Chapter 1
"Nick!, hold on pare!" Teary eyed na tugon ni Billy sa kaibigan habang hawak hawak ang kamay nito.
Duguan ang matalik niyang kaibigan at halos hindi na makagulapay.
Nagkaroon ng malagim na aksidente ang kaibigan at nabangga ang minamaneho niting sasakyan sa isang 10 wheeler truck, at siya ang unang tinawagan ng awtoridad kaya agad siyang nagtungo sa hospital na pinagdalhan dito at agaw buhay na ito ng dumating siya.
"B-Billy, p-pare s-si H-Hillary p-please P-promise m-me a-alagaan m-mo siya, T-tell h-her I- love h-her--- Hirap na usal ni Nick while catching his breath.
"N-Nick kaya mo yan 'tol wag kang bibigay---lumaban ka!" Pagpapalakas niya sa loob nito habang kinakabahan, but Nick gave up.
Nakita na lamang niyang pumikit ito at binitiwan ang kamay niyang hawak nito.
Nick died on that instance and it breaks his heart dahil ito ang pinaka matalik niyang kaibigan.
Billy shed a tears habang nakamaang lang sa gawi ng kaibigan na pilit nirerevive ng mga doctor. Hindi siya makapaniwalang mangyayari ito kay Nick dahil magkasama lang sila kahapon at masaya pang nagkwentuhan and Nick is very happy on that day dahil nagbabalak ng magpakasal ito at ng long time girlfriend nitong si Faye and even telling him story about her only sister na si Hillary.
Nick loves his sister so much at close na close ang mga ito dahil sa ito na lamang ang natitira nitong pamilya since pareho nang namayapa ang mga magulang ng magkapatid.
Si Nick ang nagsilbing guardian para sa nakababata nitong kapatid na si Hillary at sobrang overprotective ang bestfriend niya sa dalaga kaya for sure pag nalaman nitong wala na ang kapatid ay siguradong sobra itong magdadalamhati.
Hillary is currently in New York for her masteral para sa pagiging Interior designer nito and Billy doesn't know how to tell her that Nick is gone.
Inayos lahat ni Billy ang mga dapat ayusin sa pagkamatay ng matalik na kaibigan and tried to call Hillary to tell her the bad news.
Habang tinatawag niya ito ay abala ang isip niya sa kung paano niya ibabalita ang nangyari kay Nick, he doesn't know how to tell her.
Ringing....
Maya maya pa Billy heard her voice on the other line.
"Hello?" Maikling bungad ni Hillary sa kabilang linya.
"H-hello Hill---"Bigkas niya sa nickname that he used to call her.
"Whose this?" Tanong nito, halata sa tinig ang pagtataka.
"This is Billy---
Hillary, You have t-to come home." Hirap at di makaapuhap ng tamang salita para sabihin ang tungkol sa pagkamatay ng kapatid nito.
Sa kabilang dako, biglang sumikdo ang dibdib ni Hillary pagkarinig sa tinig ni Billy, her brother's bestfriend.
For almost three years na hindi niya nakita si Billy ay parang nasabik ang pakiramdam niya to hear his voice once again.
"B-bakit anong nangyari?" Kinakabahang tanong niya sa binata.
"S-si Nick"----- And he swallowed his saliva before spill it out to her.
"What?--- Anong nangyari kay kuya?" She asked again and that time para na siyang kinakapos ng hininga sa tindi ng kabang nararamdaman niya ng mga sandaling yun.
"W-wala na siya, H-Hillary." Malungkot at halos hindi lumabas sa bibig na saad niya sa kabilang linya.
Pinanlamigan ng kamay at talampakan si Hillary at halos hindi makagalaw sa kinatatayuan sa narinig na balita mula kay Billy.
'Hindi!!, That can't be happened!' Sigaw ng isip niya pero parang walang kahit anong tinig ang kayang lumabas sa bibig niya.
"Anong wala?!! Ano ba kasing nangyari kay kuya?!!" Hysterical niyang tanong ulit sa kabilang linya.
"H-he met an accident l-last night, Hill-- and h-he died pagdating niya ng h-hospital." Hirap na sambulat ni Billy sa nangyari kay Nick na kapatid nito.
Nabitiwan ni Hillary ang cellphone at parang kandilang unti unting nauupos at para siyang tinakasan ng lakas sa sandaling yun and before she knew it everything went black, nawalan siya ng malay.
*****
Pangatlong araw ng lamay sa bangkay ni Nick sa isang chapel.
