Chapter 01
Hi, good morning!! Yay!! I'm so excited about this revamped version of THH because it's been years since I wrote the original version and as time passed by I can think of more interesting ways to write it better, and seeing many writers/authors doing their own revamped version of their stories, it inspires me to do the same. So here it is--the first chapter of THH. I hope you enjoy it, guys, because I enjoy writing it now.
Love, Angel
-----------------
CHAPTER 01
"SIGURADO ka na ba sa gusto mong gawin, Camilla? Hindi ba magiging delikado 'yan?" mahinahon at may paniniyak na tanong ni Auntie sa 'kin.
Tiningnan ko siya mula sa salamin, tipid akong ngumiti. Bakas na ang katandaan sa mukha nito but nontheless, she's still pretty in my eyes. Isama pang namumuti na ang mga buhok ngunit ayaw pa ring magpakulay.
"Oo naman, sigurado ako, Auntie. Mas mabuti nga po 'to dahil magkakaroon na tayo ng closure sa kanila," mahinahon ko rin namang paliwanag. Tumayo ako at tiningnan ang hitsura ko sa salamin.
Inayos ko ang buhok ko't iilang gusot na damit para maging presentable kapag kina-usap ko ang mga taong 'yon. It's been a long time, maybe . . . they already heal. At katulad din ng pingako ko kay papa bago siya mawala, ihihingi ko ng tawad ang kasalanan niya sa kanila.
Sa unang anibersaryo ng pagkamatay niya balak kong gawin 'yon. Ngayon.
Nilingon ko si Auntie at lumakad ako palapit sa kaniya. Yumakap ako sa manipis niyang bewang na ginantihan naman nito.
"Ako ang kinakabahan para sa 'yo, Camilla! Hindi natin alam ang utak ng mga 'yan! Paano na lang kung saktan ka nila?" Hinawakan ni Auntie ang pisnge ko. "Magagalit talaga ako kapag ginawa nila 'yon. Huwag ka na lang kayang tumuloy?" puno ng pag-aalala ang boses ni Auntie which is naiintindihan ko naman, pero hindi naman pwedeng habang buhay na lang kaming matakot.
Gusto ko na rin kasing mag-move forward, at sa tingin ko, magagawa ko lang 'yon kapag naisarado na namin lahat ng pinto namin galing sa nakaraan.
"Don't worry, Auntie, after this, tatalikuran na natin lahat dito at pupunta na tayo sa ibang bansa katulad ng gusto mo," ani ko na ikinangiti nito.
"Talaga, Camilla?!" excited niyang tanong.
Sunod-sunod akong tumango. "Opo, basta at mapatawad nila tayo. Mapatawad nila si Papa, aalis na tayo rito," mariin kong ani.
Si Auntie Guada kasi ay nakapag-asawa ng isang AFAM o amerikano. Pauwi-uwi na lang siya rito sa Pilipinas para bumisita dahil hindi ko magawang sumama sa kaniya. Ang rason ko noon ay dahil maiiwan mag-isa si Papa, at ayokong maramdaman niyang iniwan namin siya. Pero ngayong wala naman na siya. May naiwan na lang na isang gagawin, pwede na akong makasama sa susunod na pagbalik ni Auntie.
Sabay na kaming bumaba sa sala ni Auntie, nandoon kasi ang asawa nito at isang anak na lalaki. Nagpaalam ako sa kanilang aalis na.
"Mag-iingat ka, ha, call us kapag nandoon ka na. Sasama ka ba sa pagsisimba?" tanong ni Auntie, inihatid pa kasi niya ako sa labas ng bahay.
Umiling ako sa kanya, "sa susunod na lang po siguro. Dadaan po muna ako kay Papa bago ako tumuloy sa kanila," pagkatapos kong sabihin 'yon ay humalik ako sa pisnge ni Auntie at sumakay na sa kotse. Isang beses akong bumusina bago nag-drive palayo.
Nag-stop over muna ako sa isang flower shop para bumili ng bulaklak para kay Papa, nang makuha ko 'yon ay nagbayad lang ako at umalis na rin. Pumunta ako sa cemetery kung saan nakalibing si papa.
Mabigat pa rin sa pakiramdam at medyo hindi ko pa rin tanggap ang nangyari sa buhay namin. Nilagay ko ang bulaklak sa tabi ng lapida ni papa at nagsindi na rin ng kandila. Hinaplos ko ang pangalan niyang naka-ukit sa lapida.
Raul Salazar
"Napakadaya mo," mahina kong bigkas.
Pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko dahil ayokong sirain ang araw na 'to. Parang may lumalamukos sa dibdib ko sa sakit nito.
