4-Cringey
"Venny, ang cutie pala ni Mysterious Knight! Yeee!"
Nasa classroom kami ngayon at naghihintay ng prof na paparating. Katabi ko si Nessie na di mapakali sa kilig. Kumikislap ang mga mata niya habang nakatitig sa screen ng kanyang phone. Lumingon ako at nakita ko na naman ang picture ng Wattpad writer na si MysteriousKnight na ilang beses ko nang nakikita sa Facebook newsfeeds mula noong Friday night last week.
"Oy, kulang na lang gawin mong wallpaper iyan," pang-aasar ko sa kaibigan.
"Ito na nga oh, wallpaper ko na!"
Pinakita ni Nessie ang kanyang phone screen, kung saan nakalagay na nga ang picture ni MysteriousKnight, without the face mask. "Ayan, may inspiration na ako sa pagsusulat!"
"Uy, si Mysterious Knight oh!"
Dumaan ang isa naming kaklaseng babae sa likuran at nakita ang phone screen ni Nessie.
"Fan ka pala ni Mysterious Knight?" Tanong ng classmate namin.
"Hindi naman, bet ko lang siya kasi gwapo!" Masayang tugon ni Nessie.
"Naku, bandwagoner na naman," ismid ng aming kaklase sabay lakad papalayo.
Di ko mapigilan ang sarili ko sa pagtawa.
"Oh, ba't ka humahagikgik diyan?" Sumimangot si Nessie.
"Cute mo kasi!" Ngisi ko.
"Bakit, dapat ba basahin ko yung story niya na College from Hell para masabi na fan ako? Eh kung nakukyutan lang ako talaga eh! Besides, di ako nagtagal sa pagbabasa ng story niya. Akala ko horror thriller, tapos noong ini-scan ko yung mga last chapters, love story na pala! Sana next time, gumawa siya ng kwento na kasing cute ng mukha niya!"
Ngumuso si Nessie. Nakita ko na lang na pumunta siya sa gallery section ng phone niya at dinelete ang picture ni MysteriousKnight.
"Oh kay bilis naman maglaho ng pag-ibig mo sinta, daig mo pa isang kisapmata..." pabiro kong kinantahan ang kaibigan.
"Ayoko na diyan kahit cute siya!" Nessie pouted na parang batang inagawan ng candy. "Pag ako naging peymus, mas lalagpasan ko siya!"
Doon na ko tuluyang natawa. Napahawak ako sa aking sikmura habang tumatawa dahil di ko na mapigilan ang aking sarili.
"Huwag mo 'ko tawanan, bruha!" Piningot ni Nessie ang aking tenga. Nahampas ko tuloy ang braso nito.
"Aray!" Nessie winced and threw me a dagger look.
"Pag naging peymus ka, I will ship you with MysteriousKnight!" Pinunasan ko ang aking mata dahil halos mangiyak-ngiyak na ako sa pagtawa.
Hindi ko lang masabi out loud, pero ang cute magalit ni Nessie. Oo, madali siyang magka-crush, pero hindi naman nagtatagal.
---
Isang buwan ang lumipas. Patuloy lang ako sa pagsusulat ng sequel sa aking hisfic story, at pinagsasabay ko na rin ang pagbabasa ng story ni Nessie. During the day, pumapasok kami at nag-aaral, habang sa gabi naman, magka-chat kami while updating our own stories or reading on Wattpad. Doing well naman ang aking story, dahil bumalik ang mga dating readers ng My Love From The Past.
Hindi ko lang masabi, pero habang tumatagal, nagiging cringey na ang story ni Nessie na Magic Diary.
Dear Magic Diary,
Ang saya ko noong prom night! Ayeeeee! nakasayaw ko si paolo at nalaman ko na crush din niya ako! Sana next time, ayain nya ako mag date! Sana manood kami ng latest kathniel movie!
umaasa, pinky ^O^
Luh, nasaan na ang proper capitalization? Nasabihan ko na si Nessie ah.
Napailing tuloy ako.
Naka-twenty three chapters na si Nessie sa story niya, pero halos wala pa rin improvement sa plot. Basically, it's just about Pinky squealing in her magic diary. Magsusulat siya, mangangarap, tapos kung ano yung sinulat niya, matutupad na wish kinabukasan.
