7-Paskuhan
Hindi ko na lang inisip muli ang naisip ko noong gabing iyon. Mas importante sa akin na maging masaya si Nessie, at dapat, masaya rin ako para sa kanya.
Dumaan ang buong Nobyembre na hindi ako tumitingin sa Wattpad. Pinilit kong huwag mag-log in at magkumpara sa stats ng "Magic Diary" at ang aking sariling akda. Mabuti na rin ito, iwas inggit. Life went on as if I never felt that way. Mas tinuon ko ang atensyon sa pag-aaral.
Di na rin kami halos nagkikita ni Nessie. The last time I heard from her, sinabi niya na mas magre-review na siya, lalo na parating ang Prelims exam sa Disyembre. I offered help, pero tumanggi ito.
"Sigurado ka? Kaya mo mag-review?"
Nag-uusap kami habang sabay kaming naglalakad.
"Ito naman, kaya ko ito! Ako pa?" Nessie looked so confident with her words.
"Okay, ikaw bahala."
"Uy, attend tayo ng Paskuhan this December!" Pag-aaya ni Nessie.
"Sure! Tagal na rin natin walang bonding, last sem pa," wika ko.
"Sige, mark your calendar! Bye, BFF!"
"Ingat!"
I smiled at Nessie. She gave me one big grin bago kami naghiwalay ng landas.
Nang dumating ang Disyembre, unti-unti ko nang naramdaman ang diwa ng Pasko. Nagsilabasan na ang makukulay na dekorasyon na makikita sa campus ng aming university. Tuwing Disyembre rin ang foundation week, usually, pagkatapos ng prelims exam. Super excited ang lahat ng tao para dito. Bukod sa Paskuhan na may lantern parade at fireworks, mayroon din Mr. and Miss Uni, dance competition, singing contest, battle of the bands, at syempre, ang booths na sponsored ng iba-ibang mga colleges. Ito ang mga nagaganap bago ang 2-week Christmas break.
Sa araw kung saan magaganap ang Paskuhan festival, nag-text ako kay Nessie gamit ang kakarampot na load. Di ako makapag-online sa phone dahil expired na data ko at di pa nakakabili ng load.
Uy, see you tonight! Sa canteen tayo magkita, tapos punta tayo sa main grounds para abangan mga lanterns.
Kasalukuyan akong nag-aayos. Alas-tres ng hapon ngayon, pero kailangan kong magpunta ng school nang maaga dahil tutulong pa ako na mag-manage ng food booth ng block namin.
Nagbihis na lang ako ng blue na t-shirt, faded jeans, at white sneakers. I tied my hair in a ponytail at kinuha ang handbag. Dinampot ko ang aking phone at nakita ko na wala pang text si Nessie.
Nagkibit-balikat na lang ako. Baka mag-text din siya mamaya.
Sumakay ako ng jeep papuntang university. Pagkababa ko, dumiretso ako sa food booth ng aming block section. Sa uni garden ang location namin, na napapalibutan din ng ibang booths. May mga upuan at lamesa sa gitna kung saan pwedeng kumain ang mga dumadalo sa school fair.
For the next 3 hours, tumulong ako sa pag-assist ng mga orders for dine-in and take out. Pasta, pizza, at chicken ang handa namin, na luto ng nanay ng isa kong kaklase.
Natapos kami ng 7pm. Nagpaalam ako na pupunta ako sa Paskuhan festival. Buti na lang ay libre akong pinakain ng dinner, na masarap na lasagna at spicy chicken wings.
"Thank you po sa hapunan," ngiti ko sa nanay ng aking kaklase, si Tita Edna. Kasabay kong kumakain ang kanyang anak na si Camille.
"Syempre, 3 hours kayo nag-serve dito!" Tawa ni Tita Edna sa akin. "Pupunta ba kayong Paskuhan?" Tanong niya.
"Ma, huwag mo na ako samahan!" Biro ni Camille.
"Pumapayag na ako, hija, basta agahan mo ang balik!" Bilin ni Tita Edna sa kanya.
Tumayo agad si Camille nang matapos na siyang kumain. "Mauna na ako, Venny. Teka, gusto mo ba sumabay?" Alok niya.
"No thanks, may hihintayin pa kasi ako. Go ahead," ngiti ko.
Nagpaalam si Camille sa mama niya at umalis. Maya-maya pa ay nagpaalam na rin ako kay Tita Edna.
"Paano ka uuwi mamaya? Gusto mo ba sumabay sa amin ni Camille sa van?" Mukhang concerned si Tita Edna.
"Thank you po sa alok niyo, pero may makakasabay po ako pauwi. Yung friend ko na tatagpuin ko later," magalang kong sagot.
"Ah, ganoon ba? Sige, ingat!"
I smiled at Tita Edna and went off. Sa canteen ako dumiretso. Nilabas ko ang aking phone at nag-text kay Nessie.
Saan ka na? Meet me dito sa canteen. Paskuhan starts in 15 minutes.
Naghintay ako pero ten minutes later, wala pa rin siyang reply.
