CHAPTER 24: Secret Gallery
Blaine's POV
7:00 am in the morning nasa school na kami nila Pau pero si Madie wala pa?? Bakit kaya?? Di naman sya nalelate ng pasok ah!
"Pau bakit daw wala pa si Madie?" Tanong ko kay boss ko.
"Hindi daw makakapasok, may lagnat daw." Sabi nya. Pagka sabi nya nun tinext ko na agad si Madie.
To: Baby Girl
Oy! Liit pagaling ka ah!
Nag beep naman agad yung phone ko.
From: Baby Girl
Oo at pag gumaling na ko! Patay ka sakin! Liit pala ah!!
Natawa naman ako sa text niya. May sakit ng lahat ang tapang pa din.
To: Baby Girl
Oo na po pagaling ka.
Pagkatext ko nun tinago ko na phone ko. Pagtingin ko kay Pau umiwas sya ng tingin. Problema nun??
Pauline's POV
Pagka sabi ko na may sakit si Madie biglang hinawakan ni Blaine yung phone nya tapos biglang napangiti. Sino naman kaya yung katext nya?? Tsk!! Nakaka-inis na! Tapos bigla syang tumingin sakin kaya umiwas na ko. Nakaka inis nandito naman ako bakit kailangan makipag text pa sya sa iba?? Maganda naman ako!! Lumapit ako sa kanya.
"Peram ng phone mo." Sabi ko. Inabot naman nya sakin agad. Tinignan ko yung message nya nabura na nya. Tinignan ko yung gallery nya. Merong isang folder walang name eh pinindot ko yun tapos ang lumabas "Please enter a password" may password na sya sa gallery nya?? Ano kaya tinatago nya dito!! Naiinis na talaga ko parang hindi nya ko girlfriend eh! Ibinigay ko na agad sa kanya. Kelangan kong malaman kung anong laman nun!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top