CHAPTER 30: New Year
Madie's POV
December 31 ngayon maaga kaming nagising para ihanda yung mga gagamitin sa pag luluto. Naghilamos lang ako at nag suklay at bumaba na, lumabas ako ng bahay para tumulong sa mga pinsan ko.
"Madie, pakihugasan mo nga to!" Utos sakin ni Ate Hailey.
"Okay po." Sabi ko at kinuha na sa kanya yung container na lalagyan ng salad mamaya. Pumunta akong baba para dun hugasan ito. Pagkatapos pinunasan ki ng tuyong tela at itinaob para matuyo.
"Ano pa po gagawin ko?" Tanong ko kila Ate.
"Bumili ka nga ng 1 kilo ng asukal Madie." Utos sakin ni lolo. Kinuha ko yung pambili ng asukal tapos kumuha ako ng sumbrero. Naglakad na ko papunta kila ka Mila para bumili. Nang makabili ako ng asukal tumakbo na ko pauwi ang init kasi eh!
"Lolo oh!" Sabi ko.
"Salamat." Sabi sakin ni lolo.
"Ay Madie nga pala meron ba kayong lampin?? O kaya tela na hindi na nagagamit??" Tanong sakin ni Tita.
"Meron po. Teka po at kukunin ko." Sabi ko at pumunta na ko samin para hanapin. At sa paghahalungkat ko nakita ko na yung hinahanap ko bumalik na ko kila lolo at ibinigay yung kailangan nila. Gumagawa na sila ng salad. 10: 16 in the morning na, naluto na din yung sauce ng spaghetti tapos linuluto na nila lolo yung leche plan. Matagal kasing lutuin yun eh!
5:30 in the afternoon nagtutuhog na kami ng pang barbeque. Tinignan ko yung phone ko, 15 unread messages!! Pag tingin ko si Blaine. Binasa ko na.
Text message from: Daddy Blaine
Hi Baby. Mukhang busy ka ngayon ah! Hindi mo man lang naalalang itext ang pinaka gwapo mong Daddy. Makapal ba?? Hahaha!! Pinapatawa lang po kita. Pag nabasa mo to reply agad ah! Miss na kita.
Uy!! Antagal mo naman.
Madie! Busy??
Wala kaba load?? Gusto mo loadan kita??
Mag reply ka kapag nabasa mo na ha!
Advance Happy New Year. Maya na lang yung message ko sayo.
Psst!! Uy!! Buhay ka pa ba?? Di joke lang, miss na kita. Reply ka na uy!!
Madie anong oras na ah!! Kain kana jan ng tanghalian.
Baby!! Nag aalala na Daddy mo dito, kanina ko pa iniintay reply mo!!
Uy!! Baby!!
Hapon na di ka pa rin nagrereply??
Gusto mo punta ko jan??
Pinaloadan na kita?? Nabasa mo ba??
Madie uy pinaloadan na nga kita eh!
Hahaha!! Parang baliw yung lalaki na yun. Teka pinaloadan daw ako! Matignan nga
From: AutoLoadMax
P 50.00 was loaded in your mobile number.......
Rinegister ko na nga. Ay muntik ko ng makalimutan. Nag reply na ko kay Blaine.
To: Daddy Blaine
Hello Daddy, sorry busy ang pinaka maganda mong anak. Tumulong kasi ako maghanda eh! Ngayon lang ako nakapag bukas ng phone. At thank you nga pala sa load at sa pag aalala. Ang daming mong text messages eh! Hindi halatang namiss mo talaga ako.
Blaine's POV
Pagkabasa ko ng text ni Madie masaya na ulit ako. Di man lang kasi nagpaparamdam eh. Rineplayan ko na sya.
Conve w/Baby
Me: Hahaha! Yun nag reply din sa wakas ang pinaka maganda kong anak.
Baby: Yun oh! Nambola pa siya! Hahaha!! Wala ko pera Daddy
Me: Oks lang yun! Totoo naman eh.
Baby: Lakas!! Sige na Daddy may gagawin pa ko eh!
Me: Okidokie! Basta mamaya text ka ah!
Baby: Opo Promise!!
Me: Good.
End of Conversation..
Pauline's POV
Antagal namang mag reply nun!! Naiinis na ko ah! Kanina lang ang bilis nyang mag reply. Tinext ko sya.
Conve w/Boss Ko
Me: Sige maya na lang baka nakaka istorbo ako eh!
Boss: May ginawa lang akong importante, ito naman.
Me: Okay!
Madie's POV
10 Seconds na lang at New Year na!!
10.....9.....8......7.....6....5.....4.....3....2....1.... Boom!! Kaliwa't kanang putukan ang maririnig mo! It's kainan time na, nagsandok na ko ng spaghetti favorite ko yun eh! Tsaka kumuha ako ng barbeque. Tinignan ko yung phone ko 8 unread messages. Woah!! Daming naka alala sakin ah.. Una kong binasa yung kay Blaine.
From: Daddy Blaine
Happy New Year. I hope ako yung unang bumati sayo. Thank you kasi naging part ka ng 20** ko, thank you kasi lagi kang nandiyan. Salamat ikaw yung naging bestfriend ko at sana kahit bagong taon na hindi magbago friendship natin. I love you.
Wew!! Ang sweet nya. Wait kinikilig ba ko ngayon?? Bakit ako namumula?? Gosh!! Eto naman kasing lalaki na to. Why so sweet kasi!! Rineplayan ko na sya habang nakangiti ako.
Blaine's POV
Naku bakit ka nag sent??!! Pano kung uniwas na sya?? May pa I love you ka pa kasing nalalaman Blaine eh!! Dapat pala hindi ko na lang linagyan ng I love you!! Biglang nag beep yung phone ko kaya tinignan ko si Madie!! Naku!! Nagreply na sya.. Ano babasahin ko ba?? Ay bahala na nga!! Kasalanan ko naman eh!
From: Baby❤
Happy New Year din Daddy. Salamat sa message mo sakin. Thank you rin kasi ikaw naging bestfriend ko. Thank you kasi naging part ka din ng 20** ko. Mag iingat always. Lab you too.
Hindi sya nagalit Yes!!!! Lab you too daw!! Naks!! Di na ko nagreply. Tinext ko naman si Pau.
To: Boss Ko
Happy New Year Boss. Salamat kasi yung pinapangaraap kong babae nasa akin na. Salamat kasi naging parte ka ng 20** ko thank you. I love you Boss.
Pauline's POV
Kumakain ako ng nag text sakin si Blaine pagkabasa ko ang sweet. Mareplayan nga.
To: Boss Ko
Happy New Year din Boss. Ahm.. Sorry kung di pa kita pinakikilala sa parent's ko ah! Hindi pa kasi ako ready. Pero salamat kasi naging parte ka ng buhay ko. Thank you kasi lagi kang nandiyan! I love you too Boss.
Pagka text ko nyan nalungkot ako kasi malapit ng magbakasyon malapit naring..... Nevermind.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top