Chapter 5

Natigagal si Hillary ng may biglang humila sa braso niya ng marahas at sinuntok ang lalaking kahalikan niya na nakilala niya sa bar na iyon.

It wasn't her plan to kiss him back dahil pinatatakam lamang niya ito subalit sadyang magaling sa pakikipag halikan ang lalaki at idagdag pang gwapo din ito kaya nadala siya.

Binalingan agad niya ng masamang tingin ang pangahas na humila sa kanya para lamang mas magulat ng mapag sino ito.

Walang iba kundi si Billy Greyson at mababakas ang matinding galit sa mukha nito habang kinukwelyuhan ang lalaking kahalikan niya.

"Tang-ina ka! Pagsasamantalahan mo pa yang babaeng yan ha!" Singhal ni Billy sa lalaki at marahas siyang binalingan ng tingin.

"And you!!--- Why the hell are you here?, di ba sinabihan na kitang wag na wag ka ng pupunta sa bar?" Singhal ni Billy kay Hillary.

"Wala kang karapatang sabihan ako ng dapat o hindi dapat na gawin ko!--- pwede ba stay out of my life and leave me alone I don't need you!" Nanggagalaiting ganting hiyaw niya sa lalaki.

Binitawan ni Billy ang lalaking kwinelyuhan niya at marahas na inilang hakbang niya ang pagitan nila ni Hillary and then he grabbed her arm forcefully at halos kaladkarin ito palabas ng bar.

Masama ang mukha ni Billy at halos di  maipinta ang itsura habang hila hila ang nagpupumiglas na dalaga.

"Hayop ka bitiwan mo ako!"Pagpupumiglas niya dahil halos ay nasasaktan na siya sa ginagawa nitong panghihila sa braso niya but it seems na wala itong naririnig at ng hindi pa siya tumigil sa kapapalag ay pinangko siya nito at pabalibag na isinalya sa passenger seat ng sasakyan nito.

Nang maisakay ito ay agad na nitong pinaharurot ang sasakyan paalis sa bar na iyon.

Habang si Hillary ay panay naman ang mura at tingin dito ng masama.

"Aren't you still tired swearing huh?" Billy sarcastically asked her at halata sa muka ang labis na pagka-irita.

"Eh ikaw hindi ka pa ba napapagod pakialaman ang buhay ko?" Ganting asik na tanong niya at sobra ang gigil na sa lalaki.

"Well Hillary Wilson, you have to get used to it dahil lahat ng gagawin mo kung hindi makakabuti sayo ay sasawayin ko!--- And you know what mas kailangan kitang bantayan ngayon because it seems that you became much wilder now." He told her mocking and even smirked at her.

"Bahala ka! Basta I will do whatever I want!" Matigas ang tinig na turan niya sabay irap kay Billy.

"Pwes tignan natin." He said. At natahimik sila pareho hanggang makarating sa unit.

Nang tumapat si Hillary sa pinto ng unit ng kuya niya pinigil ni Billy ang braso niya kaya matalim siyang tumingin dito.

"What?" She asked him frowning.

"Since wala kang ginagawa ngayon what if you applied to our company since nagtapos ka naman ng Interior Designing right?" He told her habang mataman siyang pinagmamasdan.

Hillary raise her brows at hinarap ito.

"Oo nagtapos ako ng interior design kaso ayaw kong magtrabaho sayo." Nakataas ang labing tugon niya at inismiran ito.

"Pag isipan mo ng mabuti ang offer ko Hill dahil sa tingin ko you need other diversion para kahit paano ay maka-usad ka.------ wika ni Billy.
"Sige na pasok ka na." He added softly afterwards habang matamang nakatingin sa kanya.

She felt uneasy para bang gusto niyang matunaw sa klase ng titig nito and her heart is beating so fast again.

She blink her eyes at pumasok sa unit without even looking at him.

