CHAPTER 23: Girls Bonding


Madie's POV

Kringgg.. Kringgg... Kringggg...
Ang ingay!! Dumapa na ko para di ko marinig pero...

Kringgg.... Kringggg... Kringgg...

Ano ba yan!! Ang alam ko di ako nag alarm ah! Inabot ko na lang ang alarm ko ng hindi tumitingin at pinatay iyon. Nakasubsob pa din ako sa unan ko. Inaantok pa kaya ako nuh! Kelangan kong----

Kringgg.. Kringgg... Kringgg...

Pinatay ko na yung alarm ah?? Bakit tumutunog pa din?? Inabot ko naman yung phone ko baka kasi eto yung tumutunog. Sinagot ko na lang kung sino man yung tumatawag.

(Hello!! Nasan kana bang babae ka?? Nandito na si Joan.. Anong oras na!!??)

Sabi nung nasa kabilang linya. Parang si Pau yun ah.

'Inaantok pa ko eh'

Sabi ko.

(Oy! Luka nakalimutan mo bang may bonding tayong tatlo ngayon?? Promise mo kaya sakin yun!!)

Napabangon ako sa sinabi ni Pau. Ayt!! Oo nga pala ngayon nga pala yun. Nangako kasi ako sa kanila kahapon.

'Eto na maliligo na nga eh! Sorry na.'

(Sige! Text ka na lang pag nasa may village ka na namin ha! Para masundo ka namin. Ingats.. Bye bye.)

End Call..

At yun nga nagmadali na kong maligo 8:30 na pala kaya pala tawag na ng tawag yung luka na yun! 10 mins lang ako naligo nagmamadali na ko eh nagsuot lang ako ng komportable sakin.

Tapos bumaba na ko para kumain.
"Madie saan ang punta mo?" Tanong sakin ni papa.
"Sa bahay po nila Pau Pa, nangako kasi ako sa kanila eh!" Sabi ko.
"Oh sige mag ingat ka ah at umuwi agad, wag ng mag pagabi"
"Opo Papa." Sabi ko at inubos ko lang ang pagkain ko at nagpaalam na ko kila papa na aalis na ko. Hindi na ko sasakay sayang lang pamasahe. Lalakarin ko na lang yun ng malapit na ko kila Pau. Sa Paseo Village yun ay nag text na ko sa kanya. Inantay ko sila sa may gate.
"Madie! Kuya papasukin mo yan bestfriend ko yan." Sabi ni Pau dun kay Manong Guard. At pumasok na ko.
"Cute ng suot mo Joan." Sabi ko.

A/N: Eto po yung suot ni Joan

"Eh mas cute yung suot ni Pau." Sabi ni Joan
"Oo nga nuh!" sabi ko.

"Sige pagtulungan daw ba ko." Sabi ni Pau.
"Eto! Naman syempre joke lang yun mamaya di mo pa kami pakainin ni Joan." Sabi ko at pumunta na nga kami sa kanila.
"Upo muna kayo." Sabi ni Pau.

A/N: Eto po yung living room nila Pau.

Pagka balik ni Pau may dala na syang foods. Nachos and drinks.

"Ano gusto nyong panoorin natin?" Sabi ni Pau.
"Horror na lang." Sabi ni Joan at sinaksak na nga ni Pau yung usb.
"Anong title nyan??" Sabi ko.
"Coming Soon, maganda yan!" Sabi nya.

Mukha ngang maganda. Parang thailand ang may gawa eh! Hindi man lang ako natili pero etong dalawa kong katabi magkayakap na. Nakakagulat lang sya pero carry ko naman. Pagkatapos ng movie na yun. Napagpasyahan naming tignan yung kuwarto ni Pau.


Ang ganda ng kuwarto nya pang mayaman talaga eh.  Akala mo prinsesa yung nakatira.  Hindi naman maikakaila mukha talaga syang prinsesa.

"Minsan mag sleep over kayo dito." Sabi ni Pau.
"Sige ba." Sabi naming dalawa ni Joan.
So yun kumain lang kami dun ng hapunan at umuwi na rin kasi kelangan ko pang sumamba eh! Tutupad kasi ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top