CHAPTER 56: Truth or Dare??

Madie's POINT OF VIEW

      Magka text kami ngayon ni boyfie wihhh!!! Hihihi!! Boyfriend ko na sya alam na rin ng mga kapatid ko at boto naman sila kay Basty.

"Ate sali ka samin. Maglalaro kami." Sabi sakin ni Raniel.
"Ano lalaruin nyo??" Tanong ko.
"Truth or Dare!" Masayang sabi sakin ni Patrick.
"Ehh kayo na lang puro kayo bata." Sabi ko.
"Ehh sige na Ate Madie please!!!!" Pagmamakaawa sakin ni Tricia.
"Okay sige. Sige sasali na ko." Sabi ko.
"Yes!!!" Sabi nilang tatlo tsk!! Ang kukulit talaga. Lumabas na nga kami ng bahay para maglaro.
"Sasali daw si Ate." Sabi ni Tricia kila JC. So kalaro pala namin ang maarte.
"Game na!" Sabi ni Patrick at pinaikot na nya yung bote at tumapat yun sa kanya.
"Dare akin." Matapang na sabi nya.
"Ahm... Isigaw mo dito kung sino crush mo." Sabi ni Raniel.
"CRUSH KO SI JC!!!" Siga nya.
"Ayiiehhh!!" Pangangantsaw namin. Nakita ko naman si Basty na nagpapakain ng aso nya. Sipag talaga hahaha!! Napaikit na pala yung bote at nung huminto. Akin agad grabe sila.
"Hala bakit ako?? Sige Dare akin." Matapang ako eh hahaha!!!
"Ahm..hawakan mo si Basty sa kamay." Sabi ni Justine kapatid ni Tricia. Nakatingin naman sakin si JC na parang inaantay sagot ko.
"Okay sige yun lang pala eh." Sabi ko. At nagulat sya dun I mean silang lahat saktong padaan si Basty kaya naghanda na ko.
"Watch!" Sabi ko. At tumayo na at hinawakan yung kamay nya. Napahinto naman sya.
"Bakit?" Tanong nya sakin.
"Wala lang." Sabi ko sa kanya at nginitian sya tapos binitawan ko na yung kamay nya. At bumalik na sa pwesto ko.
"Yiiieehh!!" Sabi nila.
"Sabi sa inyo eh! Andali lang." Sabi ko.
"Kayo ni Kuya Basty nuh!" Asar sakin ni Justine nginitian ko na lang sila.

Basty's POINT OF VIEW

     Tapos ko ng pakainin yung aso ko kaya lalabas na ko ng bahay. Hindi pa rin pala tapos maglaro yung mga to. Hahaha!! Ang cute talaga ng girlfriend ko. Dumaan na ko sa kanila ng hawakan ni Madie yung kamay ko. Napatingin tuloy ako sa kanya. Bakit ganon ang ganda nya??

"Bakit?" Yan na lang yng lumabas sa bibig ko. Di ko alam sasabihin sa kanya kahit na kami na. Ewan ko ba hahaha!! Nahihiya ako sa kanya. Eh hindi naman ako ganito dati! Tsk!! Bakit ba ang lakas ng tama ko sa babaeng to.
"Wala lang." Sabi nya at ngumiti pa. Mas lalo lang akong naiinloe sa kanya eh! Binitawan naman na nya ko at bumalik na sa pwesto kaya lumabas na ko. Feeling ko namumula yung pisngi ko sa ginawa nya. Bakit ba sya ganyan??

Madie's POINT OF VIEW

"Kayo na pala ni Basty." Tanong sakin ni JC. Tsk!! Kaplastican nya.
"Oo." Tipid kong sagot.
"Congrats." Sabi nya at ngumiti ng pilit kala mo naman kagandahan amputs!! Kasura maputi lang sya. At umalis na sya. Puro naman kaartehan! Tsk!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top