CHAPTER 35: Manicure
Madie's POV
Dinala ko yung pang linis ko ng kuko at nagpabili na rin ako kay mama ng cuticles, kasi ang activity namin ngayon sa T.L.E ay manicure. Wag lang sana nyang ipa demo samin yung pag pepedicure wag lang talaga dun! Kasi nakakahiya. Amoy sapatos paa namin. Atsaka ayokong ipagalaw yung daliri ko sa paa mamaya ma murder pa yung maganda kong paa eh hahaha!! So pumasok na nga ko. Ang partner ko si Pau.
F
A
S
T
F
O
R
W
A
R
D
"Madie kumpleto ba tayo?" Tanong sakin ni Pau.
"Oo naman." Sabi ko at umupo na nga kami. Yun lang daw ang gagawin namin sabi ni Ma'am kaya nagsimula na kami 2 hours kasi tong T.L.E namin so ako muna yung lininisan ni Pau. Magaling sya sa ganito ako kasi di ako marunong nyan eh!
"Ang ganda ng kuko mo Madie, bagay sayo may cuticle." Sabi sakin ni Pau.
"Ahh.. Ganon." Yun na lang nasabi ko.
"Gagamit ako nipper ah! Gugupitin ko lang yung gilid di ko isasagad." Sabi nya.
"Sige may tiwala naman ako sayo eh!" Sabi ko at sinimulan na nga nya. Nasa palasinsingan na sya ng...
"Aray!" Sabi ko. Masakit kasi eh.
"Ay.. Sorry dahanin ko na." Sabi nya at kinuha ulit ang kamay ko. Salamat at naka survive din ako. May turna naman para linisan ko sya.
"Pau ikaw na mag nipper ah! Di ko alam gamitin yan baka magupit ko kuko mo." Sabi ko at tumango naman sya. Habang enjoy na enjoy ako dito biglang dumating si Ma'am.
"Class dismiss bukas nyo ituloy yang ginagawa nyo. Gagamitin nyo na yang cuticle nyo bukas." Sabi ni Ma'am at lumabas na nga kami ng room nya.
Second Day....
Papasok na kami ngayon ng T.L.E room.
"Tara mag umpisa na tayo Madie." Sabi sakin ni Pau at tumango naman ako sa kanya.
"Light lang di ba??" Tanong nya sakin.
"Oo daw." Sabi ko at kinuha nya yung may glitters na cuticle parang puti sya na parang cream.
"Eto bagay sayo to!" Sabi nya at pinahid na nga sa kuko ko yung cuticle ang cute. Makalipas ang 1 hour ako naman yung nag lagay sa kuko nya. Pareho lang kami ng ginamit na cuticle. Matatapos na ko kay Pau ng lumapit samin si Blaine.
"Wag kang magalaw jan hindi ako matatapos." Utos ko sa kanya.
"Opo." Sabi nya at hindi naman sya nangulit pinanuod lang nya kami ng matapos na kami..
"Pau lagyan mo din ako walang dalang cuticle si Gelo eh!" Sabi nya.
"Okay." Sabi ni Pau at kinuha ang kamay ni Blaine. Yiieehh!! Galawan talaga ni Blaine eh! Nag thumbs lang ako sa kanya at nginitian naman nya ko. Umalis muna ko dun para makapagsolo yung dalawa hihihi!!
Maya maya lang dumating na si Ma'am.
"Oh lumapit kayo dito isa isa para maicheck ko yung mga kamay nyo." Sabi ni Ma'am. Wala pang lumalapit kaya lumapit na ko.
"Patingin." Sabi ni Ma'am at pinakita ko sa kanya yung kamay ko.
"Sino may gawa nito??" Tanong ni Ma'am
"Ako po Ma'am." Sabi ni Pau at lumapit samin.
"Ang ganda, pero mas maganda yung kuko mo Madie.. Naiinggit ako, bagay sayo naka cuticles." Sabi ni Ma'am nahiya naman ako sa sinabi nya. Narinig tuloy ng mga classmate ko. Hindi pa rin tinatanggal ni Ma'am sa pagkakahawak yung kamay ko. Naglapitan naman yung mga classmate ko para tignan yung kuko ko.
"Patingin nga Ma'am." Sabi ni Shena.