Si Billy ang matyagang nag-aasikaso kasama si Faye na hanggang ngayon ay tulala at in-denial pa rin at halos hindi rin makausap. Everyone is in deep mourning including him but he have to be strong para sa mga naiwan ni Nick especially his little sister.
Si Hillary na lang ang hinihintay nila bago ilibing ang kanyang bestfriend at halos ay magwala daw sa kaiiyak ang dalaga ayon sa bestfriend nitong si Maya na kasama nito doon sa U.S.
Ngayon ang dating ng mga ito kaya naroon siya para kahit paano ay alalayan ang kapatid ni Nick na siguradong labis ang pagdadalamhati.
Nakita niya kung gaano ka-close ang magkapatid dahil madalas siya noon sa bahay nila Nick at halos ang kaibigan na niya ang nag-alaga sa kapatid nito since maagang namatay ang ina ng mga ito ng dahil sa sakit.
Nick is five years older than Hillary at ayun dito bago daw noon mamatay ang ina nila ay inihabilin di umano nito ang nakababatang kapatid kaya kung protektahan ni Nick si Hillary ay ganun na lang.
Paglipas ng ilang oras ay napabaling ang tingin ng lahat sa pintuan ng chapel including him and he saw two woman approaching.
Si Hillary at ang kaibigan nitong si Maya ang dumating.
*******
Nasa may bungad ng pinto ng chapel si Hillary kasama ang bestfriend niyang si Maya.
She was stunned when she saw the coffin na nasa harap ng chapel at hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng isip at puso niya na wala na ang pinakamamahal niyang kuya.
Hilam sa luhang dahan dahan siyang naglakad palapit sa kabaong ng kapatid and for the third time in her life her hearts broke again, una ay nung mamatay ang mommy niya, pangalawa when her dad passed away dahil sa aksidente at ngayon ang kuya naman niya, the only family she have at ngayon ay dadatnan na din niyang isang malamig ng bangkay.
'Bakit ganun? Lahat na lang kinukuha mo? Ano bang ginawa ko to deserve all of these?' Himutok niya sa sariling isipan.
Nang ganap na siyang makalapit sa kabaong at makita ang kapatid niyang payapang nakahiga doon ay tsaka kumawala ang kinikimkim niyang hinanakit na halos dumurog sa puso niya.
Hillary shouted at the top of her lungs.
"Kuyaaaaa!!!!!! Ahhhhhhh-----ahhh!!!" Palahaw ni Hillary at halos sirain ang kabaong sa higpit ng hawak nya roon.
"Bakit mo ako iniwan?!!!---- Sabi mo hihintayin mo a-ako---- B-bakittt?!!! Ahhhhh!!!! Kuya bumangon ka diyan!!--- wag mo akong iwan!-- You promised mom to take care of me!!! Huhuhu!"
Hagulgol na iyak niya habang parang batang naglupasay sa harap ng kabaong ng kapatid.
Ang sakit sakit ng nararamdaman niya that time and if only she could asked God ay luluhod siya sa harap nito and beg him to return her brother, kasi hindi niya kaya at hindi niya alam kung paano nya yun tatanggapin.
He's the only family she have at ngayon mawawala pa, paano na siya ngayon?' Tanong niya sa kawalan habang patuloy na tumatangis.
"Hill---- T-tama na yan, Nick is already safe wherever he is." Mahinang tugon ni Billy na ngayon ay nasa likod na ni Hillary, he's trying to comfort her.
Ipiniksi ng dalaga ang balikat na hawak ni Billy.
"Ayoko!!--- Hindi!, hindi pwedeng mawala si kuya!" Hiyaw ulit niya at muli na namang pumalahaw ng iyak kaya hinawakan na siya ni Billy sa baywang at pilit inilalayo sa kabaong habang panay naman ang hagod ni Maya sa likod niya at pilit siyang kinakalma.
"Besh tama na ohh--- Nagpapahinga na ang kuya mo." Naiiyak namang tugon ni Maya habang pigil pigil siya.
"Maya--- S-si Kuya iniwan na din niya akoooo!!!--- Hindi ko kaya ehhh--- m-mahal na mahal ko siya ahhhh---huhu!!" She cried habang umaamot ng lakas mula sa kaibigan.
"Alam kong masakit Hill---But you have to accept it, tahan na besh please magpakatatag ka." Alo ni Maya habang nakamata lang sa kanila si Billy.
Paglipas ng ilang sandali ng pagtangis ay nahahapong umupo si Hillary sa harap na upuan katabi si Faye ang fiance ng kapatid niya na katulad niya ay sobra din ang lungkot na nararamdaman.
