CHAPTER 45: My Treasure
Madie's POV
8:00 ng umaga pa alis na kami nila papa papunta kila lolo.
"Papa dun po tayo matutulog??" Tanong ni Jaslie kay papa. Yan yung bunso kong kapatid.
"Oo dun tayo matutulog.. Dahil tutulong ako sa mga tita nyo na mag ayos ng lamay ng lolo nyo." Sabi ni papa.
"Yesss!!" Sigaw naming apat ngayon lang kasi kami matutulog dun. Kasi ayaw ni papa na pumupunta kami dun. Hindi ko alam kung bakit?
10: am in the morning ng makarating na kami dun. Sa wakas makaka upo na rin ako sa layo ng linakaran namin katext ko nga din pala si Alexis nanliligaw sya sakin. Ewan ko nga ba pero parang nahuhulog na ko sa kanya kahit di ko pa sya nakikita. Ganon ba talaga feelings ka ba liniligawan ka?? Feeling mo na ang ganda ganda mo ba hahaha!! So yun nakarating na nga kami nakita ko si Tita Myrna na nakaupo at pati si Tita Jazel nakita ko rin. Nagmano kami sa kanila.
"Nandito na pala ang magaganda't gwapo kong mga pamangkin." Sambit ni Tita Myrna. Hahaha!! I know right hihihi!! Lakas ng self confidence ko. Yaan nyo na minsan lang mag maganda eh hahaha!! So yun umupo ako sa tabi ni tita. Umalis na rin yung mga nagbabaraha. Nahiya siguro sa beauty ko hahaha!! Syempre joke lang yun.
"Oh inom muna kayo juice." Sabi ni Tita Jazel at linagay yung pitsel na may juice sa lamesa.
"Salamat po." Sabi ko. At kumuha na nga lang ako ng juice kasi nauhaw ako sa paglakad papunta rito hahaha!! Katext ko pa din si Alexis hanggang sa mag gabi na. Ang dami na ring tao dito sa lamay ni lolo. Tinulungan ko mag serve sila tita sa mga tao. Nang dumating na sila Ate Remedios for short Remy, pinsan ko anak ni Tita Myrna. Linapitan naman nya ako agad.
"Hello Madie, kanina pa kayo nila tito dito?" Tanong sakin ni ate.
"Oo ate.. Kanina pa kaming umaga rito." Sabi ko. At tumulong na nga din mag serve samin si ate.
A few minutes later...
"Sige na pumasok na kayo dun Madie, kami na bahala dito mag situlog na kayo." Sabi ni Tita Myrna at kinuha yung baso na may kape. Sinunod naman namin sya agad ni Ate Remy pumasok na kami sa kwarto. At katext ko pa din sya. Sino pa ba? Edi si Alexis Xavier for short Lek Lek hahaha!! Di ko nga alam kung bakit yan ang nick name nya ganda naman ng name nya hahaha!! Cute din naman yung Lek Lek kaya yun na yung tawag ko sa kanya. Wala naman daw syang angal dun. Ako daw masusunod eh hahaha!!
"Sino yang katext mo boyfriend mo?" Panunukso sakin ni Ate Remy. Mag katabi kasi kami sa higaan.
"Ha?? Hindi ate ah nanliligaw pa lang sakin." Sabi ko.
"Okay sige. Fine. Pero wag ka papaloko jan, pahirapan mo hahaha!!" Sabi ni Ate.
"Hahaha!! Oo ate.
Nagpa alam na ko kay Lek Lek na matutulog na ko kaya pinatay ko na yung phone ko.
Nagising ako ng may marinig akong ingay galing sa labas. Kaya napabangon ako. Pumasok naman si papa sa kuwarto.
"Iligpit nyo na yung gamit nyo. Uuwi na tayo." Sabi ni papa. Naghilamos lang ako at linagay na sa bag yung mga gamit namin. Sa tono ng pananalita ni papa mukhang galit sya. Kaya siguro kami uuwi. Pero bakit??
"Oh uuwi na kayo?" Tanong ni Tita kay papa.
"Oo.. Ayokong makita ng mga anak ko yung pag aaway natin!" Sabi ni papa at naglakad na sya di na sya pinigilan pa ni Tita Myrna. Kapag si papa ang nagsalita natatahimik na sila. Ganon ka cool ang papa ko.
"Papa akala ko ba dito tayo ng ilang araw?" Tanong sa kanya ni Denver pangatlo sa aming magkakapatid.
"Hindi na, babalik na lang kayo sa burol ng lolo nyo. Dapar kasi dun tayo ng ilang araw eh nabuwisit ako ng mga tita at tito nyo kaya iuuwi ko na kayo. Ako na lang ang babalik dun." Sabi ni papa. Pumara na nga sya ng tricycle at sumakay na nga kami.
Conve with Alexis Xavier
LekLek: Mawawalan na nga pala ko ng load mamaya baka di ako makapag load.
Me: Ehh.. Kung sabihin kong tayo na! Magpapaload ka ba??
LekLek: Weh?? Totoo tayo na?? Magpapaload ako ngayon din!
Me: Oo nga. Ayaw mo ba??
LekLek: Syempre gustong gusto ko.
Me: Ehh.. Yun naman pala eh!
LekLek: Anong tawagan natin??
Me: Ikaw bahala.
LekLek: Mahal ko.
Me: Okay sige mahal ko.
Magkatext kami hanggang sa pag uwi namin. Naisipan kong itext si Blaine para ipaalan sa kanya na may bf na ko.
Blaine's POV
Tumunog yung phone ko kaya napabalikwas ako ng bangon galing sa sofa. Tinignan ko kung sino yung nagtext si Baby kaya binasa ko na.
From: Baby
Daddy!! My ghadd! May bf na ko hihihi!! Kenekeleg eke! Ganto pala feeling kapag inlove ka parang sasabog puso ko. 1st bf ko pa naman sya. Yiieehh!!
Pag kabasa ko nun! Parang dinurog yung puso ko. Sinaksak ng napakaraming beses at nagulungan ng pison. Bakit ganto yung nararamdaman ko?? Kung sino man yung lalaki na yun subukan nya lang saktan ang Baby Madie ko ako makakalaban nya. Magkakamatayan kami kapag sinaktan nya si Madie.
Conve w/Baby Ko
Me: Congrats.. Ss sa inyo, wag ka lang nyang sasaktan. Magkakamatayan talaga kaming dalawa. Sabihin mo sakin pag pinaiyak ka nyang kutong lupa na yan!! Sorry kung over protective sayo si Daddy ayoko lang kasing masaktan ka katulad ng nangyari sakin.
Baby: Hihihi!! Kaya love na love kita Daddy eh opo promise sasabihin ko agad sayo. Good night Daddy. Sweet dreans I love you.
Me: Godnight. Always remember this MAHAL NA MAHAL KITA BABY KO. At hindi ako papayag na saktan ka lang basta ng iba. You're My Treasure.
Pagka text ko sa kanya nyan pinatay ko na yung phone ko at nahiga.
"MAHAL NA MAHAL KITA SIERRA MADISON SMITH, YOU'RE THE MOST IMPORTANT THING TO ME. YOU'RE MY TREASURE."
AT HINDI AKO PAPAYAG NA MASAKTAN ANG PINAKA IINGATAN KONG TREASURE!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top