CHAPTER 27: Heart Pillow
Madie's POV
Nandito kami ngayon sa T.L.E room may visitor kami. Nagbebenta ng panggawa ng unan gamit ang yarn. Tapos na syang magsalita. Ang cute lang nuh! Nakakagawa ng unan gamit ang yarn.
"Lumapit po sakin yung mga bibili." Sabi nya at kunti lang ang lumapit. Ayokong bumili sayang lang pera ko nuh! Bigla namang pumasok si Ma'am Santos.
"Goodmorning Ma'am Santos." Bati namin kay Ma'am teacher namin sya sa MAPEH at pinaka maarte din naming teacher. Kinaganda nya yun eh! Tsaka totoo naman nuh! Hidi po sa namamastos ako ng teacher ko. Attitude talaga ng teacher namin yun, pano ba naman kasi nung minsan binati namin siya ng goodmorning nung makasalubong namin aba ang sinukli sakin irap ba naman. Sige nga sinong matinong teacher ang mag gaganun sa studyante na wala na mang ginagawang masama sa kaniya. Bukod tanging sya lang. Kaya simula nun! Di na namin yan binati.
"Oy! Firefly bumili kayo ng tinitinda ni ate at ipapa project ko yan sa inyo." Sabi ni Ma'am Santos. At sinunod nga namin ang sinabi nya at bumili na kami. At tinuruan ulit kami ni ate na gumawa nun! Nung nag try ako madali lang pala tusok tusok lang. Para ka lang din nagtatahi pero eto mas madali kesa sa manahi. Ang unang kung ginamit na yarn ay dark pink. Bago ako gumawa kinortehan ko munang heart shape yung parang papel gusto ko heart yung gawin eh! Kay Joan Star Kay Pau talagang square lang ata. Sa tatlong lalaki puro bilog, ay yung kay Gelo pala parang donut. Pagka korte ko nag umipisa na ko. Sabi nila mas maganda pagtabi tabi para makapal kaya yun ang ginawa ko. Nag eenjoy talaga akong gawin ito. Ang dali eh! Habang nag didiscuss si Ma'am gumagawa ako nito. Hindi naman niya kita eh. Sa mga sumunod na subject yan lang ginagawa ko. Minsan natutusok ako pero okay lang. Hanggang sa naging mabilis na ko sa paggawa. Nasa UST kami ngayon gumagawa nito wala kaming teacher sa Filipino eh. Habang kakwentuhan ko si Sheryl gumagawa ako nito.
"Nagustuhan mong gumawa nyan nuh!" Sabi sakin ni Sheryl.
"Hahaha! Oo ang sarap kasi." sabi ko. At nag kwento na ulit sya habang nakikinig ako. Hindi muna ako sumama kila Blaine kasi busy ako dito. Sila sila muna hahaha! Para makasama nya si Pau. Lalagyan ko muna ng I ❤ U sa gitna. Kaya nagdraw muna ako noon gamit ang lapis at pagkatapos nun, nagtahi na ulit ako. Dark pink ulit gagamitin ko para sa I❤U.
Uwian na namin ngayon. Nag paalam na ko kila Pau. Kasabay ko ngayon si Shena pauwi na kami.
"Shena bili muna tayo sa school supplies ng yarn." Aya ko sa kanya.
"Sige. Kunti na lang din yarn ko eh!" Sabi nya. At bumili na nga kami ang mga binili kong yarn dark pink, light pink at light yellow green yan ang mga pagsasamahin ko. Pagagandahin ko talaga itong akin. Para mataas ang makuha kong grade.
"Punta ka samin pagka bihis mo ha!" Sabi ni Shena.
"Oo." Sabi ko. At umuwi na ko samin pagkabihis ko pinuntahan ko sa baba si papa.
"Oh san ang punta mo anak?" Tanong sakin ni Papa.
"Kila Shena Pa, hatid mo nga ko may gagawin lang po kaming project." Sabi ko kay papa at hinatid na nya ko. Ang ganda pala ng bahay nila Shena.
"Shena nandito na si Sierra!" Sigaw ng mama ni Shena.
"Tara gawa na tayo." Sabi ni Shena kaya gumawa na kami. Inintay naman ako ni papa sa labas kausap nya yung papa ni Shena.
"Mag meryenda muna kayo" sabi nung mama ni Shena at binigyan kami ng juice tsaka tinapay.
"Salamat po." Sabi namin. Nang mga 6 pm na umuwi na kami ni Papa nagpaalam ako sa mama nya at lola ni Shena. Habang nasa bahay ako habang gumagawa sa kuwarto ko tumunog yung phone ko. Pag tingin ko si Blaine. Kaya binasa ko na.
From: Daddy Blaine
Baby seryosong seryoso ka sa ginagawa mo ah! Di ka na nga sumama samin kanina eh! Tampo na ko ah! Mas inuuna mo pa yan.
Natawa naman ako sa pagka isip bata nitong lalaki na to kaya't nag repky na ko.
Conve w/Daddy Blaine
Me: Hahaha! Daddy may deadline kaya tong project natin! Remember?? Kaya nga wala akong sinasayang na oras eh!
Blaine: Ay!! Oo nga pala, nga pala may tatanong nga pala ako sayo.
Me: Ano yun??
Blaine: Saan kaya magandang makipag date??
Me: Sa park. Kung ordinary girl lang sya ah!! Pero kung katulad ni Pau sa sm kasi baka kasi di niya magustuhan sa park.
Blaine: Ako nga nagustuhan ko eh! Baka sya din magustuhan nya.
Me: Okay basta sinabihan kita ah!
End Conversation
F
A
S
T
F
O
R
W
A
R
D
Pasahan na namin ngayon ng project sa MAPEH. Ang gaganda nung sa kanila pero syempre mas maganda pa rin yung akin nuh! Huwag kayo jan. Ang cute ng gawa ko. So yun papunta na kami sa MAPEH.
"Good afternoon class." Bati samin ni Ma'am Santos.
"Good afternoon Ma'am Santos!" Bati namin.
"So pumila kayo at magche check na ko ng gawa nyo." Sabi ni Ma'am. At pumila na nga kami. Hanggang sa ako na yung che check-an nya. Binigay ko na yung Heart Pillow ko.
"Ikaw may gawa nito??" Tanong sakin ni Ma'am. Ay hindi may nagbigay lang sakin niyan. Malamang ako may gawa nyan tsk!
"Opo." Sabi ko. Ayaw kasing check-an na lang.
"Maganda ah!" Sabi nya. Yes! Maganda daw gawa ko. At umupo na ko sa upuan ko natapos sya sa pag che check.
"Isa lang ang nakakuha sa inyo ng 97. Sino dito yung gumawa ng Heart Pillow.?" Sabi ni Ma'am. At nagtaas naman ako ng kamay.
"Akin na lang yung gawa mo ah!" Sabi ni Ma'am.
"Sige po!" Sabi ko at binigay na sa kanya.
"Okay class dismiss." Sabi ni Ma'am at naglabasan na kami.
"Galing ng friendship namin." Sabi ni Joan.
"Salamat." Sabi ko.
"We're so proud of you!" Sabi naman ni Pau.
"Thank you guys." Sabi ko. At naglakad na kami pauwi. Di ko talaga in- expect na magugustuhan ni Ma'am yung Heart Pillow ko. Pero thank you dahil nagustuhan niya.
Blaine's POV
Tinext ko si Pau na magdate kami bukas at pumayag naman sya. Eto na yung pambawi ko sa kanya nung nag away kami. Sana naman mag enjoy sya. Excited na ko sa mangyayari bukas. First Date namin to eh!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top