"Nangako kang paglabas mo ng kulungan magkakasama na tayo pero hindi mo rin 'yon tinupad," dagdag ko pa. Nakulong kasi si Papa noong seven years old pa lang ako dahil sa kasong kidnapping at accomplice sa homicide, kaya panghabang buhay na siyang nakakulong pero last year, nadamay siya sa riot sa loob ng bilangguan kaya siya namatay.
Huminga ako ng malalim saka pilit na ngumiti. "Huwag kang mag-alala, Pa, tutuparin ko yung pangako ko sa 'yong hihingi tayo ng tawad sa kanila."
Bago tuluyang bawian ng buhay si Papa ay pinangangako niya akong ihingi ko siya ng tawad sa pamilya Anderson dahil sa kasalanan niyang pinagsisisihan niya ng lubos. Kung hindi naman kasi dahil sa 'kin, hindi niya maiisipang gawin 'yon.
Pero kahit nasa loob siya ng kulungan ay hindi niya ko nakalimutan. Kahit mahirap makahanap ng pera roon ay meron siya para ibigay sa 'kin. And I'm thankful to him for that one. He's not the best but at least he shows that he loves me.
"Pa, baka po sa susunod ay matagal na ako bago makadalaw ulit sa 'yo rito dahil balak ko pong kapag napatawad na nila ako, sasama ako kay Auntie sa amerika para doon na manirahan," mahina kong paalam sa kanya. "Pero huwag kang mag-alala, Papa, palagi ko pa rin naman kayong kasama ni Mama," dagdag ko sabay hawak sa pendant ng kwintas ko.
This was given to me when I was still a stillborn baby when my mama died from giving birth ibinigay na nila sa 'kin 'to to let me know how much they love me. How much she loves me.
"Wish me luck, Pa. I hope you're watching me right now, 'cause I need your guidance," I whisper before closing my eyes. And then, a cold breeze suddenly bled into my body like hugging me.
I smile faintly.
Thanks for the confirmation, papa. I love you.
****
KANINA pa ako nakatitig sa family portrait ng pamilya Anderson sa ground floor ng kompanya nila. They have a great family. Alexandra and Jake Anderson has two kids, a twin in fact, which is North Polaris and Aurora Light Anderson. Habang nakatitig sa kanilang picture hindi ko maiwasang mamangha. They look so dashing, pretty, and rich.
Literal.
Kahit na lahat sila ay nakasuot ng blue suit at dress mapapansin mo na talagang may kaya sila sa buhay.
Napalingon ako ng makarinig ng tikhim. Sumalubong sa 'kin ang receptionist na kaninang naka-usap ko. Lumakad ako palapit sa kanya.
"Nasaan sila?"
Pilit itong ngumiti, "Ma'am, I'm very sorry po pero Sir Aris told me to let you leave because you don't have a schedule today. Magpa-schedule raw po muna kayo sa secretary niya bago kayo makipag-meeting. And his family is off limits din daw po." Halatang kinakabahan ang babae dahil sa boses nito at paraan ng pagsasalita.
Kumunot ang noo ko. "Huh? Miss, nagpa-schedule ako sa kanya today. I called her secretary yesterday, and her secretary agree to meet me—"
"Ma'am, just leave, please. Do you want me to call the security?" may halong pagbabanta niyang sabi.
Kumuyom ang kamao ko sa galit. "Pinagloloko ba niya ko, ha?!" Before I could even said more things na alam kong hindi ko magugustuhan ay kinagat ko na ang pang-ibabang labi ko. I rolled my eyes at her before walking out of the building.
Inis akong nagpapadyak sa gilid ng aking kotse pagkalabas ko. Gigil akong tumingin sa building.
Napaka-gago naman nila! Bakit nila sinabing wala akong schedule, eh, meron naman talaga! Ha! Ayaw niya akong maka-usap? Pwes, mga magulang niya ang kakausapin ko! Marahas akong sumakay sa 'king kotse at saka nag-drive.
Akala ko pa naman ay maayos na kausap ang lalaking 'yon dahil mukha namang matalino at edukado, pero nagkamali yata ako dahil napakalaki niyang gago. I'm really sure na may schedule meeting ako sa kanya kasama ang pamilya niya. I really did that call yesterday, tapos ngayon ayaw niya akong pakirahapan.
Pwes, dederetso na ako sa bahay nila!
At ganoon nga ang ginawa ko, nag-drive ako papunta sa bahay ng mga Anderson, which is madaling hanapin pero mahirap makapasok dahil kilala ang subdivision nila bilang private. Tanging mga nakatira o kakilala lang talaga ang nakakapasok doon, o kaya kapag nakakuha ka ng sticker galing sa isang pamilya na pwede mong idikit sa kotse para makapasok ka sa loob.
