CHAPTER 57: Tampuhan
Madie's POINT OF VIEW
Nagkukwentuhan kami ng kapatid ko at ni Tricia habang katext ko si boyfie.
Conve with Baby Ko
Me: Nasan ka? Ang aga aga wala kana agad sa bahay nyo.
Sya: Sorry na andito ko ngayon kila kuya Chic eh
Me: Ahh.. Okay!
Bigla namang lumapit samin yung mama ni Basty.
"Nakita nyo ba si Basty?" Tanong ni Tita.
"Na kila kuya Chic daw po sya." Sabi ko.
"Ah gnon ba sige. Ano nga pala name mo?" Sabi sakin ni tita.
"Madie po." Masayang sabi ko.
"Kay gandang bata. Sige mauna na ako ha! Pakisabi na lang kay Basty kapag dumating inaantay ko sya." Sabi ni mama ay este tita hahaha!! Kaya tumango na lang ako.
Me: Oy umuwi kana hinahanap kana ni tita.
Sya: Opo.
Habang nag uusap kami biglang nag beep yung phone ko alam ko naman kung sino yung nagtext kaya inopen ko na agad.
Sya: Lintik! Na yan oh! Naghahang tuloy phone ko.
Luh! Anyare dito??
Me: Bakit? Anyare sayo??
Sya: Eh pano kasi si JC at Krystal text na text ayun! Sabog inbox ko.
Me: Teka sasabihan ko.
Sya: Wag na magpapalit na ko ng number. Wala na kong pagbibigyan.
Me: Pati ako?
Sya: Oo kasura eh!
Oh wala naman akong ginagawa sa kanya pati tuloy ako nadamay. Patay talaga sakin yang mga malalandi na yan eh!
Me: Ahhh! Ganon okay!!
Tapos pinatay ko yung phone ko. Nakaka asar. Hindi naman ako kasali dun ah! Bakit pati ako! Nakakabuwisit sya!!
"Nasan sila JC??!!" Tanong ko sa kanilang dalawa. Halata mo sa kanilang nagulat sila kasi napataas yung boses ko.
"Bakit ate??" Tanong sakin ni Tricia.
"Ehh pano kasi tinadtad ng text si Basty ayan tuloy pati sakin galit!!" Sabi ko.
"Ate ayun si Krystal oh!" Sabi ni Raniel.
"Tawagin mo!" Sabi ko.
"Krystal tawag ka ni Ate!" Sigaw nilang dalawa.
"Bakit?" Tanong nya sakin.
"Bakit nyo tinatadtad ng text si Basty??!! Ano problema nyo??!!" Tanong ko.
"Hala? Si JC lang yun di ako kasali. Sabi ko wag na eh kasi magagalit ka ayaw magpapigil." Paliwanag nya.
"Asan yan?!" Maangas kong tanong.
"Nanjan yun kila Tricia." Sabi nya at pinuntahan ko nga.
"Ano problema mo sa BOYFRIEND KO??!!" Tanong ko.
"Ha?? Ah--wal" sabi nya na nauutal pa di ko na sya pinatapos.
"Kung mantitrip ka sa iba na lang! Baka di ako makapag timpi sayo mahanap mo yang hinahanap mo!! Naintindihan mo! Hindi nyo ko lubusang kilala kaya wag kayong nagmamatapang baka isubsub ko yang mukha mo jan sa sahig! Gusto mo!!" Sabi ko. At tinaasan ko pa sya ng kilay nakaka hb eh! At umalis na ko dun.
Umupo ulit ako sa may pinto namin at pinakalma ko yung sarili ko baka kung ano pang magawa ko sa kanya.
JC's POINT OF VIEW
Pagka alis ni Madie nakatulala pa ko kasi grabe pala sya magalit di ko kaya. My ghadd!! Nautal ako. Kala ko di sya matapang kasi ang amo ng mukha nya mali pala.
"Bakit mo ba kasi naisipang gawin yun?" Tanong ni Tricia. Isa pa to eh!
"Kanino ka ba kampi?? Sakin o dyan kay Madie na yan?" Tanong ko.
"Syempre kay Ate naku nakakatakot pala magalit yun." Sabi nya. Humanda sya sakin kay Madie pala sya kampi ah!
"Ah ganon. Sige! Humanda ka sakin mamaya." Sabi ko at bingga sya. Mabuti nga sa kanya yun dahil kumampi sya sa maling tao.
