6-That Nagging Feeling

Simula na ng second sem. Nagkita ulit kami ni Nessie sa school at patuloy lang ang buhay estudyante. Nag-uusap pa rin kami tungkol sa aming buhay manunulat sa Wattpad. Hindi na kami magkaklase sa ibang subjects, but we make sure to meet after class and to send messages.

"Venny, tignan mo oh! May post ulit ang Watty Love fanpage tungkol sa story ko!"

Napalingon ako nang nakita kong mabilis na naglalakad si Nessie papalapit sa akin. Nasa library ako at nagbabasa for a short test. I texted her after my class ended earlier kung nasaan ako, kaya dito siya dumiretso.

"Patingin nga," nakangiti kong sinabi.

Naupo sa tabi ko si Nessie sabay abot ng kanyang phone.

Watty Love PH

"Dear Magic Diary,

Sana makasayaw ko si Paolo sa prom night!

Nangangarap, Pinky"

Nabasa niyo na ba ito, mga Ka-Watty?

"Nakakatuwa, iyan na ang pangatlong status ng fanpage na iyan about my story!"

Tinignan ko si Nessie. Hindi maikakaila ang kinang sa kanyang mga mata at ang wagas niyang ngiti habang kinakausap niya ako.

"Whoa, paano kaya nila iyan nalaman? Kilala mo yata yung admins eh!" Biro ko.

"Hindi ah! Di ko nga alam may ganyang fanpage, tapos 500K likes na! Whoa!"

Halata ang kilig sa tono ng boses ni Nessie. Hindi iyong tipo ng kilig dahil sa crush, kundi dahil mukhang may magandang bagay na mangyayari.

"Siguradong mas mapapansin story mo," I smiled.

"Uy, kapag may published book na ako, ikaw ang unang-una magkakaroon ng autograph!" Masayang nangako si Nessie.

"Oo ba, basta libre mo sa akin ibibigay!" Biro ko.

"Uy, dapat magbayad ka pa rin!" Sumimangot si Nessie.

"Joke lang! Siyempre magbabayad ako for 10 copies! Tapos ipapamigay ko," wika ko.

"Of course, may autograph ko iyon!"

Buti na lang at nakikita kong masaya si Nessie. Nag-aalala kasi siya sa grades niya noong last week. Thankfully, di naman siya bagsak doon sa iba niyang subjects. Pasado pa rin.

"Halika na, merienda tayo," pag-aaya ko.

Lumabas na kami ng school at bumili ng cheese sticks sa labas. Habang nakatayo kami at kumakain, tinignan ulit ni Nessie ang phone niya.

"OMG, naka-70k reads na ang Magic Diary!" Halos mapasigaw na si Nessie habang nakatitig sa phone.

I looked over her shoulder. "Oo nga noh! Uy, libre kita. Manong, tatlong piraso pa po ng cheese sticks," wika ko.

Naghanda na ang tindero ng 3 pirasong cheese sticks, na binayaran ko. Inabot ko ito kay Nessie at sinabing, "BFF, libre ko na. Congrats, magiging peymus ka na!"

"Thank you!" Ang laki ng ngiti ni Nessie nang kinuha niya sa akin ang carton ng cheese sticks. Kinagat niya ang isa dito at sinabing, "Sarap nito! Libre kasi!"

Pareho kaming natawa.

"Pag naka-one million reads ka, bibilhin ko lahat ng paninda ni manong!" Masaya kong biro.

"Uy, okay na ko sa reads ko ngayon! Huwag na aabot sa one million reads, kasi lugi si manong sa atin!" Sinagi ako ni Nessie sa tagliran sabay tawa.

"Kaya sagot ko balang araw ang milk tea date natin!" I smiled.

"Samahan mo na ng pizza at chicken wings!" Sagot ni Nessie.

"Naku, malulugi ako sa iyo dahil diyan sa one million reads blowout wish mo!" I jokingly rolled my eyes at her.

"Eh di sagot ko sushi date natin doon sa inaasam mong resto!"

Inakbayan ko ang aking BFF at masaya kaming naglakad pauwi.

---

Kinagabihan, nag-chat sa akin si Nine.

Je Nine

Gurl, magkalapit na tayo ng school! Kakalipat ko lang for my second sem! Halos one walk away lang ako from the u-belt.

Halos mapanganga ako nang makita ko ang message niya sa akin. I answered immediately:

Venny Gale

Wow, sana magkita tayo! One year na noong huli tayong magkita, sa Wattpad Meet Up pa.


Je Nine

Sure, dadalaw ako sa iyo. Ipakilala mo sa kin yung friend mo, si author ng "Magic Diary". Pumapalo story niya ah

Nanahimik ako. I bit my lip and thought of a reply.

Venny Gale

Nabasa mo story ni Nessie?


Je Nine

Pahapyaw lang, tapos sa ending. Di ko tinapos. Ang jeje 😂😂😂

Ooops, friend mo pala siya, sorry na

Venny Gale

Okay lang. Pero sana, sumikat din story ko, noh? Para ma-publish kaagad. Ilang taong nang inaamag story ko sa Hisfic section lol


Je Nine

Internal eye roll... naku, di hamak na mas maayos ka magsulat. Why would you want to be her?

Venny Gale

Sorry na 😂 sige, goodnight

Tinapos ni Nine ang chat nang magpadala siya ng isang sticker ng natutulog na bunny.

I logged out of FB. Naisipan kong mag-scan ng Wattpad story ko.

As of now, "My Love From The Past" gained 59K reads.

Tinignan ko ang story ni Nessie.

80K reads. Kaninang hapon, 70K lang ang reads ng "Magic Diary".

I logged out of Wattpad and checked Facebook once again. Dumayo ako sa Watty Love PH fanpage.

Halos karamihan ng post ay tungkol sa "Magic Diary" na isinulat ni Nessie.

We want a Paolo Pineda para sa aming Pinky Emmanuel! Only Magic Diary readers know!

Ang gwapo ng portrayer ni Paolo! Bagay si Marko Esquivel, di ba?

Artista si Marko Esquivel. Siya ang celebrity crush ni Nessie. Ka-loveteam nito si Jessica Salvador, na portrayer ni Pinky.

Puro "Magic Diary" ang posts ng Watty Love PH. No wonder, sumisikat na story ni Nessie.

Napapikit ako at naramdaman na ang eye strain. I logged out and shut down my laptop for good, tapos pagod na nahiga sa kama.

I finally realized that nagging feeling within me. Parang nangangati ka at gusto mo kamutin, pero di mo magawa.

Bakit ganoon, mas sumisikat kaagad ang mga "jeje" na stories kaysa sa mga maayos ang pagkakasulat?

Am I a bad writer? Bakit di ako napapansin ng fanpage na iyon? Why am I not getting the reads I want?

Sa tinagal-tagal ko sa Wattpad, ngayon ko lang ito naramdaman.

Pero ayokong magpalamon sa mga ganitong isipin. Lalo na at gusto ko lang maging masaya para sa aking kaibigan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top