CHAPTER 3: Classmate
Dedicated to: AshiNam12
Madie's POV
1:00 pm in the afternoon.. Nasa may hallway lang kami ng building, pano ba naman kasi wala kami teacher kaya ayun tuloy mga nakatunganga lang kami sa mga nagpapractice ng sepak dito. Well, masaya na din to vacant kami wohoooo!!
So eto kami nakaupo sa steps nitong building nagkukwentuhan lang kami ng biglang hilahin ni Charles yung buhok ko. Di naman sya papansin nuh!
"Eh! Epal nito!" Sabi ko sa kanya.
"Luh! Bakit ?" Tanong sakin ni Charles. Nang-aasar ba to.
"Bakit ka nanghihila ng buhok??" Sabi ko.
"Wala trip ko lang." sabi ni Charles.
"Ewan ko sayo." Sabi ko at tumingin na sa harap at napgkuwentuhan ulit kami nila Bernz.
"Madie may gusto ba sayo si Charles?" Tanong sakin ni Pau.
"Luh! Bakit mo naman nasabi yan?? Walang crush sakin yun." Sabi ko kay Pau.
"Para kasing may gusto sya sayo eh!" sabi sakin ni Pau.
"Oo nga Madie." Sabi naman ni Trish at Bernz.
"Naku! Wala yun.. Epal lang yun, walang magawa ganon!" Sabi ko naman sa kanila.
"Pero pano naman kayo nagkakilala nun? Tanong sakin ni Pau. Sakin patuloy napunta topic naku talaga naman tong tatlong to oh! Hayss..
"Ahm..ganito kasi yun, grade 6 kami nun crush na crush ng bestfriend kong si Milissa si Charles, kaya ayun tuwing makikita namin si Charles pinipicturan namin o di kaya pinapalapit namin si Milissa dun. Kaya ayun nakilala nya ko. Sayang nga eh! Wala na dito si Milissa." Sabi ko sa kanila.
"Huh! What wala na si Milissa?" Tanong ni Bernz.
"G*g*, I mean umalis na ng bansa." Sabi ko.
"Hahaha! Sorry kala ko kasi... nevermind hahaha!" sabi ni Bernz. Luka talaga to eh! Kaya agad ko sila nakasundo kasi ang babait nila eh at kalog pa hahaha! Sarap kasama ng ganitong tropa. So yun nagkuwentuhan kami ng nagkuwentuhan hanggang sa matapos ang time, ewan ko ba kung bakit hindi tayo nauubusan ng ikukwento pag kasamap natin mga friend's nating abnormal hahaha! Pero pag pinasagot naman ng teacher nganga hahaha! Pero syempre kahit madaldal kami atleast nakakasagot kami at matataas ang mga grades namin nuh! kami pa bang apat. So yun filipino time na namin. Iba na naman ayos dito. Pero magkakatabi pa rin kami, kaso si Pau lang ang nahiwalay pero nasa likod namin sya. Di ata kami mapaghihiwalay na apat, pwera na lang kung may humahabol sa amin. Aba kanya kanya ng takbo yun syempre hahaha! Okay tama na ang daldal ko na naman. Dumaan sa harap ko ung isang lalaki gwapo sya matangkad, may dimple, brown eyes, yung hair style parang kay saske yung nasa Naruto, tapos may pagka brown ung buhok. Tapos bigla....
"Alien!" Asar nya kay Pau. Hmm..kilala nya pala, kaso pagkaka alam ko sa Guyong nag-aral yun eh!! Si Pau naman hindi, pano kaya sila nagkakilala.
"Hmmm.. Epal" sabi ni Pau dun sa lalaki. Naka ngiti naman yung lalaki. Pagka alis nun, tinanong namin si Pau.
"Kilala mo?" Sabi ni Trish.
"Hindi.. Inaasar lang ako, epal nun eh! Kanina pa yun!" Sabi ni Pau.
"Baka may gusto sayo." Sabi ni Bernz.
"Naku! Ayoko nuh!" Sabi naman ni Pau. Naku! Baka sila ang magkatuluyan. Hihihi! bagay sila maganda't gwapo.
"Bat ka naka ngiti ka jan Madie ??" Sabi sakin ni Pau.
"Wala lang hehehe!" sabi ko at humarap na sa may black board.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top