CHAPTER 50: Break Up
Madie's POINT OF VIEW
Kuhanan namin ngayon ng card end of class na kasi, at pupunta ko kila Lek Lek ngayon. Pero hindi sya yung pupuntahan ko dun kundi si Rochelle yung pinsan nya. Nag-usap kasi kami kahapon na pupuntahan ko sya. Gusto daw nya kasing makilala ako. Kaya eto ako ngayon nag bihis na at papunta na ko sa school.
"Kim pano ba sumakay pa punta sa inyo??" Sabi ko.
"Sasakay ka ng byaheng Saint Paul na bus. Dire diretso na yun." Sabi nya.
"Sabay na lang ako sayo!" Sabi ko.
"Sige. Kila Alexis ka pupunta nuh!" Sabi nya.
"Hindi ah! Sa pinsan nya kay Rochelle gusto daw nya kasi ako makilala." Sabi ko.
"Ahh! Ay wait nag text si Vince." Sabi nya.
"Oh ano sabi??" Sabi ko.
"Sabi nya susunduin nya daw ako. Pano yan??" Tanong nya.
"Sige ako na bahala." Sabi ko.
"Sure ka??" Tanong nya.
"Oo naman." Sabi ko. Nabigay ng lahat ni ma'am yung mga card namin at umalis na agad kami ni Kim.
"Tara sa baranggay tayo mag intay." Sabi nya kaya sinundan ko na lang sya. Maya maya lang dumating na si Vince dala yung tricycle nila.
"Oh Madie sasama ka ba samin ni Kim??" Tanong ni Vince.
"Naku! Hindi pupunta pa ko Catmon eh!" Sabi ko.
"Yiieehh!! Pupuntahan mo si Alexis. Naks!! Naman ang sweet. Buti ka pa pinupuntahan mo kahit malayo di katulad ng isa jan." Asar ni Vince kay Kim.
"Tara na nga Madie mag bus na lang tayo." Sabi ni Kim. Tampurorot!! Hahaha!!
"Joke lang mahal. Sige na pumasok na kayo. Gala tayo kila Alexis. At sumakay na nga kami. After so many years choss!! Hahaha!! 45 mins ata yun nakarating na din kami sa wakas. Nahilo ko dun. Ang gara kasi ni Vince magpatakbo ng motor. Hahaha!!
"Oh! Nandito na tayo Madie." Sabi ni Vince.
Lumabas ako para matawagan si Rochelle si Vince naman sinamahan dun sa loob si Kim.
"Hello! Chelle nandito na ko. Nasan kana??"
Teka susunduin ka namin ni tita.
"Huh! Kala ko ba ikaw lang."
Basta sige na antayin mo kami jan.
At binaba na nga ng luka luka. Hay! Baliw talaga yung babae na yun! Sabi sya lang daw tapos kasama pa yung tita nya ngayon. Dapat pala di na ko nagpunta dito hahaha!! Kinakabahan ako grabe. Huh!! Daig ko pa nag entrance exam nito eh! So yun nga ilang minuto lang may dalawang babae na papalapit sakin.
"Ikaw si Rochelle??" Tanong ko sa kanya.
"Oo, tara na inaantay ka nila dun!" Sabi nya. Maganda si Rochelle simple lang pero may dating. I love her attitude kaya nga kami nagkasundo nito eh!
"Hello ako yung tita ni Lek Lek." Sabi nung kasama nya.
"Hello po." At nakipagkamay ako.
"Akala ko.. Ikaw yung ligaw ni Lek Lek eh!" Sabi nya kay Kim. Ngumiti na lang si Kim.
"Tara na." Sabi ni Chelle.
"Sabi mo dun tayo sa inyo?" Tanong ko. Habang magkahawak kami ng kamay.
"Hahaha!! Gusto ka daw makita nila lola eh!" Sabi nya. Kinabahan naman agad ako. Kasi sa phone ko lang nakaka usap lola ni Lek Lek pano kung di nya ko magustuhan?? Pano kung di ako magustuhan ng parents nya?? Hay! Ano ba yan! Dapat talaga di na ko nagpunta eh!
