Chapter 17: BUKO
Dedicated to: Lhyn_Imperial
Madie's POV
Ilang araw na pero di pa rin nagtetext si Renz. Naiinis na ko ah! Feeling ko hindi talaga ito yung number nya eh!Nakaka-inis!
"Ahhhh...alam ko na!!" sabi ko.
"Ha?? Anong alam mo na Madie?" sabi ni Pau. Hahaha! Napalakas ata yung bulong ko.
"Ahh. Wala yun beshy." Sabi ko at di naman sya nagtanong pa.
"Teka.. Di ata nanggugulo si Jm." Sabi ni Joan. Oo nga nuh! Ngayon ko lang din napansin. Buti na lang at tumupad sya sa usapan.
"May alam ka ba sa nangyayari Madie?? Nakangiti ka kasi jan eh!" Sabi ni Pau.
"Hahaha! Wala nuh! Baka napag-isip isip nya na, napaka desperada niya. Kaya siguro tumigil na. Tsaka mabuti na rin yun para wala ng gumulo sa inyo ni Blaine." sabi ko.
"Oo nga." sabi ni Joan at nag- up here kami.
"Luh! Kayo talagang dalawa. Mga baliw!" sabi ni Pau at nag-asaran lang kami. Di namin kasama ngayon sila Blaine kasi nagpa practice ng basketball.
F
A
S
T
F
O
R
W
A
R
D
Pauwi na ko samin ng may maisip ako. Pumunta muna ko dun sa kababata namin dumaan ako sa kanila nagbabakasakali lang naman. Pagka punta ko sa kanila sarado bahay nila. Parang walang tao ah!
"Tao po! Tita Jane! Tita Jane." Tawag ko sa mama nya. May nagbukas na ng pinto nila, si Tita Jane.
"Oh Madie ikaw pala. Anong kelangan mo ija??" Tanong sakin ni tita.
"Si Jomar po ba nanjan??" Sabi ko.
"Naku! Wala, pero babalik na din yun inutusan ko lang bumili. Tara pasok ka dito mo na lang intayin sa loob." Sabi ni tita. At pumasok na nga ako.
"Gusto mo kape??" Sabi ni tita.
"Wag na po tita." Sabi ko at umupo na lang ako dun. Ipapakilala ko nga pala sa inyo si Jomar. Si Jomar Pangilinan ay childhood bestfriend ko. Mas matanda sya sakin ng 1 year. Mabait yun tsaka masipag. Ibubuko ko sya sa inyo matagal na syang may gusto sakin di nya alam na sinabi sakin ng mama niya. Kaya pala sobrang bait nya sakin.
Hindi ko namalayan nanjan na pala siya. Ang dami ko kasing dada.
"Bakit? Nandito ka??" Sabi sakin ni Jomar.
"Ahm.. Ezprend." Sabi ko at kumapit ako sa braso nya.
"May kelangan ka nuh!" Sabi nya.
"Kilala mo talaga ko." Sabi ko at nag pout pa habang nagpapa cute.
"Spill out." Sabi nya.
"Ahm.. Ezprend di ba kilala mo si Renz." Sabi ko
"Oo bakit??" Sabi nya. Yes sabi na nga ba eh! Ang swerte ko talaga.
"Ahm.. May number ka ba nya?" sabi ko.
"Oo, hihingin mo??" Sabi nya.
"Ang galing mo talaga." Sabi ko.
"Oh!" Sabi nya at inabot sakin yung phone nya at umalis. Hinanap ko agad yung number ni Renz at isinave ko sa phone ko.
"Thank you ezprend!" Sabi ko
"Tara hatid na kita." Sabi nya.
"Tita uwi na po ko." Sabi ko kay tita.
"Sige Madie ingat." sabi ni tita.
"Ma, hatid ko lang to." Sabi ni Jomar sa mama nya. Tumango naman si tita. Pagkadating namin samin di muna umuwi si Jomar nanood pa sya dito. At ako naman nagbihis lang at kumuha ng meryenda sa kusina.
"Oh meryenda ka muna." Sabi ko.
"Salamat." Sabi nya. Tinext ko na si Renz nanunuod kami ng T.V ng tumunog yung phone ko 1 unread message kaya inopen ko napa ayos ako ng upo ng mabasa ko yung name nung nagtext.
From: Renz
Hello?? Sino to??
