CHAPTER 5
"Ma maghanda tayo, dadating ang Dad ni Ven," sabi ni Wex.
Dadating lang si dad magpapahanda na? Talagang lagi akong nasusurpresa ni wex' sa ugali niya. Mapapa-expect the unexpected ka talaga sa kanya.
"Anong lulutuin ko? Hala maayos ba ang bahay? Order nalang tayo sa catering, tatawag ako ng mag-aayos ng bahay sandali lang-," pinigilan ko si mama at sinenyasan siyang huminga ng malalim.
Grabe kasi siya kabahan, ayaw ko naman na mahimatay siya sa stress noh. I love how even though they don't know dad, they're stressing out just to give him a warm welcome. Sana lang talaga mainit din ang pagtanggap ni dad sa mag-inang ito, ang babait nilang tao.
"Ma your home is lovely, wag kayong magpanic. Kung di niya kayo magustuhan, ako gusto ko kayo at yun lamang ang mahalaga," sabi ko at niyakap siya.
"Wex hingang malalim ha, wag kakabahan," payo ko sa kanya. Alam ko kinakabahan siya ngayun na humarap kay dad.
"May dakop! May dakop! Suota niyo mask niyo!" (May nanghuhuli! May nanghuhuli! Suotin niyo mga mask niyo!) Sigaw ng kung sino kaya agad kaming pumasok sa loob ng bahay at tumawa.
Sobra pa sa Horse Racing ang nangyaring takbuhan, sa bilis ng mga tao alikabok nalang ang natira dun sa labas. Natatawa talaga ako tuwing naririnig na nagsisigawan ang mga tao pag may nanghuhuli, pero pangit lang isipin na takot lang ang mga tao mahuli pero di sa mismong kumakalat na virus.
"Ambilis mo pala magtakbo Sab?" Tanong ko sa kanya
Pinanliitan ako ni Sab' ng mata 'tsaka niya na inayos ang buhok niyang nagulo sa pagtakbo.
"Duh may lahi kaya akong Track Racer." Mataray akong sinagot ng kaibigan kong namumula sa hiya, pano ba naman kahit sa P.E. ng school dati ang arte niyan tumakbo tapos ngayun nawala na yung pagiging ma-arte niya.
"I dunno what that is pero feel ko talaga may lahi kang Kabayo," sabi ko kaya nasampal po ako.
Joke lang eh! Di naman mabiro tong kaibigan ko'ng toh' ewan ko ba sa aming magka-kaibigan likas na sa amin ang magsakitan.
"Tse! Pagong!" Sabi niya at lumayo sa akin bigla. Palibhasa alam niyang gaganti ako eh, naglalaro kaya ako noon ng volleyball talagang pag ako sumampal sa kanya kawawa.
"Oh tama na, maghanda na tayo okay?" Sabi ni Wex kaya ngumiti na lamang ako.
Nanginginig pa din siya at medyo tulala, baka nagre-rehearse ng speech kasi parang may minememorya. Nagwalis din siya dito sa loob at labas, naghugas na rin ng mga pinggan gaya ng bilin sa kanya ni Mama.
Namalengke yun si mama at kakauwi niya lang tumulong ako sa kaniya magluto, nagkukuwentuhan kami habang naghahanda.
Pansin kong kinakabahan si Wexon kasi aligaga siya. Ayon naligo pa nga raw sa kwarto niya sabi ni mama.
"Mahilig ba yung tatay mo sa manok langga? Nagpa-ihaw ko ganina ug manok, ganahan siya tinola?" (Nagpakatay ako kanina ng manok, gusto niya ba ng tinola?) Tanong sakin ni mama.
"Pabayaan mo yun Ma, kakain yung ng kahit na ano." sabi ko sa kanya at tinulongan siyang maghiwa.
Bibisita na nga lang yun magre-request pa nakakahiya kaya sa pamilya ni Wex'. Di ko pa alam san' kumuha ng pera panggastos si Mama mamaya galing pa pala yan sa pambayad nila dapat ng kuryente eh, ang hirap kay maghanap ng pera ngayun.
"Bagong ligo yarn?" Tanong ko sa kay wex. Kaka-baba niya lang sa hagdanan habang nagsusuklay.
"Gusto ka man o hindi ni dad tandaan mo it won't change my feelings towards you." sabi ko sa kanya at nginitian sya, He kissed me in the arm after.
Pagkatapos ng limang oras ay meron na nga'ng huminto sa harap ng bahay nila wex na sasakyan. Well ambilis niya naman kami nahanap. May lahi atang investigator ng fbi ito si Dad eh.
"Vernyxe get on the car, ano ba tong lugar na toh? Really sa katangawan, lugar ng sabungan. Dito mo talaga balak tumira ha?" Tanong ni Dad
Ano namang paki niya kung malapit sa sabungan? Mg peaceful kaya dito, maliban nalang kung linggo kapag nagsasabong yung mga tao. Pero wala namang nagsasabong lately kasi nga bawal.