"Wag mo ko iiwan ah!" Sabi ko.
"Oo dito lang ako." Sabi nya. Hay! Salamat naman close ko kasi si Chelle. Bigla silang pumasok sa red na gate. So ibig sabihin dito na yun! Jusko lord help me!! Di ko ata kaya to! Mas madali pang isolve yung problem sa math eh! Napahinto ako sa kinatatayuan ko. Feeling ko matutunaw na ko. Lupa lamunin mo na ko please. Yaw ko na dito.
"Tara na Madie." Sabi ni Chelle. Kaya natauhan na ko. Huminga ako ng malalim tsaka pumasok. Nasa labas silang lahat my ghadd!! Talagang inantay nila ko. Huh!! Okay kaya ko to. Madie kaya mo to.
"Mag blessed ka sa mama at papa mo." Sabi sakin ni Tita. At nag blessed nga ako pati kay lola nag blessed ako. Mama at papa agad grabe sila hahaha!! Mababait naman sila eh! Kaso yung mama ni Lek Lek parang di sya natutuwa na nandito ako. Pero si Kuya Michael natutuwa sya na nandito ako. Close ko din kasi si Kuya. Pinsan sya ni Lek Lek.
"Ikaw yung ligaw ni Lek Lek?? Si Madie." Tanong ni Lola Nancy sakin.
"Opo." Sabi nya.
"Ano nga ulit apelyido mo??" Sabi ni lola.
"Smith po." Sabi ko.
"Naku mukhang malaking angkan tayo pag nagsama. Nandito lahat ng kamag-anak ni Lek Lek." Sabi ni lola at ngumiti na lang ako di ko alam yung sasabihin ko eh!
"Eh ilan taon kana ba??" Sabi nung mama nya.
"14 po." Sabi ko.
"Ehh kay bata mo pa pala." Sabi nung papa ni Lek Lek.
"Ehh bakit si Lek Lek 16 lang naman yun ah!" Sabi ni lola. May tagapagtanggol ako hihihi!!
"Ehh nasan ba si Alexis??" Tanong ni lola.
"Nanjan lang po yun kanina lola eh! Baka nagbabasketball sa baba." Sabi nung kapatid ni Lek Lek kamukha nya eh. Para silang pinagbiyak na mangga hahaha!!
"Michael sunduin nyo nga si Lek Lek may bisita sya dito eh!" Sabi ni lola at sumunod naman si kuya. Sumama din si Vince.
"Kelan ba kasal." Sabi nung dumaan lang parang kilala nila lola eh! Nagtawanan kasi sila. At lahat ng dumadaan pinapakilala ko ni lola na girlfriend ni Lek Lek. Proud talaga sya sakin hihihi!!
"Alam mo ba apo na si Alexis gusto nyang lumipat ng Mater Dei kinukulit ako. Kasi daw nandun ka. Ehh sabi ko sa kanya mas malapit ang St. Paul Academy kesa sa Mater Dei. Noon pa ko kinukulit nyan. Na lilipat daw sya ng school para daw nakikita ka nya lagi." Natatawang kwento ni lola. Pasaway talaga yun hahaha!! Pati si lola kinukulit. At dumating na sa wakas si Alexis. Bakit ganon mas lalo ata syang pumogi. Wieehh!! Dumiretso lang sya at pumasok sa kanila.
"Sige Madie pumasok na kayo dun." Sabi ni lola at pumasok na nga kami. Nagpunta si Lek Lek sa may dinning table nila kaya sumunod na kami. Di man lang nya ko pinapansin. Bumili si Vince ng San Miguel iinom daw sila. Naka tingin lang ako habang nag iinuman sila pati si Kim umiinom din. Hayst!! Di man lang nya ko pinapansin pag nagkakasalubong mata namin umiiwas sya. Ano ayaw nya ba sakin?? Nakaka asar na ugali nya ah
"Anong oras ka uuwi??" Tanong nya sakin kaya napatingin ako sa kanya. Miss ko na yung sweet na Alexis. lbalik mo na sya please.