I texted for the last time:
Meet me na lang sa main grounds. Text ka pag malapit ka na
Nagse-send naman mga messages ko, pero di talaga siya nagre-reply.
Napagdesisyunan kong manood na lang ng mag-isa. Bakit kaya hindi agad sumasagot si Nessie? Di naman siya ganito dati. Siguro masama pakiramdam at di agad makasagot.
Naglakad ako papunta sa main grounds. Dito located ang isang mahabang driveway leading to the main university building, na nagsisilbing admin and staff offices. Dito pumapasok ang lahat ng estudyante ng university patungo sa kani-kanilang mga college buildings.
Sakto lang ang pagdating ko. Kahit puno na ng tao, nakausad pa rin ako sa harap kung saan kita ko ang mga naglalakihang lanterns na may mga ilaw.
Bawat lantern ay sponsored ng iba-ibang colleges. Hindi ako disappointed sa lantern ng College of Business and Finances. Isang malaking parol ang ginawa ng BS Commerce na gawa sa recycled materials at naiilawan sa loob ng mga dilaw na bumbilya. Habang dumadaan ang lantern float namin, I smiled at the sight of it.
Sana nandito rin si Nessie para mamangha kami pareho. For the last time, I checked my phone. No text from her.
Kumuha na lang ako ng pictures ng mga lantern floats. After an hour or so, natapos ang parada at nagsimula na ang fireworks display.
Masayang sumisigaw ang mga estudyante at iba pang mga dumalo sa Paskuhan. Nagliwanag ang gabi sa mga fireworks na tiyempong nagpapakita kasabay ng mga tugtuging pamasko. For a while, nakalimutan ko si Nessie at naramdaman ang kasiyahan sa aking nakita.
Nang matapos na ang fireworks display, kanya-kanya nang lakad ang mga tao. I decided to call it a night. Lumabas ako ng uni at sumakay ng jeep pauwi sa amin.
Agad akong nakarating ng bahay. Tahimik na ang buong salas nang pumasok ako. Siguro tulog na sila mommy at daddy, pati na rin si Kuya Venson.
Nag-ayos lang ako saglit sa banyo, gaya ng pagsisipilyo at paghihilamos. Pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto.
Pagkabihis ng pantulog, I turned on my portable wi-fi and checked my social media accounts. Nagulat ako nang may chat pala si Nessie sa akin, mga bandang 5:35pm.
BFF, sorry, di ako makakasama ngayon sa Paskuhan. May Ask Me Anything akong gagawin sa Twitter. Nasa laptop ako, yung phone ko ay tuluyan nang nasira, huhu luma na kasi. May fanpage at Twitter na kasi ako at admin ko gumawa nito. Reader ko pala siya, she's also from our school. Aside from you, siya rin nakakaalam ng identity ko sa Wattpad.
Napakunot ako ng noo. Bakit ba ako di bumili ng load at nag-online kaagad?
Sorry ngayon ko lang ito nabasa. Ganun pala. Panay text ko sa iyo. Ngayon lang ulit ako nag online gamit ang wi-fi. Naubusan kasi ako ng data at di agad nakapag-load.
Iyon lang ang nasabi ko. Ayoko nang manumbat pa, dahil kasalanan ko rin at di ako nag-load nang maaga.
Tinignan ko ang Twitter account ni Nessie, kung saan kami naka-follow sa isa't isa as our Wattpad persona. Ngayon lang ulit ako naka-log in sa Twitter.
Totoo nga, nag Ask me anything si Nessie, gamit ang hashtag na #AskEissenV.
Ang daming nakilahok sa activity niya. Isang buong hilera ng Twitter niya ay puro replies niya sa mga tanong.
Mas lalo ako nagulat sa followers ni Nessie sa Twitter. 10K followers.
Wow, peymus na nga si BFF.
Naisip kong mag-check ng Wattpad account niya.
Noong huli kong nakita ang stats ng "Magic Diary", 70K reads lang ito. Ngayon, after a month, nasa 500K na?
Kinumpara ko ulit ito sa reads ng story ko. 60K or so reads na ang "My Love From The Past."
Nagpasya na akong mag-log out at matulog. Pinilit ko na pumikit, pero ang ingay ng aking isipan.
Naiinis ako for no reason. Hindi ko alam kung bakit. Ayoko na itong pansinin, but I can't help it.
Si Nessie ang nag-aya sa akin manood ng Paskuhan, but she flaked out on me para sa Ask Me Anything session niya. Kung desidido siyang makasama ako, sana naki-text siya sa iba para sabihan ako na di siya makakasama.
Ang bilis sumikat ng story ni Nessie, habang usad-pagong ang reads ko. Ako yung mas matagal na nagsusulat, pero baguhan lang si Nessie at mukhang umuusad na ang pagiging writer niya.
Kailan kaya ako magkakaroon ng big break sa pagsusulat?
At ano kayang ginawa ni Nessie para mapansin ang story niya?
Nagsisimula ko nang maramdaman na may nagbabago sa aming friendship. Sana mali lang ang hinala ko. Sana overthinking lang ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top