CHAPTER 21: Fieldtrip Part 3
Dedicated to: arnibaldavidjames
Madie's POV
6:00 pm kami dumating dito sa Star City last spot na namin to. Kaya e-enjoyin na namin. Nagbihis ulit kami. Yung suot ko ulit ngayon ung jacket ko na pink. Tapos naka cup ako. Pumasok na agad kami sa loob ni Blaine tapos tinatakan kami sa kamay. Naghiwahiwalay na kami.
"Tara kain muna tayo." Aya sakin ni Blaine. At dinala nya ko sa korean restaurant. Gutom na din kasi ako eh!
"Ano gusto mo?" Tanong sakin ni Blaine.
"Sige ikaw na bahala." Sabi ko. Tapos umalis na sya wala pang 5 mins nakarating na sya at nung linapag nya na yung food. Wow! Sarap sabaw! nakakagutom tuloy! Pwede na bang kainin??
"Sige na kain kana." Sabi nya. Kakain na sana ako ng tumigil ako.
Blaine's POV
Kakain na dapat sya ng bigla syang napatigil.
"Bakit? May masakit ba sayo? Ayaw mo ba nyan? Gusto mo papalitan ko?." Sabay sabay kong tanong sa kanya.
"Ano ka ba? Masarap to nuh!" Sabi nya.
"Eh kung ganon bakit bigla kang tumigil?" Sabi ko.
"Ahh.. Nakalimutan ko kasing manalangin eh! Tara sabay tayong manalangin." Sabi nya. Tumango ako sa kanya. At nanalangin na sya. Pinagmasdan ko sya habang nakapikit ang ganda nya pala. Tapos religious pa sya. Kung di ko lang to bestfriend baka na inlove na ko. Hayst!! Ano ka ba Blaine? Kung ano anong pumapasok sa isip mo! Bakit ka ba nagkakaganyan ha! At sa sobrang dal dal ko di ko namalayan na kanina pa sya tapos manalangin.
"Hoy! Blaine!" Tawag nya sakin.
"Ha?! Ahh e--- kumain na tayo!" Pag-iiba ko ng usapan. Woooh! Para kong tanga. Pag tingin ko sa kanya ang cute nyang kumain. Ang lakas nya pa lang kumain nuh! At di man lang sya nahihiya kahit kasama nya pa ko. Hindi katulad ng ibang babae pabebe! Hindi ko napigilan sarili ko, pinicture-an ko siya habang kumakain ang cute eh!
"Bakit di mo ginagalaw pagkain mo?" Tanong nya sakin.
"Ahm.. Ito nga eh kakain na eh!" sabi ko. At kumain na nga kami. Bigla namang dumating ang mga classmate namin.
"Oy! Nandito pala kayong dalawa ah! Di man lang kayo nag-aaya!" Sabi ni Shena.
"Hayaan na natin nagsosolo eh." Sabi ni Sharlyn. Eto talagang mga to.
"Umorder na lang kayo at umupo na dito sa table namin." Sabi ko na lang at sumunod naman ang mga to at kumain na kami. Pagka tapos namin kumain pumunta na kami sa rides ang una naming pinuntahan ay jungle splash.
"Tara pila na tayo!" Sabi ni Shena at pumila na nga kami.
Madie's POV
At sa hinaba haba ng pinila namin sa wakas kami na.
"Tara na guys!" Sigaw ni Shena.
"Sige! Dito na lang ako." Sabi ko. Guys hindi sa nag iinarte ako or what. May fierce kasi ako sa height hindi ko talaga carry yan eh!
"Ha? Bakit? Ang gara naman nito oh! Minsan lang to Madie eh! Sumama ka na" pilit sakin ni Ate Sharlyn.
"Wag na kayo na lang. Okay lang talaga ko dito." Sabi ko.
"Sure ka? Iwan ka na namin dito?" Sabi ni Shena.
"Oo nga. Sige na intayin ko na lang kayo." Sabi ko.
"Oh sige tara na Blaine." Sabi ni Shena.
"Hindi na rin ako sasama dito na lang din ako." Sabi ni Blaine.