"Ngayon na." Sabi ko sa kanya at tumayo na dun. Nauna na kong lumabas sa kanila.
"Babye Ate Madie." Sabi sakin ni Pryncess.
Ngumiti na lang ako sa kanya.
"Alis na po kami lola." Sabi ko. At nginitian silang lahat. Nang makalabas na kami ng gate may kumalabit sakin na bata. Pagtingin ko si Missy kapatid ni Alexis.
"Babye Ate." Sabi nya.
"Babye" at niyakap ko sya. Pagkatayo ko nakita kong nakatingin na sila sakin.
"Hatid ko na kayo." Sabi ni Lek Lek.
"Wag na." Sabi ko.
"Bye." Sabi nya.
"Bye." Sabi ko at pumasok na ko sa loob.
Nasa bahay na ko ngayon nag iintay na mag text sya at di naman ako nabigo nagtext sya sakin.
Conve with Mahal ko
Hal: Nakauwi kana ba Hal??
Me: Oo..
Hal: Ahm.. May sasabihin nga pala ko sayo Hal.
Me: Ano yun??
Hal: Ahm.. Pwede ba friends na lang tayo kasi hindi daw tayo bagay sabi ng parents ko. Ang bata mo pa daw.
Hahaha!! Nang dahil lang dun?? Ehh bakit naman si Kim at Vince 5 years ang tanda sa kanya ni Vince pero tanggap sila ng parents ni Vince. Bakit ganon?? Ang unfair. Samantalang kami 2 years lang agwat ng edad namin hindi na pwede. Kalokohan. Pinipigilan kong humagulgol kasi baka marinig ni papa. Dito kasi ako ngayon umuwi eh! Di ko talaga matanggap.
Hal: Madie friends na lang tayo ah! Sorry talaga
Me: Hal sabihin mo sakin hindi totoo yang sinasabi mo di ba?? Nang jojoke ka lang di ba?? Sabihin mo.
Hal: Totoo yun.
Parang gumuho yung mundo ko nung sinabi nya yan. Hininahon ko muna yung sarili ko at nag type ako.
Me: Okay pinapalaya na kita. Kung jan ka sasaya. Sana di ka magsisi sa ginawa mo.
Pag ka send ko sa kanya pinatay ko yung phone ko at sumubsob sa unan ko. Wala kong ganang kumain at lumabas. Sya yung first boyfie ko eh! Ganon pala talaga kasakit kapag nasaktan ka. Tagos hanggang heart parang pinupunit punit yung puso ko sa sobrang sakit!! Hindi ko namalayan na nakatulog pala ko kakaiyak. 7:30 ako nagising tinignan ko kung may text sya pero wala. Bakit ka pa ba umaasa Madie. Tama na wag ka na magpakatanga! Ikaw na lang yung umaasang mabubuo ulit yung relasyon nyo!! Move on!! Kinaya mong wala sya sa buhay mo mas kakayanin mo ngayon wag ka ng umiyak at kumain kana sa labas dahil tumutunog na yung tiyan mo. Tumayo na nga ako at naghilamos muna sa cr. Para di nila mahalata na umiyak ako. Be brave Madie kaya mo yan!! Lalaki lang yan!! Hayaan mo sila!! Pinalitan ko na yung name nya sa pb ko at binura ko na yung mga messages naming dalawa simula nung magkakilala kami. Ayoko ng balikan pa yun dahil nadaragdagan lang yung sakit na nararamdaman ko. Di man ako maka move on ngayon sayo but soon kakayanin ko ng tignan ka sa mga mata mo na wala ng nararamdamang kahit na ano sayo.
"Be brave Madie!! Hindi lang siya ang lalaki sa mundo!!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top