22-Rewriting my life story
"VennyG, trending pag-alis mo sa Wattpad."
Ito ang bungad sa akin ni Nine sa Messenger.
"Final decision na ito."
I hit send and waited for Nine to reply. She answered later:
"Paano mga fans mo? Tignan mo MB mo, flooded ng messages, mga nagmamakaawa na bumalik ka, na huwag kang umalis. Trending ka rin sa mga Wattpad fanpages dito sa FB."
"Wala na ako paki," I replied.
Nagpadala sa akin si Nine ng screenshots.
Lima nito ay mula sa MB ko sa Wattpad.
Miss A, whyyyyy? Bakit ganoon, mahal na mahal ko pa naman stories mo.
Ate, wag po kayo umalis sa Wattpad.
Isipin niyo rin po kaming mga nagmamahal sa stories mo at sa inyo, please don't quit.
Mahal ka namin, Ate Venny. Huwag kayo umalis.
Halos magkakapareho ang mga mensahe, pero may isa na nakapagpaluha sa akin:
Please don't do this to us, Ate Venny. Hindi porke't nagkamali ka sa first published book mo, ay magpapatalo ka sa mga sasabihin ng iba sa iyo. Ako yung isang umorder at di ko nakuha yung book, pero nakuha ko na yung refund. Aaminin ko, disappointed po ako sa nangyari, pero it doesn't mean di ko na kayo bibigyan ng chance. Marami pong naniniwala sa kakayahan niyo. Maghihintay po ako kung magbabago pa isip niyo. I'm always here for you.
Nabitawan ko ang aking phone sa kama at sinalo ko ang aking mukha. Tahimik akong lumuha.
Ang totoo, mahal ko rin ang aking mga mambabasa. Mahal ko pa rin ang pagsusulat.
Pero sa lagay ko ngayon, hindi ko na kaya itong balikan pa. Naupos na ang passion ko dahil sa sunod-sunod na mga pangyayari. Napagod din ako.
Sinisisi ko ba si Nessie?
After much thought, I realized that I blamed myself the most. At first, I was thinking if I am a bad writer for not getting a lot of reads the way Nessie did at first.
I wished to be like her. But when my wish came true, mas naging miserable ako sa mga nangyari. Hindi ko control ang mga naganap, pero sa pag-react ko sa bigla kong kasikatan, gaya ng pagpayag na ma-publish ang story ko, doon ako nagkamali. Nagmadali ako sa aking desisyon. Akala ko, worth it na i-publish ang aking kwento dahil may one million plus reads na ako.
Hindi kasikatan ang basehan kung ikaw ay magaling na manunulat. Siguro, swertihan lang din na marami kang readers. Pero may pangit din na mukha ang pagiging kilalang writer, gaya ng immature fans. Yung mga nagco-comment ng characters ni Nessie sa stories ko at mga nakikipag-away sa FB para lang ipagtanggol ang paborito nilang manunulat ay dalawang halimbawa. Ayoko ng may mga ganoon akong mambabasa.
Sa kakahangad ko ng kasikatan, di ako naging thankful sa kung anong mayroon ako dati pa, gaya ng appreciative readers.
Pinunasan ko ang aking mga luha, at tinignan ko ang aking phone. May iniwan sa akin na mensahe si Nine.
"Alam ko rinding-rindi ka na sa mga ganap. Naiintindihan ko readers mo kung ayaw ka pa nila na umalis. Naiintindihan din kita kung quits ka na sa Wattpad. At susuportahan kita whatever your decision is."
"Just don't kill it completely. You have touched a lot of lives with your stories, remember that. Kung makabalik ka man o hindi, learn to live with your decision. Find the real you, hindi yung Venny na naiinggit at atat sumikat, kundi si Venny na nakahanap ng real joy, sa pagsusulat man iyan o sa kahit anong aspect ng buhay mo. The VennyG who freely shares her gifts with others, because she wants to uplift and make them smile, even in a small way."
I smiled through my tears. I started typing and this was my response.
"Can I hug you right now? Thank you for the kind words. Wala na akong masabi."
"Ito hug! Cheer up na, huwag na tayo maging tanga sa susunod."
