CHAPTER 32: Happy Nga Ba??
Madie's POV
Pagka gising ko tinignan ko agad yung phone ko. Sabado kasi ngayon walang pasok. At pagtingin ko sa phone ko. OM!! Kagabiblang gamit ko to ah! Sumabog inbox ko sa napakadaming text messages! Kelan pa ko nagkaron ng mga ka textmate?? So basa...basa...basa... Tinatamad na ko sa sobrang dami hahaha!! Pero thanky sa effort nila. Naiiyak na ko grabe ang daming naka alala sa birthday ko. Yes! Birthday ko po ngayon.. Yey!! I'm 13 year's old na. So galing yung mga text messages sa mga classmate ko nung elem halos lahat ng section A binati ako. Pwera lang sa mga hindi ko ka close. So, di sila kawalan tsk! Madaming nagmamahal sakin. Agree ba kayo dun?? Hehehe!! Nababaliw na naman ako kinakausap ko na naman sarili ko. Yaan nyo na it's my special day naman eh! So binati rin ako ng mga Firefly. Awiieehh!! Grabe effort nila talagang hiningi pa yung number ko mabati lang ako. Syempre binati rin ako ng mga friend's ko syempre lalo na si Blaine. Kaya binasa ko na yung text nya.
From: Daddy Blaine
Hello Baby!! Good morning. Kumain kana ba?? Gumising ka na anong oras na may date pa tayo hahaha!! So eto na alam mo naman na gwapo ako di ba?? Hahaha!! Ang galing ko mag basketball nuh! Tapos ang pogi ko! Hahaha!! Hindi joke ito na talaga. Ahem!! Baby Happy Happy Birthday sayo!! Hep! Hep! Hoorray!!! Hep! Hep! Hooooorrrraaay!! Hihihi!! Hindi joke ito na talaga promise. Happy Birthday Baby magpakasaya ka ngayong kaarawan mo! Nandito lang si Daddy susuportahan kita lagi. Sana lumaki kana hahaha!! Regalo ko ha?? Hahaha!! Hindi joke love kita alam mo yan! Stay pretty!! Uy! Nangiti siya hahaha!! Pero walang halong biro huwag mong babaguhin yung pagkatao mo ah! Mas gusto ko yung Madie na ganiyan. Sana napangiti kita sa message ko. I hope nagustuhan mo. Pero andaya mo hindi ka ng imbita, di joke lang okay lang yun hehehe!! Happy birthday ulit Baby Madie! Ikaw ang the best Bestfriend in the world.
Yiieehh!! Landede nitong lalaki na to hahaha!! May pa message pa ng ganon. Nag reply na ko.
Me: Yiieehh!! Thank you sa message mo Daddy. Napasaya mo po ko promise. Kaya hindi ko kayo naimbita kasi lalabas daw kami ni mama eh!
Boss: Ay okay! Enjoy ingat kayo ni tita.
Me: Sige po, salamat.
End of Conversation...
So nag text na si Mama na iintayin daw nya ko sa palengke kaya naman nag madali na kong maligo at magbihis.
"Ate san punta mo?" Tanong sakin ng kapatid kong si Rain.
"Ahm.. Magkikita kami ni Mama. Pakisabi na lang kay papa pag nauna syang umuwi sakin." Sabi ko.
"Okay!" Sabi naman nya.
Pumara na ko ng tricycle.
"Saan??" Tanong ni Kuya Bornok. Kilala ko din to hahaha!!
"Sa likod ng palengke kuya." Sabi ko. At pinaandar na nya alam na nya yun! Kami kaya unang bahay dito.
Pagkabayad ko bumaba na ko. Sa parking ko na lang pinahinto yung tricycle ni Kuya kasi nandun daw si mama. Kaya naman hinanap ko na agad si mama nakita ko na sya.
"Ma!" Tawag ko sa kanya. Ngayon ko na lang ulit tinawag si mama, kasi simula nung umalis sya samin. Kahit tumatawag sya sa phone hindi ko sya kinakausap galit ako sa kanya dahil iniwan nya kami nila papa. Pero ngayong okay na kami kinaka usap ko na sya. Hindi naman totally na okay na okay na talaga kami. Nag uusap lang kami ganon.
"Tara, magta tricycle lang tayo." Sabi ni Mama at sinundan ko na sya pumara sya ng tricycle at sumakay kami dun.
"Sa mall." Sabi nya. At pinaandar naman agad ito ni kuya. Pagkarating namin sa mall dumiretso na agad kami sa sinehan. First time kong manood dito. Ang mahal kasi ng ticket, mas gusto ko pang kumain sa jollibee kesa mag ubos ng pera dun! May tinawagan naman si Mama pinakinggan ko lang si mama habang may kausap sya sa phone.
Hello..
Nandito na kami ni Madie!!
Sa taas na.
Oh sige dalian mo.
So ibig sabihin may kasama kami?? Akala ko ba kami lang?? Masaya na sana eh! May pa epal pa tsk!! Bigla namang may lumapit saming lalaki.
"Anak! Si Tito Marvin mo pala." Sabi ni Mama. So totoo nga may kabit pala talaga sya!! Tsk! Imbis na maging masaya ko nainis ako! Sya ang dahilan ng pagkasira ng family namin!! Yan ang ipinalit nya kay papa.. Eh mas di hamak ng mang mas gwapo pa jan ang papa ko. Yack!!
"Hello. Madie, happy birthday!!" Sabi nung Marvin. Eww! Mandiri nga sya! Nakakasuka kaplastikan nya!! Sarap sunugin ng buhay!! Ngumiti na lang ako bilang sagot ko at pumasok na kami sa sinehan. Tsk! Naiinis talaga ko. Natapos yung movie na hindi ako nag enjoy. Nakaka badtrip eh! Alam mo yun kasama mo yung kabit ng nanay mo?? Kung ikaw matutuwa ka ba nun?? Di ba hindi rin tsk!!
Dapat pala naghanda na lang ako. Nakalabas na kami nitong mall at pumunta sa parking lot binuksan nung KABIT yung blue na sasakyan.
"Ano gusto mong regalo Madie, papabili natin sa mama mo??" Sabi nya. Ka plastikan to the max na ito grabe. Ngumiti na lang ako pero deep inside sarap nyang ibalibag!! Feeling close amputs!!
"Pasok na anak" sabi ni mama at pumasok na nga ako.
"Sa Doc'Jones na lang tayo kumain anak ah!" Sabi ni mama.
"Opo." Sabi ko na lang pagkarating namin dun bumaba na kami. Tsk!! Alam ko namang si mama ang bumili ng sasakyan na yan! Nasusura talaga ako.
"Ano gusto mo nak??" Tanong ni mama.
"Kanin na lang po sakin ma" sabi ko at nag order na nga si mama. Hindi ako makakain ng maayos hindi kasi ako kumportable. Pinilit ko na lang ubusin yung pagkain ko. At umorder naman si mama ng labing dalawang spaghetti pasalubong sa lolo ko, mga kapatid ko at pinsan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top