Kaya nga halos isang oras na akong nakikipag-usap sa mga security guard na nakatao sa may gate dahil ayaw nila akong papasukin.
"Sir, sige naman na. Kailangan ko lang talagang maka-usap sina Mr. and Mrs. Anderson," pamimilit ko sa security guard na kausap ko.
Seryoso niya akong tiningnan. "Miss, hindi nga ho pwede dahil wala naman kayong sticker at wala silang paabiso. Ako ho ang mapapagalitan kapag pinapasok ko kayo. Humingi muna kayo ng confirmation sa kanila para makapasok kayo," matigas na anito sa 'kin.
Napanguso ako.
"Sir, sige na, please! Gusto mo kahit sa telepono na lang? Call them then I will talk to them kahit five minutes lang," pakiusap ko pa ngunit matigas ang kausap kong security guard.
Ayaw niyang pumayag na kausapin ko ang mag-asawang Anderson. I really understand why they had this tight security, pero kung gagamitin ko yung pagiging mainitin ng ulo ko'y wala akong papatunguhan. Gusto ko ng sumuko dahil parang ayaw pa yata ng tadhanang makausap ko sila. Huminga ako ng malalim at muli sanang magsasalita ng may biglang bumusina sa likod.
Sabay pa kaming napatingin doon ni Kuyang Guard. My eyes widened when I see a familiar car. Mabilis akong naglakad palapit doon.
I was about to knock to the window when it roll down. Tumambad sa 'kin ang babaeng blond na kilalang kilala ko.
Nanlaki agad ang mga mata ko.
"Aurora Anderson?" excited kong tanong.
"Hi, are you a fan?" nakangiti nitong tanong sa 'kin. Umawang ang labi ko. I can't speak ngayong nakikita ko siya sa malapitan.
"Ahm . . ."
She laughs softly. "Wag kang mahiya. You can say if you are kasi I'm willing to give you pictures and signature."
Omooo! Kung ano nga talagang nakasulat sa kanya sa internet ay totoo. She's too soft, kind, and girly. Ikaw na lang talaga ang mahihiyang ilapit ang sarili mo sa kanya.
Marahan akong umiling. "N-no . . . ahm . . ." Nilingon ko ang guard na mariing nakamasid sa 'king mga galaw.
Ibinalik ko ang tingin sa kaniya. "I'm not but . . . gusto ko sanang kayong maka-usap. Ikaw kasama ang mga magulang mo but I don't have a sticker para makapasok. And what I'm going to say is really important," nagmamadali kong ani.
Naglaho ang ngiti sa labi nito at napuno ng pag-aalala pero kahit ganoon ay napanatili niya ang pagiging warm sa 'kin.
"Ow. Ganoon ba? Okay. Then you can follow me na lang, I will talk to the guards," she said before calling the security guard.
Bahagya akong lumayo sa kanila para alam nilang meron silang privacy. Lumipas ang limang minuto at tumaas na ang harang na kanina pa pumipigil sa 'kin kaya walang pag-aaksaya ng oras akong sumakay sa kotse at saka naunang nagmaneho.
Nang nasa loob na kami ng subdivision ay pinauna ko na ang sasakyan ni Aura, sumunod ako sa kanya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, animo ito lalabas sa rib cage ko anumang sandali.
At nang tumigil kami sa tapat ng isang malaking bahay, naglabasan lahat ng pawis ko sa katawan. Parang naging jelly ang mga kamay at binti ko na kapag hindi ako nagpakatatag ay babagsak ako.
Lumabas na ng sasakyan si Aura, she looked at me nang tumapat ito sa kotse ko. Nanginginig ang mga kamay kong pinatay ang makina ng kotse at binuksan ang pinto sa 'king gilid before ako bumaba ay kinuha ko muna ang malaking bag sa backseat. Pagkatapos bumaba na rin. Lumapit ang babae sa 'kin at humawak sa braso ko. Giving me that assuring smile.
"Don't worry, gurl, my parents are kind. Hindi ka nila kakainin."
I believe that, but after my revelations, they will not be.
Piping akong tumango at sumunod sa kanya ng hilahin niya ako papasok sa loob ng gate patungo sa main door. They have a large front yard where many flowers are blooming. On the side, there's a large space where three to four cars can enter. Hindi pa man ay nalulula na ako sa yaman nila.
Aura didn't have to open the door for herself dahil mayroon nang gumawa noon para sa kanya, a maid greeted us when we entered their big living area.
She points to the long white couch.
"You can sit there while waiting. I'm going to call my parents upstairs," she said before leaving me here alone.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala na ito sa 'king paningin, tapos ay inilibot ko ang tingin ko sa paligid. The room is big, there's only a few furniture, but the most common that you can see is the picture frames with their family and I think friends since there's a lot of unfamiliar faces there.