Naramdaman niyang ginagap ni Faye ang kamay niya and pressed it, awtomatiko siyang bumaling ng tingin dito and she saw her cried and suddenly she hugged her at doon nag-iyakan na naman sila.
"I-Im sorry Hillary to what happened to your brother, I didn't know na mangyayari sa kanya to." She uttered sadly while crying.
"H-hindi ko kayang mawala si Kuya----- b-bakit siya paaa!!!" Himutok niya na ang sama sama pa rin ng loob dahil sa pagkamatay ng kaisa isa niyang kapatid.
Wala ding makuhang sagot si Faye kaya nag-iyakan lang sila habang nakamata sa kanila si Billy at ang iba pang taong nakikiramay.
After 2 days ay nagpasya silang ilibing na si Nick since wala na din naman silang hihintayin and during those times ay halos wala sa sarili si Hillary at tahimik lang na tumatangis.
Nasa cemetery na sila at nakauwi na lahat ng nakilibing, ang tanging naroon na lamang ay si Hillary at nasa likod nito si Maya.
Billy is watching over Hillary all throughout dahil sa ipinangako niya kay Nick na hindi ito pababayaan.
"Hill, I think we have to go it's starting to rain." He told her at nilapitan pa ang mga ito.
"Mauna na kayo, H-hindi ko iiwan si kuya." Sagot ni Hillary sa garalgal na tono habang nakamasid sa lapida ng kapatid.
"Besh, tara na umuwi na tayo balik na lang ulit tayo sa ibang araw." Yakag ng kaibigan niyang si Maya.
Hillary stare at her sadly habang nag-umpisa na namang bumuhos ang mga luha.
"S-sige na Maya, mauna ka na h-hayaan mo na lang muna ako dito." Hilam sa luhang tugon niya sa kaibigan at bahagya lang tinapunan ng tingin si Billy na nasa likuran nila.
"H-hindi kita iiwan dito Hill." Malungkot na sagot naman ni Maya.
"You can go now Maya, ako na lang ang bahala kay Hillary." Sabat ni Billy sa usapan nila ng kaibigan.
Nag-aalangan pa si Maya na iwan si Hillary but at the end ay umuwi na din ito habang sila na lamang dalawa ang naiwan sa sementeryo.
"You're brother loves you so much Hillary and he told me to take care of you on his behalf, kaya k-kung ano man ang kailangan mo--- don't hesitate to tell me." Billy told her habang tahimik na tumatangis.
Hillary wiped her tears and calm herself tsaka binalingan si Billy.
"Wag mo na akong alalahanin, Im Okay-- I just need time t-to heal." She told him coldly at naglakad na paalis without even looking back.
Sumunod naman si Billy sa dalaga at inihatid ito pauwi sa condo unit ng kaibigan niyang si Nick. Doon dumiretso ang dalaga na tabi lang din ng tinutuluyan niya dahil nung nabubuhay pa ang kaibigan ay napagkasunduan nilang bilhin ang dalawang magkatabing unit at yun ang una nilang project as a licensed architect pero hindi na siya doon umuuwi dahil sa hiling ng mommy niya to stay at their family house instead na manirahan sa condo na mag-isa.
"Dito ka ba titigil?" Tanong ni Billy nang makarating sa tapat ng unit ng kapatid nito.
"I don't have any house to go, my brother told me to stay here, n-nung huli siyang tumawag sa akin." Matipid na turan niya at inilabas ang susi ng unit.
"O-okay, sigurado ka bang okay ka lang dito?" He asked her and stare at her intently.
"Yes, pwede mo na akong iwan, Billy. T-thanks." Sagot niya at kahit hindi pa ito nakakasagot ay isinara na niya ang pinto.
At doon habang nakatingin sa loob ng bahay na tinitirhan ng kapatid ay nag-umpisa na naman siyang makaramdam ng labis na lungkot at pangungulila.
"K-kuya, Miss na miss na kita!--- Hindi mo man lang ako hinintay, ni hindi ko nasabing mahal na mahal kita----- Paano na akoooo?" Hagulgol niya habang yakap ang larawan ng kanyang kuya Nick.
Walang kasing sakit ang nararamdaman niya sa mga sandaling yun at kulang na lang ay hilingin nyang sana kunin na din siya dahil sa pakiramdam niya ay mag-isa na lang siya sa buhay.
Pero kailangan niyang bumangon at magpatuloy sa buhay kahit mahirap, at hindi niya rin alam kung kelan mawawala ang sakit na nararamdaman niya ngayon dahil wala na ang nag-iisang pamilyang mayroon siya.
*to be continued*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top