Nagdadalawang-isip tuloy ako kung sasabihan ko ba si Nessie na ayusin ang pagsusulat niya. Sensitive kasi siya, baka magalit at masamain kahit mabuti naman intention ko.
So, I just closed her story. I was about to log out when my eyes darted on the stats of Magic Diary.
21K reads, 8.5K votes, 23 parts
Halos mahulog na ako sa upuan nang makita ko ang kanyang stats. Ganoon lang siya kabilis nagkaroon ng reads?!
Anyway, ganoon naman talaga dito sa Wattpad. Sometimes, yung mga teeny-bopper stories ang may maraming reads, dahil maraming batang audience.
I just shrugged it off. Pagka-log out ko sa Wattpad, I browsed Facebook for a while.
Uy, nabasa niyo na ba ang diary ni Pinky?
Kumunot ang noo ko when I saw this status update from a Wattpad-related fanpage.
Di ba story ito ni Nessie?
I checked the comments.
Ano pong story?
Uy, binabasa ko ito ngayon, cute ni Pinky!
Title pleaaase!
May link na nilagay ang page admin sa comment.
Read this!
Magic Diary by eissenv
Naku, baka kung ano masabi nila sa story ng aking kaibigan.
Agad kong kinopya ang link sa status at chinat ko kay Nessie sa Messenger.
Venny Gale
Nessie, they're reading your story. Paki-ayos yung capitalizations ng mga pangalan at bawasan mo yung "ayeeee". Tapos, lagyan mo ng problem at paano mao-overcome ni Pinky.
Naghintay ako bago makita ni Nessie.
Sure enough, nag-seen na siya sa message ko.
Nessie Vargas
OMG, napansin ito ng Watty Love fanpage! 😱
Venny Gale
Kaya nga, ayusin mo para di ka mapuna ng new readers
Nessie Vargas
Gurl, di naman ako writer eh, alam naman nila iyon. Nasa bio ko nga, my stories are imperfect, kayo bahala magbasa lol
Venny Gale
Kahit na, basta tandaan mo, mas maganda pa rin basahin maayos na story 😉
Nessie Vargas
Okay, aayusin ko pag tapos ko na. Thanks for reminding me!
Hindi ko na siya sinagot pa. Nag-log out na lang ako sabay shut down ng laptop.
I walked over to my bed at nahiga na. My eyes are heavy, but my thoughts won't put me to sleep.
Nessie is starting to get noticed on Wattpad. Sana seryosohin niya advice ko na ayusin niya ang kanyang pagsusulat. You'll never know kasi kung sino makakapuna. Baka sabihan siya ng masasakit na salita.
It's best to know it from me, kaysa sa ibang tao niya marinig. Kung alam niya lang, may mga ayaw sa Wattpad dahil sa mga klase ng stories na nagiging kilala at napu-publish from the site. Akala nila, lahat ng stories sa website ay basura, without knowing na maraming undiscovered gems na magagaling magsulat.
Sa tatlong taon ko dito sa Wattpad, ito ang aking nalaman.
Other stories get published because they reached the million-reads mark at maraming followers. Pero di lahat nito, matatawag mo na "masterpiece". Ang nakakalungkot, iyong mga writers na dapat mabigyan ng attention at opportunity ay palaging nalalagpasan in favor of popularity. Syempre, pipiliin nila kung saan sila kikita.
"Wattpad used to be okay, until publishers and money entered the picture", ika nga ng friend ko na si Nine. Hindi sa di okay ma-publish dahil sa Wattpad, may mga deserving writers naman talaga sa opportunity na gawing book ang novels nila. Pero minsan, andoon din ang abuso, hindi lang ng pub companies, kundi pati na rin ang mismong writer. Basta na lang nagpupublish ng libro for the sake of being published, sabay taas ng presyo ng libro for profit.
Hindi sa inaasahan ko na ma-publish si Nessie. Gusto ko lang siya mag-improve at makita ng readers ang best writing niya.
Pero naisip ko, di ko na siya sasabihan pa. Siya na bahala kung makikinig siya sa akin or hindi.
It feels futile when you want to help a friend but your advice falls on deaf ears.
A/N: Walang pinapatamaan dito na story o writer. Mga insights lang ito na nakikita ko over the years from other people na nasa Wattpad.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top