However, a certain picture got my attention. Naglakad ako ng marahan papunta roon. Gamit ang isang libreng kamay ay kinuha ko ang picture frame at tiningnan mabuti. My heartache when I see his face.
Napakabata pa niya.
Mapait akong napangiti. His smile . . . he looks so happy here—no, actually, they all are. Mr and Mrs Anderson are sitting on the grass while the kids or should I say triplets are sitting on their laps. Yakap-yakap nila ang mga anak nila. Ang saya-saya nila dito. Who would have a thought na mawawala rin ito sa kanila?
"Oh, hi?"
Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang may magsalita sa likuran. Mabilis akong lumingon at nagimbal ng makita sina Mr and Mrs Anderson, nasa likuran nila si Aura.
Bumukas sara ang bibig ko pero walang salita na lumabas. Napatingin sila sa hawak ko na agad ko ring binalik sa dati bago awkward na ngumiti sa kanila.
"Ahm . . . hi." Malakas ang kabog sa dibdib na lumapit ako sa kanila. Inilahad ko ang kamay ko na agad nilang tinanggap but I felt that Mrs Anderson's hands are dry my eyes widened.
"Ahm . . . S-sorry!" Binawi ko ang kamay ko at pinunas sa damit ko, bago bumalik sa asawa ito. "Sorry, b-basa po ang kamay ko," kinakabahan kong paliwanag.
Tipid na ngumiti si Mrs Anderson, yumakap ito sa asawa nitong kanina pa nakaakbay.
"No worries, hija. Don't be afraid. Let's seat?" nakangiti nitong alok.
Napalunok ako. My eyes starting to feel hot. Sumunod ako sa kanila, then we sat down. Ang mag-asawa ay sa may mahabang couch, si Aura ay sa gilid ng ama nito at nakatayo, samantalang ako ay nakaupo sa pang-isahang upuan sa harapan nila.
A loud silence surrounded us. Nagpapakiramdaman sa isa't isa.
Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Kaya ko 'to. Kausap ko na sila. All I have to do is to be honest.
Sandali akong pumikit bago dumilat at sinalubong ang mga nagtatanong nilang tingin. Pinilit kong ngumiti.
"I know . . . this happened years ago, and kahit ganoon the pain of losing someone you love is forever etched in your hearts. And I'm deeply sorry about that, Mister and Mrs Anderson, Aura. My father lived his remaining life and died regretting what he did. Regretting the choices he made because it loses someone's life." I'm careful about what I'm saying because I don't want to spark another feud.
Nakita ko kung paano natigilan ang mga kaharap ko dahil sa mga binitawan kong salita. I'm still scared sa kung anong magiging reaksiyon nila.
"And before my father die, he wants me to give you this." Ipinatong ko sa center table ang dala-dala kong duffle bag. Bumaba roon ang tingin nila bago ibinalik sa 'kin. "That contains the money he gets with Katherine for my hospital bills. I want to give back this to you dahil wala naman po kaming pagagamitan na niyan. I'm really sorry for what he did. There's no valid reason on doing that."
"A-anong gusto mong gawin namin sa p-perang 'yan?" nanginginig na tanong ni Mrs. Anderson, her eyes are glistering from tears. "M-my son is already dead. Ano pang silbi niyan?"
Parang ilang punyal ang tumarak sa dibdib ko dahail sa pait ng boses nito.
"Kayo na po ang bahala, Ma'am. I just want to say sorry sa nagawang kasalanan nang tatay ko. I know he deserves to go to jail for kidnapping your children. Like I said, no valid reason po. And I'm not pressuring you on forgiving me as well. Gusto ko lang po talagang humingi ng tawad. I'm sorry if you think I'm opening your wounds again."
Kung kailan nasabi mo na saka ka pa nag-sorry. Tss.
Hindi nagawang magsalita ng mag-asawa, miski si Aura na kanina'y magaan ang pakikitungo sa 'kin at masama na ang tingin.
"Sir, Ma'am, Aura. Wala po akong masamang intensiyon. I just really want to say sorry, and now nasabi ko na 'yon. Sorry po. Nang marami. Hindi niyo deserve ang nangyari sa pamilya niyo," ani ko. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. I will leave na since they are not speaking anymore and I don't think I can handle their stares.
"I will go ahead na po. Thank you for your time." I stood up and started walking toward the closed door. I was about to pull it open when I heard Mrs Anderson's voice.
"What's your name again?" she asked in a low voice.
I look back and smile a bit, "my name is Camilla Salazar."
--------------------
What's your thought about it? Share it with us! And if you like this chapter kindly push the vote button and share this to your friends!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top