CHAPTER 25: First Love Quarrel


Madie's POV

Papasok na ko ngayon dahil wala na kong lagnat. Papasok na ko ng gate ng makita ko si Pau na parating kaya hinintay ko na lang sya.

"Madie!! Namiss kita!" sabi nya at niyakap ako.
"Ako din." Sabi ko. At sabay na kami pumasok.

Pauline's POV

"Ahm... Madie alam mo ba yung password sa gallery ni Blaine?" Tanong ko sa kanya. Out of nowhere. Bakit ba sa kanya ko tinatanong?? Anong bang alam nya?? Hayst!! Pau ikaw girlfriend eh! Dapat ikaw mismo yung may alam nun!
"Ha?? Hindi eh! Bakit??" Tanong sakin ni Madie. Sabi na nga ba wala syang alam.
"Ehh! Kasi may folder dun na may password..!" Sabi ko sa kanya.

Madie's POV

"Oo! Nakita ko nga din yun eh!" Sabi ko. Kung hindi alam ni Pau yun edi ano kaya laman nun?? Matanong nga mamaya kay Blaine.
"Kelan mo nakita??" Tanong ni Pau.
"Nung fieldtrip.. Eh kasi hiniram ko sa kanya yung phone nya. Sabi ko titignan ko lang yung gallery tapos ang tagal nyang ibigay ayun!!" Paliwanag ko sa kanya.
"Ahh.. Okay!" Sabi nya. At naglakad na kami papuntang room.
Ang subject namin ngayon A.P wala naman kami ginagawa nagsusulat lang. Sakto namang lumipat si Pau ng upuan. Kaya pagkakataon ko na para kausapin si Blaine. Pinalapit ko dito sa upuan ko si Blaine sinenyasan ko lang sya. At lumapit naman sya agad.
"Bakit?" Tanong nya.
"Ano yung laman ng gallery mo??" Sabi ko.
"Edi picture hahaha!" sabi nya. Abno talaga.
"Hayst! Alam ko pero yung folder na may password ano laman nun??" Tanong ko ulit.

Blaine's POV

Hala!! Bakit naman nya naitanong yun?? Naghihinala na kaya sya?? May nakakita kayang pinipicturan ko sya kaya sya nagtanong bigla tungkol dun?? Ano sasabihin ko?? Ayt!! Bahala na nga!!

"Ah kasi---a--ano eh!! Wala yun hahaha!" sabi ko. Maniwala ka please.
"Blaine!!" Sabi nya. Ayt! Di ko talaga kayang mag sinungaling sa kanya. Basta ganyan na sya magtanong nasasabi ko eh!
"Ehh kasi--- Madie---" sabi ko biglang naputol yung sasabihin ko ng magsalita si Sir!
"Class..you may go to your next class." Sabi ni Sir ar tumayo na ko. Woooohoooo!! Muntik na ko dun! Na corner ako ah! Thank you sir! Parang na hot seat ako ng wala sa oras doon.
"Mamaya ka sakin!" Sabi nya. Ayt!! Kala ko naman ligtas na. Hindi pa pala.

Pauline's POV

Lumipat ako ng upuan kasi di ko makita tatawagin ko sana si Madie ng makita ko sila ni Blaine na magka usap. Ano kayang pinag uusapan nila na parang kinakabahan si Blaine. Hmmm... Kung hindi ko lang talaga sya bestfriend! At pumunta na nga kami sa next subject namin T.L.E.

Madie's POV

Nagpaalam ako kay Pau na may sasabihin lang ako kay Blaine at tumango naman sya. Pinuntahan ko na si Blaine akala nya titigilan ko sya. Tutulungan ko si Pau na malaman kung ano talagang linalaman ng folder na yun. Pagkalapit ko sa kanya.

"Ano na??" Tanong ko.

Blaine's POV

Binigay ko naman kay Madie yung phone ko at binigay sa kanya yung password ng folder.
"Apat na 0 yung password." Sabi ko. At binuksan nya naman pagka bukas na pagka bukas nya nagulat sya.

A/N: Naku!! Nakita na kaya ni Madie yung mga picture niya sa phone ni Blaine?? Ano kayang magiging reaksyon niya? Abangan sa susunod na chapter





Joke lang! Ito na yung reaksiyon ni Madie sa nakita nya.

Madie's POV

Pagkakita ko dun sa folder nagulat ako at natawa.
"Hahaha!" tawa ko.
"Oh bakit ka natawa jan??" Sabi ni Blaine.
"Eh p-pano k-kasi ikaw hahahaha!" sabi ko.
"Hala siya!! Kaya nga ayaw ko ipakita sa inyo pagtatawanan niyo ko!" sabi nya.
"Hindi ang cute nga eh! Kalbo ka pala noong bata hahaha! Hindi bagay hahaha!" pang aasar ko sa kanya.
"Sabi mo cute kanina ngayon naman hindi bagay!! Ano ba talaga?? Dun ka na nga!" Sabi nya.
"Hahaha! payatot ka pala dati tsaka totoy na totoy ka pa dito oh!" Sabi ko at pinakita sa kanya yung picture nya.
"Akin na nga yan!" sabi niya sabay hablot sakin ng phone nya.
"Hahaha! Ba-bye KALBO!!" sabi ko sa kanya bago umalis dun. Pagkabalik ko sa upuan.
"Oh! Bakit ka tawa ng tawa??" Sabi ni Pau.

Pauline's POV

Bakit kaya sya tawa ng tawa?? Anong pinag usapan nila ni Blaine??
"Ehh pano naman kasi si Blaine hahaha! KALBO!" sabi nya teka anong kalbo?? Tinignan ko si Blaine di naman sya nag pagupit ah! Meron ba syang alam na hindi ko nalalaman??
"Ha? Kalbo??" Tanong ko sa kanya.
"Ehh kasi yung folder na may password childhood pic nya pala laman, Kalbo sya dun hahaha!" sabi nya. So kay Madie sinasabi nya sakin na girlfriend nya hindi. Okay!!
"Okay!!" Sabi ko. Tinext ko si Blaine.

To: Boss Ko
So!! Kay Madie sinasabi mo!! Sakin na girlfriend mo hindi!! Mas importante pa ba si Madie sakin?? Sobrang close nyo nuh!!

Tsk!! Kainis eh!! Nagreply naman sya agad!

Blaine's POV

Nang mabasa ko yung text ni Pau nag reply agad ako.

To: Boss Ko
Selos? alam mo namang ikaw lang eh! Tsaka di ka naman nagtatanong eh!

Sabi ko.. Totoo naman eh at nagreply sya!!

From: Boss Ko
Okay! Sorry, hindi nga pala kita tinanong tungkol doon. I love you!

Sabi nya kaya nag I love you too naman ako sa kanya. Buti na lang talaga nailipat ko agad yung mga picture ni Madie sa app na calculator yung natataguan ng mga picture.

Flashback...

"Mamaya ka sakin!" Sabi ni Madie pagkasabi nya nun! Nag download ako ng app na pwedeng taguan ng mga picture at yun nakita ko nga yung calculator. Pwedeng taguan at pwede din mag calcu! Oh di ba 2 in 1. Kaya nung makita nya yung picture ko na lang nung bata ako yung nandoon. Ang galing ko talaga. Muntik na talaga akong mabuking.

End Of Flashback...

A/N: Yey!! Thank you guys sa suporta niyo! Mas ginaganahan tuloy akong magsulat. Inspiration ko po kayong lahat, thank you! Love you all!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top