CHAPTER 44: 1st Suitor
Madie's POV
Nakahiga ako ngayon sa kama ko.. Wala kong magawa kaya nag giem ako.
To: All
Penge nga katext wala ko magawa.
Maya maya lang nag beep na yung phone ko pagkatingin ko unknown number. Binasa ko na lang.
Convo with Unknown??
Sya: Hi!
Me: Hello?? San mo nakuha number ko??
Sya: Di ba nang hingi ka ng katext?? Binigay sakin ni Maiden number mo.
Me: Ahh.. Okay, ano nga pala name mo??
Sya: Alexis Xaiver Ariza, ikaw?
Me: Sierra Madison Smith.
Sya: Ahh.. Anong grade kana??
Me: Grade 8.. Ilan taon kana nga pala?
Sya: 15.. Ikaw?
Me: 13..
Sya: San ka nakatira?
Me: Sa bahay! Di joke hahaha!! Pantalan
Sya: Ahh.. Ako sa Constantine Street..
Masaya naman syang kausap di na kakaboring. Katext ko sya ng biglang dumating yung tito ko at may kasama syang isang lalaki. Nag blessed naman kami agad s kanya at kinausap na sya ni papa. Nang marinig ko patay ni si Lolo Juanito ang tatay ni papa ko. Naiyak ako sa sandaling yun hindi ko inaasahan ang sinabi ni tito. Ang bait ni lolo maging saming mga apo nya. Pinupuntahan nya pa kami rito para dalan ng ice cream. Bakit kelangan syang mawala. Matagal na rin nung huli namin syang makita. Nagpa alam na sila tito na uuwi na sila.
"Matulog na kayo. At pupunta tayo sa mga lolo nyo bukas." Sabi ni papa. At sinunofld na nga namin sya. Natulog na kami pero bago ako matulog tinext ko muna si Alexis.
To: Alexis Xavier
Wala na yung tatay ng papa ko. Wala na si lolo.
Nagtext naman sya agad.
From: Alexis Xavier
Condolence kinalulungkot ko ang nangyari sa lolo mo. Tandaan mo nandito lang ako kaya smile kana ha!
Napangiti na lang ako sa text nya. Bago ako makatulog nag giem muna ko. Ilang minuto lang ang daming nagtext sakin puro condolence, nakita ko naman yung pangalan ni Blaine kaya inopen ko yung message nya.
From: Daddy Blaine
Baby Condolence. Sana nanjan ako sa tabi mo para i comfort ka. Alam mo nanang ayaw kitang nakikitang nalulungkot di ba? Lahat gagawin ko mapasaya ka lang sana maibsan ng message ko ang nadarama mong lungkot ngayon. Sana kahit papaano mapawi nito ang lungkot sayong mga mata. Kung nandiyan lang sana ako edi sana tumatawa kana ngayon. Pero Baby nasa tahimik at maganda ng place ang lolo mo wag mo na syang alalahanin kapiling na sya ngayon ni God kaya stay positive. Matulog ka na wag mo ng isipin pa yun. Meron pang bukas okay! Tsaka wag mong solohin nanditi lang ako parati palaging handang makinig sayo. I love you Baby.
Pagka basa ko nyan. Napawi lahat ng nararamdaman kong lungkot. Ngayon may ngiti na sa mga labi ko. Pano ba naman kasi sobrang sweet. Hayst Blaine bakit ka ba ganyan ha! Bakit mo ba ko pinapakilig ng ganto! Wait ano?? Kinikilig ako? Stop Madie! Wag kang mahuhulog sa bestfriend mo. Hayst! Ano ba tong mga pinag iisip ko. Makatulog na nga lang. Pinatay ko na yung phone ko at pumikit na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top