CHAPTER 29: Christmas Party
Blaine's POV
1 month na rin nung huling nag date kami ni Pau. Hindi naman nagbago ganon parin di parin nya ko pinakikilala sa parents nya. Hayst!! Pogi naman ako?? Di naman ako pangit ah! Pero bakit parang ikinahihiya nya ko sa parents nya?? Katatapos ko lang magbihis. Dahil christmas party na namin ngayon.
Bago ako bumaba kinuha ko muna yung ireregalo ko kay Boss. Oo sya ang nabunot ko sa monita/monito namin.
Linagay ko na yung necklace sa box na maliit, at pumunta na ko sa baba para kumain. Maaga pa naman kasi eh 8 pa yung simula ng christmas party namin.
Madie's POV
Maaga akong nagising syempre christmas party namin ngayon eh! Ang nabunot ko pala si Daniellica at ang regalo ko naman hikaw pinag ipunan ko yan.
Pagkalagay ko sa box na maliit nagbihis na ko.
Nagbihis ako kung sa ako kumportable. Pagka bihis ko bumaba na ko para mag breakfast.
"Ngayon na ba christmas party nyo??" Sabi ni papa.
"Opo." Sabi ko.
"Oh sige di na kita ihahatid ah." Sabi ni papa.
"Okay po." Sabi ko.
Pagkatapos kung kumain nag paalam na ko sa kanila na aalis na ko. Nag text sakin si Pau.
From: Beshy
Madie! Nasan kana?? Nandito na ko.
Rineplayan ko na agad si Pau.
Conve w/Beshy
Me: Paalis na ko.
Beshy: Okay.. Intayin kita sa classroom
Me: Sige dalian mo. Ingats!
End of Conversation..
Nagmadali na kong umalis. Sumakay na ko ng tricycle dahil mag 8 am na! Baka malate na ko sa program namin. Buti na lang nakasakay ako sa kanto namin.
"Sa Mater Dei po." Sabi ko kay Kuya Michael. At pinaandar naman nya agad close ko to eh! Kasi kilala ni papa. Nakarating agad kami sa school papasok pa lang ako ng may tumawag sa maganda kong pangalan hahaha...!! Kapal ko eh nuh!
"Madie!!" Sabi nung tumawag sakin. Pag tingin ko si Blaine pala.
"Oh! Ikaw pala.. Naks pormahan natin ah! Gwapings!!" Sabi ko.
Blaine's POV
"Papuri ba yun o insulto??" Tanong ko.
"Pareho hahaha...!!" Sabi nya eto talagang babae na to.
"Ikaw din!! Ang ganda mo jan!! Diyan ka na lang hahaha!!" Pang aasar ko sa kanya. Pero totoo bagay sa kanya yung porma nya. Na iinlove na ba ko sa bestfriend ko?? No!! Hindi pwede!! May girlfriend ako! At mahal ko si Pau.
"Ha.Ha.Ha!! Katawa" sarkastikong sabi ni Madiecat iniwan ako. Tignan mo tong babae na to! Mang iinis tapos pag sya inasar nang iiwan. At hinabol ko naman sya.
"Uy! Joke lang eto naman! Maganda ka nga!" Sabi ko.
"Hahaha!! Joke lang yun! Tara na baka kanina pa tayo hinihintay ni Pau." Sabi nya kaya pumunta na kami sa room namin malayo pa lang nakita ko na si Pau.
Maganda si Pau pero bakit ganon?? Bakit parang wala kong maramdaman?? Edi ba Blaine si Pau ang pinapangarap mong maging girlfriend pero bakit ngayong nanjan na sya parang may mali?? Ayts!! Di ko na talaga maintindihan sarili ko.
"Pau!!" Tawag sa kanya ni Madie at niyakap sya. Yinakap naman sya pabalik ni Pau.
"Danda!!" Sabi ni Madie sa kanya.
"Ikaw din!" Sabi naman ni Pau.
"Tara na nga pumasok na tayo sa loob." Sabi ko sa kanilang dalawa at sumunod nanan sila sakin.
Madie's POV
Pagpasok namin sa loob nakita namin si Joan.
"Ganda naman this girl!!" Sabi namin ni Pau.
"Huh! Magtigil nga kayong dalawa! Si Pau ang pinaka maganda.. Sya muse eh hahaha!!" Sabi ni Joan at tumawa kaming dalawa maliban kay Pau.
"Pinagtulungan nyo na naman akong dalawa ah!!" Sabi ni Pau.
"Hindi naman!" Sabi namin.
"Mag uumpisa na tayo! Magsitayo na kayong lahat." Sabi ni Ma'am at yun nga ang ginawa namin.
"Joan will you lead the prayer?" At pumunta na si Joan sa harapan. Pagkatapos nun! Nagsimula na ng pa games. Ang dami naming linaro. Saluhan ng itlog, jerusalem, putukan ng lobo, Give me at ang last news paper dance. Si Ma'am ang namili ng maglalaro.
"Ang last partner natin para makumpleto... Ay sina.....Blaine at Pauline!" Masayang sabi ni Ma'am. Yieehh!! Nekekeleg eke!! Hihihi!! Dalawa pala kami ni Joan na kinikilig kaya tinulak na namin si Pau hahaha!!
Blaine's POV
Pagka tawag ni Ma'am nahihiya ako kung pupunta ba ko eh! Bahala na nga.. Nakita ko naman sila Madie na tinulak si Pau. Nag umpisa ng magsimula yung game ang cute ni Pau. Namumula kasi sya hahaha!! Hanggang sa tumagal kasali pa din kami ni Pau. Medyo maliit na yung dyaryo. Kaya paghinto ng music.