Madie's POINT OF VIEW
Nakaupo ako dito sa may labas namin ng makita kong parating na sila kasama nya yung pinsan at mga tropa nya kaya pumasok ako sa loob kaka asar talaga sya. Humiga na lang ako sa kama ko. Bahala sya. Hindi ko sya itetext ano kala nya.
Basty's POINT OF VIEW
Pabalik na ko sa apartment kasama sila Kuya Chic ng makita ko si Madie sa pinto nila nung makita nya kami agad syang pumasok sa loob.
"Oh L.Q kayo." Kantsaw nila sakin. Alam kasi nila na kami ni Madie. Nagkibit balikat na lang ako. Nag-away ba kami?? Hindi naman ah! Nung padaan na kami sa kanila di ko sya makita malamang nasa kwarto sya. Galit ba sya?? Tinext ko sya pero di sya nagrereply. Deadma lang ako.
"Hindi nagrereply eh!" Sabi ko sa kanila.
"Ano ba kasing ginawa mo Basty??" Sabi ni Kuya Chic.
"Wala naman!" Sabi ko. Talaga naman eh wala naman talaga.
"Patingin nga ng phone mo" sabi nya at binigay ko naman sa kanya.
Convo with Baby Madie ko
Sya: Bakit? Anyare sayo??
Me: Eh pano kasi si JC at Krystal text na text ayun! Sabog inbox ko.
Sya: Teka sasabihan ko.
Me: Wag na magpapalit na ko ng number. Wala na kong pagbibigyan.
Sya: Pati ako?
Me: Oo kasura eh!
Sya: Ahhh! Ganon okay!!
"Wala pa lang kasalanan ah!" Natatawang sabi sakin ni Kuya. At ipinakita sakin yung conve namin ng Baby Ko. At nung nabasa ko. Oo nga kasalanan ko nga galit nga sya.
"Suyuin mo na!" Sabi sakin ni Kuya kaya tinext ko na agad sya.
Convo with Baby Madie Ko
Me: Alam Ko, Saakin Ay Nagtatampo Ka
Ramdam Ko, Kitang-kita Sa iyong mga mata
Ang Lungkot At Ang Inis
Namimiss Ko Na Ang I Love You Mo
Sya: Buti alam mo!!
Me: Tignan Mo, Di bagay Pag Naka Simangot
Ka
Mahal Ko Para Saakin Ngumiti Kana,
Alam Mo Na Mahal Kita
Namimiss Ko Na Ang I Love You Mo
Sya: Wag kang ganyan baka mawala galit ko sayo!
Me: Sorry Na Baby Ko, wag ka ng magtampo
Ano man nagawa ko sana'y patawarin mo
Sorry na baby ko, huwag ka ng magtampo
Oh Mahal kita
Namimiss ko na ang I Love You Mo
(Baby Sorry Na)
Namimiss ko na ang I Love You Mo
(Baby Sorry Na)
Sorry Baby Madie Ko, syempre ikaw ang unang kong sasabihan pag nagpalit ako ng number MAHAL KITA EH! I LOVE YOU WAG KANA MAGALIT AH!
Sya: Okay wag mo na uulitin ah! Kung hindi patay ka talaga sakin I love you too.
Me: Opo promise! I love you ulit Baby ko!
Madie's POINT OF VIEW
Wahhhhh!! Lagi na lang nya ko pinapakilig wahhhh!! Pano pa kaya kung sa personal sya kumanta baka sobra ng pula ng pisngi ko pag nagkataon. Nawala yung kilig ko ng pumasok samin si Tricia.
"Ate!" Tawag nya sakin
"Oh bakit??" Tanong ko.
"Si JC pinasabog inbox ko." Sabi nya.
"Ayaw talaga nyang tumigil ah! Pasensyahan kami binalaan ko na sya di sya nakinig. Ano number nya?" Tanong ko kay Tricia. At binigay na nya sakin. Nag giem ako sa mga tropa ko.
Send to all..
09********
Pakikalat yung number nya guys! Ang landi eh! Gustong sumikat pakita nyo sa kanya yung hinahanap nya pasabugin nyo yung inbox ah wag nyo titigilan.
At na sent na nga wahhahaha!! Ewan ko na lang kay JC kung di pa sya magtanda jan *insert evil laugh* kilalanin nya muna kasi yung kinakabangga nya. WAG AKO!! *flip hair*
"Done. Ewan ko na lang kung magamit nya pa yung phone nya." Sabi ko at tumawa ng malakas pati sila natawa na rin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top