"Kala mo naman di nanunuod ng Online sabong eh, and Yes! Dito ko balak tumira. May magagawa ka ba dad?" Pang-aasar ko sa kanya.
I'm testing his patience maybe then he'll reveal why he didn't want to give me a part of the company or any fortune.
"Chief arestuhin niyo tong lalaking toh! Tignan mo kidnapping ito, dinala niya sa lugar na toh ang anak ko!" Sabi ni Dad.
Oh my G! Kidnap? Really yun talaga rason niya, I needed a place to stay and I found one here. Dad is not a good liar as I am.
"Excuse me sir, I may not be the man you dreamed for your daughter but i will work hard to sustain her." sabi ni Wex at napanganga kami pareho ni Sab'.
Nag-e-english pala toh? Gosh i didn't know ha.
"Wag mo akong daanin sa english mo jan ha! Alam mo bang kahit triple pa ng kinikita mo ngayun ang maibigay mo sa anak ko di pa din yun abot sa kalahati ng sweldo niya!" Singhal ni dad at namaywang.
Ito naman si dad oh! Napaka-sweet kaya ng sinabi ni Wex' nasabi niya yun ng kinakabahan? Wow! He must be really in love with me.
"Alam ko na yang mga galawan niyo! Para kayong mga mangingisda na mamimingwit ng edukado at mayamang babae tapos pag minahal kayo pagnanakawan niyo! Naku wag ako, alam ko yang galawang yan." sabi ni dad at hinihila ako.
Napaka-old style naman nito mag-isip ni dad. It's twenty first century already wala nang ganung klaseng money heist scheme na nagaganap nowadays.
"Wala po akong masamang hangarin sa anak niyo, kahit pagpermahin niyo pa po ng kasulatan para wala akong makuha ni piso sa kanya okay lang po. Nagmamahalan mo kami ng anak niyo, dili nako gusto mag-relasyon-relasyon mi na di nimo bal an."( di ko gusto na magka-relauon kami ng di nigo alam. Sabi ni Wex
True! Eversince we started talking he's the one who wanted to meet my parents, kahit sabihin kong Okay lang ayaw niya talaga maging official hanggang 'di siya makapag-hingi ng permiso kay Dad.
"Totoo po yun." sabi ni Sab pero bigla syang natahimik nang tignan siya ni dad.
"Nag-ipon po ako pero mahina po kasi ang byahe ngayung pandemic eh, pupunta po sana ako sa inyo para makapagpaalam na ligawan si Ven. " sabi ni Wex at bigla akong nagulat nang lumuhod sya.
Di ko carry naluluha ako! I never saw a man on his knees for me before, he's literally begging my dad for us. I can't hold my emotions, before I knew it tear drops was already dropping endlessly.
"Wala po talaga akong masamang hangarin kay Ven, kung gusto niyo po subukin niyo ako. Tiyak na malalampasan ko ano pa man yan para kay Ven." sabi ni Wex kaya namilog ang mata ko, tuso si dad. Napaka wais ng daddy ko kaya nga napalago niya ang negosyo namin.
I don't want him getting hurt! I don't want any of them to get hurt. Dad might just be seeing the hard-headed me but I love him too, even if he favors my sister more than me.
"Limang taon! Lubayan mo ang anak ko ng limang taon, pag nagawa mo yun saka ko pag-iisipan," sabi ni Dad. But i know na di niya talaga gagawin yun.
There's something with my dad that I can't 100% percent trust, he's just wise in all different ways. He has connection for everything he wants to do, and he always think things out.
"DAD YOU'RE A LIAR!" Sabi ko sabay hila ng kamay kong hawak niya. Kinuha ko ang baril niya at kinasa ito.
I don't want Wex' getting hurt and I don't want my dad getting hurt too, so crazy as it may seem yes I did pointed that gun right in my head.
"Papabayaan mo kami o ba-bye na sa anak mo?" Tanong ko sa kanya at ngumiti ng bahagya.
I'm a rebel eversince pagka-bata alam yan ni dad, he knows what I'm capable of, anak niya ako eh mana ako sa kanya. Napaka-hard headed.
"Nababaliw ka na ba?" Tanong ni dad saka lumayo ng konti.
Kung lahat ng tao na nagmamahal at handang ipaglaban ang mahal nila ay baliw, why not diba?
"Langga indi paghimua na!"( hija wag mong gawin yan) sabi ni mama
Naawa rin ako kay mama, I saw mom's eyes in her. Dad might be hard but mom will surely cry, I hope dad doesn't make me do what I'm planning.
"Hoi girl there's more to life than just love, wag mo kaming iwan oi," sabi ni Sab.