"Hala! Baliw to sumama ka na kanina mo pa kaya gustong sumakay. Kung iniintindi mo ko okay lang ako dito. Sige na sumama ka na." Sabi ko sa kanya.
"Hindi, ayoko din naman walang thrill yan. Sige na umalis na kayo kanina pa kayo tinatawag oh!" Sabi ni Blaine. At umalis na nga sila.
Blaine's POV
Gusto ko talagang sumakay kaso si Madie walang kasama kaya nagpa-iwan na lang ako. Di ko alam na may takot pala sya sa heights. So yun natapos din sila sa wakas.
"Isa pa!!" Sabay sabay nilang sigaw. Mukha ngang enjoy na enjoy sila dun. Pero okay lang yun! Nakasakay naman na ko dun eh!
"Anong sunod natin?" Tanong ni Eric.
"Tornado!" Sigaw ni Ren-Ren. At pumunta na nga kami dun.
Madie's POV
"Ano Madie? Sasama kana ba?" Tanong ni Shena.
"Ahm.. Sige" sabi ko. Kaya ko naman siguro yan. Paikot ikot lang naman eh!
"Yun!" Sabi ni Shena at Sharlyn. Tapos na yung mga bata kaya yung sunod yung mga taga ibang school mga kasing edad namin. Tapos umikot na yung tornado. Sa una mabagal pa tapos pabilis ng pabilis tapos tumataas pa. Hay*p ano ba yan! Yoko na! Di ko kaya yan. Pakiramdam ko any minute pwede na kong magsuka dito. Ako yung nahihilo para sa kanila. Ayoko ng mga ganyang rides. Hiluhin kasi ako eh! Tapos kami na yung next.
"Tara na Madie." Sabi sakin ni Shena.
"Ayoko na pala." Sabi ko.
"Ngek ano ba yan kala ko ba sasama kana?" Sabi ni Shena.
"Ehh di ko pala kaya." Sabi ko.
"Tabi naman tayo eh. Hahawakan ko kamay mo para di ka matakot." Pag kukumbinsi sakin ni Blaine.
"Yun naman pala oh! Sama kana Madie!" Sabi ni Shena.
"Ayoko talaga. Kayo na lang" sabi ko.
"Hayaan mo sya kung ayaw Blaine tara ako na lang katabi mo." Sabi ni Miel. Tsk! Ang malanding higad.
"Sinong nagsabi sayong sasama ako!" Sabi ni Blaine.
"But sabi mo kanina yun ah!" Maarteng sabi ni Miel. Tsk! Pabebe ng taon. Sarap buhusan ng gaas tapos sindihan.
Inner: Ang bad mo Madie!
Ooppsss!! Sorry po! Hindi na mauulit.
"Kanina lang yun! Ngayon hindi na! Let's go Madie!" Sabi ni Blaine at inakbayan ako narinig ko naman si Miel na nagdadabog. Buti nga sa kaniya. Masiyado kasing feelingerang ambisyosang froglet! Habang naka upo kami biglang nagtanong si Blaine.
"Mababa lang naman yung tornado bakit ayaw mo pa din?" Tanong sakin ni Blaine.
"Eh kasi hiluhin ako. Di ko kaya yung ganon. Magsusuka ako PROMISE! kasi alam mo nung grade 3 ako kasama ako ng kapatid ko sa fieldtrip nila. Sumakay kami dun sa cup dito din yun sa Star City. Dun yun sa itaas tapos yun inikot ikot nila yung parang lamesa pero manibela nya yun. Kaya ayun! Umikot ng umikot yung cup. Tapos ng matapos yun di ako makatayo hilong hilo ako nun! Inalalayan pa nga ko nila kuya eh! Kasi di talaga ako makatayo nung time na yun. Kaya simula nun ayoko ng sumakay pag alam kong di ko kakayanin buti nga di ako nasuka nun kung hindi nakakahiya talaga!" Mahabang kwento ko sa kanya.
"Kaya naman pala ayaw mo! Sorry ah! Kung pinipilit ka namin kanina." Sabi nya.
"Okay lang nuh!" sabi ko. Tapos dumating na sila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top