CHAPTER 36: Bonding With Trops


Madie's POV

"Papa pupunta kami ngayon nila Pau sa mall ah kasama naman namin sila Blaine eh!" Paalam ko kay papa.
"Ah sige mag ingat kayo ah!" Sabi ni Papa.
"Opo." Sabi ko at umakyat na ko para maligo 8:30 na 9:00 kami magkikita eh! Oo kilala na ni papa si Blaine.
F
L
A
S
H
B
A
C
K
Kumakain kami sa karinderya ng dumating si papa.
"Papa." Bati ko kay papa.
"May baon ka pa?" Tanong sakin ni papa.
"Penge na lang pa ng 20 pesos pang bayad ko mamaya." Sabi ko. At binigay naman ni Papa. Love talaga ako nyan eh.
"Papa ako din po?" Sabi ni Blaine at nagtawanan kami.
"Oh!" Sabi ni papa. Sabay abot ng 20 pesos.
"Di joke lang po yun." Sabi ni Blaine at nagtawanan kami. Si Blaine talaga kahit kelan napaka pasaway.

End of Flashback..

So dahil nga dun nakilala sya ni papa pasaway kasi eh! Biglang may tumawag sakin habang nagbibihis ako.

"Hello??"

[Madie sasama ka daw ba?? Pinayagan ka ba??]

Si Gelo pala yung tumawag.

"Oo pinayagan ako." Sabi ko.

[Eh.. Nasan kana?? Anong oras na ah?? Nandito na kaming lahat.]

"Papunta na ko." Sabi ko kahit na nag bibihis pa lang ako hahaha!! Yaan mo silang mag antay.

Makalipas ang 15 minuto natapos na rin akong magbihis. Nagmadali na kong lumabas at sumakay na. Nakarating naman agad ako sa school. Pagkababa ko...

"Hay! Sa wakas dumating na ang Prinsesa!" Sabi ni Pau.
"Hahaha!! Sorry na agad tara na!" Sabi ko sa kanila. Ganon talaga kapag maganda inaantay hahahaha!! Kapal ba?? Hihihi!! Sorry na po agad. So yun nagpunta na kaming mall. Sa totoo lang nag window shopping lang kami hahaha!! Dun kami nagtagal sa arcade kasi mga naglaro tong mga kasama ko habang naglalaro sila naisipan kong picturan si Blaine ganda kasi ng pose nya eh hahaha!!
"Blaine picturan kita jan." Sabi ko at nag smile naman sya. Pogi talaga ng bestfriend ko. Why so pogi Blaine??
Pagkatapos nilang maglaro dun pumunta na kaming supermarket para bumili ng mga chips and drinks. Kumuha ako ng nova at VCut favorite ko yun eh!
"Libre ko na yan." Bulong sakin ni Blaine di ko na lang sya pinansin na aabno na naman yun kumuha di ako ng fit n' right na pineapple flavor favorite ko din kasi yan.
"Yan lang?? Dagdagan mo pa!" Bulong na naman nya sakin. Seriously, sya ba kakain?? Eh ako naman baliw talaga.
"Okay na yan di ko naman mauubos." Sabi ko. At tumango na lang sya.
"Tara sa counter na tayo." Sabi nya at sinundan na namin sya. Bigla namang kinuha ni Blaine yung foods ko.
"Uy! Akin na yan, kaya ko namang mag bayad eh!" Sabi ko. Di nya ko pinansin at lumapit kay Pau at kinuha din yung foods ni Pau. Okay na aabno sya.
"Yah! Blaine problema mo??" Tanong sa kanya ni Pau.
"Ako na bahala dito sige na antayin nyo na lang kami sa labas." Sabi ni Blaine. At lumabas na nga kaming tatlo.
"Na aabno na naman yung Blaine mo!" Pang aasar ko kay Pau.
"Anong Blaine mo?? Baliw to!" Sabi nya. Ang tagal na nila pero denial pa din sya. Mabait naman si Blaine ah! Nakabalik na pala yung tatlo.
"Oh san tayo ngayon??" Tanong ni Gelo.
"Dun na lang tayo kain sa taas." Sabi ni Jayson. At sinundan naman namin sya. Habang kumakain kami.
"Punta ulit tayo dito ah! Malapit naman ng magbakasyon eh sulitin na nating magkakasama pa tayo." Sabi ni Pau. Hmm.. Parang may mali sa kanya. Hmm.. Baka pagod lang sya kaya ganon. Tinuloy ko na lang yung pagkain ko hindi ko na inisip pa yun!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top