Hindi niya maintindihan ang sariling damdamin kung bakit everytime na nagkakasama sila ni Billy ay para bang tuwang tuwa ang puso niya at kahit pa anong pigil ang gawin niya sa sariling damdamin ay pilit pa rin iyon naghuhulagpos at aaminin niyang may bahagi ng pagkatao niyang masaya sa pagkakalapit nila ngayon.

********

Nagpatuloy si Hillary sa ganoong gawain party dito punta sa bar sa kung saan saan at kung sino sinong lalaki din ang sinasamahan niya, minsan muntik pa siyang mapahamak at mapag samantalahan dahil sa pagiging carefree niya but she didn't mind at all, tuloy pa rin.

One time kasama niya si Maya nasa party sila ng isa nilang kaibigan and as usual uminom na naman siya at nag umpisang maglandi sa kung sinong matipuhan niya.

"Hillary ano ba, uwi na kasi tayo lasing ka na naman eh." Pagmamaktol ni Maya at pilit siyang hinihila sa kamay habang kausap ang isang lalaki.

"Maya can you just please keep quiet---If you want mauna ka nalang." Mataray na turan niya sa kaibigan not minding kung anong nararamdaman nito.

"Okay fine! Bahala ka na nga lang diyan gawin mo kung anong gusto mo!" Saad ni Maya na nainis na sa ginagawa niya.

Maya left her with the stranger na kausap niya at hindi naglaon nagkaigihan sila ng lalaki at namalayan na lamang niyang sumasama na siya dito.

The man brought her into his pad at biglang para siyang natauhan dahil hindi niya alam kung paano tatakasan ang lalaking estranghero.

"Ahm--- w-wait a moment pwede ba akong gumamit ng bathroom?" Putol niya dahil parang nagiging wild na ang lalaki at baka mahirapan pa siyang iwasan ito.

"Oh man!---
okay diyan sa bandang kitchen may door kang makikita and that's the washroom, bilisan mo ha." Napipilitang tugon nito bago siya bitiwan kaya nakahinga siya ng maluwag at nagtungo sa banyong itinuro nito at doon nag-isip siya kung paano tatalilis ng alis.

Nagtagal siya sa banyo ng halos 30 mins. kaya kinatok na siya doon ng lalaki.

"Hey--- can you come out now, kanina ka pa diyan ah." May bakas ng iritasyon ang tinig nito habang kinakatok siya.

Hillary suddenly felt panic dahil parang iba ang ugali ng lalaking nasamahan niya, she tried to call Maya but she wasn't answering kaya wala siyang nagawa kundi ang lumabas at harapin na lamang ang lalaki.

"What took you so long babe?" He asked her impatient at bigla na lamang siyang sinunggaban ng lalaki na ikinagulat naman niya ng sobra.

"B-bitiwan mo ako--- I t-think I need to go now." Pilit niyang kinakalas ang pagkakayakap nito at pilit iniiwas ang sarili dahil gusto na siyang halikan nito.

"What? Are you kidding me, di ba kaya ka sumama dito because you want to fuck?" He told her smirking.

Nanlaki ang mata ni Hillary and before she could utter a word ay nahalikan na siya nito. She tried to struggle but the man is just too strong.

Nasa ganoon silang ayos when suddenly someone opened the door and before she could contain herself ay nasabunutan na siya ng babaeng dumating.

"Walanghiya kang malandi ka!! What the hell are you two doing?!!" Sigaw ng babae  sabay hila sa buhok niya.

Inawat naman sila ng lalaki at pinigilan ang nobya nito sa pagsabunot sa kanya.

"Babe stop--" Awat nito sa babae.

"Damn you!--- sabi ko na nga ba eh habang wala ako iba ang ginagawa mo! At dinala mo pa talaga dito sa condo--- mga hayop kayo!!" Galit na turan ng babae at akma na naman siyang susugurin pero mahigpit ang yakap ng lalaki dito kaya hindi siya naabot.

At yun ang kinuhang pagkakataon ni Hillary and run faster through the door at nagmadaling umalis without looking back.

