CHAPTER 40: Cold Treatment
Blaine's POV
Papasok na ko ngayon ng room.
"Goodmorning Blaine." Kinikilig na sabi sakin nung classmate kong girl. Tsk!! Ang aga aga. Nginitian ko na lang sya. At mas lalo pang kinilig. Nag headset na lang ako kasi ang boring talaga. Wala kasi dito si Boss Liit eh! Hahaha!! Kung nandito yun may kumukulit na siguro sakin ngayon. Hays!! Nakaka miss silang classmate. Yinuko ko na lang ang ulo ko sa arm chair ko.
F
A
S
T
F
O
R
W
A
R
D
Salamat naman at lunch na. Makakasama ko na si Boss Liit! Hehehe!! Tinext ko na sya na mag aantay kami nila Kenneth dito sa canteen. Si Kenneth Calipez ay bago kong tropa. Di na kasi kami masyadong magkakasama nila Gelo. Kaya ayun! Sya na kasama ko. Ayaw din naman sumama samin ni Gelo kasi makikita daw nya si Joan.
Pauline's POV
Lunch na kaya tumayo na kami.
"San tayo?" Tanong ni Joan.
"Nagtext si Blaine intayin daw nya tayo sa canteen." Sabi ni Madie. Bakit di sya nagtext sakin?? Akala ko ba okay na kami?? Tumango na lang kami at pumuntang canteen. Nakita naman agad namin sila.
"Blaine!" Tawag sa kanya ni Madie. Tumayo naman si Blaine at lumapit kay Madie tapos...
"Ang kyut mo talaga! Namiss kita Liit." Sabi nya at pinisil ang pisngi ni Madie ano bang ginagawa nya?? Pinagseselos nya ba ko?? So akala nya magseselos ako?? Over my dead body!!
"Ihh!! Ang shakkit" sabi ni Madie at binitawan naman ni Blaine yung pisngi ni Madie at inakbayan sya. Tsk!!
Blaine's POV
Habang naka upo kami napatingin ako kay Pau. Hahaha! Di maipinta pag mumukha nya. Kala nya ah! Naka move on na ko. Kala naman nya makikipag balikan ako sa kanya. Sinaktan nya ko kaya bagay lang sa kanya yan. Kanina pa umuusok yung ilong nya sa galit hahaha!!
Pauline's POV
Pati ba naman sa pagkain naghaharutan silang dalawa?? Nanadya ba sila?? Tsk! Di tuloy ako nakakain ng maayos.
"Tapos na ko. Una na ko sa room." Sabi ko at tumayo na. Di ko na talaga kayang makita silang naghaharutan. Di ko kayang makitang may nagpapasaya sa kanya. Di ko matanggap na hindi na ako yung dahilan ng mga ngiti nya at tawa nya. Basta naiinis pa rin ako sa kanila. Bakit kelangan sa harap ko pa??!!
Madie's POV
Yan umalis tuloy si Pau si Blaine kasi eh ang kulit kulit.
"Ikaw naman kasi eh!" Pagsusungit ko sa kanya.
"Oh bakit?? Anong masama?? Di ko naman na sya GIRLFRIEND ah! Sya nga nakipagbreak di ba??" Sabi ni Blaine. Tama nga naman sya. Pero kahit na naging girlfriend nya si Pau at minahal nya yun nuh! Eto talagang lalaki na to pasaway!!
Blaine's POV
Hindi ko na kasalanan yun kung nasasaktan sya ngayon sya naman may gusto nito di ba?? Ipapakita ko sa kanya na naka move on na ko. Tinapos ko lang yung pagkain ko at hinatid na si Madie sa room nila. Pabalik na sana ako sa classroom ng harangin ako ni Pau.
"Mag usap tayo." Sabi ni Pau ng seryoso sinundan ko na lang sya at nakarating kami sa likod ng room nila.
Pauline's POV
"Anong pag-uusapan natin??" Tanong nya sakin. Wala man lang syang emosyon napaka cold nya. Ganon ko ba sya nasaktan?? Pero bakit ganon pag si madie ang kausap nya ang saya saya naman nya ah! Wala nga akong nakikitamg pag ka cold sa kanya. Napaka sweet nya pa. Tapis sakin ang cold nya.
"Ahm.. Blaine akala ko ba okay na tayo??" Tanong ko sa kanya.
"Okay naman talaga tayo ah!" Sabi nya.
"Okay?? Okay ba yun?? Eh bakit parang ang cold mo na sakin??" Tanong ko.
Blaine's POV
Ano bang gusto nyang maging reaksyon ko?? Maging sweet sa kanya matapos na mag break kami?? Ano sya sinuswerte?? Buti nga pinanatili ko pang magkaibigan kami. Pasalamat na lang sya.
"Bakit?? Ano bang gusto mo maging sweet pa din ako sayo?? Na parang walamg nangyari?? Pauline di ako tanga." Sabi ko sa kanya. May nangingilid ng luha sa mga mata nya.
Pauline's POV
Oo nga naman Pauline ano ka ba?? Ikaw di ba ang nakipag break bakit naghahabol ka pa??
"Sabihin mo nga sakin Blaine Mahal mo na ba si Madie??" Sabi ko.
"Bakit?? Dahil ba ang sweet ko sa kanya kanina?? Pano kung sabihin kong OO MAY GUSTO AKO SA KANYA?? Ano naman ang pakelam mo dun! Wala kana dun. Kaya Pauline please lang wag mo na kong pakelaman, naka move on na ko!" Sabi nya at dahil sa sinabi nya may pumatak ng luha galing sa mata ko.
"Hindi mo na ba talaga ako mahal Blaine??" Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata nya. Wala kong mabasang expression sa mukha nya. Hindi man lang sya nabigla sa tanong ko.
"Hindi ako tanga para magmahal ulit ng taong hindi pinahalagahan ang pagmamahal ko." Sabi nya at umalis na sya hindi ko napigilang mapahagulgol. Ang tanga mo kasi Pauline eh!
Nang mahimasmasan na ako pumunta akong room. Pero wala na sila dun baka nasa gym na yun kasi wala kami teacher. Wala na rin sa room yung bag ko kaya naman dumiretso muna akong c.r pumunta ko sa isang cubicle. Umupo lang ako dun hanggang sa maramdaman kong may pumasok dalawang babae.
"Uy! Girl si Madie ba tsaka si babe ko??" Sabi nung girl 1. Babe?? Sino yun?? Wala naman nagiging boyfriend bestie ko ah! Tsaka hindi mang aagaw ng may syota yun.
"Kapal! Sakin si Blaine nuh! Ewan ko nga eh napapansin ko rin yan lagi silang naghaharutan." Sabi nung girl 2 ang kapal nilang parehas.
"Hmm.. Nakakainis yung Madie na yan!" Sabi nung girl 1
"Sinabi mo pa!" Sabi naman nung girl 2 pagka labas nila lumabas na rin ako ng cubicle. Baka kasi hinahanap na ko nila Madie. Naghilamos muna ko ng mukha para hindi mapansin na bagong iyak ako.
Pagkarating ko dun.
"San ka galing?? Di ka pumasok sa english!" Tanong sakin ni Madie.
"Ahh.. May kinausap lang ako sa phone si mommy." Palusot ko.
"Ehh..bakit maga yang mata mo?" Tanong nya ulit wala talaga akong lusot sa babaeng to! Naghilamos na ko lahat nahalata nya pa rin.
"Wala." Tipid kong sagot sa kanya. Hindi naman na siya nangulit pa alam niya kasi kapag ganiyan ako sumagot hindi pa ako handang sabihin sa kanila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top