Omg!! Kinikilig ako, pag tingin ko sa tabi ko wala na pala si Jomar. Loko yun ah di man lang nagpa alam. Lagot sakin yun. Pinatay ko yung T.V at pumasok sa kwarto ko, humiga ako sa kama at pinagmasdan yung text niya. Kinikilig talaga ko. Nang matauhan ako nagreply na ko sa kanya.
Conversation W/Renz
Me: Ako to si Madie.
Renz: Sinong Madie??
Me: Sierra Madison Smith, remember?
Renz: Ahhh....Naaalala na kita, ikaw yung section A dati nung grade 6? Hindi ba??
Me: Yes ako nga yun.
Renz: Musta na?
Oh M!! Musta na daw ako, shura tong lalaki na to!! Lagi na lang akong pinapakilig.
Me: Okay lang. Ikaw?
Renz: Okay lang din, bakit nga pala di ka na nagtetext nun??
My ghad!! Namiss nya ba ko?? Bat nya tinatanong yun!! Kakainis napaka ano niya!! It make me blushed, para na tuloy akong naka make-up ngayon sa sobrang pula ng pisngi ko.
Me: Eh kasi na pinned code ko yung sim ko nun kaya di ko na nagamit.
Renz: Ah! Kaya pala.
Ay!! Wait may tatanong nga pala ko sa kanya lagot ka sakin Miel pag hindi totoo yung mga sinabi mo!!
Me: Ahm.. May itatanong nga pala ko.
Renz: Ano yun??
Me: May linigawan ka bang Jonamiel Joy Fernandez??
Renz: Wala, bakit??
Me: Kasi sabi sakin ni Jonamiel linigawan mo daw sya??
Renz: Ha?? Hindi ah!
Sabi na nga ba at nag papantasya lang yung babae na yun. Tsk! Taas mangarap eh! Baka nga si Daddy nabilog lang ng babaeng malandi na yun! Tsk!!
Me: Ah okay! Eh eto number mo ba to dati 0936******* ??
Renz: Hindi ah.. Eto talaga number ko
Me: Ah sige. Wait lang ah!
Renz: Sige.
Lagot ka talaga sakin Miel. Tinext ko yung malandi na yun.
To: Higad na Malandi
Katext ko na nga pala si Renz ngayon. Mali yung binigay mo sakin na number, at tinanong ko din pala sa kanya kung totoong linigawan ka nya. Alam mo kung anong sabi nya? Wala daw syang kilalang Jonamiel Joy Fernandez at mas lalo daw wala syang linigawan na ganon ang pangalan! Yun lang naman yung sasabihin ko.
Done. I'm relieved. Napamukha ko na sa kanya. Ambisyosa kasi eh!! Dapat lang sa kanya yan! Buti nga yun lang sinabi ko sa kanya eh! Pasalamat sya! Mabait pa ko ng lagay na yan!! Tinext ko na ulit si Renz. Moment of truth namin to eh.
Jm's POV
Nakahiga ako sa kama ko ng mag beep yung phone ko. Akala ko si Blaine yun pala si Madie. Ano pa nga ba ang aasahan ko eh! May ipinangako na ko kila Madie. Kaasar!! Binasa ko na lang yung text ni Madie.
From: Madie
Katext ko nga pala si Renz ngayon. Mali yung binigay mo sakin na number, at tinanong ko din pala sa kanya kung totoong linigawan ka nya. Alam mo kung anong sabi nya? Wala daw syang kilalang Jonamiel Joy Fernandez at mas lalo daw wala syang linigawan na ganon ang pangalan!! Yun lang naman yung sasabihin ko.
Pano sya nagkaron ng number ni Renz? Ehh matagal ko ng hinihingi number ni Renz ayaw naman ibigay. Arrrghh!! nakakainis talaga yung babae na yun!! Lahat na lang! Pinamukha pa talaga sakin na napaka assumera ko!! Kakasura paano ba kasi nya nakuha yung number nun!! napaka malas ko talaga!! Sira na araw ko kasura!!
A/N: Yan masyado ka kasing feelingerang ambisyosang frog!! Buti nga sayo yan!! Eto nga pala si Renz Kylo Torez.😘😘❤❤😊
Eto naman guys yung mansion nya.❤❤😊
Sana nagustuhan niyo guys. Until the next chapter. Seeyah guys!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top