Nakahinga siya ng maluwag ng makababa sa unit ng sinamahan niyang lalaki agad siyang pumara ng taxi and headed back home.

Hindi naman mapakali si Billy at palakad lakad sa corridor ng unit nila ni Hillary kanina pa siya naghihintay dito pero wala pa at hindi pa nakakauwi and he's a little bit worried.

'Saan na naman kayang bar pumunta ang babaeng yun?' He asked himself and tried to call Maya again pero katulad kanina ay cannot be reach ang phone nito.

At ang cellphone naman ni Hillary ay ring lang ng ring hindi ito sumasagot.

Ilang sandali pa siyang naghintay nang maya maya lang ay nakita na niyang lumabas mula sa elevator si Hillary.

Napakuyom siya ng kamao at agad na nilapitan ang dalaga.

"Where the hell have you been?!" Singhal na tanong agad kay Hillary  na labis naman nitong ikinagulat.

Hillary stare at him instantly nang marinig ang galit na tinig nito.

"B-Billy?--- A-anong ginagawa mo dito sa labas." Maang niyang tanong din sa binata but she could see the anger in his face kaya napaurong siya ng bahagya.

"What am I doing here?" He asked sarcastically at humakbang palapit sa kanya.

"Hindi ba ako ang dapat magtanong niyan huh?--- Anong ginagawa mo sa labas ng ganitong oras Hillary? Uwi pa ba yan ng matinong babae?" Sunod sunod na tanong nito na halatang nagtitimping bugahan siya ng galit nito.

'Pakialemero talaga!' Hiyaw ng isip niya patungkol dito at pilit pinapatapang ang tinig but the truth is kinakabahan siya sa nakikitang apoy sa mga mata nitong nakatutok sa kanya.

"M-may pinuntahan lang kaming party n-ni Maya." Saad niyang pilit kinakalma ang sarili.

"Huh! Talaga?--- Kausap ko lang kanina yung kaibigan mo and she told me that she left you with some random guy you met in the party at sinabi pa niyang inaawat ka daw niya but it seems that you don't want to listen.-----
Now tell me pang ilang lalaki na ba yan ha?" Saad ni Billy sa tonong nang-iinsulto.

Nagpanting naman ang tenga ni Hillary sa narinig mula sa bibig nito. She couldn't believe na ganun siya kadaling husgahan ng lalaking to of all people.

"Well----- Hindi ko na nga mabilang sa dami eh!" She said mockingly at ginatungan ang sinasabi nito.
"Can you please excuse me, gusto ko nang matulog dahil "pinagod" ako ng random guy na nakasama ko kanina." She uttered sabay ngisi ng nakakaloko kay Billy.

She know that he was pissed off kaya mas lalo niya itong aasarin.
Lalagpasan na sana niya ito when Billy grabbed her arm.

"Im not yet done with you stubborn lady!" He hissed at hinila siya papasok sa loob ng unit niya.

Nagtaka siya kung bakit may susi ito doon, siguro galing sa kuya niya iyon noon.

"Ano ka ba! Tigilan mo na nga ang pakikialam sa akin!---- Im not a minor anymore Billy kaya you don't need to look after me!" Naiiritang hiyaw niya sa binata sabay wagtang ng kamay nitong nakahawak pa rin sa braso niya.

"Oh really? Your not a minor but you still acting like a kindergarten na kailangan pang sabihan ng paulit ulit pero hindi pa din nakikinig!----- And for your information I wouldn't mind kung makipag sex ka sa kung sino sinong lalaki diyan but Im warning you kapag ikaw napahamak pa ulit don't expect my help anymore!! Do you understand?" Matigas ang tinig na turan niya kay Hillary and tsaka ito pabalang na binitiwan ang braso niya tsaka siya tinalikuran at pabalabag na isinara ang pinto, halatang sobra itong nagalit sa sinabi niya.

Gigil niyang ibinato ang throw pillow sa saradong pintuan at nagmamaktol na tumayo para pumasok sa silid niya to take a shower.

*to be continued*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top