"Tara! Sumakay ka sa likod ko." Sabi ko.
"Ehhh...." Sabi ni Pau. Hayst!! Mukhang wala syang balak kaya naman binuhat ko na lang sya yung parang pang kasal. Nakita ko namang namula sya sa ginawa ko.
Madie's POV
Maliit na yung dyaryo pero kasali pa din sila. Ang galing pala nila sa larong to eh! Ang sweet talaga!! Huminto na yung music kaya...
"Tara! Sumakay ka sa likod ko." Sabi ni Blaine kay Pau.
"Ehhhh..." Yun lang ang sinabi ni Pau. Baka nahihiya sya. Nagulat kami ni Joan ng buhatin ni Blaine si Pau ng parang pangkasal.. Hiyawan kaming magkaka classmate at nanalo sila. Yiieehh!!! Kinikilig talaga ko sa tambalang #KyLine forever na this!!
Pagkatapos noon, magpapalitan na daw ng regalo sabi ni Ma'am. Una nyang tinawag si Pau at ang nabunot nya si Joan, ang regalo nya ay isang bag na manahalin sumunod naman si Joan ang nabunot nya ay si Babe nya! Si Gelo ang regalo nya relo couple watch sila. Sumunod naman si Gelo ang nabunot nya si Joan. Yiiieehhh!! Ang regalo naman nya iphone couple din. Naks!! Edi sya na hahaha!!! Tapos ang nabunot naman ni Jayson si Shena ang regalo nya pillow na stitch tapos ang natanggap naman ni Jayson ay branded na rubber shoes. Si Maiden naman ang nakabunot kay Blaine ang regalo nya yung pang display na umiilaw. Ang cute. Si Blaine naman nabunot si Boss nya. Ang regalo nya kay Pau isang crown necklace ang ganda. Bagay na bagay yun kay Pau. Tapos lumuhod pa si Blaine ng binigay nya kay Pau yung necklace. Yiieehhh!! Kilig much!!! At sa wakas ako na ang tinawag. Pumunta na ko sa harap para ibigay ang regalo ko. Binigay ko na yung hikaw kay Dandie. At pinasuot na ni Ma'am sa kanya yun!! Tapos tinawag na ni Ma'am si Jasper tapos linapitan ako at lumuhod ano to?? May paluhod effect pa sya naghiyawan naman yung mga classmate namin. At binigay na nya sakin yung gift nya. Ano kayang laman nito at nagpasalamat ako.
Blaine's POV
Tinawag ni Ma'am si Jasper at lumapit sya kay Madie nagulat kami ng lumuhod sya pati si Madie nagulat rin. Bakit may paluhod luhod pa syang nalalaman?? Wag nyang sabihin may gusto sya sa bestfriend ko?? Tapos nakita kong ngumiti sya kay Madie at nginitian din ni Madie ito. Ano?? Gusto nya ba yung ungas na to?? Di hamak namang mas pogi ako jan nuh!! Bakit nga ba ko naiinis?? Sabi ni Ma'am mag sikain na kami kaya kumuha na ko ng pagkain dinalan ko na rin si Madie at Pau.
"Salamat." Sabi nilang dalawa.
"Ano laman nyan??" Naitanong ko bigla.
Pauline's POV
Bakit tinatanong ni Blaine kung anong laman ng regalo ni Madie?? Bakit parang ang seryoso nya.
"Ewan! Bakit??" Tanong sa kanya ni Madie.
"Ahh.. Hahaha!! Wala, buksan mo na." Sabi ni Blaine. At ginawa nga ni Madie. Pagka bukas nya Wiieehh!! Ang cute.
"Ang cute!!" Sabay naming sabi ni Madie.
"Ano papangalan mo jan??" Tanong ko.
"Ahmm... Poopsie." Sabi niya ang cute talaga. Pero mas maganda naman yung regalo sakin ng Boss Ko nuh! Hindi ko iwawala to. Hayst!! Sana lang wag syang magalit. Sulitin ko ng kasama ko sya.
Tapos na yung program kaya napag isipan muna naming mag mall muna bago umuwi.
Blaine's POV
"Sama ka Madie??" Tanong ni Joan sa kanya.
"Hindi kayo na lang. Hindi kasi ako nakapag paalam kay papa baka magalit yun." Sabi nya. Daddy's Girl talaga to. Pero sayang hindi sya sasama. Walang thrill kapag hindi kasama bestfriend ko. Umalis na nga kami kasi umuwi na si Madie.
"Tara kain muna tayo" aya ni Gelo. Pagdating namin sa jollibee humanap na ng upuan sila Boss at kami naman ni Gelo ang nag order.
Ilang mins lang nandito na yung order namin. Kakain na dapat sila ng pigalan ko sila.
"Bakit??" Sabi nilang tatlo.
"Mag pray muna tayo!" Sabi ko sa kanila syempre natutunan ko yun kay Madie eh.
Pauline's POV
"At sino namang nagturo sayo Blaine na magdasal muna bago kumain?? Eh dati wala ka namang pakelam sa ganyan ah!" Sabi ni Gelo.
"Tinuruan kasi ako ni Madie!" Sabi nya at ngumiti. Ah ganon! Edi sila na!! Nakauwi ako ng lutang ang isip ko di ko na enjoy!! Nakaka buwisit kasi.. Ako yung girlfriend oh!! Bakit puro na lang sya Madie!! Ahh... Nakaka buwisit!!
A/N: Happy 100k+ reads sa atin guys thank you sa suporta na binibigay niyo sa story ko. Keep on reading and voting guys, comment din kayo. Lab Lab ko kayo!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top