CHAPTER 13: Intramurals

    Dedicated to: Lefeapanda

Madie's POV

       Maaga ako pumasok ngayon syempre intrams eh hahaha! Naka P.E uniform ako eto kasi ang napag desisyonan na suotin tapos suot namin ung t-shirt na pinatatak namin. Ang name na nakasulat sa likod ko ay Smith tapos yung number 02. 02 favorite kong number nuh! Wag nga kayo jan. Kung ano ano iniisip nyo tsaka birthday ko yun kaya favorite ko.  So eto na nga ako malapit na sa gate 6:30 pa lang pero andami ng studyante malamang magsisipasukan yun ng maaga intrams eh hahaha! Pagpasok ko pa lang sa gate nakita ko na sila Pau. Pano ba naman nasa gate ang mga to dinaig pa yung guard.

"Madie!." Masayang bati sakin ni Pau at niyakap ako. Niyakap ko naman sya pabalik.
"Ano? Tara na sa gym nandito na si Madie eh." Sabi ni Angelo.
"Tara." Aya naman ni Joan at naglakad na nga kami papuntang gym ng harangin kami nila Bernz.
"San kayo pupunta?" Tanong samin ni Bernz.
"Sa gym." Sagot naman ni Jayson.
"Sabay sabay daw yung mga magkakaklaseng pupunta dun tsaka dapat daw naka pila sabi ni Ma'am Del Rosario." Paliwanag ni Bernz. At sinunod nga namin yun at pumila ng by height. Teka by height nga ba o by friends.  Hihihi! Huwag kayo magulo di naman halata. Pumunta na sa unahan si Pau at Blaine sila kasi ang muse at escort namin sa room. Bagay na bagay nuh! Maganda si Pau pogi naman si Blaine.  So yun nakarating na kami sa gym ang dami ng tao. Maya maya lang nagsalita na si Sir Valdez yung principal namin blah blah blah... Hindi ako nakikinig eh! Nakakabagot lang hahaha! Sa wakas natapos na din ang speech nya. At kami ay makakapaglaro na. Isang linggo kasi tong intrams namin eh! Kaya sulit na sulit. May dala nga pala kong badmenton, di ko pa nga pala na sasabi sa inyo na magaling ako maglaro nito di nga lang halata sakin. Tsaka wag nyo lang ako pababayuhin di pa ko sanay nun minsan ko lang magawa yun bilang lang sa kamay ko hahaha! Hindi kasi ako masyadong sporty na tao sa pagbabasa magaling ako hehehe! Doon maaasahan nyo ko hahaha! So back to the reality. Magpapalista na kami ni Pau ng biglang.

"Magpapalista kayo sa badminton?" Tanong samin ni Cristine o CJ yung classmate naming tibo.
"Oo sana." Sabi ko.
"Naku! Di kayo makakapag palista ang dami na eh! " sabi nya.
"Eh pano yun. Kelangan natin ng pirma." Sabi ni Pau.
"Ako nga din eh! Walang pirma sa badminton." Sabi nya samin.
"Ay ganon. Edi masaya pare parehas tayong mapapagalitan hahaha!" sabi ni Pau at nagtawanan kami. Umalis na kami dun para puntahan yung iba.
"Di kami nakapagpalista puno na daw eh!" Sabi ni Pau.
"Ako nakapagpalista ko sa volleyball girls." Sabi ni Joan.
"Talaga? Panunuorin namin yan." Sabi ko.
"Anong oras ba?" Sabi ni Pau.
"Bukas daw ng hapon eh!" Sabi ni Joan.
"Sige sige manunuod kami. We're here to support you FIGHTING." Sabi ko.
"Kami naman nakapagpalista na kami sa basketball." Sabi ni Blaine.
"Naks naman siguraduhin nyong panalo tayo ah!" Sabi ni Pau.
"Oo naman basta manunuod kayo ah?" Sabi ni Blaine.
"Oo naman kayo pa malakas kayo samin eh!" sabay sabay namin sabing tatlo. Oh di ba proud na proud kami sa mga friendship namin.  Supportive GIRLFRIENDS ata kami.  Oy! Huwag nyo ma miss interrupt yung "GIRLFRIEND" thingy it just BABAENG KAIBIGAN inenglish ko lang po.  Huwag kayong ano diyan! So yun inintay lang namin maghapon at tumakbo na kami sa 100 and 200 meter dash. Oh di ba naging runner pa kami ngayon.  Ito lang kasi yung kaya ko hehehe! Eh kung hindi nga lang to project sa MAPEH di ko gagawin to nuh! Ang habol lang namin dito yung pirma ng mga teacher. At pagkatapos ko dun meron na kong dalawang pirma. Okay na yan hahaha! napagod ako dun grabe. Nagpahinga lang kami sa room tapos maya maya lang naglaro kami badminton salit salitan kung sino ma out hehehe! Syempre ako di pa ko napapalitan ang galing ko kaya dito.

