3: Starting a Sequel

"Uy Nessie, ang dami mo nang reads sa Magic Diary! 10 parts pa lang pero 5,000 views na!"

Kasalukuyan kaming naglu-lunch dito sa cafeteria habang pinag-uusapan namin ang aming mga stories at buhay sa Wattpad.

Nahihiyang ngumiti si Nessie at sinabing, "Wala iyan, Venny. Mga napapadaan lang iyan sa story ko. Puro silent reads nga eh."

"Achievement na iyan! Tuloy mo lang pagsusulat, BFF! Teka, spoiler naman, magiging sila ba ni Paulo?"

Tinutukoy ko ang bida sa Magic Diary, si Pinky, at ang kanyang crush na si Paolo.

"Secret!" Natawa si Nessie, yung para bang may tinatago siyang sikretong malupit.

"Sige na, sabihin mo na!" Udyok ko.

"Basta, watch out!"

Natawa na lang ako. Si BFF talaga, super secretive basta story niya ang pinapag-usapan.

"Siya nga pala, magsusulat na ako ng sequel for My Love From The Past". I can't help but smile nang binalita ko ito.

"Talaga?!" Nanlaki ang mga mata ni Nessie. "Kailan mo ipo-post?"

"Baka next week. Pero may plot na ako. Basta, magugustuhan mo," I winked at her.

"Spoiler please! Puhleaaase!" Nag-puppy dog eyes si Nessie sa akin.

"Nope, no spoilers!"

"Basta, aabangan ko iyan ah!"

Tinignan ko si Nessie, and nakita ko ang kanyang ngiti sa akin, na alam ko ay sign of encouragement.

That's what I like about our friendship. We just encourage and cheer for each other. Sana ganito lagi.

---

Excited akong umuwi sa bahay. Mamaya ay ita-type ko na ang first chapter para sa sequel ng aking Hisfic story.

My Forever Love naman ang title nito. Dito sa kwento ay makikilala ng bidang babae na si Charina ang isang lalaking kamukha ng time traveler na si Heneral Antonio Santander.  Pero iba na itong katauhan. Dilemma ngayon para sa babae kung umiibig ba siya dito dahil kamukha lang ng past love niya or mahal niya ito bilang siya, si Tony Marc Herrera.

Syempre, andon ang anggulo na ninuno ba ng kamukha ni Heneral Santander yung bidang lalaki.

Masaya akong dumiretso ako sa aking kwarto at nagbihis ng pambahay. Saglit akong nag-inat at pagkatapos ay binuksan ang aking laptop. Naupo na ako sa harap nito, binuksan ang word processor app, at nagsimula nang magtipa habang sinusundan ang daloy ng aking malawak na imahinasyon.

Ito na iyon, ang pinakaaabangan na sequel ng aking Hisfic story! Sana magustuhan ng readers!

I checked the word count after typing for quite some time. Nakaabot na pala ako ng 1,300 words. Pwede na ito for Chapter 1. Yung isang ideya, sa Chapter 2 na ito.

May narinig akong katok sa labas ng aking kwarto. Tumayo ako kaagad at binuksan ito.

"Bumaba ka na, Venny. Maghahapunan na tayo."

Nasa harapan ko ngayon ang aking nanay, na may bakas pa ng make up sa mukha kahit nakapambahay na ito. Nagtatrabaho siya bilang isang accountant sa bangko.

"Ma, sige po," ngiti ko sa kanya.

Nakita ni mama ang ilaw mula sa aking laptop. "Assignment ba iyan tinatype mo?" Mahinahon niyang tanong.

"Ah, hindi po. Para po sa new story ko." Medyo nakaramdam ako ng hiya nang sinabi ko ito.

Tumango lang si mama at ngumiti. "Okay lang mag-Writepad ah, basta huwag kakalimutan ang pag-aaral! Dean's lister ka pa naman!"

"Ma, Wattpad po," di ko mapigilan na matawa.

"Whatever! Basta, 'pag nagkalibro ka na, pa-autograph!" Biro ni mama.

"Opo, kayo po ang una sa pila!"

Ngumiti si mama at sumunod na ako pababa.

Matagal na niyang alam na nagsusulat ako sa Wattpad, at cool lang siya dito. Alam niya kasi na hilig ko na ang magsulat ng stories dati pa.

Ang totoo niyan, nasa student publication ako noong high school days ko. Contributor ako ng news articles at short stories. Ngayong college lang ako di nakasali.

Magsi-sign up na sana ako for the official school publication, pero nahiya lang ako at naintimidate sa panel na magbabasa ng written works ng aspiring staff members. Paano ba naman, may prof na Palanca Awardee, isang kilalang student blogger, at yung istriktong Literature prof! Kaya nag-back out ako. Pakiramdam ko kasi, baka gisahin nila ang sinulat ko during that time, na tungkol sa pagiging freshman sa college.

So bye, student pub dreams.

At least, may Wattpad, and I can write anything without fear.

---

Agad akong bumalik sa pagtitipa ng Chapter 2 pagkatapos ng aming hapunan. Kami lang ni Mama ang kumain; di pa nakakauwi si Papa sa kanyang overtime work sa trabaho at ang Kuya Venson ko naman ay nasa seminar sa Baguio. Yes, may kapatid ako. Twenty-three na si Kuya Venson at nagtatrabaho sa isang digital start up bilang isang developer.

Naupo na ako sa harapan ng laptop at nagsimula na ulit mag-type. Dire-diretso ko itong ginawa at nang matapos na, hinati ko na lang ito sa Chapters 2 at 3.

Pwede na ito, naisip ko.

I scanned what I wrote and felt contented with it. Sa weekend ko na itutuloy, para limang chapters agad maipo-post ko. Gawain ko kasi na mag-ipon ng dalawa hanggang limang chapters tapos doon ko lang iu-upload sa Wattpad.

I called it a night, and shut down my laptop.

I checked my phone for social media updates bago matulog. Pagka-online ko gamit ang data, agad nag-pop ang notifications sa Messenger.

Si Nine pala ito, na nakilala ko dahil sa Wattpad. Siya pala gumawa ng book cover para sa My Love From The Past.

Je Nine:

Uy, nabalitaan mo ba? Nag-face reveal na si MysteriousKnight! Ayun, di natuwa mga babaeng fans niya.

Kasunod noon ay isang picture ng lalaki na magkatabi ang before, na may face mask na itim, at after, na isang selfie.

Maputi naman yung lalaking si MysteriousKnight, at sabihin na natin, may itsura naman. Matangos ang ilong at makinis.

I answered Nine:

Venny Gale:

Bakit naman di natuwa mga fans niya?


Je Nine:

Akala nila mukhang artista eh, lol

Sumagot na lang ako ng cry laugh emoji ng tatlong beses.

Tsismosa talaga si Nine oh. Sa akin, wala naman akong pakialam sa itsura ng author. Di naman masama mukha ni MysteriousKnight, pero bakit big deal sa mga fans niya ang itsura niya?

Habang patagal ng patagal, nagiging showbiz na ang Wattpad community. Dati, wala naman paki kung ano itsura ni Author, basta maganda ang story niya.

Ito ang dahilan kaya nakakatakot maging sikat. Imbes na makilala ka for your stories, gagawin isyu pati itsura.

Buti na lang tahimik akong nagsusulat at nag-e-enjoy. Sumikat? No, thanks. I write here to share ideas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top