"Oh! Di ba ang ganda." Sabi ni Ma'am. Hindi naman sya mukhang proud nuh!
Kringggggg....
Nag bell na ibig sabihin lunch na.
"Oh bukas Pau gandahan mo pag lagay ng cuticle sa kamay ni Madie ah titignan ko bukas." Sabi ni Ma'am at umalis na.
Third Day...
"Simulan na natin ng matapaos na tayo." Sabi ni Pau at nag lagay na nga sya ng cuticle sa kamay ko ang gagawin nyang design ay stripe red and blue yung pinag combine nya na colors. So tinignan ko lang yung ginagawa nya. Hanggang sa matapos sya at ako naman yung naglagay sa kuko nya. Bigla namang dumating si Ma'am.
"Patingin nga Madie." Sabi ni Ma'am at pinakita ko.
"Bakit ganon?? Lahat bagay sayo. Pauline lagyan mo ng colorless yung kuko ni Madie ah 95 na grade nyo sking dalawa." Sabi ni Ma'am.
"Wow! Salamat Ma'am." Sabay naming sabi ni Pau.
"Ang galing mo kasing maglagay ng cuticle eh." Sabi ko.
"Hindi ah! Maganda lang kasi yung model ko." Sabi nya.
"Hahaha!! Pati ikaw." Sabi ko. At linagyan na nya ng colorless yung kuko ko.
"Blaine!" Tawag ni Pau.
"Bakit??" Sabi nya at lumapit sa upuan namin.
"Lagyan kita cuticle." Sabi ni Pau.
"Naku! Ayoko nga! Mukha akong bakla." Sabi ni Blaine.
"Mukha ka naman talagang bakla hahaha!!" Sabi ni Pau. Ayt! Nag uumpisa na naman po sila.
"Ahh bakla pa la ah! Kung ikiss kaya kita jan!" Sabi ni Blaine at lalapit na kay Pau.
"Yuck!! Blaine lumayo ka nga sakin. Mandiri ka!" Sabi ni Pau at pinagtatabuyan si Blaine. Hahaha!! Kinikilig talaga ko kapag nag aaway tong dalawa na to. Parang aso't pusa hahaha!!
"Ma'am oh si Blaine po ayaw mag palagay ng cuticle." Sumbong ni Pau kay Ma'am.
"Gusto mong bawasan ko grade mo Blaine??" Tanong ni Ma'am.
"Magpapalagay na nga po." Pilit na sabi ni Blaine.
"Bleh!!" At dinilaan sya ni Pau. Wala ng design yung ginawa ni Pau kay Blaine kasi lalaki naman daw. Kaya Plain na Blue lang at linagyan nya ng colorless.
Maya maya lang tumunog na yung bell kaya nag silabasan na kami dun kami kakain sa labas ng school.
"Bagay pala sayo may cuticles eh!" Pang aasar ni Pau. At nagtawanan naman kami.
Nakarating na kami sa karinderya. Punuan kaya nag intay muna kami ng studyante na matatapos na.
"Blaine taas mo nga yung kamay mo, yung ganito oh!" Sabi ni Pau at tinaas nya yung kamay nya hahaha!!
"Naku! Ayoko nga mukha akong bakla." Sabi ni Blaine.
"Hindi yan tataas mo lang eh!" Sabi ni Pau.
"Naku! Ang daming tao dito." Sabi ni Blaine.
"Itaas mo na kasi hahaha!!" Sabi ni Pau. At itinaas nga ni Blaine.
"Oh okay na masaya na kayo." Sabi nya.
"Oo." Sabay sabay naming sabi nila Pau hahaha!! At sa wakas may natapos na rin kaya umupo na kami.
"Ate 6 na tortang dilis at kanin na rin po." Sabi ni Gelo.
Maya maya lang nanjan na yung order namin.
"Aba! San kayo galing ay puro kayo may cuticles." Tanong samin ni Ate Celia, yung may ari nitong karinderya.
"Activity po namin kasi to sa T.L.E eh, ang ganda po nila nuh!" Sabi ni Pau.
"Oo..hahahaha!! Bagay na bagay!" Sabi ni ate kaya natawa rin kami. Laughtrip sarap asarin ng boys.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top