Napangiti ako sa sinabi ni Nine.
"Oo na, quotang-quota ka na sa kakasabi na tanga ako!"
---
I deactivated my FB and Twitter accounts for my Wattpad persona, para na rin sa ikatatahimik ng isipan ko. Inisip ko kung tatanggalin ko rin ang aking Wattpad account, pero huwag na. Kahit wala nang stories na naka-publish, I will keep it open for readers who want to post sa aking bulletin board.
I promised myself that I will look at it again kapag kaya na talaga ng aking kalooban. Sa ngayon, I will rebuild my life and try to find happiness. Hindi sa iniwan ako nito, kundi gagawa ulit ako ng panibagong buhay, na dala-dala ko na ang aking mga natutunan sa pamamalagi sa Wattpad.
During the first few days, tinitignan ko pa rin ang confession pages for anything said about me, bilang si VennyG. May mga nalulungkot na readers, and some were just bashing me.
Kahit ang daming puri sa iyo, may tatatak talaga sa isipan mo, at yun ang mga negative words.
But I don't have to define myself sa mga konting masasakit na salita na nakikita ko online. Oo, masakit makita na sinasabi nila na "buti na lang nag-quit siya, wala siyang kwentang writer," o "deserve ko raw ang di na bumalik sa pagsusulat".
Ika nga ng lumang kanta, Nosibalasi. Sino ba sila? Buti na lang, narinig ko ang kantang ito sa radyo noong isang araw, and dumikit na ito sa aking isipan.
Simula ngayon, bubuuin ko na ang aking sarili, at babangon mula sa mga pagkakamali.
Hindi ito mangyayari overnight, alam ko iyon. But I know that one day, I will find real joy. Not because I'm "peymus" at maraming fans, kundi dahil pinili ko maging masaya, at kaya ko maabot ito at ibigay rin sa ibang tao.
---
Hindi ko agad napansin na Disyembre na pala. Nag-sink in lang sa akin when I got a text from Eri.
"Venny, Paskuhan tayo next week!"
Without second thought, pumayag ako. Naalala ko noong isang taon, na si Nessie dapat kasama ko, pero hindi natuloy.
Maybe it's time to create new and happier memories. Yes, it is.
When Paskuhan week came, masaya kaming nanood nila Eri at Trixie ng lantern parade. Pagkatapos ay nagkayayaan kami sa isang fast food joint para kumain.
"Hala, bakit ka nag-quit na sa Wattpad?!" Nanlulumong tanong ni Eri sabay kagat ng French Fries.
"Ayoko na," I smiled sheepishly at kumagat sa burger ko.
"Wala na sila General Santander!" Trixie whined.
"Bakit mo ito ginawa sa amin?!" Kunwaring umiyak si Eri sabay sandal sa balikat ni Trixie.
"Don't worry guys, hahanapin ko lang sarili ko."
"Ano yan, boyfriend mo si Wattpad? Tapos nakipag-break ka? Uy, three month rule lang ah, tapos go, go, go ulit!" Natawa si Eri sa naisip.
"Parang ganoon na nga," I grinned. "Pero ayoko na munang magsulat."
"Whatever happens, andito kami. At kung bumalik ka man, siguradong susuportahan ka pa rin namin, pati ng fans mo," Trixie assured me.
"Salamat ah."
Napangiti ako sa kanila. This time, isa itong ngiti na wagas.
Ready na akong harapin ang mga susunod na yugto sa aking buhay. I cannot rewrite the past, but I will start my story again. I'll make sure it will be a good story to tell.
A/N: "Nosibalasi" by Sampaguita is very timely in this day and age sa Internet. Para ito sa mga mahilig mambash na wala namang basehan.
Para rin ito sa mga mahilig mag-comment ng ibang stories at characters ng ibang authors sa mga similar genre stories na nababasa nila. But seriously, let's not do this to other authors. Friendly paalala lang. 😊
To be honest, muntik na akong mag-quit because of immature readers. But I realized, "sino ba sila?" Kilala ko sarili ko, and I'll write away, without giving a lot of weight to what others say. If ever, it's for my own improvement.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top