muse si Pau.
"So alam na kung sino ang panalo." Sabi ni Ma'am.
"Maganda rin naman si Pau, pero mas maganda kung matangkad ang kukunin nating muse. At si Aina yun." Sabi ni Ma'am at tumingin sa direksyon namin at naging escort naman namin si Vincent. Si Vincent Alarcon, bestfriend ko dati nung kinder kami at crush ko sya. Pero now hindi na. Ang pogi nya lang kasi dati.
"Buti naman ikaw na yung muse." Sabi ko kay Aina. Ngumiti naman sya at nag dismiss na si Ma'am.
Papunta na kami ngayon sa next subject namin Filipino. Umupo na kami ni Kim at magkatabi na naman kami. Always naman at hindi kami mapaghihiwalay nito. Kinuha ko yung pamaypay ko sa bag kasi sobrang init. Sira kasi yung aircon ng classroom na to. Kahit nakabukas na yung mga bintana mainit pa rin. Nagpapaypay ako ng inagaw sa akin ng walanjo na lalaki na to yung pamaypay ko. Iniinis nya ba talaga ko.
"Akin na nga yan." Inis na sabi ko sa kanya at tangkang aagawin.
"Eh! Kung ayoko?" Pang iinis nya pa sakin.
"Sayo yan?! Akin na kasi." Sabi ko.
"Hindi! Bakit sayo ba to?" Tanong nya. Nang aasar ba talaga to?? Nakaka pika na ah!
"Oo sakin yan!" Sabi ko.
"Bakit ikaw bumili?" Asar nya ulit. Aba! Talaga naman!
"Hindi mama ko bumili nyan." Sabi ko.
"Edi hindi sayo to! Si mama mo pala bumili eh!" Sabi nya kasura talaga!! Napaka pilosopo.
"Argghh!!" Kakainis talaga. At umupo na lang ako sabay crossed arms at inirapan sya.
"Oh! Eto na napaka sungit mo. Parang wala tayong pinagsamahan." Sabi nya at inilapag sa harap ko yung pamaypay. Bakit ba kasi sa lahat ng tao ikaw pa yung naging kaklase ko SHAWN ANDREW ADLER!! Arghh!!
Drew's POINT OF VIEW
Hi I'm Shawn Andrew Adler. Gwapo, matangkad, Math Genius, maka Diyos at marami pang iba. Dati nga pala kong bestfriend ni Madie hahaha!! Ewan ko ba kung bakit nawala yung friendship namin? Bigla na lang nya kasi akong hindi pinansin. So yung kanina sarap nya talaga asarin hahaha!! Pero ang gwapo ko aminin hahaha! Ang init ng dugo nya sakin high blood. Hiniram ko lang yung pamaypay eh. Pero gumanda sya ah dati kasi cute lang sya ngayon ay ewan. Hahaha! So classmate kami ngayong Grade 9 ang lupit mo talaga tadhana.
Pauline's POINT OF VIEW
Tsk!! Sayang gwapo pa naman sya at type ko sya. Kaso kilala nya si Madison? Kainis lagi na lang. Nasa kanya na nga si Blaine eh! Pati ba naman yung crush ko arghh!! Kaka inis. At wait nga may pinagsamahan sila? Ano? Naging gf nya ba si Madie? Lahat na lang! Kaka inis!!
"Oh bakit umuusok yang ilong mo?" Tanong sakin ni Angela.
"Eh pano ba naman kasi kilala ni Madie yung crush ko. At may pinagsamahan daw sila." Sabi ko at nagdrama.
"Ahh!! Si Shawn ba?" Tanong sakin ni Angela.
"Teka? Pano mo sya nakilala?" Tanong ko.
"Classmate namin sya nila Madie at yung pinagsamahan na tinutukoy mo. Bestfriend's kasi silang dalawa dati." Paliwanag sakin ni Angela.
"Tsk! Ang landi nya." Inis na sabi ko.
"Oo sinabi mo pa. Lahat ata ng classmate naming lalaki nung elem naging bestfriend nya." Sabi sakin ni Angela.
"Hindi naman sya mahilig sa lalaki nuh!" Sabi ko. Kaka asar talaga. Kelangan mapasakin ka Shawn. Magiging akin ka rin.
Blaine's POINT OF VIEW
"Class dismiss." Sabi ni Ma'am kaya dali dali akong lumabas ng room. Dumiretso agad ako sa room nila Baby Boss. Excited na kong makita sya. Pagkarating ko dun nakita ko si Drew.
"Sabay kana samin mag lunch." Pangungulit ni Drew kay Boss. Magkakilala ba sila?
"Ayoko nga kulit!" Sabi naman nya. Kaya lumapit na ko.
"Wassup!! Bro!" Sabi ko. At napatingin naman sakin si Boss.
"Uy! Bro!" Sabi ni Drew sakin.
"Tara na Boss." Aya sakin ni Madie at inabot nya sakin yung bag nya.
"Ah magkakilala pala kayo?" Tanong sakin ni Drew.
"Oo. Sige una na kami." Sabi ko at naglakad na palabas. Hinabol ko naman sila Madie.
"Pano kayo naging magkakilala ni Drew?" Tanong ko sa kanya.
"Ex bestfriend ko sya." Sabi nya. Ahh kaya naman pala. Buti naman ex bestfriend lang. Nakarating naman kami agad sa canteen. May reserve na upuan na dito para samin.
"Dito kana umupo." Sabi ko kay Madie at iniayos ko yung upuan.
"Wow! Sweet naman!" Pangangantsaw ng mga kaibigan nya.
"Teka bibili lang ako." Sabi nya patayo na sana sya ng pigilan ko sya.
"Ano bang gusto mong ulam? Libre ko na." Sabi ko.
"Ahm...tortang dilis na lang." Sabi nya.
"Ayiieehh!! Kami rin Blaine." Sabi nila Kim na natatawa.
"Si Madie ba kayo?" Pang aasar na sabi ni Kenneth hahaha!!
"Ay andaya." Sabi nila at umalis na ko dun para bumili ng foods namin. Pagka order ko bumalik na ko sa upuan namin. Nakita ko si Drew na nakaakbay sa kanya. Kaya naman linapitan ko agad. Ibinaba ko muna yung hawak ko at tinanggal yung pagkakahawak nya sa balikat ni Madie.
"Bro wag ang bestfriend ko." Sabi ko.
"Chillaxx bro, okay! okay lalayo na ko." Sabi nya at nagtaas pa ng kamay.
"Wow protective!" Pangangantsaw ulit nila.
"Syempre ayokong masaktan ang Bestfriend ko." Sabi ko at kinindatan si Madie.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top