"Ang galing mo pala sa badminton Madie, bat hindi ka sumali??" Tanong sakin ni Reselyn.
"Ehh..anong magaling ka jan marunong lang ako tsaka di ko kaya bumayo kaya di na ko sumali sa badminton." Paliwanag ko sa kanya.
"Eh pano yung pirma?" Sabi nya sakin.
"Yung pirma? Dalawa na pirma ko tumakbo ako eh!" Sabi ko at pinakita ko sa kanya yung card ko.
Matapos nun mga 5:00 ng hapon naisipan ko ng umuwi kaya tinawag ko na si Shena kasabay ko kasi syang umuwi parehas kasi kami ng village eh! Di ko na hinanap yung mga yun tinext ko na lang sila na umuwi na ko hehehe!

Tuesday
Second Day of Intrams

So eto second day na ng intrams namin. Tapos na kong maglaro kaya wala nakong dalang bag at hindi ko na din dinala yung badminton ko ang hirap kayang magbitbit so yun 9:00 am ngayon ng umaga nasa may court kami ng volleyball kasi maya maya lang kami na ang maglalaro. Ang kalaban namin ay Dragonfly.

"Go! Go! Firefly!" sigaw naming lahat syempre kelangan naming mag support sa mga classmate namin nuh! Taga nuod at taga cheer lang kami eh hahaha!
Sa first set kami lamang hanggang sa second at pati last kami ang wagi 25-18 ang  score. Kaya naghiyawan kami.
"Wohoooo!! Winner!!" sigaw naming lahat at binatukan namin sila hahaha! at pumunta kami sa canteen ganda ng laban ang galing din maglaro ni inzan alondra, nice one guyz ang galing! Lahat ng madaanan namin nakatingin samin pano ba naman panalo section namin.  Proud ako sa kanila.  So yun pagkatapos nun kumain muna kami sa canteen napangal boses namin nuh!.  Pero okay lang sulit naman eh! Nanalo kami. May 2 game pa kaming haharapin bago ang finals, sana makaabot kami sa finals.

"Londra, sino daw sunod nyong makakalaban??" Tanong ni Joan.
"Sabi ni Sir Pareja section E daw." Sabi ni Alondra.
"Ahh.. Yung Empidfly." Sabi naman ni Angelo.
"Oo yun nga." Sabi ni Alondra.
"Kayang kaya nyo yan FIGHTING!" sabi naming tatlo nila Pau.
"Basta manunuod kayo ng laro namin ha!" Sabi ni Shaina.
"Oo naman. Supportive classmate ata kami." Sabi ni Pau.
"Guy---s!! Sa g---gym.. Ung--- mga b---oy---s nag----lala---ro na--" putol putol na sabi ni Maiden.
"Teka nga Maiden uminom ka muna ng tubig oh!" Sabi ni Pau at inabot ang isang bote ng tubig. Ininom naman agad to ni Maiden.
"Salamat. Yung mga boys naglalaro na 1st quarter na hinahanap nga kayo dun eh nila Blaine." Mahabang paliwanag ni Maiden.
"Ay! Nakalimutan natin.. Tara na!" Sabi ko sa kanila at tumakbo na kami sa gym. Nagsisimula na nga andami ngang nanunuod eh! Halos puro babae. Nakatayo kami ngayon sa tapat ng gate ng gym. Hinahanap namin yung mga classmate namin.
"Dito!" Sigaw ni Shena. At lumapit na kaming lahat. Halos marindi kami sa sigawan ng mga babae pag nakakashoot sila Blaine. Si Blaine kasi ang pinaka magaling sa basketball kaya ganon na lang ang tilian nila. Eh 3pointer pa o san ka pa hahaha! shooter ang DADDY KO. So yun habang tumatakbo sila nagtitilian kami nagche cheer po kami hindi naglalandi, hindi katulad ng mga nasa likod namin.  Shocks masyadong mga higad amputs! So yun 4th quarter na paos na talaga ko sakit na ng lalamunan ko! Last second na lang at BOOMMMM! Hiyawan ang lahat maging kami. Nag shoot ng 3 points si DADDY Ang galing!
"Wohooo!!!" Sigaw naming lahat. Pagkalapit nila Blaine niyakap agad ni Angelo si Joan at pagkita ko sa tabi ko nakayakap na si Blaine kay Pau.
"Woyy! Masyado kayong PDA apat." Sabi ko sa kanila at umalis na sa lugar na yun. Kaka inis mga nagyakapan daw ba sa harap ko mga bastos di na ko ginalang charrot! Inintay ko na lang ang mga couples na yun at finally dumating na sila.
"Oyy! Madie di mo pa kami kino congrats.  Daya mo!" Isip batang sabi ni Blaine.
"Duh! Whatever!! Congrats." Sabi ko sa kanila at tumalikod na at dahil nanalo sila nagpameryenda si mayor, hindi joke lang si Angelo yun hahaha! nagpameryenda ang jowaerz ni Joan hehehe! Galante eh! So yun foodtrip kami.  Ang dami nyang in-order hahaha! Sa sobrang ingay namin sa canteen nasa amin na ang lahat ng atensyon nila.