Even Sab' is crying, para kaming nasa telenovela bigla. Yung tipo ng mga telenovela na kina-i-istressan ng lola mo sa hapon.
"Your choice daddy HAHAHHAHAA," sabi ko at humalakhak.
Harley Quiin yarn? Pinipigilan ko talagang matawa that time kasi feeling ko yung tawa ko same ng kay Harley.
"Ven ano ba? Pag-usapan natin toh ng mahinahon," sabi ni Wex.
I'm sure love dad is planning something and I'm just testing him. Please don't worry much.
"Itong tatandaan mo Vernyxe dadating ang araw na maghihirap kayo, at pag dumating yun wag kang babalik sa amin ng mommy mo para maghingi ng tulong dahil sa una palang binalaan na kita," sabi ni dad at umatras na.
Cruel much? Nah! That's just his simple tone, there's a whole lot of Rudeness that my dad can offer. But I kust admit this is the first time I felt free from him, from his control.
"'Di dadating ang panahon na yun dad, I'm telling you Wex will be great." sabi ko kay dad at binigay ang baril.
"Sa oras na masaktan ang anak ko, magtago ka na." sabi ni Dad bago umalis.
When dad said that as he step out of the house I felt love from him for the first time. Yun ang unang beses na may sinabing emotional towards me si dad, I know he has a soft side too I just didn't knew na sa ganitong paraan pala yun lalabas.
Napaiyak ako bigla kasi di ko akalain na papayag si Dad. Di man niya sinabi ng maayos pero kilala ko na si Dad di sya susuko pag di talaga siya payag.
Umalis siya ng walang away ibig sabihin pumapayag siya. Napaiyak ako dahil sa saya, niyakap ako ni Wex.
"Payag na si Dad." sabi ko at hinalikan siya sa labi.
Hinimas ko ang pisnge niya at ginamit ang kamay kong nasa batok niya para diinan ang halik. Humalik din siya pabalik at di ko alam gaano kami katagal sa ganong posisyon basta bigla nalang akong napatigil nang may kumurot sa akin.
"Gosh ano ba yan Eihra! Ang kalat mo, dun nga kayo sa loob andaming batang makakakita nyan mamaya eh." sabi ni Sab at pinapasok kami.
Natawa kaming pareho ni Wex. Magkahawak ang mga kamay namin na pumasok sa loob ng bahay.
"Wex! Ven! Tulungan niyo nga ako tumawag ako sa kaibigan kong may multicab. Pupunta tayong beach ako na bahala magbayad, libre ko." sabi ni mama at napangiti ako.
Chour daming pera pala ni mama. Naghanda na nga siya para sa kanila dad magpapa-cater pa bigla.
"Ma hindi ba buong resort ang pinaparent nila? Mahal yun," sabi ni Wex na nagaalala.
Kumabog din dibdib ko bigla eh, papwede namm kasing maligo sa mga resort dito pero ang mahal ng bayad. Ang good thing lang ay pwede kaming magsaya ng kami-kami lang.
"Okay lang yun gift ko na sa inyong dalawa yun," sabi ni mama kaya niyakap ko siya.
Nag-ayos kami ng gamit at nagkarga na sa multi-cab ng mga bags.
"Paano yan girl? Dito ka na titira?" Tanong ni Sab sa akin.
"Yeah, sorry ha." Sabi ko sa kanya at medyo naluha.
"I'm happy for you Eihra but i love my work and i have no reason to be here," sabi ni Sab.
"It's okay i understand." sabi ko kay Sab at niyakap siya.
"Don't forget to call me and Kalli ha," sabi ni Sab na naiiyak rin, para kaming tanga ano ba?
Akala mo naman di na magkikita ulit, bibisita pa din namam ako sa manila. Syempre nasa manila ang trabaho ko at mga gamit ko noh.
"Let's go!" Excited na sabi ni Mama kaya sumakay na kami ni Sab.
Medyo malayo-layo ang pinuntahan namin pero worth it naman. It was a 2 and half hour long drive, ang ganda ng beach parang boracay lang white sand rin.
"Ano itatawag ko sayo? Anong gusto mo Babe? Love?" Tanong ni Wex bigla sakin habang nakatingin ako sa malayo.
"Akoang hinigugma"( my beloved) sabi ko at ngumiti kaming pareho.
"Wait wag kang gagalaw pi-picturan kita" sabi ni Wex
"Ano ka ba nakakahiya, tinitignan tayo ng mga tao sa bangka oh" sabi ko dahil nahihiya ako.
"Ang ganda talaga ng hinigugma ko" sabi niya
THE END
LOCKDOWN SERIES
The Guy in Bulaong Terminal: Eihra X Wexon
That Girl in the Rooftop: Niella X Rex
Scandalous Shot: Ade X Reiji
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top