Last Day Of Intramurals

Last Day na ng Intrams namin susulitin na namin to hahaha! So maaga ako pumasok pagkapasok ko ng room walang tao palabas na sana ako ng makita ko si Kimberly Tan. Isa sa mga classmate namin.

"Bat nandito ka pa Madie.?" Tanong sakin ni Kim. Malamang kararating ko lang eh! Tsk.
"Ahh..kararating ko lang. Nasan ba sila? Nakita mo ba sila Pau?" Tanong ko sa kanya.
"Nandun na sila sa gym ngayong umaga ang championship ng basketball eh!" Sabi ni Kim.
"Ha? Ngayon ba yun?? Kala ko ba hapon pa." Sabi ko habang naglalakad kaming dalawa papuntang gym.
"Yun nga din ang alam nila. Eh pinatawag na sila kanina eh!" Sabi ni Kim.
"Ahh. Ganon ba, tara bilisan na natin." Sabi ko sa kanya at binilisan na namin ang paglalakad. Pagkarating namin dun nag-uumpisa na nga malapit na palang matapos. Umupo ako sa tabi nila Pau. Panalo na kami jan hahaha! Tama nga ang hinala ko panalo kami kaya naghiyawan na naman kami.
"Ang gagaling IDOL!" Sigaw ko sa kanila.
"Umagang umaga basa na agad kami ng pawis." Sabi ni Renato.
"Hahahaha! Okay lang yun panalo naman section natin eh!" Sabi ni Joan at sabay sabay kaming firefly na nagmeryenda sa tindahan nila Ka Yolie. Bumili kami ng ham and cheese sandwich at chocalate. Hmmmm.... chalap. Gusto nyo? Bili kayo hahaha!
F
A
S
T
F
O
R
W
A
R
D

3:00 pm in the afternoon pumunta na kami sa bench ng mga Sepak Player dito kasi gaganapin ang championship ng volleyball eh! Pati sila Blaine nandito tabi tabi kami pati ibang section at ibang level chini cheer ang section namin nakakatuwa lang.  May mga dala kaming bote na may lamang batong maliliit sa loob tapos inaalog namin para tumunog. Dami naming alam nuh! Last set na nga pala 23-24 ang score kakainis isa na lang winner na sila talagang nakakakaba bawat pag taas ng bola at BOOOMMMMM!!! Natalo kami pero okay lang yun atleast ginawa nila ang best nila FIREFLY pa din kami.
"Okay lang yun guys. We tried are best." Sabi ni Alondra.
"Okay lang yun guys Beetle kasi sila syempre puro volleyball player mga yan nuh!" Sabi naman ni Joan.
"Oo nga. Puro volleyball player yang sila Tuazon eh!" Sabi ni Shaina.
"Pero kung hindi Beetle ang pinanlaban sa atin edi sana panalo tayo." Sabi ni Shena.
"Okay lang yan guys nakaabot naman tayo sa championship eh! Ang ibig sabihin nun magagaling tayo... Ay kayo lang pala di pala kami naglaro hahaha!" sabi ko at nagtawanan kami.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top